Chereads / I Am His (Completed) / Chapter 32 - Chapter 30

Chapter 32 - Chapter 30

Chapter 30:Hugot Time

Lie's POV

Haaaayyy!!! Ilang buwan na din ang nakalipas at ang masasabi ko lang ay....nag enjoy akong maging part ng section 5.

And guess what?..... Close na close ko na silang lahat. Close ko na din si Stephane, hahahah yung awkwardness na nangyari samin? Kinalimutan ko na  yun. Hindi naman totally na close kami kasi may mga times na hindi kami nagpapansinan.

Hindi ko pa nga nakikita yung ngumiti o kaya ay tumawa. Sabi naman ni Kayden,once in a blue moon mo lang yun makikita.

Marami rin akong nalaman na information about kay Stephane. Ex pala niya si Zariah, remember si M1? Siya yun.

Haaaayyy!! Kawawang Stephane,ginamit lang pala siya. Kung ako lang si Zariah,mamahalin ko si Stephane kahit ganun ang ugali niya.

(A/N: May gusto ka kay Stephane noh?)

Whuuuutttt??!!!! W...wala noh.

(A/N: Ows? Talaga?)

Wala nga.

(A/N: Kdot.)

Hmff. Hindi ko yun magugustuhan.

"Sinong di mo magugustuhan?" tanong ni Sebby.

"Ha? Wala naman akong sinasabi ah."taka ko siyang tiningnan.

"Meron kaya." Bumaling siya ng tingin kay Luke."Luke di ba meron siyang sinabi?"

Tumingin naman si Luke samin."Yeah."

"See?"

"Napalakas ba sabi ko non?"

"Hindi naman. Kami lang naman nakarinig eh."

Hindi na ako nagsalita pa.

Nasa room kami at kasalukuyang walang teacher dahil may biglaang meeting,nag iwan naman yung teacher namin for today ng gagawin.

"Ikaw nga pinagpalit sa malapit!!" napatigil kami sa ginagawa nang biglang sumigaw si Moritz.

"Kala mo siya di pinagpalit!!!" sigaw naman ni Fritz.

Tumingin ako kay Sebby."Anong nangyayari?"

"Ewan ko sakanila. Mukhang maganda yung pinagtatalunan."binatukan ko naman siya.

"Hindi ako pinagpalit noh?!!"Moritz.

"Eh anong tawag mo dun ha?!"Fritz.

"Nafall lang siya sa iba!!"

Sabay sabay kaming napa 'ohhhhh'.

"Hindi siya mahuhulog sa iba kung iningatan mo siya!!!"

"Eh anong magagawa ko?! Hahabulin ko pa?! Kung mahal mo yung tao,pakawalan mo na!!!"

"Mali yung pananaw mo!!! Kung mahal mo yung tao,ipaglaban mo!!"

"Bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo?!"

"Dahil nangako akong mamahalin ko siya!!!! "

"Hindi yun tama!!! Nangako din naman siya sakin na ako lang hanggang huli!!!"

Ouch.

"Alam mo kambal?! Nangako ka rin sakaniya na bibigyan mo siya oras!! Pero anong ginawa mo?! Puro tirang oras mo na lang ang ibinigay no sakaniya!!"

"Oo na ako na ang mali!!! Kaya nga papakawalan ko na siya diba?!"

"Bakit di mo subukang ipaglaban siya?!"

"Ano?! Para masaktan ako sa huli?! Kung sakaniya siya masaya,edi go!! Di ko na siya hahabulin pa!!"

Grabe mga hugot nila sa layf.

"Bakit di mo lang itry?! Malay mo kayo pa din!!"

"Pinagtagpo lang kami pero di kami tinadhana!!!"

"Tayo ay pinagtagpo,ngunit hindi tinadhana,sadyang mapaglaro itong mundooooo🎶🎶"kanta ni Sebby kaya sumabay kami.

"Kinalimutan kahit nahihirapan,para sa sariling kapakanan, kinalimutan kahit nahihirapan,mga oras na hindi na mababalikan. Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana 🎶"

"Tumigil na nga kayo!!!" saway samin ni Moritz.

Tinawanan lang namin siya pero tumigil na kami sa pagkanta.

###############

"Lie!!! Kain ulit tayong ice cream!!" Yaya sakin ni Sebby.

I looked at him innocently."May tayo ba?"

Pinaningkitan niya ako ng mata kaya natawa ako.

"Kakakain lang natin kahapon ah?"

"Ano naman? Gusto ko ulit eh."

"Gusto ka ba?"

Nagtawanan yung iba na nakikinig samin. Halos maging super saiyan na si Sebby.

"Hahaha oo na." natatawa kong sabi.

Pumunta na kami ng ice cream house kasama si Luke. Hindi daw pwede yung iba kaya hindi sila nakasama samin.

"Ikaw na umorder Lie?" utos sakin ni Sebby.

"Ang lakas mong mang aya tapos ako pa oorder? Manigas ka diyan." nakacross arm kong sabi.

"Ako na lang. Kakahiya naman sa katamaran niyo."sarcastic na sabi ni Luke kaya natawa kami.

Nagsimula na kaming kumain ng ice cream pagkatapos makaorder ni Luke.

"Alam niyo? Parang ice cream lang ang convo niyo,sobrang cold."wala sa sarili kong banggit.

"Grabe ka naman. Inaamag na nga eh."natawa kami ni Luke sa sinabi ni Sebby.

After naming kumain ng ice cream ay pumunta kami ng mall para gumala.

"Uy tingnan niyo yung couple." napatingin naman kami sa tinuro ni Sebby."Halatang ginagamit lang nung lalaki yung babae."

"Pano mo naman nalaman?" tanong ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad

"Halata namang mayaman yung babae tapos yung lalaki naman mahirap. Tingnan niyo sila,walang kaspark spark."

"Sabagay."

Gala lang kami gala hanggang sa mapagod kami.

Hinatid muna ako nila Luke sa bahay.

"Bye Lie! Bukas ulit!" nag wave si Sebby at Luke sakin kaya ganun din ang ginawa ko.

Hugot much lang kanina? Hahaha.