Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 55 - KABANATA 7

Chapter 55 - KABANATA 7

"DAD busy kayo?"

"Hindi naman, bakit?" sagot nito. Naupo siya sa silyang nasa harap ng mesa nito saka sandaling pinakatitigan ang ama.

Sa isip niya, kung paano sisimulan ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"Hindi ka nagpunta rito para titigan lang ako hindi ba?" si Lem na natawa pa ng mahina.

Tumango siya saka napangiti pagkuwan. "May gusto sana akong hilinging pabor sa inyo."

Nang isandal ni Lem ang likuran sa sandalan ng upuan ay naisip niyang interesado ito sa sasabihin niya. Lihim siyang natuwa roon. "Ano iyon?"

"G-Gusto ko sanang paaralin ninyo si Careen?" walang gatol niyang turan.

Maliban sa kakaibang pagkislap ng mga mata nito dahil sa sinabi niyang iyon ay wala ng ibang emosyon siyang nakita sa mukha ng ama.

"Mukhang interesado ka sa kanya hijo?"

"She's nice, sayang kung hindi siya mabibigyan ng chance na makapag-aral" pagdadahilan niya saka napangiti pagkuwan.

"Iyon lang ba talaga?" hindi kumbinsidong umangat ang dalawang kilay ni Lem.

"Right, I'm attracted to her. I like her, okay na ba iyong sagot ko Dad?" amin niya inamin sa totoong nararamdaman para kay Careen.

Natawa roon si Lem. "So gusto mong paaralin ko siya?"

"Yeah, infact may naisip na akong paraan para hindi ninyo ako matanggihan sa gusto kong mangyari" nangingiti nanaman niyang turan.

"What?" nangingislap ang mga matang isinatinig ng kanyang ama.

"Bigyan ninyo ako ng kahit anong trabaho sa pabrika. Pagtatrabauhan ko ang tuition fee niya sa buong sem at sasagutin ko narin ang allowance niya. I mean half ng allowance ko ibibigay ko sa kanya" nasa tinig niya ang determinasyon.

"Sigurado ka ba rito anak?" noon nagseryoso ang mukha at tinig ni Lem.

"Office work naman siguro ang ibibigay ninyo sa akin kaya siguradong kaya ko iyon" naninigurado niyang sagot.

"Okay sige" nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang pag-sang ayon ng ama.

Tiyak na matutuwa si Careen, isipin lang iyon ay nag-uumapaw na sa kaligayahan ang puso niya kaya lalo niyang napatunayang tama ang iniisip at gusto niyang gawin.

"Thanks Dad, and by the way may isa pa" tumingin lang sa kanya si Lem at hindi nagsalita kaya nagpatuloy siya "kung pwede sana sa ating dalawa nalang ang tungkol dito. Kahit kay Mom pwedeng isikreto nalang natin ang ginagawa ko? Ayoko kasing malaman ni Careen kasi I'm sure tatanggi iyon sa gusto kong mangyari."

"Alright, pero iyong sa Mommy mo mukhang mahihirapan tayo doon anak. Ipaliliwanag ko nalang sa kanya ng maayos dahil siguradong magtataka iyon kung ano ang ginagawa mo sa pabrika. For sure maiintindihan niya, alam mong mabait iyon at maawain."

"Okay Dad" aniyang tumayo na pagkatapos.

"Kahit ano para sayo at sa magiging manugang ko" sagot ni Lem sa nanunuksong tinig.

Salubong ang mga kilay niyang tiningnan ang ama. "Manugang?"

"Si Careen!Lalake rin ako anak. Anyway you better go. Kakausapin ko siya sa linggo ng gabi as soon as makausap ko ang Mommy mo tungkol rito" masayang sagot ni Lem.

"So that means hindi pa final ang usapang ito?" bahagyang nalaglag ang mga balikat niyang tanong.

Tinawanan siya ni Lem. "Pumayag na ako hindi ba? Kakausapin ko nalang ang Mommy mo para hindi naman siya masorpresa pag-uwi niya. Anyway kung gusto mo kahit siguro huwag ka ng mamasukan sa pabrika."

Magkakasunod siyang umiling. "Ngayon ko lang gagawin ng ganito sa isang babae kaya sana maintindihan ninyo ako. Gusto kong magsakripisyo para sa kanya, para hindi ako mahirapang kumbinsihin siyang seryoso ako."

Isang kuntentong ngiti ang pumunit sa mga labi ni Lem. "Sige ikaw ang bahala. Anyway sigurado akong wala namang magiging problema sa Mommy mo, and for sure magugustuhan din niya si Careen."

Magagaan ang mga paa siyang naglakad sa pasilyo nang makalabas siya ng silid. Handa siyang magsakripisyo para kay Careen. At sisimulan niya iyon sa simpleng pagtupad sa alam niyang talagang pinapangarap ng dalaga at tunay na magpapasaya rito. Ang makapagpatuloy ng pag-aaral.

"SALAMAT ah, akala ko hindi na ako makakapag-enroll. May maganda rin namang ibinunga sa akin ang nangyari" aniya sa binata matapos tanggapin ang schedule sheet na iniabot sa kanya ng staff sa loob ng Registrar's Office.

Kagabi nang kausapin siya ni Lem at sabihing gusto nito at maging ng asawa nitong si Yvette na tulungan siya sa pag-aaral niya. Hindi niya napigilan ang maging emosyonal sa harapan mismo ng kanyang amo. Lalo nang sabihin nitong sasagutin narin nito ang kanyang allowance.

Ipinangako rin nito sa kanyang pagka-graduate niya at makakuha ng lisensya ay magkakaroon siya ng tiyak na trabaho sa mismong pabrika ng mga Policarpio.

Ngumiti ang binata. "Wala iyon, tara kain muna tayo baka nagugutom kana" pagkasabi niyon ay hinawakan ang isang kamay niya. Dahil sa pagkabigla ay malakas siyang napasinghap."are you okay?" ang binata sa naging reaksyon niya.

"O-Oo, okay lang ako" aniya sa kabila ng katotohanang tila napapaso ang kamay niyang nanatiling hawak parin ng binata.

Tumango si Lemuel saka nakangiting hinila ang kamay niya. Hindi nilingid sa kanya ang mga matang nakasunod ng tingin sa kanila. Siguro iniisip ng mga ito na nobya siya ng binata. Pinigil niya ang mapangiti habang sa puso niya ay naroon ang masarap na kilig.

Alam niyang maraming babae ang gustong makalapit kay Lemuel. Mga babaeng hindi nalalayo sa antas ng pamumuhay na mayroon ang binata. Kaya nasasabi niyang maswerte siya, dahil sa dinami-rami ng nagpapapansin rito, siya, nakakasama niya ito sa ilalim ng iisang bubong. Nakikita niya ang itsura nito kapag bagong gising at higit sa lahat naipaghahanda niya ito ng pagkain at naipaglalaba ng damit.

Papasok na sila ng canteen nang marinig ang pamilyar na tinig ni Leo.

"Hello sir Leo" bati niya nang makalapit ito sa kanila. At gaya ng iba napuna niyang agad na natuon sa mga kamay nila ang mata ng bagong dating.

Blanko ang mukha nito nang ibalik ang paningin sa kanila. Siya naman ay takang napatingin kay Lemuel na binitiwan ang kamay niya saka siya inakbayan at kinabig palapit rito. At kahit hindi niya aminin, totoong nagustuhan niya ang ginawang iyon ni Lemuel.

"Kakain ba kayo?" tanong ng bagong dating.

"Oo, bakit?" seryosong tanong-sagot naman ni Lemuel.

Tumango si Leo saka siya tinitigan."Teka nakapagpa-enroll ka na ba kuya?" pagkuwan ay winika nito.

Umiling si Lemuel na nanatiling nakaakbay sa kanya. "Mamaya pa, ikaw?"

"Kanina pa ako tapos. Kung gusto mo ako nalang ang sasama kay Careen na magmeryenda para makapagpa-enroll kana" suhestiyon pa nito.

"Hindi na, mamaya nalang ako" giit ni Lemuel na lukot na lukot ang mukha.

"Tsk, sige na huwag kang mag-alala aalagaan ko ng mabuti si Careen, ano sa tingin mo Miss Beautiful?" tumatawang turan ni Leo na binalingan siya.

"Ha? Ah, oo nga, sige na Em para makatapos ka narin ng mas maaga" naisip niyang tama naman ang sinasabi ni Leo.

Noon nagbuntong-hininga si Lemuel at saka inalis ang kamay nitong naka-akbay sa kanya. "Sige itetext nalang kita" saka na ito tumalikod at naglakad palayo.

Sinundan niya ng tingin ang binata kaya ilang sandali rin siyang nanatiling nakatayo doon. Nagitla pa siya nang marinig ang tinig ni Leo.

"Halika na, medyo nagugutom narin kasi ako eh" tumango lang siya saka sumunod sa binata.