Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 11 - CHAPTER 10

Chapter 11 - CHAPTER 10

"DADDY, gusto rin yata ni mommy ng grapes."

Matalim ang tinging ipinukol niya kay Crystal. Kanina pa ang lantarang pambubuyo nito sa kanila ni Lay Raven. They were on a picnic in Tagaytay, iyon ang hiniling ni Crystal para nakatakdang family day nila. Nakaupo silang tatlo sa isang picnic mat habang kinakain ang mga pagkaing pinaghirapan nilang iluto ni Crystal kaninang umaga.

"Sa tingin mo, gusto niya?" nakakalokong tanong ni Lay Raven.

"Oo Daddy. Subuan mo kaya?" ngisi ni Crystal.

Napangisi na rin si Lay Raven. "Bakit hindi?"

"May kamay ako. Kaya kong kumain ng mag-isa," naiiritang wika niya.

"Dali na, mommy. Pipiktyuran ko kayo ni daddy habang kumakain, please? Para naman may remembrance ako sa first ever picnic natin kasama si Daddy. Sige na, please? Isa lang naman eh," pagpupumilit nito. "Para makumpleto ang kasiyahan ko."

"Eh bakit kailangang may subuan pa?" ingos niya.

"Come on, isang picture lang naman daw. Hindi tayo titigilan niyan hangga't hindi mo pinagbibigyan," sang-ayon ni Lay Raven.

"F-fine!" napipilitang aniya.

She must be crazy. Ano ba'ng ginagawa niya at pumapayag siya sa ganoong set up nila? Nitong mga nakaraang araw ay kakaiba na ang nararamdaman niya. Sa tuwing napapalapit siya kay Lay Raven ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Masyado na siyang naiirita sa mga pang-aasar nito, masyado na siyang naiilang kapag napapalapit ito sa kanya at mas lalong nagiging eratiko ang tibok ng puso niya sa tuwing nagtatama ang mga mata nila. Lahat ng mga pakiramdam na iyon ay pamilyar sa kanya—she was starting to care for him again.

Gusto niyang lumayo para protektahang muli ang kanyang puso rito. Ayaw na niyang bumalik sa dati kung saan mahal na mahal niya ito—hanggang sa punto kung saan mas pipiliin niyang masaktan mapasaya lang ito. Ayaw na niyang mabulag ulit ng kanyang pagmamahal. Pero bakit ganon? Bakit hindi niya magawang lumayo rito?

Natatakot siya. Sa piling nito ay nakakaramdam ulit siya ng kasiyahan. Napadako ang tingin niya kay Crystal. Nagniningning ang mga mata ng kanyang anak. Crystal was happy. Maging siya ay masaya. Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Lay Raven sa kamay niya. He held her hand as if he knew how her mind was troubled.

Hindi niya alam kung paano pero bigla ay tila nawala ang pangambang nararamdaman niya kanina. He smiled at her. The wonders of his smile. Napangiti na rin siya. Sa ngayon ay hahayaan muna niya ang kanyang sarili na magpa-agos sa dikta ng pagkakataon. Tsaka na niya iisipin ang kahihinatnan ng gagawin niyang sugal. Marahan niyang ibinuka ang kanyang bibig.

"Oh siya, bilisan mong lagyan ng grapes. Gutom na rin ako," kunwa'y ingos niya.

Natatawang umayos ang mag-ama. Bagamat kinakabahan ay hindi niya maiwasang kiligin habang katabi si Lay Raven na nakakaloko at nang-aakit na sumusubo sa kanya ng grapes. Si Crystal naman ay panay ang tawa dahil sinasadya nitong patagalin ang "pictorial" nila.

She enjoyed Crystal's and Lay Raven's company. Hindi niya inakala na darating ang panahong mararanasan niya ulit na makumpleto ang pamilya niya. It felt too good to be true. Alam niyang hindi iyon magtatagal. Dahil kahit pa hindi sila tuluyang maghiwalay, kahit pa mahal pa rin niya ito ay hindi na niya hahayaan ang sariling manatili ulit sa piling nito. Masyadong malalim ang sugat na iniwan nito sa puso niya—isang sugat na kahit nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin tuluyang naghihilom. At hindi siya sigurado kung maghihilom pa.

"MAGPAKASAL na tayo. Handa akong iwan ang lahat, makasama lang kita."

Nagulat siya sa sinabi ni Lay Raven. Alam niyang nagsisinungaling ito. He was afraid to lose everything—lalo na ang scholarship na gustong gusto nito. He just passed the SAT. Butas ng karayom ang pinagdaanan nito para lang makapasa at magkaroon ng chance na makapasok sa Harvard University. He was planning to study in that prestigious school.

Nagkaroon kasi ito ng offer mula sa isang sikat at malaking kumpanya sa Maynila, ang Business Land and Associates. The company offered scholarship for Lay Raven. Ang kumpanya mismo ang gagastos sa pag-aaral nito sa abroad. At pagkatapos nitong gumraduate ay kukunin ito ng kumpanya para magtrabaho. It was his dream—ang makapag-aral sa Harvard at makapagtrabaho sa ganon kalaki at kasikat na kumpanya.

It was a chance in a lifetime. Maging ang scholarship na ibinigay ng kumpanya ay malaking hirap ang ipinuhunan nito. And everybody was excpecting he'd be flying to U.S.A next month. Kaso ay nabuntis siya nito. Kung pananagutan siya nito ay babawiin ng kumpanya ang offer ng mga ito. Lay Raven could pay for Harvard's expenses, mayaman naman ang pamilya nito.

But the chance given to him couldn't be paid nor bought. It was a prestige. Isang bagay na maipagmamalaki hindi lamang ng pamilya nito kundi ng buong eskwelahan nila, maging ng buong bayan nila sakali mang kunin nito iyon. It was his dream. How could she ruin that?

"P-paano ang scholarship mo?" natitilihang tanong niya.

Natahimik ito at napayuko. Mapait siyang napangiti. He was too young to risk his future with her. Masyado pa silang bata para harapin ang konsikwensya ng gagawin nila. Kahit siya ay natatakot sa magiging kahihinatnan nila. She loved him, he loved her. Pero sapat na ba'ng mahal nila ang isa't isa para mabuhay sila? Hindi nila kakayaning harapin ang bukas na puro pagmamahal lang ang baon nila. Ni hindi pa sila tapos sa pag-aaral. At may malaking oportunidad na naghihintay rito ang nakatakdang mawala sa oras na magpakasal sila.

"Wala na akong pakialam. Hindi ko kayang malayo sa'yo," bulong nito.

"M-maghihirap ka lang sa piling ko," yuko niya. "H-hindi tayo tutulungan ng mga pamilya natin sa oras na magpakasal tayo. Alam mo iyan."

Iyon ang parusang makukuha nila mula sa kani-kanilang mga pamilya. She was an only child. Hindi matanggap ng mga magulang niya na magpapakasal siya nang ganon kaaga. They didn't want to let her go. Ayaw naman sa kanya ng mga magulang nito dahil sisirain lang daw niya ang kinabukasan nito. Ayaw ng mga magulang nito na bitiwan nito ang scholarship.

"But I love you, Ruth."

"I love you too. Alam mo iyan. Mas mahal pa kita ng higit sa buhay ko. But let's face it. Hindi tayo pa tayo handa. Everybody is against this love." Napakagat labi siya at napayuko upang itago ang pamumula ng mga mata niya. Napakasakit ng mga binitiwan niyang salita.

"B-but I..."

"Kung papipiliin ba kita, ano ang pipiliin mo? Ako o ang scholarship? Harapin mo ang katotohanan, Lay Raven. You want that scholarship more than you want me. That scholarship is your future. Kapag nakuha mo iyon, magiging maganda ang kinabukasan mo."

Parang dinudurog ang puso niya habang sinasabi niya iyon. Napakasakit ng dibdib niya. Ayaw niya itong iwan pero alam niyang iyon ang nararapat niyang gawin. She loved him too much to ruin his life. Nang hindi ito sumagot ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Pilit niyang isinisiksik sa kanyang isip na tama lang na layuan niya ito. Napahikbi siya.

"A-Ayoko!" nahihindik na bulalas nito. "Please, huwag mo namang gawin ito."

Lumingon siya rito. "Handa ka bang harapin ang lahat ng konsikwensya sa oras na piliin mo ako?" hamon niya na nakapagpatigil rito. "Hindi ka makakapag-aral sa Harvard. Masisira ang pangarap mo. Isusumpa ka ng mga magulang mo. Handa ka bang harapin lahat iyon?"

Bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. "Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Mababaliw ako. Kapag iniwan mo ako, paano na ako? Paano na ang mga pangarap natin? Ikaw ang tanging babaeng nakapagpatino sa akin. Ikaw lang ang babaeng kaya kong mahalin. Ikaw lang. Kapag iniwan mo ako, habang buhay na akong magiging malungkot at maghihinanakit sa mundo. Hindi ko alam kung magagawa ko pang magmahal ulit. Baka kahit sarili ko ay kamuhian ko."

"Walang silbi ang scholarship ko kung wala ka. Para saan pa ang pagsisikap ko? Para sa'yo at sa magiging anak natin ang lahat ng paghihirap ko. Handa kong tanggapin ang lahat, makasama ko lang kayo ng anak ko. Huwag mo akong iwan."

Narinig niya ang paghikbi nito. Kasunod niyon ay ang pagkalas nito mula sa pagkakayakap sa kanya. And the next thing she knew, pinupunit na nito sa harap niya ang scholarship na pinapangarap nito. Her heart jumped from joy. Agad siyang lumapit rito at niyakap ito ng mahigpit. It was the best proposal she's ever had.

"Marry me, Ruth. I beg you."

"Yes, Lay Raven. I will marry you. I love you!"