Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 34 - Chapter 32

Chapter 34 - Chapter 32

Chapter 32:Heartbeat

Lie's POV

Monday na ngayon pero hindi ko pa din makalimutan ang sinabi ni mommy sakin pagdating ko sa bahay.

Flashback

"Hey princess,bakit ngayon ka lang?" tanong ni mommy.

"Ahh ano po niyaya po kasi ako ni Stephane na mamasyal sa amusement park." paliwanag ko.

"Oh,ganun ba? Kumain ka na ba?" I nodded.

Nagpaalam ako kay mommy na aakyat na ako.

Habang nakahiga ako sa kama ko ay napahawak ako sa aking dibdib.

*Dug**Dug**Dug**Dug*

Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Hey,what happened to your date?" nang aasar na tanong sakin ni mommy kaya namula ako.

" Mom!! Hindi po yun date."

"Oh,okay. So,anong ginawa niyo?"

Kinuwento ko naman ang nangyari kanina. Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako.

"Base on your story, I think you're in love with him."nagulat ako sa sinabi ni mommy.

Ako? In love?

"Paano mo po nasabi?"

"Your smile, nakangiti ka habang kinukwento mo sakin si Maël. And I see in your eyes that you adore him and love him. I see spark in you."

Napatigil naman ako.

Is it true? I'm in love with him?

"Sleep princess, goodnight. I love you." she kissed my forehead then got out from my room.

Haaaayyy!!! Anong gagawin ko?

End of flashback

Huhuhu!! Ayoko pumasok kaso nandito na ako eh.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng room namin pero nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi?

"What are you doing?" my heart skipped a beat when I heard his voice.

"Ahh w...wala sige p...pasok na ako " dali dali akong pumasok at umupo sa upuan.

Ang lakas na naman ng heartbeat ko.

"Good morning class." bati samin ni Sir Clyde.

"Good morning sir." bati namin pabalik.

Nakatulala lang ako hanggang sa maglunch na.

Pagkatayo ko ay ang biglang paghatak sakin ni Stephane.

"Huy! Saan tayo p...pupunta?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa rooftop.

"A...anong gagawin natin dito?"

He sighed."I know masyado pang maaga para sabihin ko sayo ito at hindi ka pa handa. At alam kong hindi maganda ang naging first meeting natin. I didn't treat you as a woman. And I'm sorry for that. Lie,I'm in love with you. Hindi ako marunong manligaw kaya didiretsuhin na kita. Blanche Ophélie Lyon,will you be mine?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

*Dug**Dug**Dug**Dug*

Stop ka muna kumareng heart este stop ka muna sa pagbilis ha? Dapat normal lang.

"A...ano?"

"Ophélie,will you be my girlfriend? Yes or yes?"

"Wala namang choices dun ah."

"I know. But you can't do anything,but to be mine." nakangisi niyang sabi.

"Mahal m...mo talaga a...ako?"

"Do you want me to prove it?" hindi ako nakapagsalita nang halikan niya ako. Mabilis lang naman at agad siyang lumayo.

"So? What now? What's your answer? The time is ticking, Ophélie."

"S...sige na,o...oo na."

"Really?"

Tumango ako. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

"I can't promise that I won't be able to hurt you. I'm not a perfect boyfriend. But I will make sure that I'll be the best. I love you, Ophélie."he kissed my head again and cupped my face.

I bit my lip."I l...love you t...too."I answered then shifted my gaze away from him.

I heard him chuckled."Let's go. We're going to announce to the section 5 that we're officially a couple."

Namula ako sa sinabi niya.

Nakaintertwined ang mga kamay namin. Habang papunta kami sa pwesto ng section 5 ay napadako ang tingin ko kay Zariah.

She looks hurt. Napahigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Stephane.

"Woah! Ano yang holding hands na yan?" nang aasar na tanong ni Sebby.

"Oy,oy aba umaasenso na ah." mapang asar na sabi ni Jackson.

"Oy boss,bawal yan." sinamaan ng tingin ni Stephane si Justine.

"Guys I have an announcement. Me and Ophélie is...." hindi na natapos ni Stephane ang sasabihin niya ng sumigaw ang section 5 kaya napunta samin ang atensyon ng lahat.

"KAYO NA?!!!" tanong nilang lahat.

"Yes." nakangising sagot ni Stephane.

"WHOOOOO!!! CELEBRATE TAYO!!!"

Umupo na kami. Binigyan kami ni Sebby ng pagkain.

Nagkwentuhan lang sila pero ako ay nanatiling tahimik at di pa rin nagsisink in sa isip ko ang nangyari.

"Hey, what's the problem?" tanong ni Stephane nang mapansing tahimik ako.

"Ahh wala." ngumiti na lang ako.

After ng lunch ay sabay sabay kaming bumalik sa room. Pinalipat din ako ni Stephane sa tabi niya kaya wala akong choice kundi lumipat at iwan sila Sebby.

Natapos ang klase na wala man lang akong naintindihan kahit isa dahil panay ang landi sakin ni Stephane.

"Ihahatid na kita." kinuha na niya ang bag kanyang bag pati na rin ang bag ko.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mailang sa mga tingin ng nadadaanan namin.

Nang makarating kami sa parking ay hinanap na niya ang kotse niya.

"Hey, ako na ang maghahatid sundo sayo. Understand?"

"Huh? Bakit naman?"

"I'm your boyfriend."namula ako sa sinabi niya.

Tumango na lang ako.

"Hey, tomorrow okay? Wag mong kakalimutan." he glared at me.

"Yes sir."nasabi ko na lang.

"Good." he kissed me on my lips and bid his goobye.

Iiiihhhhkkkkk!!! Kinikilig ako!!!