HER MIND freaked out. She shouldn't let him kiss her. Hindi na pwede dahil maghihiwalay na sila! Mabilis niyang pinakilos ang mga kamay at itinulak ito sa dibdib bago pa man umabot ang mga labi nito sa kanya. Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya.
"W-What are you doing?" she hissed. Mabilis siyang lumayo rito. Tatayo sana siya nang bigla nitong pigilan ang kamay niya. "B-Bitiwan mo nga ako. Ano ba?"
"What's wrong?" painosente nitong tanong. "Nag-uusap lang naman tayo."
We were not talking! You were seducing me! Iyon sana sang gusto niyang isigaw sa mukha nito pero pinigilan niya ang sarili. She didn't want to create any scene. "Let m-me go."
Iiling iling na kinuha nito ang towel na nabitiwan nito kanina at pinunasan ang basa nitong katawan. He plastered a teasing grin. "Ngayon mo sabihing wala na akong epekto sa'yo."
She gritted her teeth. Hindi pa rin ito nagbabago. Gustong gusto pa rin nitong ipinapamukha sa kanya na ito ang tama at hindi siya. "Takpan mo nga iyang katawan mo!"
"Bakit? Maganda naman itong katawan ko ah?"
"Hindi ka na nahiya!"
"At bakit ako mahihiya? Dapat bang magtago muna ako para magbihis bago humarap sa'yo gayong kanina mo pa naman ako pinapanood sa pool?"
"P-pinapanood?" hindi makapaniwalang bulalas niya. He made it sound as if she was ogling at him! Naiinis na napahawak siya sa kanyang sentido na para bang bigla iyong sumakit. "Hindi ko alam kung bakit natin pinag-aawayan ang tungkol sa kahubaran mo. God, Lay Raven, it's only been a few days! Paano ako makakatagal sa'yo ng tatlong buwan?" himutok niya.
"Don't mind me. Wala naman akong epekto sa'yo, diba?"
"This is the reason why I hate you. Nakakainis ang mga pangtri-trip mo!"
Kapag inaasar siya nito noon ay lagi silang nag-aaway dahil mabilis talaga siyang mapikon. Uuwi siyang nanggagalaiti sa inis rito. She would turn off her phone. Hindi naman lilipas ang isang araw na magkagalit sila dahil gumagawa din ito agad ng paraan para magbati sila. He loved surprises. Kaya naman sa tuwing nagkakatampuhan sila noon ay lagi siya nitong sinusurpresa. Naalala pa niya noong nag-away sila dahil sinabi nitong hindi raw masarap iyong kauna-unahang strawberry cake na binake niya. Gumawa ito ng paraan para mapatawad niya ito.
He baked a strawberry cake too. Ivinedeo pa nito ang sarili habang ginagawa nito iyon. Tawa siya ng tawa dahil lagi itong nagkakamali. Napaso pa nga ito sa oven. Habang nagbe-bake ay kumakanta ito ng mga kantang ang theme ay puro paghingi ng tawad. Gumawa ito ng medley ng "sorry songs" habang nagbe-bake ng cake. When he delivered the cake, nagsuot pa ito mismo ng uniform ng isang pastry chef na may nakasulat na I'm Sorry sa dibdib.
Kahit paano pala'y marami pa rin siyang magagandang mga alaalang naiisip tungkol sa nakaraan nila. Napatitig siya rito. He's never changed. Ito pa rin ang Lay Raven na sobrang kulit at sobrang galing magpagaan ng pakiramdam niya.
"Did I make you wait?" Napakislot silang dalawa nang biglang dumating si Crystal. "O baka naman nakakaistorbo na ako sa inyo?" nanunuksong tanong nito. "I can go if you want to."
"Kinuha ko lang itong towel na nasa tabi ng upuan ng mommy mo," kaswal na rason ni Lay Raven. His face looked serious but there was a glint of mischief in his eyes that made her blush again. Damn! Patuloy pa rin ito sa pang-aasar! "Hindi ba, sweetheart?"
"Wala namang ginagawang kabalbalan ang daddy mo eh," sarkastiko niyang sagot. "Teka, bakit ba ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay rito ah?"
"Hindi ko kasi mahanap yung swimsuit ko, mommy."
Liar! She rolled her eyes. "Sige, magswimming na kayong dalawa. Pupunta na lang muna ako sa kusina para maghanda ng meryenda ninyo."
"Hindi ka ba magsu-swimming?" nakakalokong tanong ni Lay Raven.
"No thanks. Ayokong malunod." ...sa kayabangan mo!
"Nandito naman si daddy eh, kapag kailangan ng mouth to mouth recucitation, mada—"
"Crystal!" she hissed.
Natatawang tinapik ni Lay Raven si Crystal sa balikat. Tumayo ito at tsaka inakbayan ang anak nila. "Hayaan mo na iyang mommy mo. Meron yata kaya sobrang sungit."
Ngani-nganing batuhin niya ng mesa ang herodes nang tila sinasadya nitong iparinig ang pagbulong nito kay Crystal. Nagpupuyos na tumayo siya upang umalis.
"Paano mo nalaman daddy? Nanilip ka ano?" natatawang tudyo ni Crystal.
"Hindi ah! Kabisado ko lang kasi ang period niya."
Nagsisigaw siyang halos patakbong tumungo papasok sa loob ng bahay. Ang mga walanghiya, pinagkakaisahan siya! Kasunod niya ang nakakalokong tawanan ng mag-ama niya.
"HOW ABOUT CHEESE?"
Muntik na namang napatikwas ang kilay niya nang tumigil sa pagdampot ng kung anu-ano si Crystal at tinanong ulit si Lay Raven. Kasalukuyan na silang nag-gro-grocery. Nang mapagod mag-swimming ang mag-ama ay agad na nag-aya si Crystal na mag-grocery. Tuwing Sabado ay ito ang namimili ng supply nila sa bahay. Whenever Crystal saw something that she wanted to buy, lagi itong tumitigil upang tanungin ang ama nito kung okay lang bang bilhin nito iyon o hindi.
"Kung gusto mo edi kunin mo," sagot niya.
"Pero ano'ng mas masarap, daddy? Cheese o peanut butter?" pag-iignora nito sa kanya.
Napatingin siya kay Lay Raven. He was smiling. She knew why. He used to be like that when they were still together. Isa sa mga paborito nilang ginagawa na magkasama ay ang pamimili sa grocery. At sa tuwina ay lagi siya nitong kinukulit. He would always ask what to buy and what not to buy. Kapag may gusto naman ito pagkatapos ayaw niya ay magtatalo na naman sila—na sa huli ay hindi rin nito bibilhin dahil nga ayaw niya. Manang mana si Crystal rito.
"I like cheese better. Mas masarap," nakangiting sagot ni Lay Raven.
Nalukot ang ilong ni Crystal. "Nakakasawa ang cheese. Tuwing umaga ay iyan ang nilalantakan ni mommy sa almusal. How about Nutella? Masarap ang chocolate."
"Then go for Nuttella," he shrugged.
"I'll take cheese and Nutella," nakangising sabi nito bago nito inilagak ang dalawang garapon ng cheese whiz at Nutella sa pushcart nila.
Iisa ang pushcart na kinuha nila. Silang dalawa ni Crystal ang taga-kuha habang tagatulak naman ang papel ni Lay Raven. Napatingin siya sa itinutulak nito. Halos puno na ang cart.
"Hindi ka pa ba pagod, Crystal? Andami mo ng nabili ah?"
Natigilan ito at napatingin sa cart nila. "I'm sorry, I got too excited to shop. F-First time ko kasing mag-grocery na kasama kayo eh," nahihiyang sagot nito. "W-Wait, may nakalimutan akong bilhin sa may banda roon. I'll just get it," paalam nito bago umalis.
Naiwan siyang natitigilan habang napapatitig sa papaliit nitong bulto. Pareho silang natahimik ni Lay Raven. Limang taon lang si Crystal nang maghiwalay sila. Simula noon ay magkahiwalay na silang nakakasama ni Crystal. Hindi naman sila nagkulang sa panahong ibinibigay nila sa bata. Ngunit nang mga oras na iyon ay napagtanto niya na hindi sapat na sinasamahan nila ito. Iba pa rin kapag buong pamilya silang magkasama.
Matagal na niyang naipaliwanag sa kanyang anak ang tungkol sa relasyon nila ni Lay Raven. Sinabi niya na kahit magkahiwalay na sila ng daddy nito ay isang buong pamilya pa rin sila. Sabi niya ay may tampuhan lang sila ni Lay Raven. Na hindi pa legal ang paghihiwalay nila. Kaya nga Sy pa rin ang gamit niyang apelyido at suot pa rin niya ang wedding ring nila.
But as Crystal grew older, nagsisimula na itong makapag-isip at mainsecure. Hindi lang iilang beses na sinabi ni Crystal na gusto nitong magbalikan sila ni Lay Raven. Kapag ipinapaliwanag naman niya ang sitwasyon ay sinasabi nito na naiintidihan nito iyon. Hindi niya inakala na ang hindi nila paghihiwalay ni Lay Raven sa legal na paraan ay nagbibigay pala ng mumunting pag-asa sa kanilang anak na may pwede pang maayos ang pagsasama nila.
"First time ni Crystal magpunta dito sa grocery na kasama ka," basag niya sa katahimikan. Kunot noong napalingon siya kay Lay Raven na noo'y halos hindi rin maalis ang pagtitig sa anak nito na kasalukuyang namimili sa bandang dulo ng aisle. "Bakit?" naitanong niya.
"Ngayon ko lang naisip kung gaano ko palang napabayaan ang anak natin."
Napayuko siya. "I-iyan din ang naisip ko," bulong niya.
"I'm sorry," bigla nitong wika.
"B-bakit ka nagso-sorry?"
"Dahil marami akong naging kasalanan sa inyo, lalo na sa'yo. Gusto ko lang malaman mo na pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko noon. Higit lalo iyong nasabi ko sa'yo."
She stiffened. She was not ready to talk about their past yet. Gustuhin man niyang linawin ang lahat sa kanila ay hindi niya magawa dahil nasasaktan pa rin siya. Napayuko siya at hindi na lang sumagot rito. Ewan niya pero parang hindi pa niya matanggap ang paghingi nito ng tawad.
"Kahit araw araw akong magsorry sa'yo, hindi mo pa rin siguro ako mapapatawad," anito sa mapait na tinig. "Pero okay lang sa akin iyon. I deserve it. At kailanman ay hindi ako mapapagod sa paghingi ng tawad sa'yo."
Ginagap nito ang kanyang kamay ng mahigpit. She didn't know what to say. Thankfully, he stopped talking about how sorry he was for making their past unbearable to think about. Masuyo sia nitong iginaya pasunod sa anak nilang noo'y abala pa rin sa pamimili.
"I am willing to wait for the day that you'll finally forgive me," wika nito bago binitiwan ang kamay niya at nagpatiunang lumapit kay Crystal na nasa dulo ng food rack.
Napabuntong hininga siya. Kung kelan ang araw na iyon ay hindi niya rin alam. Bagamat tila nakagaan sa kalooban niya ang paghingi nito ng tawad. It made her feel better. Ang kaalamang nagsisisi ito ay nagpagaan na rin sa loob niya.