Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 10 - Chapter IX

Chapter 10 - Chapter IX

Hindi ako maka-hinga ng maayos. Nanlalagkit na ako sa pawis, at halos dadalawa na ang maestro sa harapan ko dahil sa pagod at hilo. Mag aalas-cuatro na at kanina pa kaming nag tra-training ni Hansel mula alas-diez ng umaga hangang 3:23 ng hapon. May mangilan-ngilang bathroom at lunch break. Pero kapag nasa training ka na, hindi ka na niya papahintuin hangang plumakda ka na sa lupa. Ganun ka intense ang training session ni Babaylang Julia o mas kilala ng mga estudyante bilang Mami Juls.

Saan ko nalaman iyon?

Sa mga estudyante mismo kapag napapadaan sila sa pintuan ng gymnasium. Ngayon kasing Anitu Bata na ako at hiram na katawan ang gamit ko ay may napag alaman ako, sa bago kong katawan. Bukod kasi sa mataas ang pandama ko eh, malakas, matibay, at mabilis din ako ng kaunti sa normal na tao. Kanina ko lang nalaman noong binangit ito ni Babaylang Julia. Isa daw ito sa regalo ng mga diyos. Kaya nga tuloy-tuloy training namin eh. Napag alaman ko naman na nagsasabi siya ng totoo nang umabot ako ng apat na oras sa pakikipagsipaan sa kanya. Kalamitan kasing wala pa sa kalahating oras ang inaabot ko sa pakikipag sabunutan kay Anna. Kaya namangha na naman ako sa kung anong kaya ng bago kong katawan.

"Sir" Pagtawag ni Hansel, agad naman siyang tinapunan ng nanlilisik na tingin ng ginang. Kaya agad niya din itong binawi at napalunok nalamang "Este Ma'am, matanong lang ho ah, napansin ko lang ho. Yung mga estudyanteng nadaan dito kanina. Normal lang ho ba na makakita sila dito ng may nagtra-training? Para po kasing wala silang paki na tayong tatlo lang nandidito tapos kinakarate pa namin kayo"

"Sikaran ang tawag sa ganitong pamamaraan ng paglaban iho" Ani ng babaylan siyaka siya pumaroon sa bench kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit. "At para naman sa kasagutan ng iyong katanungan, hangat nandidito ako sa loob ng gymansium mapapaloob ang silid na ito sa aking salamanka. Lahat ng makikita ng mga nasa labas ay gawa-gawa lamang ng aking kapangyarihan" Pinunasan niya ang kanyang pawisang mukha at inabot ang kanyang tumbler para uminom.

"Luh di nga?" Manghang sambit ni Hansel siyaka siya nag madaling tumakbo palabas ng gym para tingnan kung totoo nga ang sinasabi ng babaylan. "Gago, ang galing. Subukan mo nga sumipa Mella" Utos niya sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung susundin ko ito o hindi dahil pagod din ako. Pero sa mukhang ginagawa niya ngayon ay nakumbisi din akong gawin ko nalang. Sige, pag bigyan nalang ang bata.

"Sumipa ka na ba?" Sigaw niya.

"Kanina ah, 'di mo ba nakita" Sigaw ko pabalik. Ang layo kasi ng agwat ng kinatatayuan ko sa pintuan ng gym.

"Hindi nga?" Ayaw ba naman maniwala.

"Oh, ayan oh, ayan 'di mo parin kita" Pasipa-sipa ako sa hangin pero para lang siyang nakatanga na nakatingin sa akin. Bukas pa yung bibig. Akala mo nag hihintay ng milagaro. Bahagya niyang ipinasok ang kanyang ulo sa pintuan at para na namang bata na first time lang makakita ng magic tirck ay namangha na naman siya.

"Laaa! ang galing. Tangina, halika ka dito Mella. Pag nasa labas ka akala mo nag e-aerobics lang tayo" Sambit niya. Mas ok pa ako na mag aerobics nalang kaysa makipag sikaran mula alas diez ng umaga. Hindi din ideal partner si Hansel. Ang haba ba naman ng legs. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya pero natatamaan niya na ako.

"Mangkukulam pala kayo ma'am" Sigaw niya sa nanahimik na babaylan. Muntikan pang ma-samid ang matanda sa sinabi niya pero agad din naman itong natakpan ng kanyang pagiging mahinhin at pagka-elegante nito.

Bahagya siyang natawa "Babaylan iho, hindi mangkukulam. Naiiba kami sa mga tao na 'yon" Sambit niya na parang may halong pangdidiri. Muli niyang pinunasan ang kanyang sarili siyaka siya tumayo at tinawag kami gamit ng kanyang kamay.

"Bukas ituturo ko naman sa inyo ang Yaw-Yan at sa sa kasunod nitong araw ay ang pagamit ng inyong sandatang-bigay sa pakikipag laban" Marahan siyang ngumiti "Lumakad na kayo, para makapag handa kayo sa pagpupulong mamaya" Marahan niya kaming itinulak gamit ng kanyang kamay palabas sa gymnasium.

Sinalubong kami ng katahimikan palabas. Halos walang katao-tao sa hallway pati na sa school yard na makikita mo padaan papunta sa main building. Hindi ko siya masasabing disyerto dahil may mangilan-ngilan pa naman na mga estudyante at school staff na nadaan. Pero ni-isa sa kanila ay walang nilabas na ingay. Kahit ang pagkalampag ng kanilang sapatos sa sahig ay tahimik din.

"Weird" Bulong ko. Hindi naman na pansin ni Hansel dahil busy siya sa sarili niyang mundo. Ewan ko ba sa lalaking to, kung hindi siya hyper ay naka tulala naman. Kung hindi lang siya matangkad sa akin ng kaunti ay baka pinagkamalan ko pa siyang bata. Isa na din sa dahilan yung mukha niya, ang baby face kasi eh. Parang hindi siya lumaki sa problema kaya hindi siya nag ka-wrinkles kahit isa.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ko. Hindi niya parin ako sinagot kaya kinalabit ko na siya. Kaso hindi niya parin ako pinansin kaya minabuti ko nalang hampasin siya sa balikat para magising siya sa katotohanan na may kasama pa siyang naglalakad. "Ano, maayos ka lang ba? kanina ka pa tulala eh"

"Wala, iniisip ko lang kung pano ginawa ni bakla yung kanina" Sagot niya.

"Bakit may balak ka din ba magiging babaylan" Pangungutya ko.

"Hindi noh! Mukha ba akong mahilig mag suot ng palda" Bulyaw niya bago niya ako inalisan.

"Nangyari dun?" Parang nag bibiro lang eh. Tatawagin ko na sana siya ulit para manghingi ng tawad kaso mas mabilis pa siya sa alas sinko. Kaya nawala na siya sa paningin ko. Hinabol ko siya papasok sa main building dahil 'di ko pa gamay yung pasikot-sikot ng school. Natatakot akong baka mawala pa ako dito. Ang pagkakatanda ko kasi ay dumaan kami sa hallway kanina tapos kumaliwa, tapos sa susunod na hallway ay kumanan kami o kumaliwa din? Ewan naguguluhan ako. Eto na nga yung kinakatakutan ko eh. Makapagtanong na nga lang. Sakto namang may estudiyante akong nahagip na papasok na sana sa loob ng classroom.

"Sandali lang kuya!" Napalakas ata ang tawag ko dahil hindi lang siya ang nakarinig sa akin pati na rin yung dalawang classroom na nilagpasan ko.

"Bakit?" Huminto ako sa harap niya.

"Alam niyo po ba kung nasaan yung E-26?" Pagtatanong ko. Buti nalang tanda ko pa yung nakasulat na numero at letra sa taas ng pintuan. Kung hindi mag mumukha lang akong tanga sa harap ni kuyang may singkit na mata.

"E-26?"

"Opo"

"Sa fourth floor lang 'yon. Sa may dulo. I-take mo nalang yung elevator para 'di ka mapagod sa pagakyat" Ani niya ng biglang lumapit na din yung teacher sa loob ng classroom nila. Inuusisa kung sino yung kanina pang kausap ng estudyante niya. Tiningnan ako nito mula ulo hangang paa at nang makita niya ang maliit na badge na nakasabit sa mangas ko ay pinasadahan niya ulit ako ng tingin. Problema nito.

"Section F ka ba iha ng humss?"

"O-Opo" Sagot ko.

"Sinong teacher mo ngayon" Pagtatanong ng gurong lalaki.

"Si Ma'am Julia po" Sagot ko. Ngumiwi ang mukha niya pagkatapos marinig yung pangalan na iyon. Na para bang hindi niya na gustuhan yung tawag ko sa sinkweta'y unong guro.

"Ahhh si Julio... Nandoon pala yung elevator, James paki-guide na lang siya sa elevator. Mukhang transferee ulit to ni Ma'am Gamboa" Paki-usap niya sa tsinitong binata. Lumapit naman agad ito sa akin at binigyan ako ng mapagkaibigang ngiti.

"Shall we?" Pag-yaya niya. Inalay niya pa sa akin yung braso niya para akayin ko. Pero hindi ko tinangap. Nakakahiya kasi.

"By the way iha, what's your name?" Singit ng guro bago kami umalis.

"Mella po" Sagot ko na itinango lang ng guro bago siya pumasok sa loob ng kanyang silid-aralan.