Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 65 - KABANATA 17

Chapter 65 - KABANATA 17

"TAMANG-TAMA" kapapasok lang niya ng komedor nang marinig ang tinurang iyon ni Lemuel. "everyone, I have an announcement to make" lumipad ang tingin niya sa nobyo na sa kanya rin nakatingin.

Agad na bumilis ang tahip ng kanyang dibdib dahil sa pagtatamang iyon ng kanilang mata. Pero nang ngumiti ito ay agad na nag-init ang kanyang mukha.

"Come here sweetheart," kusa humakbang ang mga paa niya palapit sa kinaroroonan ng binata.

Nagtatanong ang mga mata niya itong tinitigan. At kahit nahuhulaan na niya ang gagawin ng binata, hindi parin nabawasan ang matinding nerbiyos na nararamdaman niya.

"I am very happy and proud to introduce to you, my girlfriend. Si Careen" ang sumunod na narinig niya ay palakpakan.

Nilibot niya ng tingin ang paligid. Sina Yvette, Lem at Leo ang noon ay nakadulog sa mesa. Bakas sa mukha ang tuwa para kay Lemuel. Mabilis na nag-init ang kanyang mga mata saka nakangiting tiningala ang binata na nakita niyang amuse na nakatitig sa kanya.

"I love you so much" anito saka itinaas ang kamay niyang hawak nito at hinagkan. Noon tuluyang kumawala ang kanyang mga luha kaya siya mahigpit na niyakap ng binata.

"Sorry, baby pa kasi kaya medyo iyakin" anito saka hinalikan ang kanyang buhok. Narinig naman niya ang mahinang tawang pinakawalan ni Yvette.

"Ang mabuti pa paupuin mo na si Careen para makasabay na siya sa hapunan. Kung sinabi mo lang di sana nakapagpahanda tayo kahit simpleng party lang" ang narinig niya ay tinig ni Lem.

"Naku huwag na po nakakahiya naka-uniform pa man din ako" mabilis niyang tanggi nang pakawalan ang sarili sa binata.

"Ngayon lang ginawa ni Kuya ang ganito. Sige na join us" nakangiting sabi ni Leo.

"Oo nga naman hija. Infact, parang gusto ko tuloy magpa-party" ani Yvette na matamis ang pagkakangiti sa kanya.

"Seryoso ka Mom?" ang hindi makapaniwalang bulalas ng kanyang nobyo nang makaupo siya sa tabi nito.

"Yeah. So Careen, hija I owe you a party. Thank you at pinatino mo itong anak namin. One of these days aayusin ko na ang tungkol doon, gusto ko kasing ako ang personal na mag-asikaso. Marami lang trabaho sa factory sa ngayon. Anyway you are very much welcome to the family" mahabang turan ni Yvette.

"T-Thank you po Ma'am" aniya.

"Tita hija, you can call me that. Anyway bukas darating na si Beth kaya hindi mo na kailangang magtrabaho dito as maid. Matututukan mo na ng husto ang pag-aaral mo" pagpapatuloy ni Yvette.

Hindi siya kumibo at sa halip ay ngumiti nalang."Kumain kana" si Lemuel na sinimulang lagyan ng pagkain ang kanyang plato.

Nagtama ang paningin nila, naramdaman niya ang kakaibang init na humaplos sa kanyang damdamin. Kaya naman agad na nahugasan ang lahat ng insecurity at takot na nararamdaman niya.

Alam ko hindi madali ito. Pero para sayo, dahil mahal kita. Lahat kakayanin ko, lahat titiisin ko.Hindi ko sasayangin ang lahat ng isinakripisyo at pagmamahal mo dahil alam kong minsan ka lang sa buhay ko

"BAKIT mo ako dinala dito Em?" pagkagaling sa eskwela araw ng Martes.

Tiningnan muna siya ng binata saka nginitian.

"Hindi ko pa pala nasasabi sayo, paboritong lugar ko ito" anitong humawak sa kamay niya saka siya iginiya patungo sa gilid ng burol.

"Hindi naman nakapagtataka iyon, ang ganda ng view dito" humahanga niyang sabi.

"Meaning you like it here?" si Lemuel sa masigla nitong tinig.

Nakangiti niyang tiningala ang binata. "Oo naman, hindi mo lang kasi naitatanong pero someday, gusto ko sa ganitong view kami titira ng mapapangasawa ko" hindi niya napigilang sabihin.

Noon siya pinihit ni Lemuel paharap dito saka hinapit ang kanyang baywang at kinabig palapit rito.

"Yeah? At sino naman kaya ang maswerteng lalaking tutupad ng pangarap mong iyon?" malambing na tanong ng binata.

"Oo, ikaw sa tingin mo sino kaya ang lalaking iyon?" aniyang hinawakan ang kwelyo ng suot na polo nito saka inayos. "sino kaya iyong mabait, gwapo at masarap alagaan na lalaking iyon?" pagkatapos ay naglalambing niyang ikinawit ang kamay sa batok ng nobyo.

Tumawa ng mahina si Lemuel.

"Tell me" saka nito idinikit ang sariling noo sa kanya. "ako ba iyong mabait, gwapo at masarap alagaan na lalaking iyon?"

Noon umikot ang kanyang mga mata bagaman malapad ang pagkakangiti "Sino pa nga ba? Wala namang iba eh, ikaw lang ang mahal ko. Eh ikaw ba? Baka naman may kahati ako diyan" aniyang inginuso ang dibdib ng binata. "baka may sini-secret ka?"

Sa pagkakataong iyon ay niyuko siya ng binata saka mabilis na dinampian ng halik sa labi. "Kahit buksan mo pa itong puso ko, picture at pangalan mo lang ang makikita mo" naniniwala siya doon kaya naman mahigpit siyang yumakap sa binata.

"Bakit naman? I mean, bakit sa ganitong lugar mo gustong tumira?" nang muling magpatuloy ang binata.

Sandali muna niyang tiningnan ang binata saka muling magbawi ng tingin bago nagsalita.

"Para kasing ang gaan ng buhay kapag halimbawa binuksan mo ang bintana tapos ganitong tanawin ang bubungad sayo."

Tumango tango si Lemuel. "Kung sakali ba anong klase ng bahay ang gusto mo?"

Nagkibit lang muna siya ng balikat bago sumagot.

"Ang gusto ko sa bahay brown ang bubong na yari sa bricks. Malaki ang kusina para kapag nagluluto ako nakakagalaw ako ng maayos, at higit sa lahat dapat malawak ang garden" nang mga sandaling iyon parang bigla ay nakita niya mismo sa kanyang harapan ang kanyang dream house.

"Ayaw mo ba ng swimming pool?" Ang nakangiting tanong sa kanya ni Lemuel.

Tumawa muna siya bago sumagot. "Hindi ko rin siya magagamit kasi hindi ako marunong lumangoy."

"Problema ba iyon, edi tuturuan kita!"

Umangat ang dalawang kilay niya. "Ows? Promise yan ah?"

"Hindi ko na kailangang mag-promise kasi gagawin ko talaga iyon" paniniyak ng binata.

Napalabi siya bago nagsalita. "Bakit mo naman naitanong?"

"Para lang alam ko ang gagawin ko, kasi gusto ko maging masaya ka. Gusto kong tuparin lahat ng pangarap mo kasi mahal kita" anito. "halika na" ang binata iginiya na siya pababa ng burol.

KAHIT sinabihan na siya ng mag-asawang Lem at Yvette na tutukan nalang ang pag-aaral niya ay madalas parin siyang tumulong sa mga gawain sa kusina. Hindi narin kasi nakabalik si Beth at wala pang nakikitang ipapalit sa nabakante nitong posisyon.

Ang inaalala lang naman kasi niya ay si Aling Curing. At katulad ng sinabi niya dati kay Lemuel, matanda na ito at hindi na dapat napapagod ng husto.

Sabado, malapit ng magpananghali ay hindi parin bumababa para mag-agahan si Lemuel. Rest day ni Aling Curing kaya minabuti niyang dalhin na sa kwarto ng binata ang almusal nito. Naka-tatlong katok siya bago bumukas ang nakakandadong pinto. Agad na ngumiti ang binata nang makita siya.

"Good morning, kailangan talaga naka-lock ang pinto?" aniya saka inilapag ang dalang tray sa sidetable.

Naramdaman niya ang agarang pag-iinit ng kanyang mukha nang marinig ang tunog ng knob na diniinan ng binata.

"Syempre naman, paano nalang kung gapangin mo ako" anitong nakangiti man ngunit mataman siyang pinakatitigan. "O, bakit ka nanaman namumula? Pati ba naman tunog ng lock ng knob nakakapagpa-blush sayo?"