Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 4 - Kabanata III

Chapter 4 - Kabanata III

Hindi ako makahinga...

Hindi din ako makagalaw.

Parang may mga tao sa paligid ko, pero malabo, Hindi ko sila makita ng maayos dahil sa malagkit na slime na bumabalot sa aking katawan. Hindi lang ako ang mag-isang nababalutan ng malagkit na likido, meron din ang lalaking nasa harapan ko.

Isog?

Ikaw ba 'yan?

Hindi... Maputi siya.

Pinilit kong kumawala sa malagkit na kulungan. Subalit, wala akong sapat na lakas para makagalaw, maski mga daliri ko sa kamay ay imposible din. Pano na ako ngayon? Eto na ba ang gimokudon at pinahihirapan ako ng aking mga ninuno? Bakit, ano bang kasalanan ko at ganun na lang ang galit nila sa akin. Hindi ba't pagpapakabayani ang ginawa ko kanina? O baka hindi pa 'yon sapat kaya naririto ako ngayon. Kung ganun, tatangapin ko na ang parusang nilaan sa akin. Mawawalan na sana ako ng pag-asa, nang biglang nalusaw ang malagkit na likido sa aming mga katawan. Nilamon ko ang hangin, sa sobrang kawalanan ng hininga. Bago bumagsak ang aming mga katawan sa lupa. Halos wala na akong natitirang lakas para tumayo. Sunod-sunod akong sumuka at umubo para mailabas ang nakain kong slime kanina. Na siyang nagpasakit ng aking lalamunan. Pero bago ang lahat, natutuwa parin akong nakakarinig at nakakapagsalita na ako ngayon.

"Ikinagagalak namin kayong makilala mga Anitu Bata" Pagbati ng isang matandang lalaki na nakasuot ng puting pantaas at patadyong na may kulay itim, pula at abo. Traditional na pangkasuotan ng mga sinaunang ninuno. Pero karamihan lang ng nagsusuot ng ganito ay babaylan. Hindi lang siya ang nakasuot ng magarang kasuotan na ito, meron pang apat na tao sa kanyang likuran na nakasuot din ng kaparehas na kasuotan. Ang pinagkaiba lang nila ay ang dami ng suot nilang kwintas. May mga kasama din silang mas bata sa kanila at eto namang mga 'to. Ay nakasuot ng puting bestida na hangang paa ang haba. At tulad din ng kanilang nakakatanda ay naiiba din sila base sa dami ng kwintas na kanilang suot.

"Babaylan?" Napahagikhik ako sa aking nasabi. Hindi pa nga yata ako patay, nananaginip pa ako eh. Ang weird naman ng panaginip na 'to.

"Tama ka iha" Ngiti ng matanda at dahan-dahan niya akong itinayo.

"Wow hahaha" Hindi ko alam kung bakit, pero parang wala ako sa aking sarili. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para bang wala akong problema at kaya kong tumawa hanga't gusto ko. Sabog ba ako?

"Hahahah bakla" Tawa ng kasama kong lalaki na nalulunod kanina.

"Hoy wag kang ganyan" Saway ko, pero may naglalarong ngiti sa aking mga labi.

"Punong alabay, maari mo ba silang ihatid sa kanilang mga silid. Malakas ang pagkakatama ng mga ito sa ulo" Utos ng babaylan. Lumapit naman ang isang dalagita na matanda lang yata sa akin ng dalawang taon. May apat na kwintas siyang suot-suot. At kahit napupuno na ang kanyang leeg ay hindi siya nag dalawang isip na akayin ako.

"Dito po tayo Anitu Bata" Ngumiti siya na sinuklian ko din ng malaking ngiti.

"Paalam po" Pagpapaalam ko sa babaylan na may halong tawa.

"Bye ma'am/sir" Dagdag ng kasama kong lasing din 'ata.

"Ano palang pangalan mo ate" Ngumiti ako habang naglalakad kaming dalawa. Kasunod ng dalawang kasabay namin.

"Agatha ang pangalan ko"

"Goma Mella Purton, nice to meet you hehehe"

"Ikinagagalak kitang makilala" Sabi niya. Hindi na nadugtungan ang usapan dahil pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng konting antok. Bumagal din ang paglakad ko at halos buhatin na ako ng punong alabay sa pagtayo. Pasalamat nalang ako at hindi naman ganun kahaba ang nilakad namin. Dahil nakarating agad kami sa tapat ng naglalakihang dalawang pinto. Bahagyang kumatok si Agatha sa malaking pintuan nang agad itong bumukas.

"Agatha an'dito ka pala" Ani ng babaeng sumalubong sa amin.

"Magandang dapit-hapon anitu bata" Pagbati ng dalawang alabay sa kanya.

"Likewise" Ani ng babae.

"Maari mo ba kaming tulungan. Siya nga pala, eto sila Anitu Bata Goma Mella at----" Tanong ni agatha sa nakangising lalaki.

"Hansel na lang po at your service" Tugon ng lalaki.

"Anitu Bata Hansel. Kailangan nila ng mahihigaan" Tumango lang ang babae sa harapan namin. At agad din niya kaming pinapaasok. Hindi ko na yata kaya dahil kanina pang mabigat ang mga mata ko. Parang, kahit anong oras ay tutumba nalang ako sa antok. Nang maihiga na nila ako sa kama ay hindi na ako nakagalaw pa at binalot na agad ng antok.

....

Mamamatay silang lahat...

"AH!" Napabalikwas ako sa hindi magandang panaginip. Hindi ko din matandaan kung ano 'yun pero sariwang-sariwa pa sa aking utak ang mga katagang iniwan nito sa aking isipan. Kung ano man 'yun. Natatakot ako para sa aking tribu.

"Gising kana pala" Ani ng baabeng kakalabas lang sa isang silid sa loob ng malaking kwarto na ito.

"Nasaan ako?!" Taka kong tanong. Wala akong maramdamang sakit sa aking katawan kaya hinanap ko agad ang sugat na natamo ko sa bala. Pero wala akong nakita. Wala man lang gasgas o kahit anong galos. Maski pasa aya wala din ako nun. Anong nangyayari?

Nasaan ba ako?

Ospital ba ito?

Nasaan si Amang at mga ka-tribu ko.

Ba't wala sila sa tabi ko. Napahamak din ba sila?

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga. "Nurse, nasaan ang tatay ko nakita niyo po ba sila?"

"Ha?" Taka akong pinagmasdan ng babae.

"Hindi mo ba ako naalala. Ako 'to gurl. Yung nag bukas ng pinto sa inyo kanina" Sabi ng babae na nagpakunot sa aking noo. Akala ko isa sa mga weird na panaginip ko lang 'yun. Totoo pala. Dahan-dahan akong umupo.

"Anong ginagawa namin dito?" Tanong ko. Sumulyap ako sa lalaki kanina na ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog.

"Anitu Bata na kayo... well for the mean time"

"Anong ibig mong sabihin?"

"May natatandaan ka bang boses na naghatak sayo mula sa mundo ng kawalan?" Dahan-dahan akong tumango.

"Diba ang sabi niya. May isa daw tayong kahilingan pagkatapos natin silang pagsilbihan. Pwede tayong humiling duon na bumalik sa totoo nating katawan"

"Ha?"

Umikot ang kanyang mga mata "Explain ko sayo ha, makinig ka. Eto kasing katawan natin ngayon ay hiram na katawan lang mula sa mga anitu o dati nating diyos. Kilala mo naman yata si Bathala di ba?"

Tumango lang ako.

"'Yun! Anyways ang mga anitu kasi ay pumipili ng mga taong nasa gitna na ng buhay at kamatayan. Once na napili ka nilang anitu bata, bibigyan ka nila ng panibagong katawan kasama ang sandatang-bigay na tutulong sayo"

"Sandatang bigay?"

"Sandatang-bigay. Tulad nito" Isang flashlight ang bigla nalang lumabas mula sa kung saan. Parang nag materialize ito sa hangin at ngayon ay may hawak-hawak na siya.

"Ang galing" Bulong ko sa pagkamangha

"Ba't pala flashlight? Di ba sabi mo sandata" Dagdag ko. Napakamot naman siya sa kanyang ulo.

"Ewan... yung isa nga bumbilya eh" Nagkangitian kaming dalawa.

"Ang goal ng mga anitu bata ay protektahan ang mundo mula sa mga masasamang nilalang ng kagubatan at kasanaan. Wala kasing exact number kong ilan kailangan mong patayin. Basta ang pagkakaalam ko once na maka-pitong buwan ka na. Ay tatawagin ka mismo ng diyos na pumili sayo at bibigyan ka ng isang kahilingan"

"Madali lang pala" Nabigyan ako ng pag-asa. Ibig sabihin nito, kaya ko pang bumalik kila amang.

"Anong madali lang, walang madali rito no. Nakakita ka na ba ng halimaw"

"Sa palabas"

"Ok lang sana kung tulad sa palabas na once na napatay mo na ay patay na talaga. Maslalo na yung mga nilalang ng kasanaan. Hindi basta-basta namamatay yun. Eto pa ha, bibihira lang ang mga nakakaabot ng pitong buwan"

"Bakit?"

"Natatandaan mo yung sinabi kong may original body ka pa somewhere" Tumango ako.

"Comatose yung katawan mo ngayon. Now, alam mo naman kapag hindi mayaman ang pamilya o nawalan na ng pag asa yung family mo sayo. Baka sila pa mismo ang papatay sa'yo" Seryoso niyang sabi. Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko kasi ay mangyayari sa akin yung sinabi ng babae na 'to.

"By the way. Cyril nga pala" Pagpapakilala niya sa akin at nakipag kamay pa.

"Goma Mella" Pagpapakilala ko din.

Amang... Anna. Hintayin niyo ako please.