"Ayos, parang wala lang nangyari ah" Ani ni Edward sa tabi ni Jona. Habang pinagmamasdan ang mga first at second roomates sa kanilang table na nag kwekwentuhan habang kumakain. Iniisip niya siguro yung banta ng punong babaylan.
Kasalukuyan kaming nasa canteen dahil lunch break namin. At kasama ko sila Jona, Cyril, Michelle at Edward habang si Hansel naman ay hindi na namin na-hagilap noong pinalabas na kami ni babaylang Julia. Para siyang bula na mistula nalang na wala. Ni-isa sa amin ay hindi na siya nakita. Ayaw ko sanang isipin na may kinalaman ito tungkol sa akin pero na babagabag akong, baka ito nga ang dahilan. Gusto ko pa naman mang-hingi ng sorry sa kanya.
"Three weeks kana dito, hindi ka pa sanay" Sambit ni Cyril sa kanya habang hinahati ang hita ng abobong manok gamit ng kutsara at tinidor. Taka ko silang tiningnan habang sumusubo ng hotdog. Napagtanto ko lang. Kung ika-one month ni Cyril ngayon ibig sabihin na lahat kaming member niya ay hindi pa nakaka abot ng isang buwan bilang anitu bata?
Napagkwentuhan kasi namin ni Michelle kanina ang individual ranking ng bawat isa. Ang sabi niya ang pinakamataas na araw o buwan bilang anitu bata ang nagiging pinuno ng kanilang silid. At dahil si Cyril ang pinuno namin, ibig sabihin lang na mas matagal na siya dito kaysa sa amin. Pumasok tuloy sa aking isipan yung sinabi sa akin ni Mikael. Mahihina daw ang mga nasa pangatlong silid kaya bibihira lang ang mga nakakatungtong ng matagal dito. Makes sense sa sinabi sa akin ni Cyril sa unang araw ko dito. Sinumpa ata ang silid na 'to.
"Anong oras pala yung ronda natin mamaya?" Pag iiba ng usapan ni Jona. Kanina pa siyang tahimik at wala siyang balak makipag usap sa amin. Nagsasalita lang siya kung kakausapin mo o kaya ay may itatanong siya sayo. Hindi ko pa siya napapansing sumasali sa kwentuhan namin. Parang hindi mo pa nga siya masasali sa katuwaan, dahil lagi siyang seryoso. Magkakasing-edad lang kami pero kapag tinitingnan niya kami ay para lang kaming mga bata sa mata niya.
"Mga six, alis na tayo ng five thirty. Mella mag ready ka mamaya ah eto yung first patrol mo" Ani ni Cyril sa akin. Bukod sa mga misyon, isa sa mga gampanin ng anitu bata ang mag patrolya sa iaa-assign na lugar ng mga babaylan sa inyo. Isa sa mga dahilan kung bakit laging may nawawalang tao sa mga grupo. Base sa impormasyon ni Michelle sa akin. Ay dadalawa lang o hangang apat ang ina-assign sa ronda sa isang silid. Pero dahil may kaso nga kami bilang mahina, ay buong third roomates ang mag kakasama. Para kung may mangyaring hindi maganda ay buhay kaming lahat na makakauwi dito. Sabi ni Michelle, hindi sa akin.
"Girls... Hi!" Napa-lingon kaming lahat sa source ng ingay. Galing ito sa magandang babae na may maputing balat at may mga highlight sa buhok. Ngayon ko lang nakita yung ganung style ng hairstyle pero bagay naman ito sa kanyang bilugang mukha. Maamo siyang tingnan at babaeng-babae. Kung ipag-kukumpara ko sila ni Cyril ay wala akong masasabing pinagkaiba maliban nalang sa itsura. Tono palang kasi ng boses eh malalaman mong magkaparehas sila ng tema.
"Andito ka lang pala Michelle, why don't you go to our table with your own kind 'di ba. Baka inaabala mo pa sila dito" Maarte niyang sabi. Typical na katangian ng mga babaeng kontrabida na mababasa mo sa isang modernong nobela.
"It's ok Emelda. Always welcome naman siya dito. Hindi tulad sa iba diyan" Binulong ni Cyril ang huli niyang sinabi at binigyan siya ng plastikadong ngiti.
"If that's the case then ok..." Mukha lang silang dalawang masayahing magkaibigan kung titingnan mo sa labas pero kung mataas ang empathy mo sa tao ay malalaman mong parehas silang naaalibadbaran sa isa't isa. "By the way I'm Emily, nice to meet you" Pagpapakilala niya sa akin.
"Mella..." Maikli kong tugon.
"I saw your fight earlier and I was shocked. Grabe for almost three months of my life as anitu bata. Ngayon lang ako nakakita ng ganun sa grupo niyo... No offense" Tinapunan niya ng ngiti ang mga kasama ko.
"Salamat..." Tama ba yung response ko. Hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko sa kanya na. Na-aawkard ako o na o-overwhelm sa attitude na binibigay niya sa akin. Wala naman akong napapansing malice sa kinikilos niya kahit gamitin ko pa yung kapangyarihan ni Dian Masalanta. Talagang ganun lang siya mag present sa sarili niya.
"Are you sure you're a thirdy. Baka kasi nag kamali lang yung alabay sa pag lagay niya sa iyo" Huminto siya na para bang may natatandaan siyang kung ano "Sabagay kapag sugo ka na ni Dian Masalanta automatic nang ilalagay ka nila doon. What a pity, cause you have a good potential. Anyway if you need me, i'll be at the first room ok" Kinindatan niya ako sabay alis papunta sa kanyang table. Kung saan kanina pa akong pinagmamasdan ng mangilan-ngilang lalaki.
"The nerve. Hindi ko talaga mabasa yung babae na 'yun" Umpisa ni Cyril. " Mella if you have plans to be friends with her. I advise you to reject that thought. May mga nabilog na din siya sa mga kasama ko dati. Gagawin kalang alalay nun" Tumango nalang ako sa sinabi niya. Habang ang mga mata ko ay naka pako sa babaeng may kulay pilak na buhok at mag kaibang pares ng mata.
Tahimik lang siyang kumakain, kasabay nang kanyang mga kasama na ganun din sa kanya. Wala kang maririnig na ingay mula sa table nila. At parang kung anong mga robot ay sabay-sabay silang sumusubo o ngumunguya. Ang weird lang at napaka misteryoso nilang tingnan. Kung itatabi mo si Jona sa kanila ay baka mapagkalaman mo pang parte siya sa grupo nila. Sila na yata yung mga second roomates na na-ikwento sa akin ni Cyril. Yung may pinuno na may kapangyarihan ng ilusyon. At kung hindi ako nagkakamali, yung babaeng may maputlang balat at pilak na buhok ang leader ng kanilang silid.
"Akyat na ba tayo?" Tumango kaming lahat kay Cyril. "Edward yung food ni Hansel nasayo noh" Singit niya habang tumatayo na kami mula sa aming upuan.
"Andito naman" Tugon ni Edward.
"Good, Mella ikaw na mag bigay niyan sa kanya. Para hindi na siya magtampo sa iyo" Ngumiti ako sa ideya ni Cyril habang inaabot ang bag ng pagkain kay Edward. Tama naman siya. Sa pamamagitan ng peace offering na ito ay mababawasan ang kung anong galit na nararamdaman ni Hansel sa akin. Hindi magandang patagalin ang hidwaan kaya mas mabuti pang tapusin na namin 'to ngayon palang. Baka ito pa yung sanhi na sinasabi ng punong babaylan, mas mabuti nang sigurado.
"Let's go gurls" Pag aaya ni Cyril. Siyaka na kami umakyat sa taas. Inaasahang nan'doon din si Hansel sa room. Hindi naman kami nag kakamali dahil nanduon nga siyang nagmu-mokmok sa isang sulok. Habang nanonood ng kung ano sa youtube.
"Taray mo naman. Sa lahat ng nag-eemote sa gilid ng kwarto ngayon lang ako nakakita ng nanonood ng peppa pig" Ngumisi sila Edward at Michelle sa tabi ni Cyril. Pero hindi nagawang kunin ni Cyril ang atensyon nito. Para pa nga yatang lalong nainis eh. Umupo ako sa tabi niya. Wala pa ding imik hangang inabot ko ang paper bag sa kanya.
"Hindi ka pa yata kumakain. Nagdala kami ng pagkain mo..." Bulong ko sa kanya. Pero hindi niya parin ako pinansin. "Hansel... sorry" Tiningnan niya na ako.
"Hindi ko intensyon na ipahiya ko o ano. Kahit ako, nagulat sa ginawa ko kanina. Alam kong hindi ko na mababago yung nangyari pero sana hindi ito yung dahilan para matapos ang pagkakaibigan natin" Sambit ko.
"Ang drama mo" Numiti siya, siyaka na inabot ang paper bag sa akin.
"Ayun naman pala eh, burger at fries lang pala ang sagot" Mapanlokong bulyaw ni Cyril. "Dinaig niyo pa mga teh yung nagka-LQ na mag-jowa. Ano nga ulit yung sinabi mo Mella. Hindi mo intensyon ang alin. My gosh you sound like you cheated on him. Tapos eto namang isa peppa pig pa yung pinapanood. Ano ka three years old" Tawa niya sabay hampas ng malakas sa balikat ni Edward. Tiningnan siya nito ng masama pero ang loka-loka ay walang hinto siyang pinaghahampas.
"Aray ang sakit" Reklamo ni Edward.