Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 6 - CHAPTER FIVE

Chapter 6 - CHAPTER FIVE

"SIT DOWN," Ruth sternly demanded when she saw Crystal.

Iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Napahalukipkip siya matapos nitong maupo. Dumiretso agad sila sa bahay nila nang makalabas sila sa eskwelahan nito.

"Now tell me what happened back there."

"Ano pa bang dapat kong sabihin?"

"I am warning you, Crys," nagbabantang agap ni Lay Raven sa nakaambang pagsabog niya. "Kapag hindi ka umayos ng pakikipag-usap sa mommy mo, sisiguraduhin kong magtatanda ka sa gagawin ko sa'yo. And I mean everything I say, young lady. What you did back there was embarrassing! Hindi mo na kami inisip ng mommy mo!"

Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Crystal bago binalingan ang ama nitong nakaupo sa tabi niya. "Kailangan ko kayong isipin pero kayo hindi ninyo ako iniisip? What a wonderful world to live in, dad! I am so touched."

"That's enough, Crystal!" sigaw niya. "Ano ba'ng problema mo? Why are you being like this? Tungkol pa rin ba ito sa annulment namin ng daddy mo?"

"And how do you suppose I cope with that, mom? It's only been three days before I found out about that annulment! Alangan namang tanggapin ko agad, diba?"

"Wala ka ng magagawa sa annulment namin. Kinuha na ng daddy mo ang papers, pinirmahan na niya at tiyak kong naibigay na niya sa abogado iyon. Don't do this to us, please?"

"Sampung taon akong nagtiis sa paghihiwalay ninyo, mommy. Simula noong nag-aral ako, hindi ko pa naranasang makasama kayong dalawa sa school. Who would've thought na sa principal's office ko lang pala kayo ulit makakasama ng sabay?" tumawa ito ng pagak. "Noong nagdesisyon kayong maghiwalay, naisip ninyo man lang ba ako?"

Natigilan siya. Aminado siyang hindi niya naisip si Crystal nang magdesisyon siya sa annulment. Akala niya kasi ay papayag naman ito agad. They have been separated for ten years! Hindi pa ba ito sanay sa sitwasyon nila? Isa pa, hindi naman mabilis ang pagpro-process ng annulment eh. Gusto niyang kapag sasabihin na niya rito ang tungkol doon ay handa na ito. Hindi niya lang na-anticipate na makikita nito ang papeles ng hindi sinasadya. She should've been more careful. Kasalanan niya ang lahat ng nangyayari. Kasalanan niya kung bakit ito nasasaktan.

"Since I was a kid, hindi ko na kayo nakasama ng buo. Kapag na kay mommy ako, wala si daddy. Kapag na kay daddy ako, si mommy naman ang wala. Para akong bolang pinagpapasa-pasahan. Pareho kayong walang oras sa akin. Laging subsob sa trabaho si mommy. You are a workaholic too, dad. I did everything to make things work for both of you." developed

She did, naisip niya. Simula noong tumuntong ito sa high school ay gumawa na ito ng ma paraan para mapagbati sila ni Lay Raven. Tuwing birthday nito ay sinisigurado nitong magkasama sila ng daddy nito. Minsan ay nag-set up pa ito ng date para sa kanilang dalawa. But it was too late. Walang umubra sa alinman sa mga ginawa nitong paraan. Lagi niyang ipinapaliwanag rito na wala ng pag-asa ang marriage nila ng daddy nito but Crystal never gave up.

"You know it won't work," nahihirapang anas niya.

"I know it will! Hindi ninyo lang kasi binibigyan ng chance ang isa't isa."

"It's been ten years. Masyado ng mahabang panahon ang nasayang. Nagbago na ang lahat."

"That's exactly my point, mom. Nagbago na ang lahat. If you would just give it another try, it could work. Nagbago na si daddy. He is more sensitive now. Nagmature na kayong pareho. Things have gotten better, right? Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ninyong subukang isalba ang marriage ninyo. You still love each other, right?"

Ngumiti siya ng mapait. "Love is not enough to have a happy marriage."

"See, daddy? Kasasabi lang ni mommy na mahal ka pa rin niya!"

Agad siyang pinamulahan ng mukha. Crap! Hindi na lang siya nagsalita. Mabilis siyang napayuko upang huwag niyang makasalubong ang nabibiglang hitsura ni Lay Raven.

"I know you still love my mom too. I can see how you look at her."

"That's enough! Hindi na maibabalik ang dati. At ayoko nang ibalik pa ang lahat sa dati. I want to move on! I want to have a new life. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?"

"Because you are so selfish mom."

Matapos nitong sabihin iyon ay bigla na lang itong napaiyak. He heart went to her daughter instantly. Tumayo siya at lumapit rito. Ngunit bago pa niya niya ito mayakap ay itinaboy na siya nito. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa tumatangis niyang anak.

"I would forever hate you. Both of you!"

Nahindik siya sa narinig. Si Crystal ang buhay niya. Ito na lang ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Napaiyak na rin siya. Lay Raven came to the rescue. Niyakap siya nito.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisira ang buhay ko. Call me childish or selfish pero ito ang gusto kong gawin. I want to punish both of you for not trying."

"Crystal..." hikbi niya.

"That's enough! Hindi mo kami matatakot ng mommy mo. Nakapagpasya na kami. We have already decided to have an annulment. Wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin pa iyon. We are still your parents. Kaya dapat lang na sundin mo kami!" Lay Raven blurted out.

"Pero hindi ko matanggap, daddy eh. Pinalaki ninyo akong hindi quitter. You told me that quitters never win. Na okay lang matalo basta alam mong lumaban ka at hindi basta na lang sumuko. So why are you giving up like this? Bakit ako lang ang lumalaban para sa pamilyang ito?"

"Dahil wala nang dapat ipaglaban," nasasaktang sagot niya.

"I wanted to save this family," bulong nito.

"Listen to me, baby. It's over between me and your daddy. It's already been ten years. Wala ng pwedeng isalba dahil matagal nang sira ang pamilyang ito. Alam kong masakit isipin iyon pero iyon ang katotohanan. We must accept the truth, just like what we did ten years ago."

"I can't understand..."

"It is hard to understand."

Napayuko ito. "I just want you to try. Ang sakit kasing makita na ni hindi man lang kayo nag-eeffort ni daddy na ayusin ang pamilyang ito. I know I am so stupid to still hope that one day, this family would be saved, but I can't help it."

"Gusto kitang pagbigyan, anak pero pakiramdam ko ay bibigyan lang kita ng false hope kapag pumayag ako sa gusto mo. This marriage will never be the same again. And we can't stop the annulment. Sooner or later ay gagawin rin naman namin ito," aniya.

Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay tila napapaso ang puso niya. It hurt like hell. Kasi batid niyang sa kailalilaliman ng kanyang puso ay mayroon pa ring nakatagong pag-asam na darating ang araw na maaayos pa ang kanilang pamilya.

It's been ten years yet she still hadn't forgotten about him. It has always been him. It has always been his kisses and his touch that she'd craved during her sleepless nights. She's never allowed anyone to come near her, alam niya kasing habang buhay na siyang mabubuhay sa alaala ng pagmamahal ni Lay Raven. Ito kaya? Did he feel the same too?

Malabo siguro. Nang lingunin niya si Lay Raven ay nagulat siyang makita na nakatingin rin ito sa gawi niya. There was something in his eyes that made her shiver. Hinding hindi niya maipagkakamali ang tinging iyon—he was hurt at what she's said. She looked away and avoided his glistening eyes. Hindi niya kayang makita ang sakit mula sa mga mata nito. Sakit na alam niyang siya ang mismong nagparamdam niyon rito.

Mayamaya'y napatikhim si Lay Raven. "You just want us to try, right?"

"That's all what I am asking from you. I want you to at least try to save it," tango ni Crystal. "I know I am being selfish," yuko ulit nito. "P-pero kapag napatunayan ninyo naman na hindi na talaga maayos ang lahat ay papayagan ko na kayong maghiwalay."

Muli silang natahimik sa tinuran ng anak nila. She nervously dragged her eyes back to Lay Raven. And once again, she found him staring at her. Napasinghap siya nang gagapin nito ang kamay niya. She felt that familiar surge of electricity between them. She knew he felt it too, naramdaman kasi niya ang biglaan nitong paninigas at marahang pagsinghap.

"What if I say that we are willing to try?" biglang sabi ni Lay Raven.

Napasinghap siya. "A-ano'ng we are willing to try?"

"Ano'ng gusto mong gawin namin ng mommy mo? Ang magdate? We will do that."

Excitement was very evident on their daughter's face. Mabilis nitong pinunasan ang mga luha nito sa pisngi. "But dating is not enough," iling nito. "Gusto kong maranasang magkaroon ng buong pamilya. I want us to live together as a whole family."

Magkapanabay silang napasinghap ni Lay Raven. Pagkunwa'y napailing siya. "N-no."

"For three months, titira tayong tatlo sa bahay ni daddy."

"No!" muli niyang sigaw.

"So, you still don't want to try?" Muli itong nalungkot.

Nanghihinang natutop niya ang kanyang noo. Her daughter's trying to emotional-blackmail her. How could she possibly say no to her? Before Crystal could start crying again, she raised her hand and finally said, "Yes. Okay fine. Pero bakit naman tatlong buwan?" angal niya.

"It's until your birthday."

"B-bakit kailangang sa birthday ko pa?"

"Para maguilty ka sa oras na biguin mo ako kapag dumating na ang judgement day."

So, it was part of her emotional-blackmail, huh? Mapait siyang napangiti. Three months? Bakit hindi? That would also be the day that she would be getting her Trust Fund. Iyon ang magmamarka sa araw na kakailanganin na talaga niyang hiwalayan ng tuluyan si Lay Raven.

"Okay," walang buhay niyang sagot. "Your dad and I will give you a glimpse of how our marriage was before we finally decided to separate. Since mukhang ito na lang ang tanging paraan para maipakita at maipaliwanag namin sa'yo kung bakit kami nagkahiwalay noon."

"Pero kapag sa loob ng three months ay naging maayos ang lahat, hindi na kayo maghihiwalay?" umaasang tanong nito.

"I-it won't happen," iling niya. "Hindi ako—"

"It's a deal," agap ni Lay Raven. "But your mom's right. It won't happen."

Kasabay ng pagtikom ng bibig niya ay ang pagkuyom ng mga palad niya. Now why did it hurt so much to hear him say those words? Bakit kailangan pa niyang maapektuhan?

"Don't be too sure," ngisi ni Crystal. "I have lots of ways to make you guys fall in love with each other again. Just wait and see," tuwang tuwang tumayo ito at patakbong tinungo ang hagdan. "I am packing my things now! Then we'll go to dad's house!" sigaw pa nito.

Napalunok siya. Paano na siya? How could she live with Lay Raven under the same roof again? She still loved him, dammit! Sampung taon niyang ibinaon sa kaibuturan ng puso niya ang pagmamahal na iyon. At natatakot siyang kapag nakasama niya ito ay bigla iyong kumawala. And then what would happen to her? Babalik na naman siya sa dating buhay na tinalikuran niya?

"I will make Crystal see that this marriage won't work," determinadong wika niya, as if she was talking to herself and not to him.

Lay Raven gave her an intense stare—iyong klase ng tingin na hindi niya maintindihan ang ibig sabihin. Mayamaya'y napakibit ito ng balikat. "Do as you please."

And then, he walked away. Iniwan siya nitong hindi makahuma. Ano na ang gagawin niya? Three months iyon! Three fricking months! Paano na siya sa loob ng tatlong buwan?