Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 16 - CHAPTER 15

Chapter 16 - CHAPTER 15

NAPANGITI ng mapait si Ruth. Second year anniversary nila ni Lay Raven nang araw na iyon. Pero hayun ang kanyang asawa, lasing na lasing. Hindi isang bungkos ng mga rosas na siyang paborito niyang bulaklak ang dala nito kundi isang bote ng alak na nangangalahati na.

"Lay Raven," tawag niya. Umungol lang ito kaya niyugyog niya ito sa balikat. "Halika na doon sa kwarto. Malamok rito sa sala," aniya.

Hindi man lang nag-abalang tumayo ang kanyang asawa. Sa namumungay nitong mga mga mata ay sinuyod siya nito ng tingin. Pagkunwa'y napaismid ito. Alam niya kung bakit. Sa halip kasi na cocktail dress ay isang pink na apron ang suot niya nang gabing iyon. Two years ago, isa pa siyang prinsesa ngunit ngayon ay isa na lamang siyang butihing housewife. She was just twenty, too young to enjoy her life, pero hayun siya, imbes na nagsasaya ay inaasikaso ang lasing niyang asawa. Never in her wildest dreams that she thought her life would end like that

"Hang-ganda mo ngayon, sweetheart," anas nito.

Nitong mga nakaraang buwan ay madalas na umuuwi ng lasing ang kanyang asawa. Ngunit kakaiba ang gabing iyon. Masyado itong lasing. Duda nga siya kung magagawa pa nitong maalala kinabukasan ang mga pinaggagawa nito eh. Dalawang taon na rin silang kasal. Masasabi niyang sa loob ng dalawang taon na iyon ay marami na ang nangyari sa kanila.

Sa unang taon, bagamat masaya ay hindi nila naiwasang mangamba. Pareho pa silang bata noon. They were both eighteen when they got married. May parental consent pa nga. It was a prompt wedding. Nabuntis kasi siya. Hindi naman niya pinagsisihan iyon dahil nagkaroon siya ng isang anak na sobrang mahal niya. Sa ikalawang taon ng kanilang pagsasama, kahit paano'y nakapag-adjust na sila. Naiwan siya sa bahay upang alagaan ang anak nilang si Crystal, habang ito naman ay nagpatuloy sa pag-aaral. Kontento na siya noon. Katwiran niya ay tama naman ito.

Kailangan ng anak nila ang mag-aalaga dahil bata pa ito. At bilang isang ina ay tungkulin niyang gawin iyon. Nang makapagtapos si Lay Raven ay nakapagpatayo ito ng munting business. Masaya siya para sa kanyang asawa. Akala niya ay mananatili siyang kuntento at masaya sa piling nito dahil nagmamahalan sila. Hindi pala.

Isang araw ay bigla na lang siyang nakaramdam ng pagod sa buhay niya. Ninais niyang ipagpatuloy ang naiwan niya bago siya mabuntis. She wanted to study again. Gusto niyang makapagtapos para makapagpatayo rin siya ng sarili niyang business, para matupad din niya ang pangarap niya katulad ni Lay Raven. Ngunit tumutol ang kanyang asawa pagkat nais nitong manatili siya sa bahay. Hindi siya kumibo noon ngunit tunay siyang nagdamdam rito.

Itinutok niya ang kanyang paningin sa hitsura nito—nakasalampak sa sofa, lasing na lasing, gulong gulo ang buhok—he looked wasted. Nang magsimulang magkaproblema ang kumpanya nito ay bigla itong nagbago. He became restless. Hanggang sa magsimula itong maging bugnutin. Nagsimula na rin itong uminom at umuwi ng lasing. Lumala ang mga pag-aaway nila.

"Tumayo ka na," matigas niyang wika.

Umangat ang gilid ng labi nito. "Alam mo ba? Pinuntahan na naman ako ng daddy mo sa opisina." Tumawa ito ng pagak. "Pinagtawanan niya iyong kumpanya ko."

Napabuntong hininga siya. Simula noong nagtayo ito ng sarili nitong kumpanya ay naging paranoid na ito. Lagi nitong iniisip na hinahamak ito ng daddy niya. Higit na mas mayaman ang pamilya niya kesa rito. Kung tutuusin ay itinuturing ng ibang tao na blessing iyon kasi nakapangasawa ito ng katulad niyang kahit hindi magtrabaho habang buhay ay okay lang. Nag-iisa siyang anak ng mga Oba, ang pinakamayamang pamilya sa bayan nila.

Rich her ass! They were disowned. Ang lahat ng kayamanan niya ay mapupunta sa kanyang anak. Hindi naman sila naghihirap dahil may sariling pera ang asawa niya, iyong Trust Fund na naiwan ng lolo nito para rito noon. Iyon ang ginamit nila para sa puhunan ng kumpanya nito, sa bahay nila at sa lahat ng gastusin nila.

But for Lay Raven, it was a curse. Hindi nito matanggap na hindi nito kayang pantayan ang buhay na kayang ibigay ng mga magulang niya sa kanya. Iniisip nito na hindi ito gusto ng pamilya niya. It was not entirely true. Noong una, bago pa sila ikasal, totoong hindi boto ang mga magulang niya rito. Pero ipinakita naman nito sa mga magulang niya na hindi ang kayamanan niya ang habol nito. Isa pa, mayaman rin naman ang mga Sy. But he was too insecure to see it.

Hindi naman sila pinuputakte ng issue ng mga tao dahil wala namang nakakaalam na na-disinherit sila ng mga pamilya nila. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito napaparanoid.

"Hindi totoo iyan," iling niya.

"Totoo iyon. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin? Hayaan daw kitang mag-aral ulit para magkaroon ka rin ng trabaho, kagaya ko," anito sa naniningkit na mata.

Natigilan siya. She could sense another fight going over them again. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin kaya nanatili na lang siyang tahimik. Sa isip niya ay kinagagalitan niya ang kanyang ina. Marahil ay ito ang nagsabi sa daddy niya sa gusto niyang mangyari.

"Bakit kailangan mo pang sabihin sa daddy mo iyon?" akusa nito.

"H-hindi ko naman sinabi. Nasabi ko lang kay Mama kaya—"

"Ngayon ay iniisip ng daddy mo na hindi kita kayang buhayin mag-isa!" sigaw nito. "Na kailangan mo pang magtrabaho para lang masuportahan ka at ang anak natin. Kulang na lang ipamukha niya sa akin na kailangan kitang pagtrabahuin dahil naghihirap tayo. Bakit, hindi ba kita kayang buhayin? But damn maybe he was right. I couldn't treat you like a princess here."

"Tama na, lasing ka lang kaya mo nasasabi iyan. Halika na sa kwarto," yakag niya. Tumayo siya upang muli itong alalayang tumayo ngunit pumiksi ito.

"Everybody thinks I don't deserve you. Iniisip nilang lahat na pinahihirapan lang kita. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa akin?" himutok nito.

Unti unting nabuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. She bit her lip and looked away. Hindi na lang ulit siya nagsalita. Alam niya kasi na mas lalo lang hahaba ang away nila kapag ginawa niya iyon. Tumayo siya at nagpasyang iwan na lang ito. Mas mabuti kung bukas na lang sila mag-uusap, kung saan mas maayos na itong kausap hindi iyong lasing ito.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Dahil totoo na hindi ako karapat dapat sa'yo?"

Napatigil siya sa paglalakad ngunit hindi siya lumingon. Nagsimula na kasing tumulo ang luha niya. She loved him too much that it hurt hearing him say those words to her. Sa loob ng limang taon ay marami siyang isinakripisyo para lang makasama ito. She defied her parents, she gave up her dream, she gave up her life, she became his willing slave, hindi pa ba sapat iyon?

"Kung hindi ka nabuntis, siguro ay mas maayos ang buhay ko ngayon."

Iyon na ang pinakamasakit na sinabi nito sa kanya. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng mga pagrereklamo nito sa mga luto niya, na ayaw siya nitong payagang mag-aral ulit, na gusto nito ay sa bahay lang siya, na lagi itong paranoid sa pamilya niya ngunit hindi niya kayang marinig iyong sinabi nito. It was the line she has feared most—ang sisihin siya nito dahil sa kamiserablehan ng buhay nila—lalo na ng buhay nito.

He chose her over his dream. He married her because he loved her. Pero bakit bigla siya nitong sinisisi ngayon? Hindi naman niya ito pinilit na panagutan siya, diba? Hindi naman niya ito pinilit na mahalin siya. Sunud-sunod ang naging pagbalong ng luha sa kanyang mga mata.

"K-kung hindi kita pinili noon, sana...napakaraming sana..." he said in a croaked voice.

"N-nagsisisi ka ba na nakilala mo ako?" hindi niya napigilang itanong.

Hindi ito sumagot. Ang malakas na pagsuntok nito sa mesa at ang pagsipa nito sa sofa ay sapat na para isipin niyang nagsisisi nga ito. Umiiyak na tumakbo siya patungo sa kanilang kwarto. Isang malaking pagkakamali na inibig niya ito. Simula nang gabing iyon ay nagbago na ang lahat sa pagitan nila. Hindi na sila nag-uusap. Paunti unti ay lumayo siya rito.

Hanggang sa mapagdesisyunan niyang makipaghiwalay na lang.