Nagising siya na parang may pumupukpok sa ulo niya. Napaungol siya. Pagmulat niya ay nabungaran niya ang nagkalat na mga pictures nila ni Luigi. Basang basa rin ang unan niya. Alam niya kung bakit at paano nabasa iyon. She sighed. Hindi na siya nagtaka na makita ang namamaga niyang mga mata matapos niyang pumasok sa kanyang banyo.
Magdamag siyang umiyak. Napangiwi siya. Hindi siya makakalabas na ganoon ang hitsura. Matapos maghilamos at magsepilyo ay bumababa na siya. Bago dumiretso sa kusina ay dumaan muna siya sa kanyang sala. Dinampot niya ang telepono at nagdial doon.
"Hindi ako makakapasok ngayon. Sabihin mo kay Divine, siya na muna ang bahala sa shop habang wala ako." bilin niya kay Alyssa na siyang nakasagot sa telepono. Si Divine ang assistant manager ng Airen's Lounge. Ibinaba niya ang telepono at nagtuloy sa kusina.
Habang nagtitimpla ng kape ay napaisip siya. Mapapatawad pa kaya siya ni Luigi? She shook her head. Naupo siya at napangalumbaba sa mesa. Napatitig siya sa hawak na isang baso ng kape. She sighed. Iyon ang paboritong kape ni Luigi. Napangiti siya. May mga bagay sa buhay niya na kahit noong naghiwalay sila ay hindi na niya nagawang alisin sa sistema niya. Mga bagay na kahit na hindi niya dating ginagawa ay ginagawa na niya dahil rito.
Paano kaya kung siya na lang ang lumayo? Napailing siya. Hindi niya basta bastang maiiwan ang Airen's Lounge. Napakislot siya sa biglaang pagtunog ng doorbell. Nagtatakang tumayo siya upang lumabas. Wala siyang inaasahang bisita. "Sandali lang!" tawag niya.
Napasimangot siya sa sunud-sunod na pag-tunog ng doorbell. Parang nanadya pa eh. Malamang ay may magbebenta na naman ng kung anu-ano'ng promo ng sabon at mga kawali. "Ano ba? Hindi ka ba talaga makapag antay at—"
"Good morning, Airen."
Natigilan siya sa bumungad sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita. At malamang sa malamang na hindi pa siguro siya nakahuma kung hindi bastang naglakad si Luigi papasok sa bahay niya. "H-hey, saan ka pupunta?" habol niya.
"Ang tagal mo kasi akong i-invite na pumasok eh."
Napasimangot siya. "Wala naman akong balak na i-invite ka para pumasok eh."
"Bakit ka ganyan? Ni hindi mo pa nga ako binibigyan ng proper welcome eh." reklamo nito. Prente itong naupo sa sofa niya matapos nilang makarating sa sala.
Napahalukipkip siya. "Binigyan ko noon ng cake at madaming kape si Dodong."
"Hindi naman si Dodong ang kapitbahay mo."
"Bakit ka ba nagpunta rito?"
"Pinuntahan kita sa coffee shop, kaso absent ka raw kasi hindi maganda ang pakiramdam mo. Kaya pinuntahan kita rito." mataman siya nitong pinakatitigan.
Bigla siyang naconscious sa klase ng pagkakatingin nito. Noon niya naalalang hindi pa pala siya naliligo. Ni hindi pa rin siya nakakapagsuklay. At namamaga ang mga mata niya! "T-tama ka, hindi nga maganda ang pakiramdam ko. Kaya kung pwede, umalis ka na."
"Umiyak ka ba?"
Hindi niya pinansin ang tanong nito. "I said get out. Kailangan kong magpahinga."
"Bakit ka umiyak? Kasi nagi-guilty ka? Kasi, after ten years, biglang umatake ang konsensiya mo? O meron ka nga ba nun?" nanunuyang tanong nito.
"Nagpunta ka ba rito para insultuhin ako?"
"Nagpunta ako rito kasi nag-aalala ako."
His quick change of mood made her remember his revenge. "I won't let you do it, Luigi." malumanay niyang sambulat. "Hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo."
"Kaya ko, Airen. I can make you fall for me and—"
"Hindi mo na kailangang gawin iyon." she cut him in. "Dahil hanggang ngayon, mahal pa rin kita. It never changed, Luigi. Kahit kailan, hindi kita nakalimutan. Hindi ko—"
It was then his turn to cut her in. Marahas itong napatayo. "I'm going. Magpahinga ka na." madilim ang anyong anito bago lumabas ng bahay niya.
Nanghihinang napaupo siya sa sofa. Batid niyang hindi siya nito basta bastang mapapatawad. But his reaction made her feel something—hope. Nagalit ito sa kanya kanina nang sabihin niyang mahal pa rin niya ito. It only meant one thing, hindi nito maitutuloy ang balak nitong paghihiganti dahil umpisa pa lang ay umamin na siyang talo nga siya. Ang kailangan na lang niya ngayong gawin ay ang makapag-isip ng paraan para mawala ang galit nito sa kanya. Handa niyang gawin ang lahat mapatawad lang siya nito.
Kahit pa ang ibig sabihin ninyon ay ibabalik at babaligtarin niya ang nakaraan.
***************************************
Nakapamewang na napahinto si Airen sa harap ng gate ng bahay niya. She was curiously looking down at the dog in front of Luigi's gate. Nagdalawang isip tuloy siya kung itutuloy pa niya ang plano niya o hindi na. She shook her head. Hindi dapat siya nagdadalawang isip na ituloy iyon. She had to do it. Pinakiramdaman niya si Voltaire. He was lying on the floor, curiously looking at her. Mukha naman itong mabait, hindi kumahol e.
"Okay, good boy. Just stay there. Magdo-doorbell lang ako." kausap niya sa aso.
She tip toed her way to the doorbell. Nakarating naman siya roon ng buhay dahil hindi pa rin gumalaw si Voltaire kahit na noong pinindot niya iyon. Ngunit dagli siyang napaatras nang bigla itong tumayo. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ng aso sa kanya.
"H-huwag kang lalapit." natatarantang banta niya sa aso.
Sa halip na tumigil ay humalinghing lang ito, nagpatuloy ito sa painot-inot na paglapit sa kanya habang magiliw na iwinawagayway ang buntot nito. Nahigit niya ang hininga nang magsimula itong amuy-amuyin ang paa niya. Nagpaikot-ikot ito sa kanya. Mayamaya pa'y naupo ito sa tabi niya at ikiniskis ang mukha sa binti niya. Napakurap siya.
"I guess Voltaire already learned his lesson."
Napalingon siya sa nagsalita. Nabungaran niya ang halatang bagong paligo na si Luigi na kampanteng nakasandal sa gate nito. Pormal ang anyo nito habang pinagmamasdan siya, ngunit hindi nakatakas sa paningin niya ang amusement sa mga mata nito. Napangiti siya. Inayos niya ang suot na salamin. Yes, she was wearing eyeglasses, kagaya ng suot nito noon.
"H-hi, good morning!" bati niya.
"Why are you here?" halos paasik nitong tanong.
"I am h-here, to invite you. Nagluto kasi ako ng breakfast."
Tumalim ang tingin nito sa kanya. His brows furrowed when he noticed the "necklace" she was wearing. Iyon mismo ang necklace na iniregalo nito sa kanya noong first monthsary nila. Mayron din itong kwintas, but of course, kasama iyon sa mga ibinalik nito sa kanya.
"What are you doing?"
"I'm inviting you to have breakfast with me."
"You know that's not what I'm asking." tila napipikang anito.
"What are you asking?"
"Dammit, Airen. Ayoko ang patutunguhan ng usapan nating ito."
"Libre ang breakfast na ino-offer ko. Walang kapalit." nakangiting aniya.
"Busog ako."
"Kapag natikman mo iyong luto ko, hindi mo na masasabi iyan."
"Ayokong tikman ang luto mo."
"Gusto kong ipatikim ulit sa'yo. Hindi ba't favorite mo ang mga luto ko?"
Tinitigan siya nito ng masama. "Leave me alone."
"Nagluto ako ng paborito mong cooki—"
"Don't you get it? Naiirita ako sa ginagawa mo! Ayoko ng ginagawa mo. I can't stand you doing everything just to bring everything back. Hindi mo na maibabalik ang dati. Hindi na rin magbabago ang plano ko sa'yo!" he really was pissed off.
Pinigilan niyang mapaiyak dahil sa mga sinabi nito. She kept on reminding herself that she deserved the pain. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng panunubig ng mga mata niya. "Kahit araw araw akong magsorry, gagawin ko. Mapatawad mo lang ako. Kahit araw araw mo akong ipagtabuyan, okay lang. Handa akong tanggapin ang lahat ng iyon. Pero hinding hindi ko na uulitin ang kasalanang nagawa ko sa'yo noon. I will never give up on you."
Luigi was rendered speechless. Wala itong ibang nagawa kundi ang tignan siya. Nanatili silang nagtititigan, walang balak magpatalo. Hanggang sa ito rin mismo ang unang nagbawi ng tingin. "Minsan mo ng sinabi sa akin iyan, nangako kang hinding-hindi mo isusuko ang pagmamahal mo, pero ginawa mo pa rin. I will never believe you again, Airen."
Tinalikuran siya nito at agad na pumasok sa gate ng bahay nito. Muli, iniwan siya nitong tumatangis at nasasaktan. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ganito ba kasakit ang ipinaranas ko sa kanya noon? Ganoon ba kasakit ng pagsasakripisyo nito noon? She laughed hysterically. Tiniis nito ang lahat ng pambubugbog ni Sanji noon. Bukod pa iyon sa pamamahiya ng mga tao rito. Walang wala ang sakripisyo niya kumpara sa mga isinakripisyo noon para sa kanya.