Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

IT WAS really hard for Ruth to concentrate eating especially when Crystal was giving her the creeps. Her daughter was blatantly staring at her. Kaya mas lalo siyang kinakabahan. Naroon na sila sa bahay ni Lay Raven. Sa dating bahay nila.

It was really hard for her to keep calm inside that house. Maraming mga alaala ang bumabalik sa kanya dahil sa lugar na iyon. Halo-halo. May mga masakit, mayroon ding masaya.

"This is the best dinner for me," nakangising sambit ni Crystal.

Somehow, she felt guilty. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang kasiyahang nararamdaman nito. Lalo't batid niyang lahat ay magtatapos sa loob ng tatlong buwan.

"Not for me. Hindi ko maimagine na sa loob ng tatlong buwan ay puro luto ng mommy mo ang kakain ko," ingos ni Lay Raven.

She threw him a seething look. Wala pang bente kwartro oras na nagkakasama sila pero sandamak-mak na iringan na ang namamagitan sa kanila. He never liked how she cooked. Lagi itong nagrereklamo kapag nagluluto siya. Kasalanan ba niyang hindi siya magaling magluto?

"Edi huwag kang kumain. Mag-order ka ng sariling mong pagkain!"

"Mommy, Daddy, kumakain po tayo. Bawal mag-away kapag nasa harap ng pagkain."

Pareho silang natahimik sa sinabi ni Crystal. Lagi itong namamagitan sa pag-aaway nila. Minsan ay nakatutuwa ngunit kadalasan ay nakakairita. Napaismid siya.

"Since suspended ako bukas, may naisip ako."

"Tuwang tuwa ka pa na suspended ka?" sikmat niya. "You will be grounded! Hindi kita palalabasin ng bahay sa loob ng isang buong buwan!"

"It's okay. Kahit three months pa, mommy. Anyway, wala naman akong balak na umalis."

She rolled her eyes. Taong bahay nga pala ang anak niya. Lay Raven chuckled, much to her irritation. Muli niya itong inirapan. Crystal grinned. Mayamaya'y ibinaba nito ang hawak na kubyertos, signaling that she was already done eating. Mabagal kumain si Crystal, in fact, lagi itong nahuhuling matapos sa hapag. Halos kauumpisa palang din ng dinner nila.

"Tapos ka na?" kunot noong tanong ni Lay Raven.

"Kailangan ko pang ayusin iyong rules and regulation na ipapakita ko sa inyo mamaya."

"What rules and regulations are you talking about?"

"Iyong mga bagay na gusto kong gawin ninyo habang magkakasama tayo rito."

"No, hindi na kailangan iyon," iling niya.

"Of course, kailangan iyon. Sabi ninyo, wala ng pag-asa ang marriage na ito, diba? So I am going to create a perfect plan that will tell you how ridiculous that annulment is!"

Napangiwi siya. Iyon na nga ba ang sinasabi niya eh. Masyadong maraming kalokohan ang anak niya. Tiyak niyang kung anu-ano na namang paraan ang gagawin nito mapaglapit lang sila ni Lay Raven. Ibinaba nito ang hawak na tinidor. Inabot nito ang kanyang baso at uminom ng tubig.

"Sige, maiwan ko muna kayo ni mommy. Enjoy your meal! Kapag tapos na kayo, come and look for me at the living room. Then I'll tell you what I have written."

Mabilis pa sa alas kwatrong nakaalis ito sa harap nila. And the next thing she knew, magkaharap na silang kumakain ni Lay Raven. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain.

"This is your fault," paninisi niya.

"I think I deserve a simple thank you rather than blame."

"Kapag may kalokohang ginawa si Crystal, ikaw lang ang sisisihin ko."

"Lagi mo naman akong sinisisi, diba?"

She smiled bitterly. Mali. Ito ang naninisi sa kanya lagi, diba? Hindi na lang siya nagsalita. Ayaw niyang ungkatin ang nakaraan para lang muling saktan ang kanyang sarili. Tila napansin naman nito ang naging reaction niya kaya natahimik na rin ito.

"It's only going to be three months," kunwa'y basag nito sa katahimikan.

"Hindi maikli ang three months. Paano na ang magiging set up natin nito? We both have works to do. Paano na ang trabaho natin kung sakali?"

"We can work it out. Simple lang naman ang gagawin natin. We have to stop working late. Uuwi tayo ng maaga para kahit paano'y makasama naman natin ang anak natin. Tutal, sa umaga ay pare-pareho tayong busy dahil sa trabaho at sa pag-aaral ni Crystal."

Nagpatango-tango siya. "Or pwede nating iuwi ang mga hindi natin matatapos na trabaho. P-pero hindi tayo pwedeng magbati, kung hindi ay mas lalong iisipin ni Crystal na okay na tayo."

"I think it's better to show how okay we are. Na kahit hiwalay na tayo ay okay pa rin tayo. It will give her assurance that no matter what happens, kahit na magkahiwalay na tayo, we would still be her parents. Isa pa, hindi naman na tayo babalik sa dati, kahit ano'ng mangyari, right?"

What he said made her both happy and sad. Happy, kasi tama ito. They have to make Crystal realize that everything would be alright, whatever happened. Sad, kasi hindi naging maganda sa pakiramdam niya ang huling tinuran nito. Ni minsan kaya, nahiling nitong sana ay bumalik sa dati ang lahat sa kanila? Ni minsan ba ay hindi nito hiniling na magkabalikan sila?

"Y-yeah, I think you're right."

Tahimik silang kumain. For the first time, since they've separated, noon lang ulit sila kumain ng sabay. They've never shared a decent meal. That lunch at the restaurant didn't count, nag-away lang naman kasi sila ng nag-away doon. Pero para sa hapunang iyon, mas mahaba ang panahong tahimik sila. They even agreed into something. And she felt great about it.

"I'm full," mayamaya'y sabi nito. "You know what? Sa loob ng sampung taon, sa tingin ko ay nag-improve ka na sa pagluluto," ngiti nito.

"You bet. At least, for the coming three months, umaasa ako na kahit paano'y mababawasan ang pagrereklamo mo sa luto ko," ngiti rin niya.

"Nah. I kinda missed this, you know. Ngayon lang ulit ako nakakain ng luto mo."

"Namiss mo ang luto ko?" nabibigla niyang tanong.

"Hard to admit, pero oo. Kaso maalat iyong adobong manok mo."

Napasimangot siya. Napakagaling talaga nitong mambawi ng papuri. Lagi itong ganon. Pupurihin muna siya, pagagandahin ang loob niya pero sa bandang huli ay aasarin na naman siya. Kahit noong nagsasama pa sila ay ganon na ito. Kahit noong nanliligaw palang ito.

"Halika na nga! Puntahan na lang natin si Crystal at baka kung anu-ano na naman ang pinagsusulat nun," ingos niya.

"Sige, mauna na ako. Pero ikaw, maiwan muna rito kasi aayusin mo pa itong mesa."

Hindi na siya nakapalag nang bigla itong tumayo at umalis. Iniwan siya nitong hindi makahuma habang parang baliw na nakatitig sa harap ng mesa. Napalunok siya. Simula kasi noong naghiwalay sila ay hindi na ulit siya gumawa ng mga gawaing bahay. She swore that she would never do it again. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila, iyon lang ang ginawa niya eh. Isa iyon sa mga bagay na pinagsawaan niya sa pagsasama nila.

Pero hayun siya, nakatitig sa mesang iimisin niya. Hindi niya inakalang babalik siya sa ganoong klase ng panahon. Sa bahay niya ay mayroon siyang isang katulong. Iyon ang gumagawa ng mga dapat niyang gawin sa bahay. She only focused on her job—wala ng iba. Marahan siyang tumayo. Kumilos siya at isa isang dinampot ang mga ginamit nilang pinggan. As she picked up the plates, something weird inside her seemed to consume her heart. She caught her breath.

Napalunok siya. This is crazy! Bigla siyang nataranta sa kakaibang naramdaman niya. Hindi niya pwedeng hayaan ang kanyang sarili na makaramdam ng ganon. Napahugot siya ng malalim na hininga bago itinuloy ang pag-iimis sa mesa. Kailangan niyang kausapin si Lay Raven mamaya. She has to set her grounds. Nandoon lang siya para pagbigyan si Crystal.

Hindi para ibalik ang mga alaalang pilit niyang kinalimutan.