FRIDAY, iyon ang unang araw niya sa hininging trabaho sa Daddy niya kapalit ang pagpapaaral nito kay Careen. Sa ganoong araw kasi mas maaga ang labas niya sa eskwela. Sixty eight hours ang kailangan niyang ikumpleto sa buong semester. At kung hahatiin iyon sa lahat ng
Biyernes na mayroon ang limang buwan, pumapatak na apat na oras ang kailangan niyang ipasok every Friday. Okay lang naman, alam naman kasi niyang darating ang panahon isa rin siya sa mga mamamahala sa pabrika nila. Mainam na iyong mapag-aralan niya ang pagpapatakbo niyon ng mas maaga.
"Hi, sorry natagalan ako" si Careen na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.
Awtomatiko siyang napangiti pagkakita sa magandang mukha ng dalaga. "Okay lang, halika na?" aniyang nagpatiuna sa may passengers seat saka binuksan ang pinto niyon.
Mabilis namang sumakay ang dalaga.
"Nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain muna?" ang agad niyang tanong nang makaupo sa tapat ng manibela.
"Busog naman ako kaya okay lang�� ang dalaga na ngumiti.
Tumango siya. "I'm sorry, kailangan ko pa kasing sumaglit sa pabrika kaya medyo nagmamadali tayo."
"Okay lang iyon Em. Hindi mo naman obligasyon ito, ako nga ang dapat magpasalamat sayo eh" nahihiyang sagot ni Careen kaya napangiti siya.
"Alam mo bang bukod sa Lola ko eh ikaw lang ang hinahayaan kong tawagin ako sa ganyang palayaw?" pagsasabi niya ng totoo sa isang amuse na tinig.
"Em-Em talaga ang nickname mo?" sorpresang tanong ni Careen.
"Oo, nung bata ako pumapayag pa akong tawagin nila ako ng Em-Em, pero nung mag-high school ako inayawan ko na. Kahit sina Mom and Dad alam nila iyon" pakiramdam niya tama lang na malaman ni Careen ang tungkol doon.
Narinig niya ang mabining tawa na pinakawalan ng kasama. "Mabuti sa akin pumayag ka?"
"Eh iba ka naman kasi" aniya saka ito makahulugang sinulyapan.
Nangunot ang magandang noo ni Careen. "Huh? Don't tell me may gusto ka sakin kasi hinding-hindi ako maniniwala!" biro ng dalaga.
Natawa siya doon. "Mabuti nalang pala hindi kita gusto!" ang walang gatol niyang sabi. Nang lingunin niya si Careen, nakita niya pagkailang sa mukha nito.
At kahit hindi niya aminin, alam niyang sa nakitang reaksyon ng dalaga ay gusto na niyang isiping may nararamdaman rin ito sa kanya.
"A-Alam ko naman iyon eh" sagot ng dalaga sa mahinang tinig habang hindi tumitingin sa kanya.
Hindi niya napagilan ang tuluyang mapangiti.
"Alam mo ang ano?" Kung hindi siya nagkakamali ganito ang pakiramdam ng kinikilig.
Sandali lang siya nitong sinulyapan. "Na hindi mo ako gusto" hindi parin nagbabago ang tono nito.
"Tama hindi kita gusto, alam mo kung bakit?" hindi niya maintindihan ang nararamdaman na kasiyahan nang mga sandaling iyon dahil sa nakikitang reaksyon ng dalaga. "hay naku ang manhid mo talaga!" nang manatiling tahimik si Careen.
Noon kunot ang noo siyang nilinga ng dalaga. "Manhid?"
"Isn't it too obvious for you? I more than like you! Hinayaan nga kitang tawagin akong Em-Em di ba?" masaya niyang sagot saka tinapunan ng makahulugang sulyap ang dalaga.
NAPATITIG siya kay Lemuel. Kung seryoso ito, hindi niya alam. Mahirap na, kahit gusto niyang paniwalaan ang sinabing iyon ay nasa isip parin niya ang pag-aalinlangan.
"Tigilan mo nga ako sa mga ganyang banat mo" kunwari'y pagtataray niya.
Napasipol doon ang binata. "Hayan na nga ba ang sinasabi ko" anito saka pa nanunuksong umangat ang sulok ng labi nito.
Mabilis siyang umiwas ng tingin. Nang mga sandaling iyon ay tinatambol ng matinding kaba ang kanyang dibdib kahit ngiting-ngiti si Lemuel
"Kasi naman pati ako ginagaya mo sa mga babaeng nahuhumaling sayo. Ibahin mo ako kasi sa sobrang rupok nitong puso ko hangga't kaya ko magpipigil akong ma-in love sayo" totoo iyon sa loob niya.
Hindi niya maipagkakamali ang nakitang pagliwanag bigla ng aura ng mukha ni Lemuel sa sinabi niyang iyon.
"Paano naman tayo magkakaroon ng happy ending kung magpipigil ka?" malakas na protesta ng binata.
"Heh! Basta tantanan mo ako sa mga cheesy lines na iyan!" hindi niya napigilan ang mapabungisngis kalaunan.
Umiling ang binata.
"Ayoko! Hindi mo ako mapipilit, at titiyakin ko sayong bibigay ka rin, sinabi mo na ako ang first kiss ko. So ako naman, ikaw ang aking last!" si Lemuel na nanunukso pang itinaas-baba ang makakapal nitong kilay.
"Magsasawa ka rin!" natatawa niyang sabi, pero deep inside hindi niya maipaliwanag kung gaano ang pagnanais niyang paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng binata.
"Never akong magsasawa!" anang binata na tumawa.
"Tingnan na lang natin" nanghahamon ang tinig niyang sagot.
Nakita niyang makahulugan munang ngumiti si Lemuel bago nagsalita.
"Natapos mo bang sagutan lahat ng tanong sa test ninyo kanina?"
Natuwa siya ng lihim sa pag-iiba nito ng usapan "Oo naman, bakit?"
Nakangiti munang hinagod ng tingin ni Lemuel ang kanyang mukha bago nagsalita.
"Para ako naman ang sagutin mo!" malambing ang tinig nitong sagot.
Noon mabilis na nag-init ang kanyang mukha kaya siya nagbaba ng tingin. At nang balingan niya ang binata nakita niyang napaka-lapad ng pakakangiti nito habang nakatingin sa kanya. Pakiwari pa niya ay talagang inaabangan nito ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito.
"Ang totoong pagmamahal walang standard. Kasi iyong feelings na mayroon ka para sa taong mahal mo, sobra-sobra ng dahilan para i-overlook ang lahat ng kahinaang mayroon siya."
Nang makuha ang ibig sabihin ng binata ay napangiti siya. Ang sarap mangarap ng isang Prince Charming na kagaya ni Lemuel. Pero ayaw niyang umasa, kilala naman kasi niya ang sarili niya at kung gaano siya kalalim magmahal kahit hindi pa niya nararanasan ang ma-in love.
At iyon ang isa sa napakaraming dahilan na pumipigil sa kanya para paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng binata. Kahit ang puso niya mismo ramdam na totoo ang lahat ng iyon.
"HI, sorry pinaghintay kita" nang makalapit si Bianca sa okupado niyang mesa sa library. Ilang araw na mula nang magkakilala silang dalawa. Madali niyang nakasundo si Bianca, dahil kahit pa sabihing anak mayaman ito, masarap itong kasama at napakababa ng loob.
At ang lahat ng kabutihang nakikita niya rito ay sapat ng dahilan para i-overlook ang ilang napupuna niya sa dalaga.
Noon wala sa loob siyang nagbuntong-hininga. Bukambibig kasi ni Bianca si Lemuel. At kapag may pagkakataong nagkakasabay silang tatlo sa pagkain ng tanghalian hindi iilang ulit niyang napuna ang madalas na pagnakaw nito ng sulyap sa binata.
Kunsabagay, hindi lang naman si Bianca ang alam niyang nagiging ganoon, at bukod pa sa katotohanang wala siyang authority na pagbawalan itong hangaan si Lemuel dahil nga hindi naman siya nobya ay hinahayaan nalang niya.
Anyway pansin naman niyang hindi affected doon ang binata, huwag pang isamang wala namang nagbago sa nararamdaman niyang concern ng binata sa kanya. Maging ang affection na nakikita niya sa mga mata nito tuwing tititigan siya.
"Okay lang, kumusta nga pala iyong sinasabi mo sa'king checkup mo kahapon?" bago sila naghiwalay ni Bianca kahapon ay iyon ang sinabi ng dalaga sa kanya.
"As usual, huwag magpapagod at ang napakaraming bawal na kulang nalang sabihin sa aking huwag na akong gumalaw!" anitong tumawa pa ng mahina.
"I-If you don't mind, pwede ko bang malaman kung ano ang sakit mo?" alangan niyang tanong saka isinara ang binubuklat na libro.
Sa tanong na iyon matagal muna siyang tinitigan ni Bianca bago sumagot.
"H-Heart Failure" ang malungkot nitong amin.
"W-What?" hindi dahil sa hindi niya maintindihan kundi dahil hindi siya makapaniwalang taglay ni Bianca ang malubhang sakit na iyon.
Tumango ito saka mapait na ngumiti.
"Ipinanganak akong may butas na ang puso ko, iyon ang dahilan kung bakit pagkagraduate ko ng high school we left for Australia. Nagbabakasali ang parents ko na doon kami makakita ng donor, para madugtungan ang buhay ko. Pero sa loob ng matagal na panahon, walang nag-matched sa puso ko, kaya kami bumalik dito."
Nang hindi siya kumibo ay nagpatuloy ang dalaga. "Biniro ko pa nga ang Mama nung sinabi ng doctor na humihina na raw ang puso ko, hindi na kayang mag-pump ng oxygen, kaya sabi ko umuwi nalang kami dito, kasi ang totoo nandito naman ang talaga ang hinahanap nilang ka-matched ng puso ko.
At gusto ko, kung sakaling mawala ako, dito mismo, sa lugar kung saan ko siya unang nakita at minahal" nakita niya ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ni Bianca.
nandito naman ang talaga ang hinahanap nilang ka-matched ng puso ko. At gusto ko, kung sakaling mawala ako, dito mismo, sa lugar kung saan ko siya unang nakita at minahal
Pakiramdam niya parang may isang malaking kamay na biglang pumiga sa puso niya kaya hindi siya makahinga. Sa isang iglap nagkaroon ng sagot ang lahat ng ikinikilos ni Bianca tuwing kasama nila si Lemuel.
Nang mga sandaling iyon pinigil niya ng husto ang mapaiyak. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang sakit na nararamdaman niya pero sigurado siyang dahil iyon sa pagtingin na mayroon siya kay Lemuel na mukhang hindi nalang umiikot sa simpleng paghanga.