Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 31 - Chapter 29

Chapter 31 - Chapter 29

Chapter 29: Awkward Moment

Lie's POV

"What happened to your eyes bébé?" tanong ni Kuya Loïc pagkababa ko.

Tamad akong tumingin sakaniya."May pinanood lang ako Kuya." pagkasabi ko non ay agad akong pumuntang dining.

"Woah! What happened to you bébé?" amazed na tanong ni Kuya Louis.

I didn't answer him. Nagsimula na akong kumain. Wala na sila mommy dito,for sure maaga silang pumasok sa company.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kila Kuya na papasok na.

*LHA*

Uggghhhh!! Tamad na tamad akong naglalakad papasok ng LHA.

"Good morning,Lie." napatingin ako sa bumati.

"Morning Kayden." tamad kong bati pabalik.

"What happened to your eyes?"yan na naman.

"Wala toh. Napuyat lang ako kakapanood."

"Oh."

When we reached our room,nagulat ako ng may biglang bumagsak sa unahan ko.

"Anong... Anong ginagawa mo?!" sigaw ko.

"Ahh. Hehehe sorry. May kinuha lang ako sa may pinto."nakakamot ang ulo na sagot niya.

"Ano namang kinuha mo sa pinto? Baliw ka ba?"

"Uy grabe ka naman sakin."

Napairap na lang ako. Narinig kong tumawa si Kayden na nasa likod ko. Tiningnan ko siya ng masama.

"What?" natatawang tanong niya.

"Sino yun?"

Pumasok na kami sa loob."Si Keizo yon. Lagi na lang kasi niyang nilalagay yung ballpen o kung anong gamit niya na kasya sa taas ng pinto."

"Seryoso?"

"Yeah."

Baliw din eh.

"Hoy kambal!!"tawag ni Moritz kay Fritz.

"Ano?!"tugon naman ni Fritz.

"Ano na naman tong nilagay mo sa bag ko?" Pfftt. Natawa ako nang inilabas niya ang bato na nasa loob ng bag niya.

"Bobo tayo sa part na yan noh? Bato yan kambal,asan na ba yung utak mo?"

Ayan na ayan na,mag aaway na sila. Hindi ko na lang sila pinansin at naupo na lang sa upuan ko.

"Uy Lie,bakit ganyan ang mata mo?" tanong ni Sebby.

"Wala."

Nagbell na at dumating na si Sir Clyde. Habang nakikinig ay bigla na lang nagpop out sa utak ko ang nangyari kahapon.

"Okay class,magkakaroon tayo ng groupings." di ko namalayan na pangatlong teacher na pala namin ito.

Hinati kami sa limang group.

"Powell, Hernandez, Taylor ,Reed."

"Ma'am sino pong Reed?" tanong ni Jackson.

"Si Jonas."sagot naman ni Ma'am.

"...Sanchez, Jackson, Moritz, Miller."

Whoo!! Kanino kaya ako?

"... Sawyer, Mitchell, Justine, Rogers."

Eeekkk!!! Wala pa din ako?

"...Peterson, Fritz, Flores, Murphy."

"Yown magkasama tayo pre."

"Bakla ka ba?"

"Ulul! Sa gwapo kong toh."

" And lastly Campbell, Lyon, Diaz."

"Yes,magkakasama tayong tatlo."masayang sambit ni Sebby.

"...Brown and Leroy."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ma'am.

Hanudaaaawwww????!!!!

Kagroup namin sila Kayden? Okay lang kung si Kayden eh,pero si Stephane? Myghaaaadddd!!!

Nagtipon tipon na kaming magkakagrupo.

Science kami ngayon at about Volcanoes. Bukas pa naman yung reporting.

"So? Kaninong bahay tayo gagawa ng power point?" tanong ko.

"Kila Maël na lang siguro."suggest ni Kayden.

Nag agree na lang kami.

Natapos ang klase namin at ngayon ay otw na kami nila Sebby kila Stephane para gumawa ng power point.

Nang makarating kami kila Stephane ay tahimik lang ang buong mansiyon nila. Puro maids at guard lang ang nakita ko.

"Let's go. Sa library na lang tayo. Magpapagawa na lang ako ng miryenda natin."sabi ni Stephane.

Tinuro niya samin kung saan ang library kaya dumiretso kami dun.

Bumalik si Stephane na may dalang laptop. Nagsimula na kaming maggawa ng power point.

"Maël,may book ka ba about Volcanoes? Kulang kasi yung nasulat ko eh."tanong ni Kayden.

Tumango naman si Stephane.

"Lie,kuha ka nga ng libro about sa mga parts ng volcano."utos ni Luke

"Bakit ako?"

"Dali na. Wala ka namang ginagawa eh."sabi ni Sebby sabay tulak sakin.

"Hiyang hiya naman ako sayo."

Tinawanan lang niya ako. Umalis na ako dun at naghanap ng libro. Nang mahanap ko na agad ko itong kinuha pero dahil masyado akong maliit at nasa mataas naman ang kailangan kong libro ay pilit ko itong inabot.

Aarrgghhh!! Di ko maabot!!

May naramdaman akong tao sa likod ko at kinuha yung libro. Tiningnan ko kung sino yon at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Aaaaccckkk!!! Naalala ko na naman. Ilang minuto kaming nasa ganung kalagayan.

Awkward.

"What?" masungit na tanong niya. Nilayo na niya ang mukha niya sakin pero nanatili pa rin akong nakatulala dito.

Geez.

Bumalik na ako. Nakita kong nakaupo si Stephane sa tabi ng inuupuan ko. No choice akong umupo sa tabi niya. Para akong may stiff neck dahil hindi ako makalingon sa direksyon niya.

"Lie, bakit nakaganyan ka? Straight na straight ang katawan mo tapos para ka pang may stiff neck sa lagay mong yan."natatawang sambit ni Sebby.

"A... Ahh ano, wala lang t...trip ko lang hehehe."nauutal na sabi ko.

Tinawanan na lang nila ako except kay Stephane.

Manhid ba sila? Charr. Huhuhu!! Tanggalin niyo nga awkwardness na nafifeel ko.

Ilang oras pa ay natapos na kaagad namin ang power point.

"Lie, si Maël na maghahatid sayo ha?" nakangising sabi ni Sebby at nauna nang umalis. Sumunod naman sila Luke kaya naiwan na naman ako kasama si Stephane.

Traydor.

"Hatid mo na ako." masungit kong utos pero may awkwardness pa rin akong nararamdam.

"Utusan ba ako ha?" inis niyang sabi pero pumunta pa rin siya sa kaniyang kotse.

Pumasok na din ako sa loob ng kotse niya.

Kinain ng katahimikan ang loob ng kotse niya. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik pa rin.

"Ahm ano salamat." sabi ko sakaniya.

"Whatever." inirapan niya ako at pinaharurot na ang kanyang kotse.

Wala talagang kwenta.