Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 54 - KABANATA 6

Chapter 54 - KABANATA 6

"T-THANK you po."

"Welcome, and I mean it, maganda ka. Very beautiful actually" naramdaman niyang totoo sa loob ng binata ang sinabi kaya sa isang iglap ang pagkailang na nararamdaman niya ay bahagyang nabawasan.

"Dito na po ba kayo kakain?" tanong niyang kumuha plato.

Tumango ito. "And by the way kapag tayong dalawa lang kahit Lemuel nalang ang itawag mo sa akin. Okay lang iyon, to tell you frankly naiilang ako kapag tinatawag mo akong sir."

"Parang nakakahiya naman, kasi baka aksidenteng may makarinig" may pag-aalinlangan niyang katwiran saka sinimulang ayusin ang pagkain ng binata.

"That's okay, hindi rin naman nagkakalayo ang edad natin hindi ba?" pagpipilit nito saka dinampot ang tasa ng kape na inilagay niya. "by the way, pasensya kana pala dun sa…" magkakasunod siyang umiling habang namumula ang mukhang muling umiwas ng tingin.

"H-Huwag na nating pag-usapan iyon. Pasensya ka na rin kasi natawag kitang Mr. Suave nun" sa huling tinuran ay hindi niya napigilan ang mapangiti.

Nakita niyang kamuntik nang masamid ang binata sa sinabi niya. "Bakit naman Mr. Suave? Kamukha ko ba si Vhong Navarro?" nangingiti nitong tanong-sagot.

Umiling siya saka nakangiti paring napakagat-labi habang pinag-iisipan kung aaminin ba niyang ang pabango nito ang dahilan kung bakit tinawag niya ng ganoon ang binata. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil iyon nang mula sa likuran ng binata ay pumasok ang isang gwapo at moreno namang lalaki. Naisip niyang malamang ito si Leo.

"Good morning" anitong naupo sa stool na katabi ng okupado ni Lemuel. "ikaw siguro iyong bagong maid na kinukwento ni Dad kagabi sa amin" hinayaan muna kasi siyang magpahinga kagabi ng amo nila kaya ngayon lang niya nakaharap si Leo.

Tumango siya saka ngumiti.

"Hindi nasabi ng Dad na maganda ka at bata, siguro magkasing-edad lang tayo ano? Ilang taon kana ba?" puno ng paghanga ang tinig nitong sambit.

Hindi niya maintindihan kung bakit kahit gwapo rin naman si Leo ay parang walang anumang emosyon ang sinabi nitong iyon sa kanya. Hindi kagaya kapag si Lemuel, dahil pirming bumibilis ang tahip ng dibdib niya at nag-iinit ang kanyang mga pisngi.

"Seventeen," sagot niya saka sinulyapan si Lemuel para lang magulumihanan nang mapunang umasim ang timpla ng mukha. "sandali lang sir Lemuel sorry iyon nga palang almusal ninyo" aniya nang maisip na baka nainis na ito dahil sa tagal niyang maghain.

"Hindi bale na, nawala na ang gutom ko" anitong tumayo saka lumabas ng kusina.

Takang sinundan niya ng tingin ang binata pagkatapos ay nababahalang tinapunan ng sulyap si Leo.

"K-Kayo po sir?"

"Syempre kakain ako, teka, nag-agahan kana ba?" mabait nitong tanong. Napuna niyang kabaligtaran ni Lemuel ang bunsong kapatid nitong hindi yata napapagod ngumiti. Tumango siya saka sinimulang ipaghanda ng agahan ang amo.

"Huwag mong intindihin si Kuya, ganoon talaga iyon. Seryosong masyado kaya tingnan mo ang matured ng itsura" anitong tumawa pa ng mahina nang mahulaan nito marahil ang iniisip niya.

Tiningnan niya ang binatang noon ay magana ng kumakain ng almusal nito.

Matured man pero para sa akin siya parin ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Sana hindi siya nagalit sa akin.

PAGKAKAIN ni Leo ay minabuti niyang dalhan ng pagkain sa silid nito si Lemuel, tutal ay kukunin rin naman niya ang maruruming damit ng binata para labhan. Kahit naman kasi sinabihan na siya ng una na huwag intindihin ang kapatid nito ay hindi parin talaga siya mapakali.

Nag-aalala talaga siyang baka nagalit ito sa kanya o di kaya'y nainis. At kung may bagay siyang pinakaayaw na mangyari, iyon ay ang magalit sa kanya si Lemuel.

Bukas ang pinto sa silid ng binata. Pumasok siya at mabilis na hinanap ng kanyang mga mata si Lemuel pero nabigo siya. Dahil doon ay minabuti niyang ilapag nalang sa side table ng kama nito ang tray ng pagkain. Naisip kasi niyang baka nasa banyo ito at naliligo.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang bukas ang pinto ng CR. Nagkibit siya ng balikat saka kumilos para kolektahin ang maruruming damit ng amo. Pero natigilan siya nang marinig ang tunog ng violin mula sa veranda. Pamilyar sa kanya ang piyesang iyon, ang paborito nilang kantahin ng tatay niya sa videoke.

Ang Please Be Careful With My Heart.

Napangiti siya, gusto sana niyang tunguhin ang veranda para panoorin si Lemuel pero pinangunahan siya ng hiya. Kilala sa SJU ang binata bilang pinakamahusay na violinist ng SJU Orchestra. Iyon ang madalas niyang marinig sa mga kaklase niya partikular sa mga kababaihan.

Pero minsan man ay hindi siya nagkaroon ng chance na mapanood ang binata. Kaya pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay sobrang blessed siya.

Tunay na nabigyang buhay ng binata ang awiting iyon. Ramdam kasi niya ang passion at love ni Lemuel sa musika sa paraan ng pagtugtog nito.

He plays beautifully, at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit parang ipinako ang mga paa niya roon at kuntentong pinakinggan ang mahusay na pagtugtog ng binata.

Ilang sandali pagkatapos ay hindi siya nakatiis. Kusang nanulas sa mga labi niya ang bawat linya ng awiting patuloy na tinutugtog ng binata. At gaya ni Lemuel inawit rin niya iyon ng mula sa puso, nang may pagmamahal habang pikit ang mga matang nakangiti ay wala sa sarili niyang inilagay ang dalawang kamay sa tapat ng kanyang dibdib at nagpatuloy sa pagkanta.

You are my first romance and I'm willing to take a chance that till life is through I'll still be loving you…

Bahagya pa siyang nagtaka nang pakiwari niya ay parang lumapit ang naririnig niyang tunog ng violin. Pero masyado siyang nadadala sa kanta kaya nagpatuloy siya.

From the very start please be careful with my heart…

Sunod-sunod na palakpak ang narinig niya nang matapos ang huling linya ng kanta.

"E-Em-Em?" hindi niya alam kung saan niya hinugot ang pangalang nasambit. Mas natuon kasi ang atensyon niya kay Lemuel na nakatayo na noon sa kanyang harapan.

"What a beautiful voice, akala ko may anghel nang bumaba sa lupa para sabayan ang pagtugtog ko" anitong humahanga siyang pinagmasdan kaya lalong nag-init ang kanyang mukha.

Nanunuyo ang lalamunan siyang nagsalita. "H-Ha? A-Ano kasi, dinalhan kita ng pagkain, saka kukunin ko narin itong maruruming damit mo" utal naman niyang sagot saka kumilos.

"Ano nga iyong itinawag mo sa akin kanina, Em-Em?"

Noon lang niya narealized iyon kaya mabilis na gumana ang isip niya pagkatapos ay magkakasunod na tumango.

"P-Pasensya kana ah, naistorbo ba kita?" aniyang humakbang na para lumabas.

Umiling ito. "Nope, anyway I like it."

"Ang alin?"

Malapad na ngumiti ang binata saka naupo sa gilid ng kama nito.

"Iyong ibinigay mong nickname sa akin. Much better and sweeter kaysa Mr. Suave" biro nito saka siya kinindatan.

Muling nag-init ang mukha niya saka natawa narin pagkuwan.

"T-Talaga? Thanks, anyway kung may ipaguutos ka nasa labahan lang ako. Akala ko kasi nagalit ka sa'kin kanina" pag-amin niya sa kabila ng matinding tensyong naramdaman niyang bumalot agad sa paligid dahil sa ginawing iyon ng binata.

Nang lumapad ang ngiti ni Lemuel ay lalong bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. Kahit naman kasi suplado ang dating ng binata ay lumalambot ang tabas ng mukha nito kapag ngumingiti.

"Asungot kasi iyong kapatid ko, actually sa kanya ako naasar, hindi sayo" pagtatapat nito saka dinampot ang sandwich at sinimulang kainin. "anyway salamat dito, at sa maganda mong boses. Tumutugtog karin ba ng instruments?"

"Gitara, nung hindi pa nasisira iyong gitara ko iyon ang libangan ko" amin niya.

"Ah talaga? Pareho pala tayo, marunong rin akong maggitara pero mas paborito ko ang violoin. You're impressive" compliment nito.

Overwhelmed pero nakangiti at nahihiya siyang nagyuko ng ulo. "Salamat, sige mauna na ako. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka" aniyang lumapit na sa pintuan at lumabas nang makitang tinanguan siya ng binata.

Iyong appreciation at paghangang nakita niya sa mga mata ng binata, totoong humaplos sa puso niya. At dahil sa kakaibang kilig na nararamdaman niya ay mabilis na naglakbay patungo sa dako pa roon ang imahinasyon niya.

Naisip niya, para siyang si Cinderella, isang katulong na minahal at pinakasalan ng isang prince. At ang prinsipeng iyon ay walang iba kundi si Lemuel. Ang mukhang suplado pero pinakagwapong lalaking nakilala niya.

Pero teka, minahal at pinakasalan? Parang ang bilis naman yatang tumalon ng isipan niya. Well, kung siya ang tatanungin iyon talaga ang nararamdaman niya.

Kumportable kasi siya sa piling ng binata kahit pa sabihing kinakabahan at nauutal siya sa mga pagkakataong kaharap niya ito.

Maganda ang pakiramdam niya kapag kausap niya ito, at parang naririnig niya ang puso niya habang ibinubulong nito sa kanyang meant to be sila. At nararamdaman niya iyon, damang-dama niya. Siguro kaya hindi rin niya nagawang magalit kay Lemuel nang halikan siya nito?

Dahil nang mga sandaling naglapat ang kanilang mga labi naramdaman niya ang isang uri ng damdaming alam niyang sa mga halik lamang nito niya matatagpuan.