Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 13 - CHAPTER 12

"Isang araw, tinukso ko siya tungkol sa lihim niyang pagnanasa sa akin," umpisa nito. Napaismid siya. "Kagaya ng dati, nagalit na naman siya sa akin. Dati rati, kapag nagsosorry ako ay pinapatawad niya ako agad. Kaso, nung araw na iyon ay maghapon niya akong hindi pinansin. Kaya kinabahan ako. Kasi hindi ko kayang isipin na hindi na niya ako papansin kahit kailan."

"Kaya noong pauwi na kami, hinarang ko siya sa may gate. Sinubukan ko siyang kausapin pero itinaboy niya ako. Napahiya ako sa harap ng maraming tao nung sinigawan niya ako."

Napasinghap si Crystal at hindi nito napigilang mapalingon sa daddy nito. "E-eh ano'ng ginawa mo noon, daddy?"

"Tinakot ko siya."

"Wah! Bakit mo siya tinakot? Edi mas lalo nainis sa'yo si mommy?"

"Ang sabi ko, kapag hindi niya ako pinansin, liligawan ko siya."

Gusto na niyang pumalahaw ng iyak nang marinig niya iyon. Ayaw na niyang maalala ang nakakahiyang experience nila sa harap ng gate ng unibersidad nila.

"A-ano'ng sabi ni mommy?"

"Hindi pa rin niya ako pinansin. Kaya ayun, niligawan ko agad."

"I-iyon na ang panliligaw mo?"

"Hindi ako pumunta sa gyera nang walang dalang bala. Syempre armado ako noon. I asked my friends to take care of something I've prepared."

"A-ano iyon?"

"Lahat ng mga nanonood sa amin sa labas ay binigyan ng mga kaibigan ko ng isang supot ng rose petals. Kaya kahit saan magpunta ang mommy mo noon, may sumasaboy na rose petals sa paanan niya. Habang naghahabulan kami sa may kalsada ay umuulan ng rose. Ang sabi ko, kapag hindi pa rin niya ako pinansin, hahalikan ko siya."

"Hinalikan mo si mommy sa harap ng maraming tao?" hindik na bulalas ni Crystal.

"Syempre hindi. Bigla kasing humarap sa akin ang mommy mo at sinigawan ako. Alam mo ba kung ano ang sabi niya? Mahahalikan ko lang daw siya kapag kami na."

"Wah! Nakakakilig naman kayo," impit na tili ni Crystal.

"Kaya simula noon ay puspusan ko na siyang niligawan."

"Mommy, totoo bang ginawa ni daddy iyon dati?" untag ni Crystal.

"Che! Huwag ninyo akong kausapin," ingos niya.

"Laging nahihiya ang mommy mo kapag napag-uusapan ang araw na iyon," bulong ni Lay Raven, na medyo malakas kaya dinig pa rin niya. "Alam mo kung bakit?"

"Bakit daddy?" excited na tanong ni Crystal.

Kasi...sa likod ng isang malaking puno malapit sa eskwelahan nila ay hinayaan niya itong halikan siya. Kaya sa tuwing naaalala niya iyon ay lagi siyang namumula. Noong araw na iyon niya naranasan ang kanyang first kiss. Agad siyang nag-angat ng mukha at tinampal sa braso si Lay Raven bago pa man nito masabi iyon kay Crystal. She glared at him.

"Tumigil ka!" banta niya.

"Oh my, namumula ka mommy!" natatawang ani Crystal.

"Ayoko ng manood!" sigaw niya bago tumayo.

Napasinghap siya nang biglang hawakan ni Lay Raven ang kamay niya. Hinila siya nito pabalik sa sofa. "Oo na. Hindi ka na namin tutuksuhin. Masyado ka namang killjoy."

"Mas nakakakilig pala ang love story ninyo kesa rito sa Fifty First Dates eh."

"C-crystal!" naeeskandalong higaw niya.

Natatawang tumayo si Crystal. "Sige, maiwan ko muna kayo rito. I'll let you reminisce the past," nanunuksong sabi pa nito bago pumihit patungo sa hagdan.

"H-hindi pa tapos itong pinapanood natin!"

"It's okay mommy. Enjoy the show," ngisi nito bago tuluyang nawala sa paningin nila.

Hindi na niya ito napigilan nang bigla na lang itong tumakbo papanhik sa kwarto nito. She suddenly felt restless. Nanggagalaiting tinapunan niya ng nakamamatay na tingin si Lay Raven.

"Hindi mo na dapat sinabi iyon," angil niya.

"What's wrong? I think it's a cute story."

"Ano'ng cute dun?"

"It's one of the best memories of my life."

Natigilan siya. She saw sincerity in his eyes. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kakaibang init sa kanyang puso. Her anger backed down. "S-sa akin din naman," bulong niya.

"What happened to us?" nahihirapang tanong nito.

Kunot noong napalingon siya rito. Mayamaya'y napabuntong hininga siya. Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin. "Yan din ang tanong ko," malungkot niyang sagot.

They were happy before. They loved each other. Pero ano nga ba ang nangyari sa kanila at nagkaganoon sila? Masaya na siguro ito. Noong maghiwalay sila ay pumunta ito sa Harvard upang mag-aral. Doon ito kumuha ng masterals. Tinupad nito ang pangarap nito. May sarili na rin itong kumpanya. Malaki iyon at tanyag, higit pa sa kumpanyang dating naghahangad na makuha ito.

Natupad na rin niya ang pangarap niya. She had her own company. Nakapagtapos siya ng pag-aaral. Nagagawa na niya ang gusto niya. But unlike him, she wasn't happy. Hindi siya kasing saya noong magkasama pa sila. Napabuntong hininga siya. Pagkatapos ng tatlong buwan, siguro naman ay magiging masaya na rin siya. Makakaalis na siya sa anino ng kanilang nakaraan eh.

Napakislot siya nang bigla nitong gagapin ang kamay niya. Sandali lang siyang natilihan, mayamaya'y hinayaan din niya itong hawakan siya. Nanatili silang magkahawak kamay hanggang sa natapos ang pelikulang pinapanood nila. She felt contented sitting on that sofa, with him beside her, with his hand wrapped on hers. Nang matapos ang pelikula ay bigla siyang napaiyak.

Kagaya ng pelikulang iyon ay tiyak na magkakaroon din ng katapusan ang mahiwagang sandaling meron sila. Pagkatapos ng tatlong buwan ay maghihiwalay na sila—ng tuluyan. And everything would be back to normal. Hindi niya alam kung makakaya pa ba niya sakali mang dumating na ang "the end" ng kanilang masayang mga sandali.

Inakbayan siya nito at marahang hinaplos sa likod. "Hanggang ngayong ay iyakin ka pa rin," bulong nito. And then, she felt his lips touch her head.

Napaangat siya ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nila. Matagal ring naghinang ang nangungusap nilang mga mata. And the next thing she knew, he was already kissing her. How she missed his kiss. Umangat ang mga kamay niya at pumulupot iyon sa leeg nito. Their kiss deepened. Hanggang sa maramdaman na lang niyang umangat na siya sa ere.

Napatigil sa pagsasagupa ang mga labi nila at muling naghinang ang kanilang mga mata. She saw fire in his eyes. At hindi siya inosente para hindi maintindihan ang gusto nitong mangyari.

"You can say no," anito sa nahihirapang boses.

Napakurap siya. She wanted to but she couldn't find her voice. Namalayan na lang niya na inilalapit niya ang kanyang labi sa mga labi nito. When they kissed again, batid niyang muli na naman niyang ipinahamak ang kanyang sarili—lalong lalo na ang kanyang puso.

Ah basta, tsaka na niya iisipin ang konsikwensya ng gagawin niya. She wanted him too. Bakit niya ipagdadamot iyon sa kanyang sarili? Nang makarating sila sa kanilang kwarto ay hinayaan niya itong gawin ang lahat ng gusto nito sa kanya. Dahil gusto rin naman niya.