Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 12 - Kabanata XI

Chapter 12 - Kabanata XI

Isang suntok pakaliwa, suntok pa kanan, at suntok pataas. Sinalubong ko lahat ng ito nang walang kalaban-laban at hindi na makapalag sa lahat ng galos at pasa na natamo ng aking katawan. Lahat na yata ng sakit ay naramdaman ko sa dalawampu't siyam na minutong pag ii-sparing namin ni Hansel. Kung iniisip niyong hindi patas ang laban. Dun kayo nag kakamali dahil halos hindi na niya maigalaw ang kanyang kaliwang binti dahil sa sipang natamo niya sa akin. Na walan' lang ako ng focus kanina dahil mukhang napuruhan ko siya sa ginawa kong 'yun. At doon naman siya nakakuha ng buwelo at sinunod-sunod niya na ako ng suntok. Hindi na siya makalakad ng maayos, halos hinihila niya na ang kaliwang paa niya para makalapit. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Halos dumadagdag ito sa iniinda kong tama sa katawan. Kung hindi lang malakas ang resistensiya ko ay baka kanina pa akong plumakda sa sahig at namimilipit sa pinagsamang sakit mula sa aming dalawa.

"Nakakamangha ka Anitu bata Mella. Hindi ko waring isipan na kaya mo palang tumagal ng higit tatlumpong minuto. Kung sa iba lang 'yan ay baka nakipag mabutihan na sila sa lupa kanina pa" Humalakhak si babaylang Julia sa kanyang kinauupuan. Habang ang mga anitu batang nanonood ng laban ay napa agikik kaming pinagmamasdan.

"Go Mella you can do it!" Sigaw ni Cyril sa bench kasama sila Jona, Edward, at Michelle na kanya-kanyang may bitbit na popcorn na kinuha nila kanina sa canteen.

"Beat his ass Mella! Whooo" Alulong ni Edward. Halatang natutuwa sa kanyang pinapanood na para bang isang malaking sports lang 'to at nasa bahay lang siya na may hawak na remote.

"Wow salamat ha..." Bulong ni Hansel sa harapan ko. Naliligo na siya sa pawis, putok ang labi, at may gasgas ang kanang pisngi kung saan nasugatan ng mga kuko ko kanina. Nakalimutan ko kasing mag gupit ng kuko, kaya nasugatan ko siya. Sumuntok ulit siya pero mabilis ko lang itong inilagan. Sunod sunod siyang nag pakawala ng mga suntok pero ni isa duon ay walang tumama. Sa bawat suntok niya ay padagdag nang padagdag ang kulo ng kanyang dugo at apoy ng galit sa kanyang kalooban. Anytime, pwede itong sumabog. At ayaw kong nasa front row seat ako ng vulcanic eruption. Sa pag bitaw niya ng kanyang braso ay agad ko itong hinuli at ginamit ang buong lakas ko para mapatumba siya. Malakas ang pagkaka plakda niya sa sahig ng gymnasium halos rinig na ito sa labas. Nagulantang ako sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga anitu bata. Dinaig ko pa yung naka final shot sa basketball at goal sa soccer, sa cheer nilang lahat.

"Ibinabati kita Anitu bata Mella sa iyong pagkapanalo. Nakakamangha ka ngang tunay. Maari ka nang umupo kasama ng iyong mga kaibigan" Ngiting bati sa akin ni babaylang julia. "Anitu bata Mikael, maari mo bang hilumin ang kanilang mga sugat" Tumango naman ang lalaking may suot ng hating maskara sa kanya at agad nang lumapit kay Hansel para pagalingin ang kanyang mga sugat.

Naguluhan lang ako dahil kailangan pa nilang hatakin si Hansel malapit sa bintana. Kung saan nasisiktan ng araw. Maya-maya pa nang sinandal nila ang lampang katawan ni Hansel ay itinapat lang ni Mikael ang kanyang palad sa mukha niya ay unti unting naghilom ang kanyang mga pasa, sumirado ang gasgas sa kanyang pisngi at nabigyan ng kung anong lakas. Nakatayo agad si Hansel na para bang wala siyang tinamo kanina. Nagtama ang mga mata namin; takot, galit, at pagkasuklam. Naiintindihan ko ang dalawa pero pagkasuklam? Saan nang galing 'yun.

"Sorry" Bulong ko sa hangin. Nakita niya iyon pero hindi niya na pinansin. Umupo siya sa kabilang side ng bench. Gusto ko sana siyang lapitan para makahingi ng tawad. Alam kong nasobrahan ako kanina, hindi ko alam kung saan nang galing yung ganong side sa akin. Ipinalaki akong Bai, ni Amang. Ni minsan hindi nakahawak ng bolo o matatalim na bagay. Kaya nang maramdaman ko ang thrill sa pakikipaglaban ay natakot ako bigla na medyo na ee-excite?

"Hayaan mo muna siya. Siyaka ka na mag sorry kapag malamig na ulo niya" Payo ni Cyril.

"Kailan ko naman malalaman 'yon" Wala sa utak kong sagot. Nag aalala kasi ako na maging sanhi pa ito ng hidwaan naming dalawa.

"Use your empathy dummy. Nakita ko ngang ginagawa mo na yun kanina eh" Taka ko siyang tiningnan.

"Umaatake ka lang kasi kapag kalmado ang utak niya, dumidepensa ka naman kapag kabaliktaran. Hindi lang ikaw marunong mag basa ng emotion ng iba noh" Yung kapangyarihan ni Dian Masalanta ang tinutukoy niya. Hindi ko pala napapansin na ginagamit ko na. "That was very cool by the way gurl. Ngayon ko lang nakita na pwede palang gamitin yung empathy sa pakikipaglaban. Mostly, hindi kasi tayo nakikipag away eh"

"Gusto mo bang gamutin kita?" Lumapit sa akin yung lalaking may kalahating maskara. Makikita mo yung kaliwang bahagi ng mukha niya pero sa kanang bahagi naman ay natatakpan ng maskarang gawang kahoy. May naka-ukit na baybayin sa parteng baba nito habang sa taas naman naka-ukit ang araw at ulap.

"Malamang Mikael, syempre naman" Umikot ang mata ni Cyril siyaka siya biglang tumayo. "Diyan ka muna sis ah. C-CR lang muna ako" Pagpapaalam niya siyaka siya tumakbo.

"Unang silid! Maari na kayong pumwesto sa harapan" Bulyaw ni babaylang Julia.

"May training kayo?" Taka kong tanong sa lalaking taga unang silid sa harapan ko.

"Oo" Maikli niyang sagot. Pinausog niya ako kung saan malapit yung sinag ng araw sa kinauupuan ko.

"Bakit, may bago din ba sa inyo?" Unti-unti kong naramdaman ang kalakasan na nanunumbalik sa aking katawan.

"Wala naman. Ganiyan talaga sa amin... pati sa pangalawang kwarto"

"Ang unique naman namin. Ba't exempted kami"

"Napaka hina niyo kasi sa laban" Tuwid niyang sagot.

"Hindi sa dinedegrade ko kayo ah. Pero yung former batch ng mga third rooms. Walang lakas na depensahan ang sarili nila. Siyam sila noon. Pito patay" Lumaki ang mata ko sa bombang inihagis niya sa akin. Walang katono-tono yung boses niya pero sa kapangyarihan ng diyosa ay nakaramdam ako ng awa. Ano kayang nangyari sa kanila?

"Kaya ba---" Naputol ang itatanong ko nang dumating bigla si Cyril.

"O-M-Jay! Ayan na si papi Miguel" Nabaling lahat ng atensyon namin sa baba kung saan nakikipag sparring ang dalawang lalaki.

Parehas na malulusog ang pangangatawan ng dalawa. Halos mag kasing-bilis sila sa pag galaw pero mas nalalamangan parin ng lalaking may mas malaking pangangatawan ang isa. Nag salitan sila ng suntok at sipa. Tadyak at siko. Pero ni isa sa kanilang dalawa ay walang balak tumumba.

"Sino diyan si Miguel" Pagtatanong ko kay Cyril na kinikilig sa kanyang kinauupuan.

"Ayun Gurl, yung pinaka poging anitu bata" Pagtuturo niya sa lalaking may mas malaking pangangatawan. Nakipag bono na ito sa kalaban niya. Nang biglang lumusot ito. As in lumusot sa ilalim ng lupa. Mabilis na tumayo ang lalaking may pangalan na Miguel, nag mamatyag sa paligid.

"Makakakita na naman tayong ng diving combo ni Jerico" Pagbubulungan ng mga kasama ko sa bench. Halos pigil hininga naming hinintay ang paglutang ni Jerico mula sa ilalim ng lupa. Pero pumatak na ang isa at kalahating minuto pero hindi parin siya umaahon. Nabaling ang atensyon ko kay babaylang Julia na para bang nakita niya na 'to at naghahanap ulit siya ng bago. Ibabalik ko na sana ang mga mata ko sa laban ng biglang--sa isang kurap ay umahon ang binatilyo sa lupa at sinipa sa likod si Miguel tapos nag dive ulit pabalik sa matigas na papag ng gymnasium. Naka tatlong sipa at suntok si Jerico mula likod hangang dibdib ni Miguel. Pero ni isa doon ang hindi kayang magpatumba sa kanya. Nananatiling nakatayo parin ang lalaki nang biglang sa isang iglap. Sa oras na pag ahon ni Jerico mula sa papag ay nagawa niyang hulihin ang kamao nito, na papunta na sana sa kanyang mukha.

" One second. Bago ka ulit makatagos. Alam ko na lahat ng flaws mo" Maangas niyang sabi sa kanyang kalaban. Matapos niyang baliin ang braso nito sa aming harapan.