Chereads / Children of the Gods (Tagalog) / Chapter 5 - Kabanata IV

Chapter 5 - Kabanata IV

Mag aalas dose na ng umaga at hangang ngayon ay hindi ako makatulog. Dahil siguro dalwang oras ang tinulog ko kanina o kaya hindi pa talaga ako inaantok. Ewan. Hindi parin kasi ako makapaniwala. Para kasing nang hihinayang ako sa ginawa ko. Kung hindi ko siguro ginawa yun, buhay pa sana ako at kasama ko pa sila amang at Isog. Pero nag padalos-dalos ako.... kung hindi ko rin ginawa yun. Napahamak na siguro si Mera. Mabuti na rin 'to. Natatandaan ko pa naman ang mga mukha nila. At kung nasaan man sila, babalikan ko sila. Malaking kwarto ang tinutuluyan ko ngayon. Kung susumuhin ay mahigit dalawang ektarya ng lupa. Pwede ka nga sana mag pa ball dance dito kung wala nga lang yung mga higaan na naka-linya sa gitna at magkabilang gilid ng silid. Hindi din ito makulimlim dahil meron itong limang ilaw sa bawat sulok at gitna ng kwarto. Napakayaman siguro ng mga babaylan para magkaroon sila ng ganitong kwarto na ibinibigay lang nila sa amin. Kasya pa nga siguro mga ka-tribu ko dito eh, kung nandito lang sila.

"Hindi ka makatulog?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Hansel sa kanyang higaan. Malayo ang distansya namin sa isa't isa dahil nasa kabilang sulok siya ng silid habang ako naman ay nasa gitnang hilera. Bukod dun ay hindi naman problema saamin ang layo dahil nakikita parin namin ang isa't isa.

"Oo" Maikli kong tugon sabay humarap sa kanya.

"Ang weird eh noh, akala ko talaga mamatay na ako. Hindi pa pala" Napakunot ang aking noo dahil parang nang hihinayang pa ata siya. Bumugtong hininga si Hansel bago humarap sa kisame at nakatanday ang kanyang dalawang braso sa kanyang ulo. Nagmumuni-muni. Hinahantay ang pagsang-ayaon ng kisame bago pa siya muli nagsalita.

"Totoo pala yung mga diyos" Mangha niyang ani.

"Ano bang relihiyon mo?" Tanong ko.

"Katoliko... dati kasi naniniwala ako. Well ganun talaga. People change, people evolve, and people develop" Ani niya na may naglalarong ngiti sa kanyang labi. Pero wala akong naramdamang saya mula sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang tanungin kong ano ibig sabihin niya du'n, pero ayaw ko naman maging pakialamera, minsan na akong nakialam. Ayaw ko nang ulitin pa.

"Ikaw Mella, ano bang relihiyon mo?" Pagbato niya ng tanong sa akin.

"Naniniwala ako sa mga anitu ng aming tribu" Tugon ko naman. Humarap na din ako sa kisame, sabay namin binabantayan ni Hansel ang kulay puting kisame sa itaas. Hinaantay na baka gumalaw ito o lumuwa ng pilak at ginto.

"Ayaw ko sanang ma-discourage ka, pero naranasan mo na ba yung mang hingi ng isang hiling sa diyos. Naging faithful ka naman sa kanya, nag sisimba ka naman lingo-lingo at halos hinalikan mo na lahat ng paa ng mga rebulto, pero hindi ka parin pinagbigyan. Alam mo yun" Mahina siyang tumawa "Duon nag umpisa, tampo ko. Pero naging faithful parin ako sa kanya no'n hangang ayun na nga. Hindi na ako naniniwala"

Hindi ako umimik. Bukod kasi na wala akong sasabihin ay hindi ko rin alam kung anong sasabihin sa kanya. Sasang-ayon ba ako o tataliwas. Hindi ko din alam. Siguro dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman niya kaya wala akong masabi. Bukod kasi sa enkwentro kahapon ay masaya naman ang buhay ko kasama ang tribu. Wala din ako sa posisyon na husgahan ang pininiwala niya dahil unang-una magkaiba ang paniniwala naming dalawa.

"Oo nga pala, sabi ni Cyril. Maaga daw ang gising natin bukas" Pagising niya sa nagiisip kong diwa.

"Mga anong oras?" Tanong ko. Ibinaling ko ang ulo ko sa kanya.

"Mga 6:30 daw dapat nasa taas na tayo" Tumalikod siya sa akin pagkatapos niya sabihin iyon.

Taas? Anong taas. May second floor ba itong bahay na ito kaya may itaas. Ano naman ang gagawin namin duon ng ganun ka-aga?

Sanay naman akong magising ng maaga dahil tumutulong din ako kay amang sa bukid kapag walang pasok. May mga araw din na gumagawa kami ni Anna ng mga porselas at kwintas na ipinagbibili namin sa baryo sa murang halaga. Kaya kung ano mang gagawin namin sa itaas ay siguradong importante din ito sa kanila. Baka naman may pagpupulong na gaganapin?

"Good night Mella" Biglang ani ni Hansel habang nagmumuni ako.

"Sayo din" Maikli kong tugon. Hindi ko pa maipikit ang mga mata ko dahil hindi pa talaga ako inaantok. Nakatutok lang ang mga mata ko sa kisame, hindi tumitingin pero nakatuon ang mata. Malalim ang iniisip at maya-maya pa ay nilamon na rin ng katahimikan.

....

"Wag na wag ka agad basta nagtitiwala" Bumungad sa akin ang mukha ni Anna pagkadilat ko ng aking mga mata. Nasa loob ulit ako ng mundo ng kawalan. Bukod sa aming dalawa ni Anna eh wala ng kahit anong tao o bagay ang nandidito. Ibinaling ko agad ang mga mata ko kay Anna pagkatapos ko usisain ang paligid. Wala paring nag bago sa kanya, suot suot niya padin ang damit na suot niya kahapon. Pero hindi lang sa kanyang kasuotan ang napansin ng mata ko. Kitang-kita rin ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. Halos maligo na nga siya sa kanyang pawis at hindi rin ako matitigan ng diresto sa mata.

"Wag kang nagtitiwala sa mga taong kasama mo. Pano nalang kapag binalikan kami dito. Anong gagawin namin Goma!" Taranta niyang bulyaw.

"Anna huminahon ka. Hinga Anna, hinga" Pag papakalma ko sa kanya sabay hagod ng kanyang magkabilang braso. Pero agad niya itong hinampas palayo at galit na galit akong sinigawan.

"Pano ako hihinahon. Ni-hindi mo alam ang nangyayari dito!" Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lang siyang magwala sa harapan ko. Ang kaninang maayos na buhok ni Anna ay magulo na, ang suot-suot niya ding t-shirt ay nalukot din sa kaka-kapit niya sa kanyang sarili.

"Mella, wala kang matatakbuhan. Malayo ka sa pamilya mo. At hindi mo rin alam kung nasaan ka ngayon" Sunod sunod na tumulo ang mga luha sa kanyang mata. At maingay na pumatak ito sa sahig ng mundo ng kawalan. Totoo lahat ng sinabi niya. Wala akong contact sa pamilya ko. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan nila at nawawala pa ako. Naramdaman ko ang malamig na luhang pumatak sa aking braso habang niyayakap ang sarili. Sabay kaming umiiyak ni Anna. Ni-wala sa amin ang nagpresintang yakapin ang isa't isa.

"Hindi mo sila kilala Mella. Ipinapahamak mo lang ang sarili mo. Wag kang basta-basta nagtitiwala" Sabi ng pamilyar na boses. Hindi ito nangagaling kay Anna kundi sa akin at nang magpasya akong iangat ang aking ulo ay salamin na ang kaharap ko. Walang bakas ng aking kapatid o ang kanyang magulong anyo. Salamin lang na nakaharap sa akin. Pinagmamasdan akong nakatayo. Ang pinagkaiba lang ng repleksyon ko sa salamin ay may hawak-hawak itong gasera na may hawakan. Wala naman akong dala-dala pero ang kakaibang repleksyon na ito ay meron. Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay bigla nalang may kumalabit sa aking braso.

"Gising na Mella" Pangising na bati sa akin ni Hansel. Mukhang kanina niya pa ata sinusundot ang braso ko. Dahil kanina ko pa siyang nararamdaman. Gusto ko pa sana matulog pero kailangan ko nga palang maghanda sa pag-akyat sa itaas. Kung papuntang langit man ito. Mag baback-out muna ako.

"Nasa taas na si Cyril. Hindi ka na inantay, antagal mo daw kasing magising" Ani ni Hansel. Habang tumatayo ako mula sa pagkakahiga.

"Anong oras na ba?" Tanong ko. Inabutan ako ni Hansel ng tuwalya sabay turo niya sa isang pintuan sa gilid ng kwarto.

"Doon yung banyo. Mag aalas sais na kasi kaya mag madali kana" Hindi na ako nag atubili at pumasok na agad ako sa banyo. Matapos ang isang minutong paghi-hilod, dalawang minutong pagsasabon, at apat na minutong pagbabanlaw kasama na ang pagsisipilyo. Mabilis akong nakatapos. Ibinabalot ko palang ang aking sarili sa tuwalya ng marinig ko ang boses ni Hansel sa labas.

"Aantayin kita sa labas Mella, may naka handa ng damit diyan sa kama mo" Hindi nag sisinungaling si Hansel, dahil paglabas ko pa lamang ay pansin ko na ang susuotin kong damit. Ngayon ko lang namalayan na uniporme din ito kagaya ng suot-suot ni Hansel. Pero pang babae. Mid cut skirt, brown vest, stockings, necktie at puting long sleeves pan'loob. Habang ang napansin ko namang suot-suot ni Hansel kanina ay pants, brown vest, puting long sleeves at necktie. Na may parehas na patch sa kaliwang dibdib ng vest. Isang imahe ng taong nakatayo sa nahahating kawayan. Matapos kong ayusin ang aking sarili sa salamin ay agad din akong lumabas kong saan si Hansel nag hihintay.

"Ang tagal mo late na tayo" Ani niya nang makita niya ako. Siyaka kami nag lagkad patungo sa paroroonan.

"Ba't naka-uniporme tayo. Papasok ba tayo sa school?" Pagtatanong ko habang nilampasan namin ang maliit na stage kung saan nag umpisa ang lahat. Diretso patungo sa elevator sa dulo, kasama ng mga naka-parang magagarang sasakyan.

"Parang ganun na nga. Sabi nila kasama daw to sa pagiging anitu bata" Pagpapaliwanag niya.

"Ang pagiging estudyante?" Taka kong tanong. Umiling lang siya sabay pasok namin sa elevator. Eto ba yung dahilan kung bakit kami aakyat? Akala ko naman bahay 'to. Ground floor lang pala.