Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 17 - CHAPTER 16

Chapter 17 - CHAPTER 16

RUTH blinked away her tears as she looked away from Lay Raven's troubled face. Naroon sila sa park. Right after their parents went home, doon na sila dumiretso. Kahit pa wala sila sa mood mamasyal ay hindi nila binigo ang kanilang anak. Napabuntong hininga siya.

Dahil sa pagdalaw ng mga magulang nila ay muling nagbalik sa kanyang ala-ala ang lahat. Kay tagal ding panahon na pinilit niyang kalimutan iyon. Simula noong nag-usap sina Lay Raven at ang kanyang daddy ay napansin niya ang kakaibang kilos ng kanyang asawa. Just like before.

"Mommy, may nakita akong kaklase ko doon oh! Can I talk to her for a while?"

Napalingon siya kay Crystal. Pagkunwa'y napangiti siya. How could she have a very understanding daughter? Alam niyang nais lamang nitong bigyan sila ng panahon para makapag-usap. Marahan niya itong hinawakan sa kamay at nginitian. "Sure," tango niya.

Humalik ito sa kanyang pisngi bago lumingon sa ama nito at nagpaalam. Mayamaya pa'y umalis na ito. Naiwan sila ni Lay Raven na nakaupo sa picnic mat na inilatag nila sa malilim na bahagi ng parkeng kinaroroonan nila. Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa kanila.

"A-ano'ng pinag-usapan ninyo ni Daddy?" hindi niya napigilang itanong.

Ni hindi man lang ito napalingon sa kanya. "Wala."

"M-may sinabi na naman ba siya sa'yo? I'm sorry. Kung anuman iyon ay huwag mo na lang pansinin. Overprotective lang sa akin si daddy."

"B-bakit hindi ako magustuhan ng daddy mo?"

Nabigla siya sa tanong nito. Iyon ang kauna-unahang nagawa nitong magbukas ng usapan patungkol sa daddy niya. Ni minsan ay hindi nito ginustong pag-usapan iyon dahil sa insikyuridad nito. He never wanted to look vulnerable in front of her. Iyon ang isa sa mga naging kulang sa masayang pagsasama nila noon. He was never open to her, lalo na kung tungkol sa kahinaan nito ang pinag-uusapan. And her father was one of his weaknesses.

"Paano mo naman nasabi na ni minsan ay hindi ka niya nagustuhan?"

"Alam ko naman iyon eh. Ramdam ko."

Napabuntong hininga siya. "Hindi naging madali para kay daddy ang katotohanang kinailangan kong magpakasal ng maaga nang dahil sa'yo. I am his only daughter. Marami siyang pangarap para sa akin. At pakiramdam niya ay ninakaw mo ang buhay na ginusto niyang ibigay sa akin noon. Kaya hindi mo masisisi si daddy kung bakit hindi ka niya agad natanggap."

"Kahit kailan ay hindi niya ako natanggap."

Umiling siya. "He liked you, higit pa sa inaasahan ko."

Ngumiti ito ng mapait. "Alam mo ba'ng sa buong buhay ko, sa kanya ko lang naramdaman ang kagustuhang gawin ang lahat, magustuhan niya lang ako? Everybody liked me but him."

"Alam ko. Ganyan din kasi ako sa mga magulang mo, lalong lalo na sa mommy mo. She never liked me, you know. Hindi man niya ako sinusungitan pero alam kong hindi niya ako nagustuhan kahit kailan. Siguro, kapareho siya ni daddy na iniisip na sinira ko rin ang buhay mo."

Kay tagal na panahon nilang nagsama pero iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakapag-usap sila ng ganon kamasinsinan. Akala niya ay nakakatakot, akala niya ay nakakahiyang magsabi ng kahinaan sa taong mahal mo, mali pala siya. Nakakagaan pala iyon ng loob.

"L-lagi niyang tinitignan ang bawat kilos ko, sa kumpanya man o sa bahay natin."

"Sa maniwala ka man o hindi, nagseselos ako noon sa'yo dahil sa atensiyong ibinibigay ni daddy sa'yo. Ni minsan ay hindi pinakialaman ni daddy ang mga desisyon ko pero 'pag dating sa'yo ay naging interesado siya."

"Puro mali ko lang ang nakikita niya."

"Kasi gusto niyang itama mo ang mga mali mo." Natigilan ito at nagtatakang napatingin sa kanya. Nginitian niya ito. "You were very paranoid back then. Ni hindi mo napansin na gusto ni daddy na maging mentor mo siya. He wanted to guide you. Gusto ka niyang maging matatag. Gusto niyang ituro sa'yo ang mga natutunan niya noong nagsisimula pa lang siya. But then, masyado kang nagfocus sa pagpapa-impress sa kanya kaya puro negative ang naiisip mo noon."

"H-hindi ko naisip na..."

"Ang weird kasi ng daddy ko ano? He has this weird way of telling things."

Natahimik ito at biglang nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakita niya kung paano'ng kumuyom ang mga palad nito. Itinaas niya ang kanyang mga tuhod at niyakap iyon. Kung naging ganoon ba sila kaopen noon, nag-iba kaya ang klase ng buhay meron sila ngayon? Napangiti siya ng mapait. Masyado pa silang bata noon. Marami silang mga hang-ups sa buhay. Maraming kinatatakutan. Hindi pa nila alam kung alin ang dapat na pag-usapan at hindi.

Hindi nga ba't isa rin iyon sa mga kinatatakutan niya noon? Ayaw niyang ipakita rito ang mga shortcomings niya. Ayaw niyang malaman nito ang mga kahinaan niya kasi nahihiya siya. Iyon marahil ang konsikwensya ng pag-aasawa ng maaga. Ang pagpapakasal ng ora-orada.

Noong mabuntis kasi siya ay hindi pa nila kilala ang isa't isa. Sure they've dated for almost a year, pero hindi naging sapat iyon para makilala nila ang isa't isa agad. Akala niya ay magiging madali para sa kanila na kilalanin ang isa't isa habang nagsasama sila, mali pala siya.

Pareho silang hindi agad nakapag-adjust ng maayos. Hindi nila nagawang buksan ang mga buhay nila para sa isa't isa. Marahil ay tama ang kanyang ina noon, na hindi pa sila handa sa panibagong buhay nila kasama ang isa't isa. Ninakaw ng kanilang pagpapakasal ang kabataang dapat ay ineenjoy nila. At hindi naging sapat ang pagpapakasal o ang pagmamahal nila para marealize nila na hindi ganon kasimple ang buhay mag-asawa.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" mayamaya't tanong nito. Natigilan siya. "Galit ka pa rin ba dahil sa mga nasabi ko sa'yo noong gabing iyon?" pagpapatuloy nito.

"H-hindi naman ako nagalit sa'yo noon," anas niya. "Noong una siguro, oo, pero saglit lang iyon. Mas nasaktan kasi ako sa mga sinabi mo eh."

"H-hindi ko..." Napayuko ito nang tila hindi nito maituloy ang sasabihin.

"Talaga ba'ng sinira ko ang buhay mo noon?" hindi niya napigilang itanong.

Mabilis itong nag-angat ng ulo at tsaka umiling. "Hindi!"

"Ang akala ko dati, perfect tayo para sa isa't isa. Masayang masaya tayo noon, diba? Kahit na sobrang hirap noong una, sumaya naman tayo, diba?" pumipiyok niyang wika. Napayuko siya upang itago ang pagdaloy ng mga luha niya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi ngunit kahit gaano pa kariin ang pagkakakagat niya ay hindi iyon nakatulong upang itago ang mga hikbing biglang kumawala sa bibig niya.

"I'm sorry," bulong nito. "I'm sorry kasi napakalaki kong duwag noon."

Kunot noong napatingin siya rito. Nakita niyang nakayuko pa rin ito. Nakakuyom ang mga palad nito at napakalakas ng pagtatagis ng mga bagang nito.

"Ang dami kong palusot noon eh. Na kesyo bata pa ako kaya may karapatan pa akong magkamali. Na kesyo natatakot akong magkamali ulit kaya kinailangan kong gawin iyon. Ang laki kong tanga kasi nagawa kong pakawalan ang isang napakaespesyal na babaeng gaya mo."

"L-Lay Raven..."

"Habang nabubuhay ang mga tao, may mga bagay tayong nagagawa na kahit hindi natin sinasadya ay nakakasakit sa mga taong mahal natin. Alam ko, marami akong nagawang nakasakit sa'yo noon. May mga bagay na sinadya ko kaya mas lalo kang nasaktan."

Hindi niya inakala na magiging ganon kasakit ang mapag-usapan ang kanilang nakaraan. Unti unting nanariwa ang lahat ng mga nangyari sa kanila noon—masaya man o hindi.

"I still love you, alam mo iyon hindi ba? I never stopped loving you." Umangat ang ulo nito at napatingin ng matiim sa kanyang mga mata. She should be happy, kasi sinabi nito na mahal pa rin siya nito. Mahal din niya ito. Dapat ay masaya sila kasi nagmamahalan pa sila. Pero alam niyang hindi iyon ang kaso nila. Hindi sapat ang pagmamahal para manatili silang nasa tabi ng isa't isa. "But I am scared," kunwa'y bulong nito, sabay yuko.

Muling bumalong ang mga luha niya. "I a-am scared too."

"Hindi na kita kayang saktan pa ulit."

"I know..."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko," naguguluhang naisubsob nito ang mukha sa mga palad nito. Mayamaya pa'y napansin niya ang pagyugyog ng mga balikat nito. He was crying!

Hindi na siya nagsalita. Pero sinagot niya ang huling sinabi nito. She knew what to do. Alam niya kung ano ang magpapasaya rito o kung ano ang dapat nilang gawin.

"M-maghiwalay na tayo," she whispered.

He froze. Matagal bago ito sumagot ngunit ang naging sagot nito ay lalong dumurog sa kanyang puso. He didn't say a word but he stood up and walked away from her. She closed her eyes and wept. Sa pangalawang pagkakataon ay muli siya nitong pinakawalan.

Hinding hindi nito magagawang ipaglaban siya.