Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 57 - KABANATA 9

Chapter 57 - KABANATA 9

"EXCUSE me" ang malamyos na tinig na iyon ang nagpaangat ng ulo ni Careen ilang sandali matapos siyang maupo.

"Yes?" aniya sa magandang babaeng nakatayo sa tapat ng silyang katabi ng okupado niya.

"I hope you don't mind. Can I have this seat, wala na kasing vacant eh?" tanong nito sabay turo sa upuan.

"Sure" aniyang tumango.

"Thank you. Anyway, I'm Bianca, ikaw?" anitong inilahad ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya iyon. "Careen" maikli niyang sagot nang pumasok sa loob ng silid ang isang may edad ng propesora.

"First year ka rin?" naitanong niya matapos ang klase nila.

Tumango ito. "Although mas matanda ako sayo perhaps ng ilang taon."

"Bakit ilang taon kana ba?" bigla siyang na-curious sa edad ni Bianca.

"Twenty one na ako, huminto kasi ako ng apat na taon" anitong isinukbit ang strap ng shoulder bag nito. "I left for Australia pagka-graduate ko ng high school.

"Ganoon ba? Teka, baka gusto mong sumabay na sa akin ng lunch? Sa canteen rin naman ang punta ko" ang naisip niya sabihin habang naglalakad sila ni Bianca sa corridor ng kanilang college building.

Umiling ito. "Thanks, pero pauwi narin kasi ako, nasa parking lot na ang sundo ko" anito. "maybe next time. I have to go, bye" pagkasabi niyon ay walang anuman siyang niyuko ng dalaga saka hinalikan sa pisngi.

Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang dalaga. Hindi niya maintindihan pero sa puso niya naroon ang kakaibang tuwa. Kasi kahit mahirap pang paniwalaan sa SJU wala siyang matatawag na matalik na kaibigan. Pero ngayon, kay Bianca, kahit sabihing oras palang ang pinagsamahan nila magaan ang loob niya rito at malaki ang paniniwala niyang magkakasundo sila ng dalaga.

"KUMUSTA ang araw mo?" tanong sa kanya ni Lemuel nang pareho na silang kumakain sa canteen.

Hindi niya napagilan ang mapangiti dahil sa simpleng tanong na iyon. Iyon kasing malamang interesado ang binata sa lahat ng nangyari sa kanya sa maghapon parang nangangahulugang importante siya sa binata.

"Okay naman, hayun may bago akong kaibigan" aniyang sumubo ng pagkain pagkatapos.

Mabait na siyang nginitian ng binata. "Talaga?"

"Oo, mabait si Bianca at sa tingin ko magkakasundo kami" kwento pa niya pero mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang tila natigilan si Lemuel. "b-bakit Em?"

Noon parang natauhang itinuloy ng binata ang pagkain. "Wala" maikli nitong sagot.

Ngumiti siya saka itinuloy ang pagkukwento tungkol kay Bianca. Siguro dahil masaya siya at magaan ang loob niya sa kaklase kaya ganado siyang ikwento ito kay Lemuel.

"Matanda siya ng four years sa'kin pero hindi iyon halata kasi maganda siya" sa tinuran niyang iyon ay mabilis na muli siyang tinitigan ng binata.

Medyo nalito siya sa nakita nitong reaksyon pero minabuti niyang huwag nalang iyong pansinin.

"Mamaya sabay tayong umuwi" si Lemuel nang makalabas na sila ng kainan.

Tumango siya. "Salamat sa lunch."

Nilinga siya ni Lemuel sa sinabi niyang iyon saka huminto sa paglakad.

"Wala iyon kumpara sa sayang ibinigay mo sa akin simula nung una tayong nagkita" nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ang binata.

"Listen, gusto ko lang malaman mong the moment I first look at you nagkaroon ka na ng espesyal na space dito sa puso. Kaya huwag kang magtaka at malilito sa lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam ko sayo, kasi ang lahat ng iyon totoo" anitong hinalikan pa siya sa noo pagkatapos.

Wala na sa harapan niya si Lemuel pero nanatiling nakatayo parin siya doon.

"Wala iyon kumpara sa sayang ibinigay mo sa akin simula nung una tayong nagkita."

Napangiti siya sa sinabing iyon ng binata na humaplos ng husto sa kanyang puso.

Ang totoo, nang palayasin siya ng tiyahing si Annabelle ay nagmistula siyang patay na. Pero dahil sa malasakit na nakita niya sa mga Policarpio partikular na kay Lemuel ay parang nagkaroon siya ng panibagong dahilan para mabuhay at mangarap.

Masarap ka sanang pangarapin Lemuel, masarap kang mahalin. Pero paano ko gagawin iyon ng walang takot kasi alam ko naman kung ano lang ako?

"CAREEN!" ang pamilyar ni tinig ni Bianca ang pumigil sa mga hakbang niya.

"Bianca! Bakit hindi kita nakita kanina?" tanong-sagot niya sa dalagang nakangiting palapit sa kanya.

"Sa Logic lang tayo magkaklase eh, saan ang punta mo? Dalawang oras kasi ang vacant period ko eh" ang dalaga sa tono na tila ba gusto nitong makasama siya.

"Ah, pupuntahan ko lang iyong amo ko, tapos sa library ako tutuloy" aniyang itinuloy ang paglalakad patungo sa gusali ng CEDE.

"Amo? May amo ka?"

"Oo, kasambahay ako, paaral ako ng boss ko" pakiramdam kasi niya kahit ano pwede niyang ikwento kay Bianca.

"Ang bait naman niya. Sabagay kung ako I will surely do the same. Sa nakikita ko kasi sayo mukhang alam mo ang mga priorities mo kahit bata ka pa" nasa tinig ni Bianca ang paghanga.

"Salamat" ang tanging nasabi niya.

"Wala yun, anyway sino palang amo mo? Alam mo may gusto rin akong hanaping tao pero naisip ko if it��s meant to be magkikita kami kahit hindi ko siya hanapin."

Magbubuka sana siya ng bibig para sagutin ang tanong ni Bianca pero iyon naman ang tamang paglitaw ni Lemuel na lumabas sa corridor ng second floor ng gusaling iyon.

Umakma siyang tatawagin ang binata pero laking gulat niya nang maunahan siya ni Bianca saka pa pagkatapos ay malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang nagulat na si Lemuel nang yakapin nito.

Sinungaling siya kung kahit sa sarili lang niya ay hindi niya aamining nasaktan siya sa nakita. Lalo na sa nasaksihang lambing ng pagyakap ni Bianca sa binata.

Sweet, at kahit pa sabihing wala pa siyang karanasan sa pakikipagrelasyon, sa nakita niya, masasabi niyang parang may damdamin ang dalaga sa binata dahil sa ikinilos nito.

"Kumusta kana?" si Bianca nang ilayo nito ang sarili kay Lemuel. Noon naman tamang lumabas ng magkakasunod sina JV, Dave at Raphael na agad siyang binata.

Sa kabila ng hapdi sa dibdib na nararamdaman ay pinilit parin niyang ngitian ang tatlo.

"GOOD, i-ikaw? Kailan ka pa dumating?" ang nagulat niyang sagot saka sinulyapan si Careen na nakita niyang tahimik na nanonood sa kanilang dalawa.

"Last month, hindi na kita hinanap kasi alam kong magkikita rin tayo dito" ang masayang isinatinig ni Bianca saka nilingon si Careen.

"So, ikaw pala ang Bianca na kinukwento sakin nitong si Miss Perfect" napasinghap siya sa narinig.

Miss Perfect! Hindi siya perfect! Pero dahil tinawag siyang ganoon ng binata, nagdulot parin iyon ng kakaibang tuwa sa kanyang puso. Tuwang sapat na para pawiin ang selos na naramdaman niya kanina.

"Meaning?" ang makahulugang baling ni Bianca kay Careen.

Tumango si Careen saka ngumiti.

Only your smile can turn my night into day. I don't know why but it really means a lot to me.

Ang gusto sana niyang isatinig pero nagpigil siya.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang mga sandaling iyon. Nasa harapan niya ang dalawang babaeng alam niyang parehong humipo sa mailap niyang puso. Si Bianca, ang kanyang first love. Ang nagpakilala sa kanya kung ano ang pag-ibig at nagparamdam sa kanya kung paano ang masaktan.

At si Careen, ang kanyang Miss Perfect. Ang babaeng gusto niyang pagsakripisyuhan. Pero anong gusto iparating sa kanyang ng pagkakataon? Bakit kailangang bumalik pa ang nakaraan?

Hindi siya affected, alam niya iyon dahil aware naman siya sa nararamdaman niya. Dahil kanina, nang yakapin siya ni Bianca, wala siyang kakaibang naramdaman maliban sa tuwa na nararamdaman ng isang kaibigan na nawalay ng matagal sa isang kaibigan.

Pero kay Careen, everytime ay naroroon ang kakaibang init sa puso niya. At iyon ang posibleng dahilan kaya napakasaya niya kapag kasama niya ito, lalo na sa mga pagkakataong napapasaya at napapatawa niya ang dalaga.

Nahihiyang ngumiti si Careen. "Oo, sa kanila ako nagtatrabaho, paaral ako ng parents ni Lemuel."

"Ganoon ba?"

"Oo, anyway Em sabay ba tayong uuwi mamaya?" sagot ni Careen pagkuwan ay binalingan siya.

"Yup, hihintayin kita sa parking lot." iyon lang at nagpaalam na sa kanya ang dalawa.

"Kung hindi ako nagkakamali sa nakita ko, parang nasasaktan ang Miss Perfect mo kanina nung niyakap ka ni Bianca" si Dave iyon nang maiwan silang apat.

"Nasasaktan?" hindi niya maikakaila ang sayang mabilis na umusbong sa kanyang puso.

Nagkibit-balikat si Dave. "Kung hindi ako nagkakamali, kasi naman dala-dalawa" buska pa ng kaibigan sa kanya.

"Tigilan mo ako Dave, hindi ako kagaya ni Raphael" aniyang natatawang tiningnan ang kaibigang mabilis na nagreact sa pagkakarinig ng pangalan.

"Ano nanaman? Ikaw nga itong wala pang steady na lovelife!" protesta ni Raphael. "baka naman balak mong mag-bestman sa mga kasal naming tatlo!"

Tumawa siya. "Hindi mangyayari iyon, basta wait for further announcements!" biro pa niya saka sinundan ng tingin ang papalayong bulto ni Careen na kahit sabihin pang kasama nitong naglalakad ang first love niya ay parang ito lang ang nakikita niya.