Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 8 - Kabanata VII

Chapter 8 - Kabanata VII

"Girl, hawakan mo kasi siya ng marahan lang. Wag mong didiinan. Sinasaktan mo na eh" Sabi ni Cyril habang tinuturuan niya akong gamitin ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng diyosa.

"Hawak ba talaga?" Pagtatanong ko. Kanina pa kasi ako ditong nakatayo kasama si Hansel bilang test subject ko. Hindi naman delikado ang kapangyarihan ng diyosa. Sa katanuyan eh, eto na ata ang pinaka mahinang kapangyarihan sa mga anitu bata. Hindi sa binababaan ko ang reputasyon ng diwata pero kanina kasi na ikwento ni Cyril ang mga kapangyarihan ng dalawang lider base sa nasaksihan niya sa mga pagsama nito sa kanilang misyon. Base sa napakingan ko sa kanya ay pambihirang lakas daw ang kapangyarihan ni Miguel ng unang silid at illusion naman ang kay Giovanni ng pangalawang silid. Malayong agwat sa kapangyarihan namin sa pangatlong silid. Ang manipulahin ang emosyon ng iba. Make sense na sa relationship kami nakatoka.

"Oo nga. Base on experience to" Sagot ni Cyril siyaka niya ibinaling ang mukha niya kay Hansel na kanina pa kaming pinapanood "Pumunta ka pala mamaya kay Agatha para madiskubre mo yung kapangyarihan mo" Tango lang ang ibinigay na sagot ng binata. Tahimik at minsan tulala, kung hindi kumakain ay ganun siya.

"Baka hindi 'yun ang ibinigay sa kanya?" Pagtatanong ni Edward ang nagiisang lalaking sugo ni Dian Masalanta. Kanina ko lang nalaman ang pangalan niya noong lumapit siya sa akin para batiin ako. Naka-upo kasi siya sa upuan ng mga first roomates kaya hindi ko siya napansin kanina.

"Imposible! Lahat tayong sugo ni Dian Masalanta mula sa mga nauna hangang sa akin ay ganun ang given-power" Bumalik siya sa kinauupuan niya at kunot ang noong nag isip-isip muna.

"Mella, alam mo na ba kung pano mo tatawagin yung sandatang-bigay mo?" Pagtatanong sa akin ni Edward na ikina-iling ko lang. Hindi ko nga den alam kung ano itsura ng sa akin eh.

"Pwes, ako na muna mag tuturo sayo. Ganito lang 'yan" Umupo ako sa tabi niya at nakinig ng mabuti. Baka eto na yung makakatulong sa akin kung sakaling isabak nila ako sa mga misyon "May napanaginipan ka bang item o sandata sa mga panaginip mo?" Kinalkal ko ang utak ko, medyo hindi ko na kasi matandaan yung mga panaginip ko "Commonly duon kasi magpapakita yung sandatang-bigay mo eh"

"Hindi ko alam, medyo malabo kasi sa akin. Di ko maalala" Tugon ko.

"Ok, lang 'yan. Pikit mo mga mata mo" Pinikit ko naman agad ang mga mata ko "Sundan mo lang ako" Bulong niya, buti nalang hindi gaanong mahina kung hindi, hindi ko na siguro nakuha 'yun.

"Mula sa kadiliman na iyong nakikita..." Panimula niya. "Isa-isang lilitaw ang kulay ng bahaghari..." Hindi ako umimik at hinintay ang pagpatak ng mga kulay sa kadiliman. Umabot na yata ng sampung segundo pero wala paring nangyayari. "Ito ang magsisilbing gabay sa iyong tinatangi-tangi" Dagdag niya pa. Duon na nagumpisa magkaroon ng kulay ang kadiliman. Kasing pula ng namumulang pisngi ang unang lumitaw, sinundan ito ng asul ng langit, puti ng ulap, at dilaw ng mga bituin. Hangang pinamugaran na ako ng bilyon-bilyong kulay sa iba't ibang tingkad at dilim. Napakaganda, para silang hangin na binalutan ng pintura at sumasayaw sa aking harapan.

"Ngayon, ang unang papasok na bagay sa iyong isipan ang iyong itinakdang sandatang-bigay" Bulong niya sa aking tenga na nagpatindig ng aking balahibo. Gusto ko sanang spada, bolo o baril. Kahit anong sandata na kaya akong protektahan sa gera. Pero hindi iyon ang unang pumasok sa aking isipan. Kundi ang gaserang may hawakan.

"Welcome sa team Mella" Bulong muli sa akin ni Edward buti nalang at hindi na sa tenga. Baka kasi itulak ko siya kung gagawin niya ulit iyon. Pagkamulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang gaserang may hawakan na nakapatong sa desk ng aking upuan. Mukha itong luma, to the point na spanish colonial era ang disenyo ng lampara. May naka-ukit na baybayin sa bakal nito pero hindi ko naman maintindihan. Wala naman din kasing nagtuturo ng baybayin sa school ko.

"Gasera?" Taka kong tanong, na disappoint ako bigla. Nagkatinginan ang dalawa na para bang may alam sila na hindi ko nalalaman.

"Buti nga sayo gasera eh, pwede mo ding ipang pukpok yan. Kaysa naman sa akin" Sa pag galaw ng kanyang kamay ay tinawag niya ang kanyang sandata sa kanyang palad. Hindi ko lang inaasahan, na may mas-lalala pa pala kay Cyril. Dahil ang sandata ni Edward ay isang bumbilya.

"Pwede mo din namang ipukpok 'yan sa ulo ng mga kalaban. M-Masakit bubog niyan" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at nagpakawala ako ng malakas na tawa. Yung tipong sa sobrang lakas ay nabulabog ang mga katabi naming upuan at tiningnan na kami ng masama.

"Sorry, sorry" Agik-ik kong pagpapaumanhin. Mahina ding tumawa si Cyril at Edward sa tabi ko. Para kasing jinoke-joke lang kami ng diwata sa mga sandata namin eh.

"Si Dian Masalanta ang diyosa ng panganganak ang unang ilaw ng tahanan ng ating mga ninuno. Sa mga panahong mahirap ang panganganak, nanduon siya" Biglang paliwanag ni Jona sa likuran ko. Duon kasi siya naupo kanina pa. Tumango nalang ako habang patuloy niya lang kaming pinagmamasdan. Medyo weirdo pala ang babaeng ito.

"Kaya items that produces light ang mga sandata niya" Madahang ani ni Edward sa tabi ko. Ahhh Ok...

"Tara Mella, kuha tayo ng pagkain sa baba" Pag-aaya sa akin ni Hansel na kanina pang nakikitawa sa amin. Anong oras na din kasi. Parang tatlong class schedule na ang nakalipas at alas nuwebe na ng umaga. Break namin, kung sakaling may klase. Kanina ko pa nakikitang naglalakad ang mga estudyante sa labas. Dahil walang hagdanan sa side namin ay bibihira lang sila nagagawi dito. Wala din namang kakaiba sa room namin kaya wala ring gustong sumilip. Mabuti nalang.

"Tara, nagugutom din ako" Pagsang-ayon ni Cyril. Isa-isa kaming tumayo nina Edward, Jona, at Hansel. Inaya din namin si Michelle pero hindi pa daw siya gutom kaya pinauna na kami. Parang may mahalaga din silang pinaguusapan ng ka-roomates niya kaya hindi na namin siya pinilit.

Nakababa naman kami ng maayos. Hindi naman kami tinitingnan ng mga estudyante gaya sa iniisip ko o yung mga nababasa kong istorya sa pocket book na hiniram ko pa kila Aling Selya sa baryo. Pang everyday normal teenager kasi ang cliche na iyon. Wala namang normal sa kwento ko. Sa kasamaang palad nga lang ay pagpasok namin sa canteen ay 'di na mahulugang karayom ang sitwasyon dito. Kung hindi lang naka aircon ang lugar edi sana nagmamantika na ang mga tao sa loob. Wala namang reserved seats ang mga anitu bata, mukhang hindi na sali sa freebies ng school. Pero ok na din yun, malakas makatawag atensyon 'yon eh. Ok na din ito.

"May fast food naman sa labas gusto niyo duon tayo kumain?" Pagtatanong ni Cyril. Tumango silang lahat maliban sa akin. Pano kami kakain duon kung wala kaming pangbayad?

Nang magumpisa na kaming lumabas ay agad kong linapitan si Cyril. "May pera ka naman siguro diyan no?" Pagtatanong ko. Wala nang hiya-hiya. Basta na-summon ako dito na walang pera.

"Oo naman. Sagot ko na kayo ni Hansel, pero this time lang teh ah" Wika niya. Ngumiti naman ako ng ubod ng laki. Eto na ata ang pang second time ko sa fast food. Isang beses lang kasi ako nakapasok sa Jollibee. 'Yun pa yung time na kaarawan naming tatlo ng mga kapatid ko. Naka luwag-luwag si Amang noon at ipinagsabay sabay niya ang kaarawan naming tatlo sa labas. Hindi naman kami huminde dahil Jollibee 'yun eh!