PAGKATAPOS ng hapunan, naisipan niyang maglagi muna sa pool side. Hindi pa naman siya inaantok at isa pa gusto rin niyang magpahangin muna dahil sa nararamdamang sama ng pakiramdam. Malamang dahil sa pa-palit-palit na klima.
Ilang sandali narin siya roon nang maramdaman ang papalapit na mga yabag. Lumingon siya, si Leo. Nakangiti itong lumapit at naupo sa isang bakanteng silya ng garden set.
"Kumusta sa office?" ang bungad nito sa kanya. Kanina ang ikalawang Biyernes niya sa pabrika.
"Okay naman, hindi naman mahirap kasi office works lang naman" sagot niya.
"You really like her, if not hindi mo naman gagawin iyan di ba?" nagtatanong ang mga mata niyang pinakatitigan ang bunsong kapatid.
"Sinabi sakin ni Dad, alam mo Kuya I'm so proud of you. Iba sana ang plano ko nun alam mo?" sa huling tinuran ay pilyong ngumiti ng kapatid.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "What? Siya ang una among bibiktimahin as playboy?" hindi niya maitatangging nainis siya kay Leo.
Noon siya nito tinawanan. "Of course not! Balak talaga kitang patayin sa selos. Sa umpisa palang kasi napansin ko ng gusto mo siya!"
Maluwang siyang napangiti saka mahinang hinampas ang balikat ni Leo. "Ibig sabihin sinadya mo ang lahat ng iyon?"
"Oo! Di ba sinabi ko naman sayo gagamutin natin ang pagiging playboy mo? Anyway seriously masayang-masaya ako para sayo. Ngayon panatag na ako, handa na akong magmana ng trono mo!" anitong sinundan ang sinabi ng isang malutong na tawa.
Makahulugan siyang napangiti. "I more than like her. Noon pa mang una ko siyang nakita may kakaiba na, at sa kanya lang ako nakaramdam ng ganoon" halos pabulong pero tiyak niyang umabot iyon sa pandinig ni Leo.
"Unang nakita?"
Tumango siya saka sinimulang ikwento sa kapatid ang unang pagkikita nila ni Careen.
"I'm grateful I met her. At talagang gusto kong alagaan ang nararamdaman kong ito para sa kanya. Gusto kong mas lumalim, gusto ko siyang mahalin."
"Sa nakikita ko doon kana papunta. Mabait si Careen at walang dahilan para hindi ko siya magustuhan para sayo. Pati nga si Dad gusto siya, and for sure ganoon din ang Mom at si Ate" may katiyakang turan nito.
Ngumiti lang siya bilang tugon saka muling nagsalita ang kapatid. "And speaking of Mom, ang sabi ni Dad baka umuwi na raw siya next week."
"Really?" excited niyang tanong-sagot.
Tinanguan lang siya ni Leo. "I'll go ahead kuya, maaga pa ako bukas."
"Ba't saan ba ang lakad mo bukas?"
"Out-of-town kasama ang girlfriend ko. Gusto niyang ma-meet ko ang grandparents niya" anito.
Napangiti siya. "Mukhang mahal ka niya ah, seryoso ka bang prospect mo lang siya?"
Nagkibit ng balikat si Leo. "Mabait si Thea, hindi siya kagaya ng iba. Pero hangga't kaya ko ayokong masyadong magseryoso. Iiwan din naman niya ako at ayokong masaktan ulit kagaya ng dati" kwento nito. "by the way, ang alam ko flight din ng Dad mamayang madaling araw para sa seminar niya sa Hong Kong. Be a good boy okay? Kasi Day-off din ni Aling Curing! If you know what I mean" makahulugang tukso ng kapatid niya.
"Baliw! Sige na matulog kana!" nangingiti niyang taboy rito na tumatawa naman siyang tinalikuran.
KINABUKASAN, Sabado at wala siyang pasok sa eskwel a at day-off naman ni Aling Curing. At sa kagustuhan niyang makatapos agad sa lahat ng gawain mas inagahan niya ang gising kaysa karaniwan. Kaya naman pasado alas-seis palang nakapaglaba na siya. Kinuha na kasi niya ang lahat ng maruruming damit kagabi at iniwan ang lahat ng iyon sa labahan.
Kaninang madaling araw halos magkasunod na umalis ang mag-amang Lem at Leo. Si Aling Curing ay kagabi pa umuwi sa bahay nito para maglinis kaya silang dalawa lang ni Lemuel ang naiwan roon bukod sa driver, hardinero at guard na bihira kung pumasok sa malaking bahay dahil may sariling kusina ang tinutuluyan ng mga ito na nasa loob rin ng malawak na solar ng mansyon.
"Aba iba na iyan ah, ngumingiti kang mag-isa?" ang pamilyar na tinig na pumuno sa buong kusina.
"Ano ka ba naman! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos!" hinihingal sa takot niyang asik kay Lemuel na nakangiting naupo sa stool ng island.
"I'm sorry, teka bakit ang aga namang basa niyang damit mo? Di ka kaya malamigan niyan?" mayamaya ay puna ng binata.
Noon niya niyuko ang sarili. Basa ang malaking bahagi tshirt niya. Nakangiti niyang hinarap ang binata.
"Katatapos ko lang kasing maglaba. Teka lang aayusin ko ang almusal mo" aniya. "bakit pala parang matamlay ka ngayon? May sakit ka ba?" nang makaringgan niya ang tila pananamlay ng tinig nito.
"Medyo masama nga ang pakiramdam ko kagabi pa. Siguro sa papalit-palit na panahon. Anyway, ako na diyan. Magpalit kana ng damit" anitong nilapitan siya saka kinuha sa kamay niya ang hawak na plato.
"P-Pero kasi…"
"Tsk, sige ka kapag hindi ka sumunod ako ang magpapalit niyang damit mo!" pabirong pananakot ni Lemuel sa kanya.
Awtomatiko siyang napatitig sa mukha ni Lemuel. At sa pagtatama ng kanilang mga mata ay agad niyang naramdaman ang muling pagiging abnormal nanaman ng kanyang heartbeat.
"Do you have any idea kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko kapag nasa tabi kita?" si Lemuel sa isang halos paanas na tinig.
Nabitin ang lahat ng gusto niyang sabihin nang hawakan ng binata ang kamay niya saka inilagay sa tapat ng dibdib nito."Nararamdaman mo?" pagkuwan ay tanong ng binata.
"O-Oo" aniyang ang tinutukoy ay ang napakabilis na tahip ng dibdib ng binata.
"Tumingin ka sa mga mata ko" nang umiwas siya ng tingin. Ayaw sana niya pero sa tono ng boses ng binata ay kusa siyang napasunod.
Noon nag-locked ang kanilang mata."Tell me. sinong nakikita mo?"
"N-Nakikita ko ang sarili ko" nabigo siyang gawing normal ang tinig dahil spakiramdam na dulot ng mga mata ni Lemuel at ang mabilis na tibok ng puso nito.
Huwag pang isama ang muscled chest na nakakapa ng pinagpala niyang kamay.
Ngumiti ang binata. "Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi ikaw ang iniisip ko" hindi siya nakapagsalita. Ilang sandali ring nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Nang mga sandaling iyon ay parang minamartilyo ang dibdib niya sa sobrang kaba. At nang manatili siyang walang imik ay muling nagsalita ang binata.
"Maybe it's true that you cannot hold on to something that you never had. Pero hindi ko maintindihan, my heart is longing for you. Holding on for you" anitong inilapit ang mukha sa kanya.
Tila naparalisa ang buong katawan niya nang malanghap ng husto ang mabangong hininga ng binata. Pinigil niya ang paghinga lalo nang damhin ng binata ang kanyang mukha pagkatapos ay dahan-dahan itong yumuko. Hindi niya alam kung bakit nawalan siya ng lakas na magprotesta kaya minabuti niyang ipikit nalang niya ang kanyang mga mata.
Lihim niyang pinananabikan ang muling mahalikan ni Lemuel kaya hindi siya nag-react. Pikit-mata niyang inabangan ang pagdampi ng mainit na labi ng binata sa mga labi niya kahit ang totoo halos hindi na siya makahinga sa tindi ng nerbiyos na nadarama. Pero sa halip na labi ay sa noo niya naramdaman dumampi ang mainit na labi ng binata.
"I would like to tell you something na paniwalaan mo man o hindi, ito ang totoo. We may not know what tomorrow holds but one thing is for sure, I am yours" kulang ang salitang nagulat para ilarawan ang naramdaman niya dahil sa sinabing iyon ni Lemuel.
Speechless siyang nanatiling nakatingala sa binata at bahagya pang napakislot nang muli itong magsalita.
"Sige na," anito.
"Sorry" aniya. "magbibihis na ako" saka nagmamadaling kumilos.
"Okay, pagbaba mo kakain na tayo" anitong tinanguan lang niya.