Chereads / The Zodiac Warriors (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

KAILANGANG matakasan ko siya ngayon kung hindi sasaksakin niya ako gamit ng hawak niyang matulis na espada.

Mamamatay na ba ako? Panginoon? Ano ba talaga ang nangyayari? Saang lupalop ng mundo ba ako napunta?

Hindi kaya napunta ako sa sinaunang panahon? Dahil base na rin sa mga suot ng mga tao dito ay kakaiba sa modernong mundong ginagalawan ko.

Iyon kaagad ang mga tanong ko sa maykapal habang sinusundan pa din ako ng lalakeng heneral sakay ng kaniyang kabayo. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay para akong nasa giyera na sinusundan ng kalaban.

Kailangan mong mag-isip ng paraan, Aellia!

Ano ba dapat ang aking gagawin upang hindi niya ako mahuli? Agad akong nag-isip ng paraan upang makatakas.

Habang takbo ng takbo ay may nakita kaagad akong malaking pintuan na walang kawal na nagbabantay. Hinihiling ko lang sa Diyos na sana'y pagpasok ko ay walang tao.

At kung siniswerte ka nga naman oo!

Wala akong nakitang nakabantay o kahit sino pang tao nang makapasok ako. Agad muna akong nagpahinga dahil pagod na pagod ako sa kakatakbo.

Kailangan ko na rin ng panakip sa aking mukha para hindi ako makilala ng kung sino-sinong tao dito dahil baka ngayon ay pinaghahanap na ako lalo na't hindi pa ako nakakalabas ng palasyo. Agad ko namang kinapkap ang bulsa ng aking uniporme at umaasang may makita akong panyo.

Kinapkap ko na ang lahat ng bahagi ng aking uniporme at nagbabakasakaling may makita pero gusto kong maiyak nang wala akong panyong nakuha sa aking bulsa! Kung hindi mga walang kwentang bagay lamang. May isang ballpen, eraser at dalawang lollipop! Ano naman ang gagawin ko dito?!

Nakakabigo ang nangyayari sa akin ngayon. Bumuntong hininga na lang muna ako para makapag-isip muli ng paraan kung paano makakalabas dito. Sigurado akong maraming kawal sa paligid.

Agad ko naman inilibot ang aking sarili mula dito sa loob. Lakad lang ako nang lakad nag mapagtanto kong napakalaki pala ng espasyo! Mawawala talaga ang isang tao dito pag hindi pamilyar sa lugar.

Tsk!

May mga malalaking estatwa rin akong nakitang nakapalibot sa pasilyo. Kung ako ang tatanungin, wari ko'y ang mga estatwang ito ay mga sinaunang Hari dito sa palasyo. Lahat kasi sila'y nakasuot ng pare-parehong korona.

"S-sino ka?"

Biglang tumaas ang mga balahibo sa aking katawan nang marinig kong may nagsalita. Mukhang ito na yata ang katapusan ko.

Panginoon, ikaw na po ang bahala.

Handa na sana akong sumuko nang mapagtanto kong isang bata lang pala ang nasa harapan ko.

Hindi ko mapigilang kurutin ang batang babae. Tantiya ko'y nasa pito o walong taong gulang pa lang siya.

"W-wag ka pong lumapit sa akin. H-hindi pa po kita kilala."

Buti na lang talaga at bata ang nakahuli sa akin ngayon dahil kung hindi ay katapusan ko na. Dininig talaga ng Diyos ang aking pakiusap.

"Wag kang matakot sa akin, bata. Mabait akong tao. Gusto mo bang malaman ang pangalan ko?"

Nakangiti kong tanong sa bata.

"S-sino ka po ba? Hindi po pamilyar iyong mukha dito sa palasyo."

"Ako lang naman ang pinakamagandang babae sa lugar na ito."

Arogante kong sagot sa bata. Binibiro ko na lang muna siya para hindi siya matakot sa akin. Kailangan ko lang ng kaunting minuto para mag-isip kung paano ako makakawala sa batang ito nang hindi magsusumbong.

"Pero hindi ka po maganda para sa akin. Ang nakikita ko po sayo ay isang ordinaryong mukha na hindi man lang po umabot sa kagandahan ng isang tunay na binibini."

Kainis! Kung hindi lang talaga bata tong nasa harapan ko ngayon.

Totoo nga talagang ang bata ay hindi marunong magsinungaling. Palalagpasin ko na lang muna itong sinabi ng bata sa akin. Pero teka lang, may hawak na tela yung bata!

"Bata, ano pala yang hawak mo?"

Kunwari kong tanong. Mukhang pwede ko itong magamit pangtakip ng aking buong katawan.

"Tela po ito. Isa po kasi ang Ina ko sa mga nagtatahi ng damit ng mahal na Reyna at inutusan niya akong ihatid ito sa kaniya upang makagawa pa ng ibang kamiseta."

Pahayag ng bata sa akin.

"Saktong-sakto bata at kaharap mo ngayon ang isa sa mga bagong katulong dito sa palasyo! Ako na lang ang magdadala nitong tela."

Nakangiti kong sagot sa kaniya. Sana maniwala ang bata.

"Ah kaya po pala hindi pamilyar ang iyong kasuotan dahil bago ka pong tagapagsilbi dito. Ito po oh."

Inabot niya kaagad sa akin ang tela.

"Ano nga pala ang pangalan mo, bata?

"Kalina, po."

Sagot niya at mukhang napaniwala ko yata siya dahil hindi ko na nararamdam na natatakot pa siya sa akin.

Iniluhod ko naman kaliwa kong paa para pumantay sa kaniya.

"Dahil masunurin kang bata ay may regalo ako sa iyo."

Kinuha ko ang dalawang lollipop na nasa bulsa ko at ibinigay dito. Mukhang nagtataka ang bata kung ano iyong ibinigay ko sa kaniya.

"Hindi ba pamilyar sa iyo ito? Isa to sa mga masasarap na pagkain. Ang tawag dito ay lollipop. At pag kinain mo ito magiging maganda ka panghabang-buhay."

Gusto kong matawa dahil naniwala yata ang bata.

"Oh siya, Kalina. Ako'y aalis muna at pupunta na sa iyong Ina para ihatid itong tela."

"Sige po."

Kaagad kong binilisan iyong lakad ko at baka may makakita na naman sa akin. Mahirap na.

SA WAKAS ay nakalabas na ako ng palasyo! Pero hindi madali iyong ginawa ko sapagka't nawawala ako dahil sa sobrang laki ng lugar at marami pang nakabantay na mga kawal.

Naalala ko tuloy yung Heneral kung paano niya akong gustong patayin. Kahit sobrang gwapo niya ay galit pa rin ako sa kaniya. Siya yung magiging dahilan kung bakit maaga akong mamamatay dahil sa atake ng puso.

Anong gagawin mo ngayon, Aellia?

Saan kaya ako pupunta? Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganitong pangyayari.

Tama! May cellphone akong dala! Baka pwede kong matawagan sila Mama at Papa!

The number you have dialed is out of coverage area.

Nagpapatawa ba ako? Walang signal sa sinaunang panahon!

Pumatak naman kaagad ang mga luha sa aking mga mata nang mapagtanto kong ano na ang magiging kahihinatnan ko ngayon.

"Mawalang galang, may nakita ka bang babae na hindi pamilyar ang kasuotan? Maikli ang kaniyang buhok na kulay itim at kulay niyebe ang kulay ng balat sa katawan."

Humarap naman kaagad ako sa mga nagsalita.

Mga kawal!

Bakit hindi ko namalayan na may mga paparating na tao? Nawawala yata akong sa aking presensiya.

Tatlong kawal ang nakikita ko ngayon sakay ng kanilang mga kabayo. Mukha pinaghahanap talaga ako ng palasyo lalo na't tumatama sa akin ang deskripsyon ng kanilang hinahanap.

Sinagot ko naman sila bilang isang boses matanda.

"Ang katangiang hinahanap niyo ay hindi ko pa nakikita mga ginoo. Pagpasensiyahan niyo na at ako'y mauuna na rin."

Sana maniwala sila. Iniwas ko naman ang aking paningin sa isang kawal na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

Nahalata niya ba ako? Lagot na. Tatalikod na sana ako nang biglang ang isang kawal ay nagsalitang muli.

"Kung hindi mo mamasamain ang aking tanong, ang telang ibinalot mo ngayon sa iyong katawan ay pamilyar. Saan mo ito nabili? Kung ako ang pasusuriin ay isa ka lang sa mga pinakamababang klase ng tao sa lipunan. Ang ganitong klase ng tela ay tanging maharlika lamang ang nakakapagsuot."

Nagsisimula na namang kumabog ang puso ko at pinagpapawisan ng sobra. Ano na naman ang isasagot ko? Wala na yata akong maisip na idadahilan.

Handa na sana akong sumagot nang may dumating na iba pang kawal pero hindi pa ako nakakasigurado kung magiging ligtas na ba ako.

"Humayo na tayo at pumunta ng bayan. May nakapagsabing doon ang direksyon ng babaeng pinaghahanap ni Heneral Falco."

Rinig kong pahayag ng bagong dating na kawal. Agad naman akong naglakad papalayo. Mabuti na lang at umalis na kaagad sila.

Hindi nagtagal ay nakakaramdam na ako ng pagod at gutom. Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Kung hindi ko lang sana binuksan iyong pintuan sa isa sa mga silid ng Principal's Office ay baka'y hindi ako napadpad dito.

Kumusta na kaya sila Mama at Papa? Na mi-miss ko na tuloy si Kianna.

Nawala ako sa aking lungkot nang may naririnig na naman akong paparating. Agad ko namang inalarma ang aking sarili at tiningnan kung ano iyon.

Kalesa?

Baka pwede akong makisuyo! Mukhang hindi sa palasyo galing ang kalesa base na rin sa porma at disenyo nito.

Tumakbo ako sa gitna ng daan para huminto yung kabayo.