Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 56 - KABANATA 8

Chapter 56 - KABANATA 8

"HULAAN mo kung sino ako" napangiti siya Martes ng hapon, nasa likod-bahay siya at nagsisilong ng sinampay nang may magtakip ng kanyang mga mata mula sa likuran. Iniba pa nito ang boses nito para hindi niya makilala.

"E-Em?" aniya sa pag-aakalang si Lemuel iyon pero nagkamali siya. "ay, sir Leo kayo po pala" lihim siyang nadismaya.

"Ayos, nickname basis na pala kayo ni kuya?" anitong tinulungan siya sa kanyang ginagawa.

"Ako na po dito sir" ang sa halip ay nahihiya niyang isinatinig.

"Okay lang" nang papasok na sila. "By the way Leo nalang din ang itawag mo sakin!" may kalakasang turan ng binata, noon siya nakarinig ng papalapit na yabag.

"L-Leo?"

"Oo, para naman masanay kana" anitong ngumiti saka kinurot ng bahagya ang kanyang pisngi. Iyon ang eksenang nalabasan ni Lemuel."Oh kuya nandiyan ka pala!" bati ni Leo sa kapatid na nakatayo sa likuran nila, seryoso ang mukha at mukhang hindi nagustuhan ang nakita.

Tumango ang binata. "Pagkatapos mo, pwede puntahan mo ako sa kwarto ko? May sasabihin lang ako sayo" saka na ito tumalikod.

"Mukhang wala nanaman sa mood, kaya Tatang ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya eh, masyadong seryoso" natatawang bulong sa kanya ni Leo.

"Hindi naman ah, mabait kaya si Em. Siguro masama lang ang pakiramdam kaya ganoon" pagtatanggol naman niya sa binata.

Kibit-balikat lang itinugon sa kanya ni Leo saka makahulugan ang ngiti siyang iniwan.

AGAD niyang pinuntahan si Lemuel sa kwarto nito. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito. At dahil nga ayaw niyang mag-assume ay pilit niyang ini-ignore ang pakiramdam na parang nagseselos ang binata.

"Tuloy" anang nasa loob.

"H-Hello" nakangiti niyang bati sa binatang nakaupo sa gilid ng kama.

Nagliwanag ang mukha ng binata nang ngumiti ito."Halika dito" anitong tinapik ang kama.

Napatitig siya sa bahagi ng higaan na tinutukoy ng binata."B-Bakit?" hindi kumikilos at kinakabahan niyang tanong.

Lumapad ang pagkakangiti ni Lemuel na nasundan ng mahinang tawa. "Huwag kang mag-alala hindi kita re-rape-in."

Mabilis na nag-init ang mukha niya sa narinig, at dahil sa naramdamang pagkapahiya ay nagmamadali siyang naupo. Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Siya parang tuod na tahimik lang na naupo habang si Lemuel ay hindi kumilos mula sa pagkaka-Indian Seat nito.

Ang weird na nakaka-kaba!

Sigaw ng isip niya. Nilinga niya ang binata nang mula sa kabilang side ng kama nito ay may inabot roon.Isang gitara, napangiti siya.

"Hindi ba sabi mo tumutugtog ka ng gitara noon?"

"Oo, nung hindi pa nasisira iyong gitara ko."

"Yeah, anyway I want you to have this. Ito ang first guitar ko and my favorite actually" kwento nito saka iyon iniabot sa kanya.

Niyuko niya ang gitara saka ibinalik ang tingin kay Lemuel.

"Kung gayun pala, bakit mo pinamimigay?" taka niyang tanong.

"Hindi ko naman na kasi nagagamit, saka isa pa tiwala naman akong iingatan mo iyan kasi alam mong may value iyan sa akin" makahulugan ang titig na ipinukol nito sa kanya.

Napalabi siya saka nangingislap ang mga matang ngumiti.

"Salamat, huwag kang mag-aalala iingatan ko ito" aniya saka sinimulang tugtugin ang isang piyesa na siya mismo ang gumawa.

Saka kinanta ang lyrics nito na kung tutuusin ay paborito niyang tula.

Paano kung sinabi ko noon?

Na itinatangi ka ng puso kong ito

Na sa bawat sulyap sa akin ng mga mata mo

Ang puso ko'y napaliligaya mo

Paano kung hindi nakialam ang panahon

Posible kayang nabigyan ng pagkakataon?

Na maisakatuparan ang pinapangarap ko

Na kahit sandali ako ay mahalin mo

MABILIS ang naging pagtahip ng dibdib ni Lemuel nang marinig ang pamilyar na lyrics ng kantang inaawit ni Careen.

"S-Saan mo nakuha ang lyrics ng kantang iyan?" nang itigil ng dalaga ang pag-strum sa gitara.

Nakangiti siya nitong nilinga.

"Ah iyon? Sa SJU Omnibus. Wala pa nga yata ako sa SJU nung ma-publish, iyon pero kasi kumpleto ang copy nun sa library every year, nakita ko 'yung tula. Paborito ko nga iyon, parang ang lalim ng pinaghugutan nung nagsulat" ang humahangang kwento pa ni Careen.

Napangiti siya. "Talaga lang ha?" ang SJU Omnibus ay compilation ng lahat ng published poems at iba pang literary works sa SJU Chronicle sa buong taong-aralan.

"Oo, kaso written by ME lang ang nakalagay."

"Baka kasi ayaw niyang ipaalam kung sino siya kaya ganoon" aniya.

Hindi kumbinsido siyang nilinga ni Careen. "Paano mangyayari iyon eh kahit sa office ng SJU Chronicle for sure alam na siya ang nagpasa?"

Umiling siya. "Hindi, kasi ang pagpapasa sa SJU Chronicle thru email. Pwede naman siyang gumamit ng email account na wala ang totoong pangalan niya di ba?"

Noon ito nagkibit-balikat. "Baka nga" sang-ayon ng dalaga.

"Pero sarili mong composition iyong melody?" masaya niyang tanong.

"Oo, sana lang hindi magalit iyong nagsulat ng tula kasi nilagyan ko ng tono ang obra niya ng hindi nagpapalalam!" saka sinundan ni Careen ng mabining tawa ang sinabi.

"Sa tingin ko hindi naman, maganda ang melody at for sure matutuwa iyon" humahanga niyang compliment.

Noon kiming ngumiti si Careen saka tumayo. "Salamat, sige kung wala ka ng ipag-uutos bababa na ako."

Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang dalaga bitbit ang gitara. Habang sa pandinig niya ay paulit-ulit niyang naririnig ang magandang melody na inilapat ni Careen sa tulang siya mismo ang nagsulat. Tama, ang tulang iyon ay ang tulang naisulat niya dahil kay Bianca.

Hindi niya alam kung matutuwa siya pero parang binibiro siya ng pagkakataon. Aware naman kasi siyang may nararamdaman siyang kakaiba para kay Careen at nagkataon namang ito pa ang labis na humanga sa tulang naisulat niya para sa kanyang first love. Well, hindi naman siguro pag-aaksayahan ng panahon ni Careen na lagyan ng melody ang tula kung hindi nito totoong nahipo ang puso ng dalaga. At very pleased siyang malaman iyon.

UNANG araw ng klase, sabay silang pumasok ni Lemuel kaya nagkaroon siya ng chance na makilala ang mga kaibigan ng binata na nakasabay naman nila sa parking lot ng SJU. Hindi rin naman nagtagal ang usapan nila dahil niyaya na siya ng binata para ihatid sa kanyang unang klase.

"Huwag na, kaya ko naman" tanggi niya nang makaalis na ang tatlo.

"Tsk, alam mo naman sa eskwelahang ito naglipana ang mga playboy. Mahirap na baka ka mabiktima, at ayokong mangyari iyon" anito saka mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.

Marahas siyang napasinghap dahil sa pagkabigla. At umabot iyon sa pandinig ng binata, nakita niyang sinulyapan siya nito saka amuse na tinitigan.

"Bakit laging ganyan ang reaksyon mo? Wala pa bang nakakahawak ng kamay mo aside sa akin?"

Nag-iinit ang mukhang iniiwas niya ang paningin dito.

"Sinong hahawak eh hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend di ba?" aniya sa mahinang tinig.

"That's awesome! Meaning, ako ang first kiss mo?" sa huling sinabi ay sinadya ni Lemuel na hinaan ang nanunukso nitong tinig.

Noon namumula ang mukhang bumitiw siya sa kamay nito saka kinurot ang tagiliran ng binata.

"Napaka-pilyo mo!" sa kabila ng pagkapahiya ay hindi niya naiwasan ang kiligin.

"Para nagtatanong lang naman eh, ano?" natatawang iwas ng binata saka muling hinawakan ang kamay niya.

"Oo ikaw! Ano masaya kana?" nangingiti niyang amin.

Nangislap ang mga mata ng binata sa narinig habang nakangiti.

"Great, at hindi ko na hahayaang may makahalik pa sayong iba maliban sa akin!" anitong pabiro saka siyang nanunuksong kinindatan.

Ramdam niyang tila inaapoy sa init ang mukha niya kaya mabilis siyang muling umiwas ng tingin sa binata. Sa pananahimik niyang iyon ay muli nanaman itong nagsalita.

"Nag-ba-blush kana naman!" buska nito. Nasa quadrangle na sila noon.

"Tumigil ka nga!" saway niya sa kabila ng pagpipigil na tuluyang mapabungisngis dahil sa matinding kilig na nararamdaman.

Noon muling mahigpit na hinawakan ng binata ang kamay niya. Sa paraan ng pagkakahawak nito doon ay tila napasong mabilis niya iyong binawi. Hindi niya alam kung anong mayroon sa mga palad ni Lemuel pero talagang bumibilis ng pirmi ang tibok ng puso niya at kapag hawak nito ang kamay niya kasabay pa ang tila paninikip ng kanyang paghinga.

"May sasabihin ako," nang nasa tapat na sila ng kanyang college building.

Tumaas ang isang kilay niya pero nakangiti. "Ano?"

Nangungusap ang mga mata muna siyang pinakatitigan ng binata bago nagsalita.

"Malapit na pala akong mag-OJT."

"Hindi ba tapos na ang OJT mo? Saan ka pa mag-o-OJT?" ang alam kasi niya kailangan munang maipasa ng kahit sinong engineering student sa SJU ang OJT nito para ma-qualified as fifth year engineering student enrollee. Kinukuha iyon ng mga estudyante as fourth year summer class.

"Edi sa puso mo!"

Nabigla siyang napatitig ng matagal kay Lemuel na ngiting-ngiti. Hindi siya nakapagsalita. Kaya naman napahumindig siya nang maramdaman ang mga labi ng binata na dumampi sa kanyang noo.

Hindi na naging normal ang tibok ng puso ko dahil sayo!

"Sabay tayong mag-lunch mamaya ha?" bilin pa nito bago tumalikod at naglakad palayo.