Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

LAY RAVEN couldn't believe what he was seeing that morning. Napatitig siya sa babaeng abalang nagpri-prito ng hotdog sa kusina niya. He was dazed at the sight of her round hips swaying from left to right. Sumasayaw ito habang nagluluto. May ipod na nakapatong sa mesa.

Party in the USA ni Miley Cyrus ang sinasayaw nito. Napangiti siya. Humalukipkip siya at napasandal sa hamba ng pinto. Hindi muna siya lumapit rito. It was nice to see her enjoy cooking like that. Hindi kagaya noon na lagi itong nagrereklamo kapag nagluluto ito.

"What a sight to behold! Look at that face, Daddy."

Napakurap siya bago napabaling ng tingin kay Crystal, na nang mga oras na iyon ay abot hanggang tenga ang ngisi. He winced. "G-good morning, baby."

"I am just wondering why are you ogling at my mother?" nanunuksong usisa nito.

"I am not ogling at her," matigas niyang wika.

"Yes you are. Kulang na lang ay sabayan mo siyang sumayaw."

Well, that wouldn't be a bad idea, he thought. He would gladly dance with her. Sinulyapan niya si Ruth. Sa loob ng sampung taon ay tila hindi nagbago ang hubog ng katawan nito. O kung nagbago man iyon ay mas naging maganda iyon kesa dati. She was as sexy as ever. Morena ito, kabaliktaran sa kulay niyang maputi dahil nga may lahi siyang Chinese. Dating mahaba ang buhok nito ngunit nagpagupit na ito ng maikli—which he found very very sexy.

Mabilog ang katawan nito, round hips, round chest, round legs, all in the right places. Kahit ang labi nito ay mabilog, manipis sa itaas ngunit mabilog sa ibabang labi. Her eyes were round too.

"Good morning!" malakas niyang wika bago nilampasan si Crystal na parang ayaw tumigil sa panunukso sa kanya. Ano ba'ng akala ng anak niya? Love team sila ng mommy nito? Gulat na napabaling sa gawi nila si Ruth. Agad nitong pinatay ang ipod.

"K-kanina pa kayo riyan?" kinakabahang tanong nito.

His lips curled into a sexy grin—that grin that never failed to make her blush. "Sort of."

"Kanina ka pa pinapanood ni daddy na sumasayaw," singit ni Crystal.

Lalong namula si Ruth. Nag-aakusang tumingin ito sa gawi niya, na sinagot niya lang ng isang kibit balikat. Napatikhim ito bago pasimpleng tumalikod sa kanila.

"M-maupo na kayo. Breakfast is almost ready," utos nito.

Naupo sila sa harap ng hapag. Tahimik nitong sinalinan ang mga baso nila ni Crystal matapos nitong iayos sa mesa ang mga niluto nito. Nag-improve na ito. Dati ay puro pritong itlog lang ang alam nitong iluto. Ngayon ay may bacon at hotdog nang kasama ang itlog nito.

"Mommy, do you know how to bake?" biglang tanong ni Crystal nang kumakain na sila. "I want to bake a cake for daddy kasi eh. Kaso ay hindi naman ako marunong mag-bake."

Napatingin siya kay Ruth na noo'y biglang natigilan at hindi agad nakasagot. Of course she knew how to bake. Noong magkasintahan pa sila ay lasi siya nitong ipinag-bake ng strawberry cake. Hindi pang-world class ang pagbe-bake nito pero simula noon ay naging paborito na niya ang strawberry cake. Sa katunayan ay iyong lasa ng cake nito ang hinahanap hanap niya.

"Please?" Crystal begged.

Mataman niyang pinagmasdan si Ruth. Halatang nagdadalawang isip itong pumayag. Sa hindi niya malamang dahilan ay tila mayroon mumunting kirot siyang naramdaman. Alam niya kasi ang dahilan kung bakit ito nagdadalawang isip—dahil gusto na nitong kalimutan ang lahat ng may kaugnayan sa kanya. Hindi nga ba at gusto na nitong makipaghiwalay ng tuluyan sa kanya?

Napayuko siya. It's been really hard for them to stay that way. Siguro ay napapagod na ito. Marahil ay gusto na rin nitong magkaroon ng sariling buhay—sariling pamilya. Sampung taon na silang hiwalay ngunit sa loob ng mahabang panahong iyon ay hindi pa rin ito nawawala sa sistema niya. She was still his wife. Hindi man naging maganda ang kanilang pagsasama noon ay hindi niya iyon kinalimutan—wala siyang balak kalimutan iyon.

"O-Okay," napipilitan nitong sagot kapagdaka.

"Great!" Crystal exclaimed.

Kahit paano'y napangiti siya. After ten years, matitikman niya ulit ang strawberry cake na kay tagal rin niyang pinapangarap na matikman ulit. Three months. Would three months be enough to straighten everything about them? Or would it even enough to let her go? Ewan niya.

-------

IGINALA ni Ruth ang paningin niya sa paligid. Naroon siya sa hardin. Ten years ago, it was her garden. Bulaklak niya ang mga namumukadkad doon. Siya ang nagdidilig ng mga halaman. Napangiti siya ng mapait. Kung siya pa rin ba ang nag-aalaga nun, would it look better?

She sighed. It was Saturday. Tatlong araw na rin silang naninirahan ni Crystal sa bahay ni Lay Raven. Katatapos lang nilang mag-agahan kaya doon sila nagpapahangin sa hardin. Umakyat sandali si Crystal upang magpalit. Sasamahan kasi nito ang ama nito na kanina pa abala sa paliligo sa pool. Her heart fluttered. Lalo't alam niyang kanina pa siya pinapanood ni Lay Raven mula sa pool na katabi lang ng hardin na kinaroroonan niya. Although she could not see him because she was busy pretending that he didn't exist, she could feel his intense stare towards her.

Napalunok siya nang mapansin ang muling paggalaw nito sa ilalim ng tubig. He was there, gloriously swimming in that vast pool as if he was on a live show! He was wearing a blue trunk that flaunted his perfectly toned body. She nervously shifted from her seat. Bakit ba ang tagal ni Crystal? Agad siyang napaiwas nang tingin nang mapansing napadako ang tingin nito sa kanya. Kasalan ni Crystal ang lahat eh. Lagi na lang siya nitong iniiwan kasama ito. Alam niya kung ano ang ginawa ng anak niya at hindi niya iyon nagugustuhan. Napasimangot siya.

"Nanghahaba ang nguso natin ah?"

Napaigtad siya nang may biglang sumulpot sa tabi niya. Kinalma niya ang kanyang sarili at umaktong hindi apektado sa kahubaran nito, kahit na ang totoo ay tarantang taranta na siya. Hindi niya ito sinagot at nagkunwaring hindi ito narinig. Pilit niyang pinangingibabaw ang pagkairita sa presensiya nito upang pagtakpan ang pagkaakit na nararamdaman niya rito. Umisod siya palayo nang umupo ito sa tabi niya, bagay na nagpataas ng kilay at nagpatawa rito.

"What's funny?" she snarled.

Hindi ito nagsalita, bagkus ay nakakalokong napatitig lang ito sa kanya. Hindi niya inasahan ang ginawa nitong pagdukwang kaya hindi niya napigilan ang mapasinghap. Kulang na lang ay magdikit ang mga mukha nila sa sobrang lapit! Tapos kung makatitig ito ay parang gusto siyang kainin ng buo. His minty breath caressed her flushed face as if he was teasing her.

Bagamat natataranta dahil sa panunudyo nito ay pinilit niyang kumalma. Nakaamba na ang pagratsada ng bibig niya para sawayin ito sa kalokohang ginagawa ito nang mapatingin siya sa puting tuwalya na noo'y hawak na nito. Agad niyang naitikom ang nakaawang na bibig. She remembered that towel hanged right beside her chair. Inabot lang nito iyon?

Ang nakakalokong ngisi nito ay tila sagot sa tanong ng isip niya. Painot inot itong gumalaw at marahang pinunasan ang basa nitong katawan. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa malapad nitong dibdib habang pinupunasan nito iyon. Gosh, his chest was so broad that her palms itched to rest on it. Nakakapanuyo rin ng lalamunan ang tila nakakalokong pagdaan ng butil ng tubig mula sa buhok nito, patungo sa makinis nitong mukha hanggang sa dibdib nito at hanggang sa isang lugar na ayaw na niyang sundan ng tingin dahil baka magkumbulsiyon siya. What the heck was wrong with him? Bakit ba ito nagbibilad ng katawan sa harap niya? Papansin talaga!

"P-Pwede ba, magbihis ka nga? It's rude to talk to someone without any shirt on."

"Kita mo namang kaaahon ko lang sa pool diba? Syempre natural lang na wala akong damit dahil nga nagswimming ako. Magiging weird naman kung makikita mo akong lumalangoy sa pool ng nakadamit, diba? Isa pa, dati mo naman nang nakita ang katawan ko, ah? Wala pa ngang katakip-takip eh. At hindi lang basta nakita. Nahawa—"

"Shup up!" nanggagalaiting sigaw niya.

Natawa ito ng malakas. "Alright, I'm sorry. Hindi na kita aasarin. Masyado ka kasing seryoso diyan eh. Para namang nahihiya ka pa. Besides, we have to put up a good show."

"W-what show?"

"Tiyak na pinapanood tayo ni Crystal ngayon. Hindi mo ba napapansin na nitong mga nakaraang araw ay gumagawa siya ng mga paraan para makapag-solo tayo? Ang pagiging nerbyosa mo ay nagbibigay sa kanya ng pag-asa na may namamagitan pa sa atin."

So, it was all for a show. Ewan niya kung bakit pero nairita siyang bigla rito. "Sinasabi mo ba na kailangan nating ipakita sa kanya na hindi tayo apektado sa isa't isa?"

"Of course. Unless, apektado ka pa rin sa akin."

"I-in your dreams," aniya sa naniningkit na mga mata.

"Hindi ka na talaga apektado sa akin?" naghahamong ulit nito.

"H-hindi na 'no!"

Natahimik ito. Naging mataman ang pagkakatitig nito sa kanya. Mas lalo naman siyang nailang rito. She wanted to look away but couldn't. Masyado siyang nalulunod sa mga mata nito. There was something in his eyes that made her feel weird. Her heart raced.

Nahigit niya ang paghinga nang bigla itong dumukwang palapit sa kanya. Again, she didn't expect what he did. With his hands on either side of her arms, she had no choice but to just sit back and stare at him. His face was almost an inch away from hers. Agad na nag-init ang buong katawan niya dahil sa pagkakadikit nilang iyon. Lalo na noong tila nanunudyong dumampi sa mukha niya ang mainit at mabangong hininga nito. His breathing became heavier as seconds passed by.

His eyes stared at her. Pakiramdam niya ay pumasok sila sa isang kakaibang mundo na sila lamang ang naroroon. Suddenly, everything around them vanished. Kinakabahang napatitig siya sa mukha nito. At hindi niya napigilan ang sariling mapalunok nang mapansin niya ang namumula nitong mga labi. Those lips that always haunted her. Damn, but she missed his kisses.

Biglang nanuyo ang lalamunan niya kaya naman instinctively, kumilos ang kanyang dila at dagling binasa ang kanyang nangangatog na mga labi. When her lips parted, he groaned as if he was hurt or something. And then the next thing she saw, his eyes burned as he eyed her wet lips.

Napalunok ito. Lalong bumigat ang paghinga nito habang titig na titig sa mga labi niya. Hindi siya tanga para hindi mahulaan ang balak nitong gawin. He's going to kiss her. Oh no!