Chereads / The Zodiac Warriors (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

PIGIL-HININGA ang ginawa ko paglabas ng bahay kanina at maagang pumasok ngayon sa Wisdom Academy. Iiwasan ko muna si Mama lalo na at napatunayan niyang bagsak ako sa isang test. Masyado kasing perfectionist si Mama sapagka't nakapagtapos ito ng Fine Arts bilang isang Cum Laude kaya na rin siguro mainit ang ulo niya sa akin dahil gusto niyang matulad ako sa kaniya na hindi ko naman magaya. Mabuti na lang at napakatalino ni Aellon at mukhang susunod sa yapak ni Mama, wala akong p-problemahin.

Narinig ko namang kumakalam na ang sikmura ko kaya napatingin ako sa aking relo.

"5:30 pa ng umaga!"

Tiningnan ko ang paligid at napagtanto kong madilim-dilim pa talaga. Bakit ba kasi hindi na lang muna ako dumaan ng kusina at kumuha kahit isang mansanas man lang. Nagsisisi tuloy ako.

Dahil na rin madilim pa ng kaunti ang paligid ay napapansin kong may lumiliwanag. Napagtanto kong ang liwanag na iyon ay nanggagaling sa Principal's Office. Agad ko itong tinanaw magmula dito sa labas ng building. Ang liwanag na aking nakikita ay hindi ordinaryong nanggagaling sa ilaw. Iba ang dating niya, parang gintong nakakasilaw.

"Ang aga mong pumasok ngayon, Aellia ha."

Bumalik ako sa aking ulira't nang may tumapik sa aking kanang balikat.

"Uy, Manong Guard! Pasensiya ka na at pumasok ako nang wala ka. Hindi kasi kita nakita."

Kilala na ako ng mga Guwardiya dito dahil masasabi kong sikat ako sa campus dahil na rin sa pagiging pilya ko dati. Tumatakas kasi ako pamin-minsan noong junior high para dumalo ng fan meeting o kaya'y maglaro sa computer shop. Hindi ko pa nakikila rin si Kianna noon. Pero noong may game contest na naganap sa isang arcade shop, doon kami nagkakilala at natalo niya ako. Hindi rin nagtagal ay naging magkaibigan kami. Siya rin ang dahilan kung bakit iniiwasan ko na ang mag ditch ng klase. Good influence kasi siya sa akin kaya na rin siguro gustong-gusto ni Mama si Kianna na kasama ako palagi.

"Walang problema, Aellia. Kinuha ko kasi ang bili kong pandesal dahil hindi pa ako nakakapag-almusal. Pasensiya ka na rin iha kung wala ako sa aking puwesto."

Agad na sagot ni Manong Guard sa akin.

"Manong, okay lang. Naiintindihan kita at alam kong gutom ka lang at kailangan mo ng lakas ng loob para magbantay sa entrance gate. 5:30 pa naman ng umaga, 7:00am pa magsisimula ang klase at mayroon ka pang thirty minutes para mag-almusal nang sa ganoon makapaghanda ka mamaya sa puwesto mo sa gate."

Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Sabay naman kaming tumingin sa isa't-isa ng marinig naming dalawa ang kalaw ng aking tiyan.

"Nakung bata ka. Halika na at sabayan mo ako sa aking almusal. May palaman din akong dala na ginawa ng aking asawa."

Napakamot naman ako sa aking ulo at sabay kaming naglakad ni Manong Guard.

"Ah Manong, siyanga pala. Maaga yatang pumasok ang Principal ngayon."

"Ang Principal ba kamo? Hindi ko pa siya nakikitang dumaan papasok ng gate. Mahigit limang minuto lang din naman akong nawala sa aking puwesto magmula noong dumating ka, kaya panigurado akong hindi pa siya pumapasok."

"Ano po? Pero maliwanag na iyong Principal's Office at panigurado akong may tao na doon."

Agad kong ipinagtataka.

"Maliwanag ba kamo? Tingnan mo iyong Principal's Office. Wala akong maliwanag na nakikita. Masyadong madilim pa ang silid."

Agad kong tinanaw muli ang building at tinungo ng aking mga mata ang Prinicipal's Office. At oo nga! Masyadong madilim pa.

"Pero kanina lang...."

"Iha, baka nagmamalik-mata ka lang dahil sa gutom. Panigurado akong wala pa ang Principal lalo na at ako ang nag-roronda sa building kanina."

Sumang-ayon na lang ako kay Manong kapagkuwa'y sumabay akong kumain sa kaniya.

Ipinagwalang-bahala ko na lang ang aking nakita kanina at baka nga'y nagmamalik-mata lamang ako.

"ALAM mo naman siguro kung bakit kita pinatawag ngayon, Ms. Olejandros?"

Nakayuko lang ako habang kaharap ang Class Adviser namin. At alam ko na rin naman kung bakit nandito ako ngayon habang nakikinig sa kaniya.

Two consecutive na rin kasi akong bagsak sa Math examination. Alam kong hindi nila ipalalagpas iyon sapagka't hindi lang din examinations ang failures ko kung hindi maging quizzes at oral. Kailangan ko kasing maipasa ang subject na ito lalo na't papasok na kami sa kolehiyo sa susunod na taon.

"Matalino ka namang bata pero pagdating sa Math subject ay hindi mo maipasa-pasa. Nag-aaral ka ba talaga? Yung kapatid mong si Aellon, matalino naman sa Math subject ha? Siguro if you didn't skip classes way back before then maybe you have all the time to study more on your weakness."

Gusto kong umiyak dahil nararamdaman kong pinapahiya ako ng Class Adviser ko pero wala akong magawa.

"O siya at pumunta ka na sa Principal's Office."

"Po?"

Takang tanong ko. Bakit kailangang umabot ito sa Principal? Talaga ba at wala na akong pag-asa para makapagtapos ng senior high?

"The Principal wanted to talk about the results of your examination. You should be prepared because she might not guarantee that you can finish senior high for now."

Dali-dali naman akong lumabas ng faculty room at dumiretso kaagad sa Principal's Office.

I'm so dead right now!

KUMATOK ako ng tatlong beses sa pintuan pero dahil walang sumasagot ay inimbita ko na lang ang sarili ko papasok sa loob.

Inikot ng mga mata ko ang paligid pero wala akong makita kahit na anino ng Prinicipal.

"May tao po ba dito? Tao po?"

Paulit-ulit kong sigaw sa loob ng silid. Mukhang lumabas yata ang Principal.

Lalabas na sana ako nang may namataan akong isa pang pintuan. Agad kong nilapitan ito at sobrang namangha sa mga nakaukit na zodiac signs sa pinto. Nakapalibot silang lahat sa isang diyamante. Hindi ko naman mapigilang hawakan ang mga ito. Sobrang gusto ko kasi yung mga sketch signs ng zodiac. Sobrang cool lang.

"Wow! Ang gaganda! Parang napakaselan ng pagkakaukit."

Hinawakan ko isa-isa ang mga zodiac at tinuro-turo ito.

"Ito yung aries, kasunod si taurus, si gemini, si cancer, leo, virgo, libra, scorpio, sagittarius, capricorn, aquarius at pisces."

Pagkatapos kong banggitin ang lahat ay biglang sumilaw ang loob ng kwarto. Naalala ko tuloy kaninang umaga iyong nakita kong sumisilaw na nanggagaling dito. Mukhang tama nga ako kanina at hindi ako nagmamalik-mata, kung kaya't napagdesisyunan kong buksan ang pintuan.

Maingat kong pinihit ang hawakan ng pinto at nang matagumpayan kong nabuksan ay wala akong makita sapagka't masyadong nakakasilaw ang loob at sumasakit ang mga mata ko. Pero ramdam kong mahangin ang paligid at kahit ganoon pa man ay pinagpatuloy ko pa ring pumasok kahit wala akong makita.

"Aaahhh!"

RAMDAM kong masakit ang katawan at ulo ko. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at inalala kung ano ang huling nangyari at bakit kung masakit ang nararamdaman ko.

Bigla akong napatayo at napagtanto kung ano iyong nangyari kanina.

Ang huli kong naalala ay pumasok ako sa isa sa mga silid ng Principal's Office at nakita kong may mga nakaukit na zodiac signs sa pintuan nito at biglang sumilaw ang nanggagaling sa loob. Nang biglang may malakas na hangin ay bigla akong hinigop pababa at sumigaw bandang huli.

"Teka lang? Nasaan ba ako ngayon?"

Umikot-ikot ako para pagmasdan ang nasa paligid at hindi pamilyar sa akin ang lugar! Ni hindi ko pa nakikita ang napakalaking punong ito na nasa aking likuran, kahit ikutin ko pa ang buong campus ng Wisdom Academy.

"Dito ba ako bumagsak?"

Tukoy ko sa napakalaking puno.

Sinimulan ko namang pagmasdang muli ang paligid at may nakita akong napakalaking palasyo.

"OMG! Napakaganda ng palasyo!"

Sigaw ko.

Pero teka lang? Palasyo? Palasyo ba kamo? Hindi na maganda ang nakikita ko ngayon ah! Nasaan ba talaga ako?

Maya-maya't may mga naririnig akong mga kabayong tumatakbo at napagtanto kong may mga nakasakay dito.

Wow!

Para silang mga kawal na sumusunod sa kanilang Heneral na nasa unahan.

Teka nga lang muna. Nasa taping scene ba ako? Una palasyo tapos ngayon mga nagkukumpulang kawal tapos may isang Heneral na baka isa sa mga supporting role. Napakamot na lang ako sa aking ulo nang napagtanto kong nasa taping scene nga talaga ako ng mga artista, pero papanong dito ako napadpad?

Di bale na nga lang, hanapin ko na lang mamaya iyong paborito kong artista at baka nandito siya ngayon.

Habang tanaw lang ako ng tanaw sa mga taong sakay ng mga kabayo nila ay biglang napatingin yung Heneral sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata.

Bigla namang lumakas iyong pintig ng puso ko. Pero teka lang, bakit ba ako nagtatago sa likod ng punong ito?

"Sino ka at humarap sa akin! Sino kang lapastangan na nakapasok sa loob ng palasyo?!"

Humarap naman ako kapagkuwan sa taong nagsasalita.

Ito yung Heneral na tinutukoy ko kanina ah!

Wow! Ang gwapo niya pala lalo na sa malapitan at napakamatipuno pa.

May nakikita rin akong umiilaw sa harapan ng kaniyang kanang kamay. Parang tattoo na umiilaw, pero hindi ko mawari kung ano ito dahil na nakapokus ang aking mga mata sa espadang hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa akin.

Hindi na to biro! Mukhang napadpad yata ako sa ibang dimensyon!

Isa. Dalawa. Tatlo. Takbo!

"Tulong!"

Sigaw ko na lang habang tumatakbo ng mabilis.