Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 33 - Chapter 31

Chapter 33 - Chapter 31

Chapter 31:Date?

Lie's POV

Weekend ngayon kaya nakatengga ako dito sa loob ng kwarto ko. Wala naman sila Kuya kaya wala akong pwedeng makasamang mamasyal.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naisipang magbike na lang sa park.

"Nanny Lorie magbabike lang po ako sa may park."paalam ko.

" Oh sige,mag ingat ka."

Nilabas ko na ang bike ko at pinaandar. Nang makalabas ako sa subdivision namin ay biglang may humintong kotse sa harapan ko.

"Ano ba?!!!" sigaw ko. Biglang bumukas ang bintana ng kotse at nakita ko si Stephane sa driver seat.

"Come with me." cold na utos niya.

"What? Ayoko nga." tanggi ko.

He looked at me irritatedly and step out from the car.

Hinila niya ako at sapilitang pinasok sa kotse.

"Problema mo?!" nakakunot noong tanong ko.

Hindi na niya ako sinagot at pinaandar na ang kotse. Ilang minuto pa ay tumigil ito at huminto kami sa isang amusement park.

Whaaaattt?? Amusement park??!!!

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko pagkababa ng kotse.

"Are you serious? Ano pa bang ginagawa sa amusement park?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito at hinila ako papasok ng amusement park.

"Saan mo gustong unang sumakay?" napatingin ako sakaniya na nakatingin din sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Sa roller coaster na lang." naiilang kong sagot.

Hinila niya ulit ako.

Nung makasakay kami sa roller coaster ay bigla na itong gumalaw kaya napasigaw ako pati na yung mga nakasakay maliban kay Stephane.

"WAAAAAAHHHHH!!!!!"

"You okay?" nang aasar niyang tanong pagkababa namin.

Hindi ako nakasagot dahil hilong hilong pa rin ako. Binigyan niya ako tubig kaya agad ko itong kinuha at ininom.

Nakailang rides na kami bago kumain.

"Here." nilapag niya yung burger,fries at tubig sa harap ko.

After we ate,sumakay ulit kami sa mga rides na hindi pa namin nasasakyan.

"Huuuuu!!! Ayoko na!!!!" hinihingal kong daing.

"Sa horror house naman tayo."hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ako.

Tumigil kami sa tapat ng horror house.

Aaaaccckkk!!! Labas pa lang nakakatakot na,paano pa kaya sa loob?

"Let's go." hawak hawak niya ang kamay ko.

"AAAAAHHHHHH!!!!" napatili ako nung may bumulaga sakin na pugot ang ulo.

"WAAAAAAHHHHH!!! Mommyyyyyyy!!!!"

"HAHAHAHA!!!" hindi ko pinansin kung sino yung tumawa pero parang boses yun ni Stephane. Ewan ko.

Napasigaw na naman ako nung may kumapit sa hita ko kaya napatakbo ako at iniwan na sa loob si Stephane.

Nagpupunas ako ng pawis nang lumabas si Stephane.

Mangiyak ngiyak akong tumingin sakaniya. "Balak mo ba akong patayin?!"

"Nope." natatawa niyang sabi.

Napatulala ako sakaniya.

Did he just laughed?

"I...ikaw ba yung narinig kong t...tumawa sa loob?" nanlalaki ang mata kong tanong sakaniya.

"Nah. Baka nagkamali ka lang."tumalikod na siya sakin at nagsimulang maglakad.

I followed him when I saw a booth.

"Stephane! Stephane! Kunin mo yung jibanyan pweeeeaaaasssseeee!!!!"

"What?!"naiirita niyang tanong.

Tinuro ko naman yung booth."Ayun oh. Sige naaa!!!"

"Fine."

Pumunta na kami sa booth na tinuro ko. Nagsimula na siyang maglaro habang ako ay todo cheer sakaniya.

Kailangang maishoot yung mga ring sa mga bottles na nagalaw.

Naubos na yung ring ni Stephane pero iilan lang ang naishoot niya. Dapat kasi lahat eh,bale 5 yung bottles at 3 lang yung naishoot niya.

"The hell!!!" hinila ko na lang siya dahil balak pa atang suntukin yung nagbabantay.

"Tara na. Hayaan mo na lang." nanlulumo kong sabi.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sakaniya." No. I'll get that thing for you."

*Dug**Dug**Dug*

Napahawak ako sa dibdib ko. Anong nangyayari sakin? Bakit ganito ang epekto sakin nung sinabi niya yon?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pinanood ko si Stephane na seryosong seryosong naglalaro.

Napatalon ako nung maishoot niya yung mga ring sa five bottles.

"Waaaahhhh!!! Ang galing moooo!!!" napayakap ako sakaniya pero agad din akong humiwalay.

"Oh anong gusto niyong premyo?" tanong nung nagbabantay.

Tinuro ko naman si jibanyan kaya kinuha niya it at ibinigay sakin.

"Saan naman tayo ngayon?" tanong ko.

"Sa ferris wheel."

Lumakad na kami papuntang ferris wheel.

Nauna akong sumakay sakaniya. Hindi ko pa rin binibitawan si jibanyan.

Tahimik lang kami sa loob ng biglang tumigil ang ferris wheel. Nasa pinakatuktok kami kaya natakot ako, pero agad din yung nawala nung may nakita akong fireworks.

"Wow. Ang ganda." sambit ko.

"Yeah. Beautiful." napatingin ako kay Stephane.

We're just staring at each other. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at pumikit.

I stiffed when I felt his lips to mine.

Napapikit na rin ako at nagrespond sa halik niya.

1

.

.

.

.

2

.

.

.

3

.

.

.

4

.

.

.

5

.

.

.

6

.

.

.

7

.

.

.

8

.

.

.

9

.

.

.

10

Umabot ng ten seconds ang halik niya. Nung humiwalay siya ay tsaka lang ako naghabol ng paghinga.

Ramdam kong namumula ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin at napakagat labi.

Naramdaman ko na lang na bumukas ang pinto ng ferris wheel kaya napalabas ako.

"Let's go. Ihahatid na kita sainyo." hinila ulit ako ni Stephane.

Habang nasa byahe kami ay di ko maiwasang titigan siya pero kapag lumilingon siya sakin ay agad akong nag iiwas ng tingin.

Why are you doing this, Stephane?

Maël's POV

We're on our way to their house. Ramdam kong tinititigan niya ako,at sa tuwing lumilingon ako ay tsaka siya iiwas ng tingin.

"We're here." anunsyo ko.

Agad siyang tumingin sa labas at binalik ang tingin sakin.

"Uhm ano,s...salamat." nahihiya niyang sabi habang nakayuko.

"You're welcome."

"Uhh, goodnight." after niyang sabihin yon ay agad na siyang bumaba ng kotse ko at pumasok sa loob ng mansiyon nila.

I'm sorry Lie.