Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 6 - Kabanata V

Chapter 6 - Kabanata V

Pagkakurap ng aking mga mata, bumungad agad ang mga hindi pamilyar na mukha ng mga estudyante sa aking paligid. Hindi ko alam kung bakit tila nakatutok ang atensyon nila sa akin. Hindi naman gusot ang unipormeng suot ko, naligo at nag-ayos ako batay sa nakasanayan kong itsura. Sabi nga ni Isog, kaaya-aya daw akong tingnan kapag nakatali ang aking buhok. Kaya eto ako ngayon, nakatayo sa harap ng mga mamahaling estudyante, Inuusisa na para bang display na putahe sa karendirya. Nakaka-asiwa ang ganitong sitwasyon. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa kaysa pagmasdan ng mga hindi ko kilalang tao.

Kanina pa palang naglakad palabas si Hansel sa elevator, muntikan niya pang makalimutan na may kasama pala siya. Hindi na ako nag atubili at agad ko siyang sinundan kasunod ng pag pasok ng mga estudyante sa elevator. Mabilis siyang maglakad kaya dinoblehan ko pa ang bilis ng aking paglalakad para lang makaabot sa kanya.

"Hansel! Saglit lang" Buti nalang at narinig niya ang pagtawag ko sa kabila ng nakakabinging ingay ng mga estudyante. Agad din naman siyang umikot para hanapin ako. At nang makita niya na ako ay may gana pa siyang taasan ako ng kilay.

"W-Walang hiya ka, iniwan mo ako sa elevator kanina" Paghabol ko ng hininga. Tiningnan niya lang ako sa mata na para bang hindi niya naiintindihan yung sinabi ko. Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming tawagin sa pangalan.

"Mella, Hansel!" Pagtawag ni Cyril habang nakataas ang kaliwang braso para madali namin siyang makita. May kasama siyang dalawang babae sa table na inuupuan niya at kung hindi ako nagkakamali mukhang anitu-bata din ang mga 'to. Nakangiti kaming pinagmasdan ng babaeng kasama ni Cyril, maikli ang buhok nito at may malusog na pangangatawan. Habang ang isa namang babaeng mas mapayat sa kanya ay tiningnan lang kami mula ulo hangang paa. Nagtungo kami sa kinauupuan nila at sabay kaming na upo ni Hansel sa kanilang harapan.

"So kamusta tulog Mella" Panimulang ani ni Cyril ng mapansin niyang kanina pa tahimik ang table niya.

"Maayos lang naman" Tugon ko. Habang gumagala ang mga mata ko sa paligid. Malaki ang canteen ng school na ito. Naiiba sa mga dati kong pinasukang paaralan. Kung hindi kasi sa labas ang lamesa ng canteen kasama ng mga puno ay meron ding de latang nag sisikipan dahil hindi kinaya ng espasyo ang dami ng estudyante. Pwede ka pa ngang tumambling dito ng walang mababangang kahit ano eh, sa sobrang luwag.

Naputol agad ang pagmamatyag ko ng magsalita ulit si Cyril "Eto nga pala si Jona" Turo niya sa kanina pang tahimik na babae at sunod niya namang ipinakilala ang mukhang masiyahing kasama nito "At eto naman si Michelle" Pagkatapos nila ay sunod naman kaming pinakilala ni Cyril sa kanila.

"Ano akyat na tayo?" Pag-aaya ni Cyril nang matapos na ang aming pagpapakilala sa isa't isa.

"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko. Akala ko kasi na eto na ang meeting place at disguise lang ang uniform na ito. Hindi ko naman aakalain na totohanin pala yung pagiging estudyante namin.

"Bawal kasi yung mga pagala-galang estudyante dito. Kaya duon muna tayo sa room" Pagpapaliwanag niya "Pwede din pala kayong pumili ng breakfast niyo sa counter. Di niyo na kailangan mag bayad kasama na kasi sa benifits 'yan ng pagiging anitu bata. Basta wag lang kayong pahalatang kumakain kayo sa room ah. Bawal din kasi 'yun" Dagdag niya pa. Tumango lang ako habang tumayo naman si Hansel sa kanyang kinauupuan.

"Guys wait niyo lang ako dito ah. Kukuha lang ako, tomgu na eh" Sabi niya siyaka siya kumaripas ng takbo patungo sa counter.

"Ikaw Mella?"

"Hindi na, mamaya nalang 'di pa naman ako gutom" Wika ko sa tanong ni Cyril. Mamaya-maya pa ay dumating na din si Hansel na may dala-dalang paper bag ng pagkain.

"Ipasok mo 'yan sa bag mo Hansel" Ani ni Cyril sa kanya.

"Wala ka namang binigay na bag sa amin kanina. Saan ko 'to ilalagay?" Tama nga naman siya, wala din akong natangap na bag kanina. Tanging uniporme lang na suot-suot ko ang nakuha ko ngayon. Walang bag o notebook pati din ng mga ballpen o lapis. Mga importanteng gamit na dapat mayroon ang isang estudyante.

"Guys sagot ko na. Wait lang" Singit ni Michelle. Bigla niyang kinuha ang plastic spoon and fork sa paper bag ni Hansel. Ipinailalim niya ang kanyang mga kamay sa table hawak ang mga ito at nang iangat niya na ang kanyang kamay, ay may hawak na siyang brandless na bag. Kasing kulay ng plastic spoon and fork kanina.

"Saan mo nakuha 'yan?" Manghang tanong ni Hansel. Sabay naming inabot ang bag namin at mausisa namin itong tiningnan. Walang labis at walang kulang. Bag talaga siya. Kung saan man kinuha ito ni Michelle, 'yun ang gusto ko din malaman. At bakit kailangan niya pang kunin yung kutsara at tinidor ni Hansel.

"Your welcome" Ngumiti lang ulit siya na para bang may alam siya na hindi namin nalalaman.

"Nasaan na yung kutsara at tinidor ko?"

"Kumuha ka nalang ulit sa counter. Bilisan mo, mag iikot na yung mga student government officials dito" Ani ni Cyril sa kanya. Napakamot nalang siya ng ulo at tumakbo na papunta sa counter para makakuha pa ng isang pares.

"Nandun na ba silang lahat?" Tanong ni Jona. For the first time. Ngayon ko lang narinig ang boses niya samantalang kanina pa kami naka-upo dito.

"Wala yung mga second room sa loob. Tayo-tayo lang yata ngayon" Tugon ni Cyril na itinango lang ni Jona. Nang makabalik na si Hansel ay agad na kaming umakyat sa room namin. Nasa fourth floor pa yung room namin sa dulong part daw ng building. Hindi naman kami natagalan dahil ginamit namin yung elevator paakyat. Nang nasa taas na kami. Ramdam ko ang biglang pagtaas ng balahibo sa aking mga braso. Normal lang naman ang paligid. May mga rooms na naguumpisa na ang klase at may mga iba na nag hihintay pa ng kanilang guro. Pero sa bawat hakbang na binibitawan ko ay may parang kung anong bigat ang pumasan sa aking balikat.

"Newbies welcome sa section F" Ani ni Cyril sa isang room kung saan may walong tao sa loob na may kanya kanyang ginagawa. Hindi manlang nila pinansin kung may tao bang nakatayo sa harap ng pintuan. Kung teacher lang siguro kami, kanina pa namin hinampas ang pisara para lang makuha ang atensyon nila. Hindi ko alam kung anong hinaharap ang ibabato sa akin ng kapalaran, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang bawat isa dito sa aking kinabukasan. Kailangan kong pagbutihin para makaalis dito at makasama na ulit sila amang.

"Tinatayo-tayo niyo pa dito. Pasok na" Pag aaya ni Cyril na siyang nag bigay motibasyon sa amin na pumasok na sa silid-aralan.