"OH, AYAN na pala ang mommy mo eh."
Isang nakamamatay na irap ang isinagot niya sa pagsulyap ni Lay Raven sa kanya. Katatapos niya lang maghugas ng pinagkainan nila. Habang ito at si Crystal ay dinig na dinig niyang nagtatawanan sa ay living room. Nang maalala iyon ay muli siyang napasimangot.
"Sorry ha? Natagalan ako. Naghugas pa kasi ako ng mga plato eh," nagtitimping aniya bago lumapit sa mga ito. Naupo siya sa isang settee, katapat ng inuupuan ng mga ito nasa sofa.
"It's okay mom. Katatapos ko lang din namang ayusin itong rules and regulation eh."
"Ano ba kasi iyan? At bakit may rules pa? Para kaming nasa presinto ah?"
"You are both on probation. Kailangan kong magset ng rules para makita kung pasado ba kayo o hindi," Crystal replied smugly.
There was no use in talking to her daughter. Kung may namana man ito sa ama nito, iyon ay ang katigasan ng ulo. She tossed her hands up in the air and just gave up.
"So, here are the rules." Inilapag nito sa mesa ang hawak nitong papel. "Gusto ninyo ba'ng ako na ang magbasa o kayo na lang?"
She rolled her eyes. "Just read it aloud."
"Here's the first one. Kailangang sabay sabay tayong kumain tuwing breakfast at dinner."
Napatango siya. "That seems fair enough." Tumango rin si Lay Raven.
"Second. This is for you, dad." Hinarap nito si Lay Raven. "It will be your duty to drop me off at school. Hindi lang ako ha? Kailangan mo ring isabay si mommy at ihatid sa office niya."
Now, that doesn't seem fair. Napatikhim siya. Gusto sana niyang kontestahin ang sinabi nito kaso, nang makita niya kung gaanong nagliwanag ang mukha nito nang tumango si Lay Raven ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Para sa ikatutuwa ng anak niya, tatahimik na lang siya.
"At ito namang pangatlo ay para kay mommy. Pagbabakasyunin natin ang maid ni daddy dahil simula ngayon, you will be in charged in our household chores. Ikaw ang maglilinis, ikaw ang magpre-prepare ng mga kakainin natin. Lahat lahat."
Napaawang ang mga labi niya. "T-that's not fair! May trabaho ako."
"Don't worry, tutulungan ka naman ni daddy eh. Diba, dad?" baling nito sa ama nito. Napakurap si Lay Raven, tila hindi rin inasahang pati ito ay idadamay ni Crystal sa kalokohan nito.
"B-but..."
"Mommy, lima lang ito. Hindi ninyo ba ako pwedeng pagbigyan? Isa pa, tatlong buwan lang naman ito eh. I am not even sure that this would last forever," malungkot nitong anas.
"Emotional blackmail again!" she hissed.
"Pang-apat! Every Sunday will be Family Day. Ibig sabihin, kailangan nating mag-date tuwing linggo," pag-iignora nito sa pagrereklamo niya. Wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga.
"At ano ang panlima?" kunot noong tanong ni Lay Raven.
"Kumbaga sa boxing ay ito ang main event!" excited na sagot ni Crystal.
Nagkatinginan sila ni Lay Raven. Bakit parang bigla siyang kinabahan sa klase ng ngisi ni Crystal? Inayos niya ang pag-upo. "S-so, ano nga iyong pang-lima?"
"I want you to share a room for three months, just like before."
Inihit ng ubo si Lay Raven, habang siya ay pinanlakihan ng mga mata. Sunud-sunod siyang napailing. "No," mariin niyang wika. "Hindi ako papayag!"
"Well then, you have no choice. Dahil papayag lang ako sa annulment ninyo kapag pumayag kayo sa rules na ginawa ko."
"This is crazy! Hindi ko kailangan ang—"
"Do you want me to hate you forever, mommy?"
Napatayo siya. "Emotional blackmail again!"
Nang mapatingin siya kay Lay Raven ay lalo siyang nanghina. He too was shaken to even utter a word. Napasubsob ito sa dalawang palad nito at halatang hindi mapakali.
"I promise, sa oras na matapos ninyo ang tatlong buwang palugit ko, kung anuman ang magiging desisyon ninyo ay tatanggapin ko—ng buong puso. All I want you to do is to give our family a chance, remember?"
Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. She wanted to think that everything was just a nightmare. Pero nang mapatingin siya kay Crystal, batid niyang mas malala pa kesa sa bangungot ang lahat. And worse, she had no choice to stop what was happening.
"A-alright. But please, pagkatapos ng tatlong buwan na ito, let's settle everything, okay?"
Masayang tumango si Crystal. Tumayo ito at mahigpit na yumakap sa kanya. "Thank you, mommy! Thank you for making my dream come true," humihikbing turan nito.
Hinaplos niya ang likod nito at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo. "I love you so much, baby."
"I love you more, mommy." Kumalas ito mula sa pagkakayakap niya at marahang nagpunas ng pisngi. "Anyway, I had a great time tonight. I'll sleep na. I'll see you tomorrow!"
Wala pang isang minuto ay nakaalis na ito sa harap nila. Naiwan sila ni Lay Raven na tulala pa rin. Hindi sila makapaniwala sa gulong ginawa ng anak nila. She groaned. Isang araw palang siya sa bahay ni Lay Raven pero parang pagod na pagod na siya. Would she even make it until three months? Napatingin siya sa dating asawa. She doubted it. Oh God, please help me!
Napakislot siya nang biglang tumayo si Lay Raven. "B-bubuhatin ko na ba iyong mga gamit mo?" tanong nito. Napalunok siya. Nabalot ng kakaibang katahimikan ang lugar. Wala silang ibang nagawa kundi ang magtitigan sa gitna ng living room. Hindi niya alam kung gaano na sila katagal sa ganoong posisyon nang bigla silang magulantang sa pagsigaw ni Crystal.
"Mommy! I have a gift for you. Nilagay ko na sa kwarto ninyo ni Daddy."
Napakurap siya. "W-what?"
"P.S. I want a baby brother!"
Matapos niyon ay biglang sumara ang pinto sa kwarto nito. Agad na namula ang mga pisngi niya sa implikasyon ng mga sinabi nito. Hindi na tuloy siya makatingin kay Lay Raven.
"I wonder, ano kaya ang regalo ni Crystal sa'yo?" nakangising usisa nito mayamaya.
"Wala kang pakialam!" sigaw niya.
Isang nakakalokong tawa ang isinagot nito bago nagsimulang pumanhik. "Ililipat ko na iyong mga gamit mo sa kwarto. Titignan ko na rin iyong regalo ni Crystal."
"Don't you dare! Ako ang mauunang papasok sa kwarto!" natatarantang sigaw niya.
"You know I love dares," he cocked.
Ang siste tuloy ay para silang mga batang naghahabulan sa hagdan at nag-uunahang makapasok sa kwartong limang taon rin nilang pinagsaluhan. She wasn't ready to come back inside that room yet. Pero mas lalo namang hindi siya handang ito ang unang makakita sa regalo ni Crystal. Malakas kasi ang kutob niyang hindi niya magugustuhan kung anuman iyon.
At hindi nga siya nagkamali. Dahil bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ng kwarto ay dinig na dinig na niya ang malutong na halakhak ni Lay Raven. Damn!
"SAAN AKO matutulog?" naiiritang tanong niya kay Lay Raven.
Ang herodes, prente nang nakahiga sa maluwang nilang kama nang makalabas siya sa banyo para maligo. Nauna kasi itong gumamit ng banyo kanina. Humalukipkip siya nang hindi man lang ito natinag. She was imagining things as of the moment. Ini-imagine niya na hinahambalos niya ito ng lamp shade sa ulo at sinisilaban ang kamang kinahihigaan nito.
"Ewan ko sa'yo. Bahala ka kung saan mo gusto."
"Pwede ba, Lay Raven, pagod ako!"
"Pagod din ako, okay?"
"Ano ba'ng problema mo?"
"Ikaw ang problema ko. Hindi ko alam kung ano ang problema mo. Saan ka pa ba matutulog kundi dito sa kama, diba? Mag-isip ka nga!"
"Ha! At ako pa ang hindi nag-iisip? Paano ako matutulog diyan kung nandiyan ka naman?"
"Don't worry, pagod ako kaya safe ka ngayong gabi," ngisi nito.
Lalong nag-init ang ulo niya. "Umalis ka nga diyan!"
"Bakit ako aalis eh kama ko ito?"
"Baka nakakalimutan mo, ako ang bumili ng kamang ito, twelve years ago!"
"At baka nakakalimutan mo rin na pera ko ang pinambili mo rito dati?"
Nakakapagod makipag-usap sa isang katulad nito. She sighed. Ayaw niyang matulog sa lapag. Lalong ayaw niyang matulog sa sofa dahil mangangalay lang siya.
"We can share the bed, you know. Maluwang naman ito."
"I know, we used to share this bed," she said dryly.
"I am so touched that you still remember."
She rolled her eyes. Pagkunwa'y napasulyap siya sa kama. Hindi naman siguro siya mamamatay kapag tumabi siya rito sa pagtulog. Damn. She was acting like a virgin. Para namang hindi pa nila nagagawa dati iyong kinatatakutan niyang gawin nito sa kanya ngayon.
"Fine. P-pero bago ako tumabi sa'yo, umusog ka muna. Masyado mong inookupa ang space ng kama. Wala na akong hihigaan oh!"
Umisod naman ito. "Pwede na?" sarkastiko nitong tanong.
Inismiran niya lang ito. Mayamaya'y lumapit siya sa kama at tumabi rito. The rapid beating of heart made her feel breathless. Bakit ba siya kinakabahan? Daig pa niya iyong naramdaman niya noong honeymoon nila ah? Sabagay, hindi na pala niya first time noong honeymoon nila kasi buntis na siya noon. Haay! Ano ba'ng first time first time ang pinagsasabi niya?
Hindi siya gumalaw. Hawak ang kanyang dibdib ay napatitig lang siya sa puting kisame. Hindi niya nagawang punahin ang kwarto kanina noong pumasok siya dahil nakipag-agawan siya ng sexy negligee—iyon yung regalo ni Crystal sa kanya—rito. Ngunit ngayong nakahiga na siya ay nakita na niya ang histura ng dati nilang kwarto. Nothing has changed.
Possible pala iyon? Possible palang hindi magbago ang isang lugar ng ganoon katagal? Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi dahil lang sa nagawang i-preserve ni Lay Raven ang dati nilang kwarto. Naroon pa rin ang paborito niyang lampshade, ang sofa na sabay nilang binili noon, ang kurtina na siya mismo ang pumili, ang wallpaper na pinag-awayan nila noon, ang basag na radyong nabitawan niya na paborito nito. Everything seemed surreal.
Parang walang nagbago. Sila lang. She smiled bitterly. Kung sana ay hindi nagbago ang mga damdamin nila para sa isa't isa, kung sana ay hindi nagbago ang simple nilang buhay noon, siguro, kagaya ng kwartong iyon ay hindi rin nagbago ang pagsasama nila. Pero sabi nga nila, walang permanente sa mundo.
Kagaya nung lampshade, hindi na ganon kaliwanag ang ilaw niyon. Hindi na bago iyong sofa, hindi na gumagana iyong radyo, hindi na rin ganon kapula iyong wallpaper. Sa paglipas ng panahon, lahat ay talagang nagbabago. Depende na lang siguro kung alin doon ang pwede pang magamit at maisalba. Sila kaya? Pwede pang isalba?
Malamang hindi na. Sa nakalipas na sampung taon ay lumalim na ang sugat ng kahapon. Tanggap na niya na magkaiba sila ng mga gusto sa buhay. Tanggap na niya na hindi sila nakalaan para sa isa't isa. It was better that way. Mas tahimik ang buhay niya.
"Tulog ka na ba?"
"Hindi pa," sagot niya.
"Hindi ka rin makatulog?"
"Oo eh. Ikaw rin?"
She could sense his smile. "Yeah. I don't know why."
"Ang weird ano?"
"Alin ang weird?"
"Ito. Ewan ko. Basta, ang weird ng feeling."
"Oo nga, ang weird. After ten years, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng katabing matulog."
Napataas ang kilay niya. "Ows?"
"Bakit ikaw, hindi ka ba naninibago?"
"Hindi. Sanay ako'ng may katabi sa pagtulog."
"What?" sigaw nito. Itinukod nito ang ulo nito gamit ang siko nito at humarap sa kanya. "At sino naman ang lagi mong katabi?" salubong ang kilay na untag nito.
"Si Crystal," natatawang sagot niya.
Natigilan ito. "T-talaga?"
"Lumipat lang ng kwarto si Crystal noong tumuntong siya ng high school. Noong bata pa siya ay lagi kaming magkatabing matulog. Kahit ngayon, kapag gusto niya akong makatabi ay nakikitulog siya sa kama ko."
Bumalik ito sa pagkakahiga at muling napatitig sa kisame. "Seemed you had a good time with her," komento nito.
"Oo naman. Every minute with Crystal is a good time for me."
"I wish I was there too," bulong nito.
Napipilan siya. She wished he was there too. Malungkot siyang napangiti. Nanatili silang tahimik hanggang sa naramdaman na lang niya ang banayad nitong paghinga—tanda na tulog na ito. She sighed. It was hard for her to face her past. Pero wala siyang magagawa. Maybe it was the price she had to pay in order for her to move on and have a better future—alone.