Chereads / THE ONE I USED TO LOVE PHR / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

THE MOMENT Lay Raven go out of that room, he felt like he could breathe again. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi na siya nagtakang maramdaman na mabilis ang tibok ng puso niya. Mabilis niyang ikiniling ang kanyang ulo bago nagpasyang umakyat patungo sa kwartong itinuro ni Ruth sa kanya. Hustong makapasok siya ay hindi niya napigilang mapasandal sa pintong kapipinid lamang niya. He tightly closed his eyes and silently cursed himself.

Bakit ba hindi niya napigilan ang kanyang sarili kanina? For ten years, he's succeeded in restraining himself to do things like that. Muli siyang napamura. But damn, he couldn't help but kiss her! God, he missed her so much. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi. Pagkunwa'y napangiti siya. Sometimes, it was good do something stupid. Like kissing her.

Naglakad siya patungo sa kama at naupo roon. She was turning thirty, paulit ulit na sinasambit ng utak niya iyon. How could he forget about their promise ten years ago? Naikuyom niya ang kanyang mga palad. He shouldn't have agreed to that stupid promise before!

Okay na sa kanya na hiwalay sila ni Ruth ng bahay pero hindi niya kailanman matatanggap na makakalaya na ito mula sa kanya. Kapag tuluyan na silang naghiwalay, ibig sabihin ay pwede na itong lapitan ng iba. Hindi matanggap ng isip niya iyon. She was already his. Sa kanya lang!

Nang matigilan siya. Or at least, she was his ten years ago. Noong mga panahong masaya pa silang magkasama. Noong hindi pa sila naghihiwalay. Nalamukos niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Funny how things between them ended like that. Nagkahiwalay sila na may hindi pagkakaunawaan, nagkahiwalay sila na hindi na halos magawang mangitian ulit ang isa't isa. And now, they were going to have an annulment because his wife would become a multi-millionaire again. Kaya na nitong buhayin ng mag-isa ang anak nila ng wala ang sustento niya.

What the hell? At siya, saan na siya pupunta? Paano naman siya? Ilalayo ba nito ang anak nila sa kanya? Paano kung mag-asawa na ito ulit? Nasuntok niya ang kamang kinauupuan niya sa sobrang inis. Hindi niya na alam ang dapat niyang gawin. He had to let her go, dahil iyon ang napagkasunduan nila noon. But his mind and his heart couldn't bear to do it.

Ruth was his wife. And she would only be his. Tinawan niya ang kanyang sarili. He could never keep her. Dahil hindi siya karapat dapat para rito. While it's true that he still loved her, there was no way they could get back together. Kaya nga palagi niya itong iniinis sa tuwing nagkikita sila. That way, he could remind himself that he must stay away from her.

Na kailangan niyang maalala na tapos na ang lahat sa kanila. Na wala ng paraan para bumalik pa sa dati ang buhay nila. Muli niyang hinaplos ang kanyang mga labi. Iyon na ba ang huling halik niya para sa kanyang asawa? Bigla ay parang dinaanan ng pison ang dibdib niya.

It must be the price he should pay for breaking his wife's heart ten years ago... And damn his stupid fate, he must let her go...because he loved her. He never did stop loving her.

_____ -----______

"WAKE UP."

She growled when something noisy caught her ears. Gusto pa niyang matulog. Lalo siyang napaungol nang may yumugyog sa balikat niya. Tuluyan nang nagising ang diwa niya. She angrily opened her eyes, para lang pala panlakihan ng mga mata dahil tumambad sa kanya ang napakalapit na mukha ng lalaking hindi nagpatulog sa kanya kagabi.

"Lay Raven!" bulalas niya. Nakatunghay ito sa kanya habang nakahiga siya sa kama. He was leaning too close from her face that she could smell the freshness of his minty breath.

"Finally, you are awake!"

"W-what are you doing here?" nauutal niyang tanong.

"Nawawala si Crystal."

Natutop niya ang kanyang bibig. Nawawala ang anak niya? Itinulak niya ito at tsaka mabilis na bumangon. "Bakit ngayon mo lang ako ginising?" reklamo niya.

"Kanina pa kita ginigising."

She wasn't able to sleep last night because of him. And it was because of his damned kiss! "Where is Crystal? Ano'ng ibig mong sabihing nawawala siya?"

"She's not in her room."

"How do you know her room? Ngayon ka lang nakapunta sa bahay ko," iling niya. Kinuha niya ang kanyang roba at mabilis na isinuot iyon. She ignored his fierce gaze on her too sexy negligee. She looked away and hid her blushing face. "You didn't have to invade my room."

"I knocked. Hindi ka sumagot. Isa pa, hindi nakalock ang pinto kaya pumasok na ako."

Marahil ay nakalimutan niyang i-lock ang pinto kagabi. She was too dazed because of his kiss. Napailing siya. "It's too early to confront Crystal."

"Sigurado ka bang hindi siya umalis?"

"Bakit siya aalis? Bahay niya ito. Kung may aalis man, ikaw dapat iyon. Isa pa, may hangover siya kaya tiyak kong hindi agad agad makakabangon iyon."

Napahawak ito sa baba. "Well, I guess you're right."

"You can leave, Lay Raven. Magsha-shower lang ako. Bababa na rin ako mamaya para maghanda ng breakfast natin. Then we could talk to crystal later."

"Do you need some help?"

"What help?" kunot noong tanong nito.

"Do you want me to scrub your back?" ngisi nito. "I used to do that, you know."

Awang ang mga labing pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ramdam din niya ang pag-iinit ng buo niyang mukha dahil sa lantarang panunukso nito. And damn him for making her remember their "morning routine" inside their bathroom. Ang manyak niyang asawa!

"I'm just kidding," iling nito bago pinisil ang tungki ng ilong niya.

Natatawang lumabas ito ng kwarto. Naiwan siyang habol habol ang kanyang hininga. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon, makalipas ang sampung taon, na pinayagan niya itong maging ganon kalapit sa kanya. Dati rati ay ni hindi umaabot sa dalawang sentence ang mga sagot niya rito. She also made sure that he would never get the chance to touch her.

Akala niya ay siya ang nagdidikta ng mga pag-iwas na iyon. Noon niya lang narealize na ito pala ang nagdedecide kung kelan ito iiwas at kulang kelan hindi. It left her thinking, bakit bigla bigla ay lumalapit na ulit ito sa kanya? Was it about their annulment?

No, it was about Crystal. Kung hindi naman dahil kay Crystal ay hindi ulit sila magkakausap ng ganon. Nang maalala ang kanyang anak ay hindi niya naiwasang mangamba. Bakit ito biglang gumawa ng bagay na alam nitong ayaw na ayaw niya? Mabilis niyang tinapos ang pag-aayos sa kanyang sarili upang maharap na agad niya ang kanyang anak.

Makalipas ang isang oras ay natagpuan niya ang sariling nasa living room habang kaharap si Crystal. Katabi nito ang ama nitong mataman ring nakatunghay sa anak nila.

"I am giving you a minute to think about what happened last night," halukipkip niya.

Agad na napayuko si Crystal. Hindi pa rin ito nagsalita.

"Ano ang ginagawa mo sa bar na iyon?" tanong ni Lay Raven.

"You knocked yourself out." Siya na ang sumagot para rito. "Kelan ka pa natutong magsinungaling, ha? You faked an I.D. to get inside that bar and you screwed yourself! Tapos ganoon pa ang suot mo. Since when did you have the guts to wear that promiscuous outfit?"

"I didn't fake an I.D. I borrowed one of my friend's sister's I.D."

"At kelan ka pa sumagot sa mommy mo?" growled Lay Raven.

"Since you moved out from our lives, daddy. Bakit ka nga pala nandito? What business do you have here?" sarkastiko nitong tanong. "Pati nga pala iyong damit, hiniram ko sa ate ng kaibigan ko. They even did my make up. Masaya pala tumambay sa bar, nakakalimot ang tao."

"Crystal!" It was her turn to hiss. Napatayo siya. "Bakit ganyan ka sumagot sa daddy mo?"

"He's not going to be my daddy anymore, right?"

Kunot noong tinitigan niya ito. "A-ano'ng sinasabi mo?"

"I saw the papers." Nagkatinginan sila ni Lay Raven. "The annulment papers," matigas nitong sabi. Napipilan sila lalo na nung tumalim ang tingin nito. "Nagpaplano na kayong maghiwalay pero hindi ninyo man lang sinasabi sa akin!" nag-aakusang wika nito. "Kung hindi ko pa siguro nakita iyong mga papeles, hindi ko pa malalaman."

"L-look, sasabihin din naman namin sa'yo. Kaya lang..."

"Sasabihin ninyo sa akin kapag hiwalay na kayo?" sigaw nito.

"Pero matagal na kaming hiwalay ng daddy mo."

"N-no. Cool off lang kayo," iling nito.

"You're dad's not living with us. It's been ten years. Wala namang magbabago eh. Sa akin ka pa rin kapag weekdays at kapag weekend naman ay doon ka pa rin sa daddy mo."

"Kapag naghiwalay kayo, mas lalong kayong mawawalan ng oras sa akin. Tapos ay magagaya ako sa mga kaklase ko na hiwalay ang parents. You will have another man in your life and then you'll forget about me. Tapos magpapakasal rin sa iba si daddy at makakalimutan niya rin ako. And then, I will be left alone!" histerikal nitong sumbat.

Natutop niya ang bibig. Her daughter's outburst made her speechless. Hindi niya naisip na magiging mahirap para sa kanyang anak ang naging desisyon niyang makipaghiwalay sa daddy nito. Hindi niya alam ang insecurity na kinikimkim nito. She thought that Crystal was matured enough to understand their situation. Bukod sa tanga ay napakasama rin niyang ina para hindi isaalang-alang ang mararamdaman at iisipin ng kanyang anak.

"Hindi naman na ako nagrereklamo na hindi kayo nagsasama sa iisang bahay. Okay lang naman sa akin na pagpasa-pasahan ninyo ako. I know I am pathetic to ask for a little of your time," lumuluhang sabi nito.

"N-no, you are not pathetic," naiiyak niyang wika bago lumapit rito.

"I am! Lalo na ngayong maghihiwalay na kayo."

Nanatiling tahimik si Lay Raven habang pinapanood ang pagtangis nilang dalawa. Mayamaya'y lumapit ito sa kanila at hinaplos sila sa kani-kanilang mga likod.

"Hindi naman porke maghihiwalay na kami ng mommy mo ay mawawalan na kami ng panahon sa'yo," masuyong paliwanag nito.

"Sinasabi ninyo lang iyan. Eh bakit kayo maghihiwalay? Para pwede na kayong makipagdate sa iba? Tapos ano, para magpakasal at magkaroon ng bagong pamilya? Y-you haven't even tried..." bulong nito.

"Ilang beses ko ng sinabi sa'yo, diba? It won't work. Just like before," paliwanag niya.

"How do you know? Hindi ninyo pa naman sinusubukan ulit."

"Hindi ganon kadali iyon," wika naman ni Lay Raven.

"I know that's not true. You still love each other. Iniisip ninyo lang na hindi na pero sigurado ako na mahal ninyo pa rin ang isa't isa."

Nagkatinginan sila ni Lay Raven. Matagal ring naghinang ang kanilang mga mata. Neither of them wanted to deny what Crystal has said. Sa parte niya ay alam niyang tama ito, na hindi pa naman tuluyang nawawala ang pagmamahal niya para sa kanyang asawa. But what about him?

Umiling siya. "Masyado ka pang bata para maintindihan ang mga ganitong bagay."

"You never had a boyfriend mom. You've never talked to any man other than my dad. And dad never had a girlfriend too. He's never dated since you two separated. Hindi pa ba sapat na katibayan iyon para masabi kong loyal kayong dalawa sa isa't isa?"

"Marriage isn't just about loyalty."

"Loyalty means love."

Mapait siyang ngumit bago ito niyakap. Kung sana, ganon nga iyon. "Hush, baby."

"Please, give a try. Kahit isa lang. Give yourselves a chance," sumamo nito. "Hindi ako papayag na maghiwalay kayo nang hindi ninyo man lang sinusubukang ayusin ang lahat."

"You don't understand..." bulalas niya.

"No, you don't understand," anito matapos lumayo sa kanya.

"You have to accept that your father and I are going to separate, legally!" Iyon ang kauna-unahang pagkakataong pinagtaasan niya ng boses ang kanyang anak. Iyon din naman ang kauna-unahang pagkakataong sinuway siya nito. Siya ang ina, kaya siya dapat ang nasusunod.

"Then, wala rin kayong magagawa kundi tanggapin kung paano ko tatanggapin ang paghihiwalay na sinasabi ninyo!" sigaw nito bago tumakbo patungo sa hagdan.

Naiwan silang hindi makapaniwala dahil sa inakto nito. Hindi niya naisip na magiging ganon kabigat ang epekto ng kanyang desisyon kay Crystal. Nanghihinang napaupo siya.

"What have I done?" hikbi niya.

Tumabi sa kanya si Lay Raven. Mayamaya'y naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. Kung kagabi siguro nito ginawa iyon, malamang ay ginyera na niya ito. Pero hindi siya nailang o nainis sa yakap nito, in fact, she felt warm inside his embrace. Kahit paano'y napanatag ang dibdib niya. Marahan nitong hinaplos ang likod niya, pataas pababa.

"Bakit hindi mo muna pag-isipan?" masuyo nitong tanong.

"You know we can't back out. Darating rin naman tayo sa punto kung saan kakailanganin rin nating maghiwalay. We have to face the truth. Matatanggap rin ni Crystal ang lahat."

"I don't know..."

Nagtatakang napatingala siya upang tignan ito. "Why are you being like this? Ayaw mo bang ma-annul ang kasal natin?"

"Syempre gusto ko," anito matapos ang halos isang minutong hindi pagsagot.

Syempre, gusto niya. Para siyang tanga. Naiinis siya kapag parang gusto nitong pigilan ang annulment pero naiinis rin siya kapag masyado itong excited makawala sa kasal nila.

"M-maiintindihan din naman ni Crystal ang lahat, diba?"

"I hope so."

Hindi niya alam kung bakit o kung ano'ng klase ng baliw na espiritu ang dumapo sa kanya para maisip niyang yumakap ng mahigpit rito. She must be crazy. Kasi gumaan agad ang pakiramdam niya dahil lang sa pagkakayap niyang iyon. Lalo na noong naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya. She closed her eyes.

Nanamnamin na niya ang sandaling iyon. Who knew, baka iyon na ang huling mayayakap niya ulit ito. Surprisingly, that thought brought pain inside her heart.