Alam niyo yung pakiramdam na para bang out of place ka. Yung gusto mo ding maki-kwento o makisalamuha sa kanila pero mapapa-huwag ka nalang. Parehas lang naman ang suot-suot kong damit at mukha ding kasing edad ko lang sila. Pero bakit parang pakiramdam ko na hindi ako kasapi sa kanilang grupo. Hindi ako sanay, siguro dahil hindi ko pa naman sila lubos na kilala at ganun din sila sa akin. Kaya eto ako ngayon, tahimik na naka-upo sa gilid kasama si Hansel na kanina pang ngumunguya. Kung alam ko lang na magiging ganito ka awkward ang sitwasyon edi sana nagdala nadin ako ng makakain ko.
"Ok, ka lang" Pagtatanong ni Hansel pagkatapos niyang sumubo ng kanin. May sauce ng kaldereta sa labi niya at mukhang wala din siyang paki sa iisipin o sasabihin ng mga tao sa paligid niya. Kung katulad lang ako ni Hansel edi sana hindi ako nababagabag sa kina-uupuan ko ngayon.
"Maayos lang naman" Tugon ko sa kanya habang sumusubo ulit siya ng kanin "Ano bang gagawin natin dito. May teacher bang pupunta?" Kaninang alas siyete pa kasi kami dito pero mag aalas nuebe na at wala parin kaming guro.
"Ewan baka late lang siguro?" Susubo ulit sana siya ng ulam nang biglang pumasok si Agatha at ang kanyang kasamang babae. Nagsitigil ang mga "kaklase" ko sa ginagawa nila at umupo na din na para bang pumasok na ang kanina pa nilang hinahantay na guro. Agad namang sinirado ng kaklase kong lalaki ang pinto nang makapasok na silang dalawa.
"Magandang umaga mga anitu bata. Pagpasensyahan niyo na at ngayon lang ako nakarating. Marami kasing inaasikaso ang mga babaylan at alabay sa araw na ito, kaya napagisipan namin dito sa silid-aralan nalang gawin ang pag-tutukoy ng inyong bagong kasapi" Parang signal, sabay sabay umikot ang mga ulo ng aming mga kaklase nang marinig nila ang salitang 'bagong kasapi' "Maari ko ba kayong tawagin dito sa harapan anitu bata Goma Mella at anitu bata Hansel?" Pakikiusap ni Agatha na sinunod naman namin. Sa umpisa ay nagka-ilingan pa kami kung sinong unang tatayo. Pero nagawa ko namang patayuin si Hansel nang linakihan ko siya ng mata.
"Upang malaman kung saang diyos at silid kayo nabibilang. Kailangan niyong sumailalim sa pamamaraan ng pagtutukoy" Pagpapaliwanag ni Agatha siyaka niya sinenyasan ang kasamang babae na lumapit sa aming dalawa. "Eto si Alabay Beatrice, ang makakapag sabi ng inyong tungkulin bilang anitu bata" Pagpapakilala niya pa na itinango ang naming dalawa.
"Ipikit ang inyong mga mata at hawakan ang bato sa aking kamay" Dahan dahan naming inilapat ang aming mga palad sa makinis na bato na hawak-hawak ng alabay. "Abba kataas-taasang diwata. Nag susumamo ako sa inyo, tukuyin ang yaring anitu bata sa harapan ko at bigyang landas na ipinangako" Pag bulong niya sa hangin habang nakatingala ang ulo. Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin 'to. Napanood ko yatang gawin 'to ni Tanda sa tribu. Ang weird lang dahil wala naman akong naramdaman na kahit ano, o kaya walang mahiwagang nangyari pagkatapos noon. Ipinikit lang ni Alabay Beatrice ang kanyang mga mata at bumulong-bulong at wala ng iba. Nag hahantay siguro ako ng milagro.
"Maliwanag sa sikat ng araw. Nagpapasalamat kaming lahat sa inyo Abba" Ngumiti si Alabay Beatrice sa kanyang natuklasan. Kung ano man iyon. Nakuha niya ang atenyson ng buong klase. "Anitu Bata Goma Mella, ikaw ay nabibilang sa sugo ni Dian Masalanta at ikaw naman Hansel, ikinatutuwa kong sabihin na ikaw ang nag iisang pinili ni Libulan diyos ng maputlang buwan" Nagulat ako ng biglang nag palakpakan ang mga kaklase ko sa amin. Hindi ito yung palakpakan na natutuwa sila sa balita, eto yung palakpakan na required pagkatapos mag presinta ng grupo sa kanilang report.
"Ibinabati ko kayo mga anitu bata. Hindi niyo na kailangan lumipat mamaya, mananatili kayo sa silid na tinulugan niyo kagabi" Tinapik kami ni Agatha sa balikat at binigyan kami ng masinsin na ngiti.
"Ipagpapaumanhin ko ngunit, hangang dito nalang muna tayo. Kailangan na naming bumalik ni Alabay Beatrice sa aming klase. Magkita kita nalang tayo sa pagpupulong mamayang alas sinko" Agad na lumabas din ang dalawang alabay pagkatapos nu'n. Hindi ko alam ang nangyari, para kasing wala naman akong naramdaman na kakaiba. Yung parang main character moment na nababasa ko sa mga libro o kaya mga napapanood ko sa palabas. Wala kasing ganun eh.
"Sabi ko na nga ba girl. Unang tingin ko palang sayo may kutob na akong kay Dian Masalanta ka" Lumapit sa amin si Cyril kasama si Jona.
"Dian Masalanta?"
"Duh, ang nag iisang diyosa ng pagmamahal, panganganak at proteksyon. Oh 'di ba three in one. Sa'n ka pa" Pagmamalaki ni Cyril sa diyos niya.
"Cyril matanong lang, ano yung tinutukoy ni Agatha kanina na mga silid?" Pagtatanong ko. Naguguluhan kasi ako kung bakit may line up din ang mga kwarto dito. Hindi lang pala diyos ang kailangan tukuyin, pati kung saan ka din pala matutulog.
"Ah, 'yun? Meron kasing tatlong kwarto dito. Each room symbolizes our three K's. Ang first room ay Kagitingan. Duon sila natutulog" Turo niya sa grupo ng mga estudyante na kanina ko pang napapansin na may kung anong pinaguusapan. "Ang priority nila ay teritoryo at pumatay ng halimaw. Ang second room naman ay Kaligtasan, sila yung mga wala dito, priority naman nila ay iligtas ang tao mula sa natural na delubyo at pag atake ng mga halimaw. Tayo naman yung third room or Kapayapaan, our priority naman ay human and creature relationship. In short guidance counselor tayo ng mga basagulero at chismosa nating kapitbahay!" Pagpapaliwanag niya na itinango ko lang. Kaya naman pala.
"Ang cool naman dun sa dalawang nauna" Namangha naman si Hansel.
"Cool na nga kung cool. Pero 'di ko rin papangarapin na mapunta sa mga kwarto na 'yun" Tugon ni Cyril habang naupo kami sa harapang row ng upuan.
"Bakit naman?"
"Kapag nakita mo na yung halimaw na tinutukoy ko. A-agree ka nalang sa akin"
"Parang aswang lang at white lady eh"
"Di totoo yung white lady. Kwento-kwento lang 'yun. Pero yung aswang? Hindi mo ma-lalang 'yun" Paninigurado niya.
Wala nang sumunod na bumisita sa amin. Ang weird lang kasi naka bihis estudyante kami pero hindi kami tinuring na estudyante ng school na ito. Maliban na lang sa mga totoong estudyante. Ganun parin kinikilos nila basta't nakasuot ka ng uniporme tulad nila. Bukod kasi na wala kaming teachers at tambayan lang daw talaga yung classroom ay may mga free meals kami at freebies. Laking buka nga ng bibig ko nang inabutan ako ng isang alabay kanina ng bagong cellphone. Walang nga lang nakalagay na brand pero hindi naman importante iyon kaysa naman sa wala. Para daw may pang libangan kami at contact kung sakaling wala kaming ginagawa. Ang weird nga lang dito ay mangilan-ngilan lang ang social media apps at hindi gumagana yung camera. Pero ok lang, hindi naman ako internet person, games lang at Youtube ang habol ko dito. May mga contacts narin na nakalagay dito, na nakalagay ang pangalan ng mga may ari ng number at kung anong posisyon nila tulad nalang kay Alabay Agatha. Hindi nga lang nakaka-excite yung trabaho namin bilang third room. Pero inaabangan ko parin ang araw na pipiliin ako para sa mahahalagang misyon. Ang sabi kasi ni Cyril na once in every two weeks. May napapadpad daw na ibon sa groundfloor. Yun daw ang tigmamanukan o yung ibon ni Bathala na may dala-dalang special order mula sa taas. Ang sabi niya, mismong si Bathala daw ang pumili ng mga anitu bata. Hindi daw base kung nasa first, second or third room ka, basta kung kailangan ka sa mission kailangan ka. Hindi ka makaka-hindi. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin, pero maghahanda ako.