Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 9 - Kabanata VIII

Chapter 9 - Kabanata VIII

Ang sarap talaga ng fried chicken nila! Yung tipong sa sobrang linamnam ay pati buto kakainin mo na. Wag din akong uumpisahan sa gravy, dahil halos gusto ko nang humingi ng isang basong gravy sa waiter para matikman ulit 'yun. Kung sino man gumawa ng gravy dito. Paniguradong anitu-bata din. Napakahusay eh.

"Teh dahan-dahan lang sa pag subo, baka ma-impatsyo ka niyan mamaya" Panunuway sa akin ni Cyril. Pake ko ba, ang sarap eh. "Kung alam ko lang na matakaw ka din tulad nito" Turo niya kay Hansel "Sa Mang Inasal nalang sana tayo pumunta"

"Di kasi ako madalang dito, kaya nilubos lubos ko na hehehe" Paliwanag ko habang sinisimot ang natitirang butil ng kanin sa pingan siyaka yung mga dumikit sa mga daliri ko. Nabali kasi yung plastik na kutsara kanina noong sinubukan kong hatiin yung fried chicken, pinapakuha nga ako ni Cyril ng bago pero tumangi ako. Masarap kasing kumain nang nagkakamay. Nakakadagdag pa ng gana.

"Halata nga teh" Kumuha siya ng tissue siyaka inabot niya sa akin.

"Naisip ko lang..." Lahat ng atensyon namin ay na punta kay Hansel nang bigla siyang nag salita. "Kung buhay ako ngayon at nandito ako. Ibig sabihin ba nu'n nag teleport katawan ko mula Cagayan hangang dito?" Pag iisip niya.

"Not quite, yung consciousness mo lang nag teleport dito. Pero yung katawan mo o yung original body mo pati kaluluwa nasa Cagayan pa din" Pagpapaliwanag ni Cyril bago siya sumubo ng kanin.

"HA!" Bulyaw ni Hansel. Hindi makapaniwala sa narinig. Alam ko kung anong ibig sabihin ni Cyril dun. Hinayaan ko nalang siyang mag paliwanag ulit.

"Ang hirap intindihin no? Well that's the truth" Kumagat muna siya ng fried chicken bago kami ulit tiningnan. Hindi siya nakangiti at hindi din siya mukhang seryoso pero sa tingin niya palang ay hindi siya nag bibiro. Nagsasabi siya ng totoo.

"Eh kung ganun anong ginagawa ng katawan namin ngayon?" Naguguluhang ani ni Hansel. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupan maski ako din ayaw kong nakaupo nalang dito. Knowing na yung katawan ko ay nasa Cabadbaran pa.

"Well wag ka sana mabibigla ah. Pero yung katawan mo kasi ay nasa state of coma. Halos lahat ng anitu-bata comatose ngayon depende nalang kila Miguel at Giovani. Hiniling kasi nilang maging ganap na anitu bata" Pagpapaliwanag niya na nag pakamot sa kanyang ulo.

"Ang weird... Akala ko na isekai na ako or whatever" Buntong hininga ni Hansel. Hindi ko alam kung ano yung isekai dahil hindi naman ako mahilig tumambay sa internet pero parang may kinalaman yata iyon sa kalagayan namin.

"Weeb" Bulong ni Cyril sa akin. Hindi na ako nakipagkwentuhan sa kanila dahil tumatak sa isip ko yung ideyang yung katawan ko ay nasa Mindanao parin.

Maya-maya pa ay nagpasiya na din kaming bumalik sa klase. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming pumasok sa school kung hindi naman pagiging estudyante ang pinunta namin dito. Pwede namang tumambay sa ground floor ng school kung saan dun nagaganap lahat ng action pero dahil may anitu bata classroom, may anitu bata class rules din. Isa na nga dito ang wag na wag iiwanan ang room maslalo na kapag weekdays, para iwas suspesyon at iwas atensyon. Nang makabalik na kami sa classroom ay nasira agad ng first roomates ang first rule. Dahil wala sila dito, at kanina pang labing tatlong minuto na tapos ang break. Kung nasaan man sila, walang nangahas mag tanong.

"Ok lang ba Cyril na kanina pang bakante ang room?" Pagtatanong ko.

"Hindi... pero hayaan mo na. Masasanay ka din" Ani niya.

"Matanong lang, ilang buwan ka na pala dito?" Umupo muna kaming dalawa bago niya ako hinarap at sinagot ang tanong ko.

"Wala pang isang buwan oy. Twenty two days palang" Wika niya. Magtatanong pa sana ako nang biglang may pumasok na teacher sa pinto. Mula seven pa kami dito pero ngayon palang may dumating na teacher. Hindi naman siya mukhang terror, sa suot niyang teacher's uniform na may kulay dirty white, maroon at black mukha siyang teacher na mag papa-assignment ng marami kahit hindi naman siya core subject.

"Magandang umaga" Bati niya sa amin. Agad naman akong tumayo sa nakasanayan. Babati palang sana ako nang mapansin kung bukod sa akin ay wala ng ibang nakatayo para bumati. Tiningnan naman ako ng teacher, sa sobrang hiya ko ay umupo nalang ako ng tahimik.

"Ikaw yung bago" Sabi niya na may diin, hindi siya nagtatanong kundi nag sasabi lamang ng isang katotohanan. "Goma Mella tama?" Tumango lang ako.

"Hinihiling ko na maayos naman ang pakikitungo ng mga kapwa mo sa iyo?" Pagtatanong niya.

"Wala naman pong problema" Sagot ko.

"Ikinagagalak kong marinig iyon iha. Ako nga pala si Babaylang Tibitha, ginang Gamboa nalang itawag mo sa akin. Ako ang mag sisilbing guro ninyo sa mga araw na nandirito kayo. Siya nga pala, huwag niyong kakalimutan na may pagpupulong tayo mamaya" Kanya-kanya kaming sumagot.

"Dahil may bago kayong kasapi, ay magtuturu ulit ako ng mitolohiya sa inyo. Kung ano ang lakas at kahinaan ng bawat nilalang ng ating daigdig" Paninimula niya.

"Two to three days 'yang lecture ni ma'am kaya siguraduhin mong makikinig ka. Magagamit mo 'yan sa mga misyon natin" Bulong ni Cyril sa tabi ko.

"Sige sige" Bulong ko sa kanya pabalik.

"Kung 'di mo naman maintindihan o kaya pag nakalimutan mo. May libro sa ground floor. Kompleto lahat ng impormasyon doon" Tumango lang ako habang nakikinig kay Ginang Gamboa sa kanyang lecture about sa duwende. Napaka-interesting naman ng lecture niya kaya nakuha niya agad atensyon ko, ang weird nga lang ay lahat ng sinabi niya ay tumatak lahat sa isipan ko. Bawat salita na binigkas niya mula pa kanina hangang dumating ang mga first roomates na mukhang pawisan, ay natatandaan ko. Ginamitan niya ba ako ng salamangka? Ang effective eh. Sana lahat ng math teacher may ganito.

"Mella" Pabulong na tawag sa akin mula sa likuran. Nang lingonin ko naman ito ay tumambad sa akin ang mukha ni Michelle na nag pupunas ng kanyang pawisang leeg.

"Ha?"

"Pinapatawag ka nga pala ni Babaylang Julia. Sa may gymnasium, isama mo si Hansel sa'yo ha" Tumango lang ako sa kanya at sinenyasan si Hansel ng aking mata. Buti nalang at kanina pa siya nakatingin sa amin kaya mabilis niya itong nakuha at tumango nalang. Nang mag pasiyang ipag-bukas nalang ang lectures ni Ginang Tibitha ay nagpaalam kami ni Hansel bumaba para makipag kita sa lalaking babaylan. Pagdating namin duon ay hindi na siya nakasuot ng bistida at nakatali ang kanyang mahabang buhok at nakasuot ng PE teacher's uniform.

"Magandang hapon anitu bata" Pagbati ng babaylan. Habang ang kanyang kaliwang kamao ay nakapatong sa kanyang dibdib. Isang pagbati na ngayon ko lang nakita.

"Magandang hapon din" Ani ko, pero tiningnan niya lang kaming dalawa ni Hansel. Ang kanyang kamo ay nanatili sa kanyang dibdib. Anong gusto niyang sabihin, lumagpas na kasi ang one minute pero ganun padin pwesto niya. Ay alam ko na.

"Ma-magandang hapon po" Ginaya ko yung ginawa niya sa kanyang kamao. Sinundan naman ako ni Hansel habang taka niya akong pinagmamasdan. Ngumiti naman ang babaylan siyaka siya nag umpisa nang kanyang lecture. Binangit niya na, tatlong araw lang daw ang pag-tratraining niya sa amin. Tulad ng kay Ginang Gamboa sa kanyang mga lectures. Kung ano man rason nila, hinayaan ko nalang.