Chapter 28:First Kiss
Frank's POV
Hinila ko na si Elora habang nagtatawanan sila.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot.
Hila hila ko lang siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. Binitawan ko na siya at naupo.
Naupo din siya sa tabi ko. Tahimik lang ang buong paligid.
"Uhmm"
"A...ano"
Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
"Elora." panimula ko."Alam mo naman na sa simula pa lang,mahal na kita diba? I know,masyado pa tayong bata at kailangan mo pang makapagtapos ng pag aaral para may maipagmalaki ka sa mga magulang mo. Pero di ko na talaga kayang pigilan ang nararamdam ko sayo. Mahal na mahal talaga kita Elora,gusto kong maging akin ka. I can't promise that I can't hurt you, but I will try not to hurt you. Hindi kita pipigilan sa kung anong gusto mo. I may not be the best boyfriend to you,but I will do everything to make you happy."I wiped her tears that keeps on falling."Mahal na mahal kita, Elora. Sayo na umiikot ang mundo ko. I don't believe in happy endings 'coz I know we won't have an ending. Ayokong matapos tayo agad katulad ng mga fairy tales story. Even death can't separate us. I want to be your bestfriend when you have a problem,a boyfriend that loves you and make you happy, and a husband that keeps on loving you until death."
"F...Frank. I...I don't know what to say."she said while crying.
"Hush now Elora. Hindi naman kita minamadali eh. Hinding hindi ako susuko hanggang sa mapasagot kita. Ganun kita kamahal Elora."I smiled.
"Just give me time to think,Frank."she said.
I hugged her and kissed her forehead as a sign of respect.
"I can wait. I can wait,Elora." I muttered.
Kumalas siya sa yakap ko and looked at me directly."You know what? Ang swerte ko,kasi alam kong hindi mo ako papabayaan. Oras lang ang kailangan ko, kapag okay na ang lahat at wala nang problema,malaya na tayong gawin ang gusto natin."
"I know. Oh god, I love you Elora. I'm so lucky to have you."I kissed her forehead.
Nagkwentuhan lang kami sa rooftop hanggang sa matapos ang lunch break.
Bumaba na kami at hinatid ko na siya sa room.
"Susunduin kita after class. I love you." I kissed her forehead again and bid my goodbye.
How I love that girl? *smiles*
Lie's POV
Nakangiting pumasok si Frank. Todo kantyaw naman ang triplets sakaniya. Habang naglelesson si ma'am ay nakaramdam ako ng kakaiba.
Hindi tawag ng kalikasan ha. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nararamdam ko.
"Class dismiss." hindi ko na namalayan na uwian na pala.
"Oy Lie,gusto mo sumama samin? Kakain kami ng ice cream dun sa bagong bukas na ice cream house"anyaya sakin ni Sebby.
"Sure."sagot ko.
Lumabas na kaming lahat.
"Ayy,kasama pala kayong lahat?" nakangiwing tanong ko.
"Ayaw mo ba kaming kasama? Kung ayaw mo edi wag kang sumama." masungit na sagot ni Ben.
"Hmff."nasabi ko na lang.
Kanya kanya silang pasok sa mga kotse nila. Yung iba ay nakisakay na lang.
"Lie kay Boss Maël ka na lang sumabay." sabi ni Josiah.
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.
Pinaandar na nila ang sasakyan anlt naiwan akong mag isa.
"Sasakay ka o sasakay ka?" inis na tanong ni Stephane.
Inirapan ko siya at padabog na sumakay sa kotse niya.
"Balak mo bang sirain ang kotse ko?!"
Hindi ko siya sinagot. Narinig ko siyang nag 'tsk'.
Hmff. Bwisit ka.
Nang makarating kami sa sinasabing bagong bukas na ice cream house.
"Oy andyan na pala kayo. Dito ka umupo Lie." nakangiting saad ni Sebby.
Umupo naman ako sa tabi niya.
"Order ka na." utos ni Luke at tinulak ako patayo.
"Aray. Kailangang manulak?" daing ko.
Pumila na ako.
"Ate isa nga pong chocolate ice cream with marshmallows and sprinkles on top."
Bumalik na ako sa upuan ko at hinintay na ang order ko.
"Guys,restroom lang ako." paalam ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali daling umalis.
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako.
*BOOGSH*
"Waaaahhhh!!"napapikit ako at hinintay na bumagsak pero imbis na bumagsak ako ay nakaramdam ako ng malambot na bagay na nakadikit sa labi ko kaya napamulat ako.
Nanlaki ang mata ko nung marealize ko na nakapatong ako kay Stephane at hindi lang yon,nakapatong din ang labi ko sa labi niya.
"AAAAAHHHHHH!!!"
"OUCH!!"
Sabay na sigaw namin ni Stephane. Nung makarecover ako ay dali dali akong umalis at bumalik sa pwesto namin.
"Huy Lie,anyare sayo? Para kang nakakita ng multo." rinig kong sabi ni Ben.
"Oo nga. Bakit ka namumutla Lie?"nag aalalang tanong ni Max.
Umiling ako." Here's your order ma'am."nagpasalamat ako at nagbayad.
Biglang dumating si Stephane kaya bigla akong nailang.
"Are you okay, Lie?" napatingin ako sa katabi ko.
"Y...yeah. I'm okay Kayden."nagsmile ako sakaniya at bumalik sa pagkain ng ice cream.
Pagkatapos kumain ng ice cream ay naggala lang kami ng konti at umuwi na. Nagpasundo ako kay Manong.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Wala pa sila mommy dahil paniguradong busy sila sa company. Mamaya din ang uwi nila Kuya dahil sa dami ng projects.
Huhuhu!!! Ang first kiss ko wala naaaaaa!!!