Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 32 - Wala Ka Bang Ibang Magawa?

Chapter 32 - Wala Ka Bang Ibang Magawa?

Sumagot naman si Lin Che. "Hindi na kailangan pa. Maliit lang naman ang sugat ko."

Dumilim ang mukha ni Gu Jingze. "Halos mamatay ka nga diba. Hindi ito isang maliit na sugat lang."

Hindi naman nagpatinag si Lin Che. "Halos mamatay lang ako kasi nasugatan ang isang arterya ko. Sandali lang naman akong nanganib, diba. Ngayong magaling na ang aking arterya, ibig sabihin okay na ang lahat. Isa pa, wala naman ng ibang major organ sa may bandang hita, hindi ba?"

Matagal lang na nakatitig sa kanya si Gu Jingze pero maya-maya ay hindi pa rin ito nasisiyahan nang sumagot sa kanya. "Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa katawan mo. Anyway, katawan mo naman iyan."

Matapos magsalita ay tumalikod na si Gu Jingze at umalis.

Napakurap nang ilang beses si Lin Che, iniisip na walang mali sa kanilang napag-usapan. Humiga na lang siya at nagpatuloy sa panonood.

Kinabukasan ay nakalabas na si Lin Che at pinayagan ng sa bahay na lang magpahinga.

Nasisiyahan siyang umupo sa isang wheelchair dahil first time niya itong naranasan. Bubuhatin siya ni Gu Jingze para makasakay na siya sa kotse. Ngunit nang makita siya ni Lin Che na palapit na, natataranta niya itong pinigilan. "Hoy, diyan ka lang. Wag kang kikilos. Magpi-picture muna ako."

Habang sinasabi niya ito, itinaas niya ang kanyang kamay at inayos ang kanyang posisyon. Kinunan niya ng litrato ang kanyang sarili na nakasakay sa wheelchair at nakikita naman ang kanyang hospital gown.

Nakasimangot naman sa kanyang harapan si Gu Jingze. "Bakit ka nagpi-picture?"

Iniangat ni Lin Che ang ulo, umiling at sumagot dito. "Hindi mo naiintindihan. Dahil nga nahospital ako, kailangan kong magpanggap na kaawa-awa para makakuha ng ilang simpatiya."

Parang kakaiba ito, sa isip ni Gu Jingze. Anong simpatiya ba ang makukuha nito mula sa isang larawan?

Ilang beses itong inulit-ulit ni Lin Che. Ngunit, pakiramdam niya ay parang may kulang pa rin. Pagkatapos mag-isip, tinawag niya ang isang butler at pinausog ito.

"Magandang pang-props 'yang kotse mo. Bakit hindi ko ito gamitin?"

Parang lumabo bigla ang mga mata ni Gu Jingze. Naguguluhan siya habang pinagmamasdan itong nagpapalit sa ibang posisyon. Nagpicture ito kasama ang kanyang sarili na nakasakay sa wheelchair at ang kanyang background ay ang Porsche. Habang ginagamit ang photo application sa kanyang cellphone ay nagpaliwanag siya kay Gu Jingze. "Kapag ganito ang pagpicture ko, para lang itong hindi sinasadya pero hindi maiiwasan ng ibang tao na mapansin ito. Hoy, Gu Jingze. Siguradong hindi mo pa rin ito naiintindihan. Parang kumukuha lang ako ng simpatiya, pero ang totoo, pinangangalandakan ko sa lahat na mayroon akong Porsche. Naiintindihan mo na ba?"

Nakatayo lang doon si Gu Jingze habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Nagdagdag pa siya ng isang filter sa kanyang larawan upang magmukha itong high-quality na parang naka-print na ito sa isang photographic film. Pagkatapos ay masaya niyang iniupload ito sa kanyang Weibo.

Nakita naman ni Gu Jingze ang isinulat niya sa Weibo. "Sa wakas ay nakalabas na rin. Talagang napakahirap ng aking pinagdaanan nitong mga nakaraang araw. Nagpapasalamat naman ako sa tulong ng mga medical staff dito."

Sa ibaba ng caption na iyon ay ang larawan ni Lin Che na nakaupo sa wheelchair at ang halatadong Porsche na nasa likuran niya.

Napailing nalang si Gu Jingze. Wala talagang ibang magawa ang babaeng ito...

"Bakit mo naman ipinost ito?" Tanong niya.

Iniangat ni Lin Che ang ulo. "Para ipakita sa mga tao sa Weibo. Ah, oo nga pala. Ishi-share ko din 'to sa WeChat Moments."

Nang matapos na itong magshare sa mga accounts, ay noon lang ito pumayag na buhatin ni Gu Jingze papasok sa sasakyan.

Nagsimula nang umandar ang kanilang sasakyan, pero nakatingin pa rin siya sa kanyang Weibo at WeChat accounts.

Hindi nagtagal ay marami na kaagad siyang nakita na mga comments sa kanyang post.

"Bakit ka nakasakay sa wheelchair? Nasaktan ka ba habang nagfi-filming?"

"Kawawa ka naman. Magpahinga ka nang maayos."

Nilingon niya si Gu Jingze at nagsalita. "Ang tanga naman ng mga taong ito. Paanong hindi nila napansin ang aking kotse? Tingnan mo nalang ang isang 'to. Napansin niya kaagad."

Totoo nga. Sa ibaba ng post ay mayroong isang comment: ""Aiyo, nakahanap ka na ba ng sugar daddy? Porsche 'yan, diba?"

Tumawa nang malakas si Lin Che, at halata na proud na proud siya sa kanyang sarili. "Nakita mo 'yan?"

Nagdilim lang ang mukha ni Gu Jingze.

"Hmmp. Sa palagay mo ba, dahil bigla lang akong nagpost ng ganito, ay iisipin kaagad nila na isa akong bayarang babae?"

Lalo lang dumilim ang mukha ni Gu Jingze.

Hindi siya isang matandang lalaki.

Kinurot ni Lin che ang kanyang baba at matagal na nag-isip bago nagsalita. "Pero, ibig sabihin ba nito ay makikita din ito ng aking pamilya dahil isa si Lin Li sa aking mga friends list?"

At hindi nga nagtagal ay nag-comment din si Lin Li.

"Porsche ba iyan? Lin Che, ano ba talaga ang tinatago mo?"

Suminghal lang si Lin Che at hindi ito pinansin. Nagmamalaki pa rin ang kanyang boses habang patuloy na nagsalita. "Hindi ko alam kung mahuhulaan ba nito na ang Porsche na ito ay nagkakahalaga ng ilang milyon. Kung ikokompara ito sa kanyang mumurahing BMW, ito ay langit at basura naman ang kanya."

Muli niyang tiningnan ang kanyang Weibo pero hindi naman gaanong marami ang nag-comment doon.

"Nakakatuwa ba para sa'yo ang ganitong gawain?" Tanong ni Gu Jingze.

"Oo naman. Noon, pinagmamasdan ko lang ang iba na magpost ng ganito. Pero ngayon, nagagawa ko na din ito."

"Ano naman ang ipagmamalaki mo diyan? Sa pagkakaalam ko, hindi naman gaanong mahirap ang mga Lin. Sigurado akong marami ka ng nakitang ganito."

Sumagot naman si Lin Che. "Pero hindi naman sa'kin ang mga 'yon. Napakadamot ng Papa ko sa akin. Noong una, lagi niyang inihahatid sina Lin Li at ang iba kong kapamilya gamit ang malaki niyang Benz. Pero ako, pumupunta ako sa school gamit ang maliit na scooter ng tagapag-alaga ng bahay.

Sumimangot lang si Gu Jingze at tiningnan siya habang nilalaro ang Weibo.

"Maraming tao ang nakakakita nito?" Tanong ni Gu Jingze.

Umiling naman si Lin Che. "Hindi. Kahit verified man ang account ko at kahit isa man akong artista, hindi din naman ako sikat. Nasa 2,000 lang ang mga fans na naka-follow sa'kin, hehe. Pero isang araw, alam kong makakaya ko at magkakaroon ako ng isang milyon, dalawang milyon, kahit sampung milyon na mga tagahanga. Gusto kong magkaroon ng libo-libong mga comments kapag nagpost ako sa Weibo kagaya ni Mu Feiran."

Habang pinagmamasdan siyang masiglang nagsasalita, napailing na lang si Gu Jingze. "Dahil diyan, ngayon pa lang ay binabati na kita sa iyong tagumpay."

"Tinitiyak kong magtatagumpay ako!"Pagkasabi nito ay itinaas niya ang kanyang kamao.

Napangiti naman si Gu Jingze nang makita niya ang ginawa nito. Umiling siya at tumingin na sa unahan.

Nang makauwi na sila sa bahay, mas lalong naging komportable ang pakiramdam ni Lin Che. Sa hospital, wala siyang ibang nakikita kundi ang mga aparato sa kanyang ward at sa totoo lang, lalo lang siyang nalulungkot kapag nakikita niya ang mga iyon. Isa pa, hindi rin siya komportable kapag naiisip niya ang halaga ng isang araw nang pananatili niya doon.

Dahil mukhang maayos na naman siya, nakapag-focus na sa trabaho si Gu Jingze kinabukasan.

Nang makita ni Lin Che na nakaalis na si Gu Jingze, nagpumilit siyang pumunta sa kanilang filming site.

Gusto siyang pigilan ni Butler Hu pero mabilis itong pinutol ni Lin Che. "Hindi maaari. Ilang araw na ba akong nandito? Kung patuloy pa rin akong aabsent, baka tanggalin na ako ng aming production team."

Walang ibang choice si Butler Hu kundi ang patagong mag-utos ng isang tauhan na bantayan siyang maigi.

Gamit ang kanyang wheelchair, nakarating si Lin Che sa kanilang filming site.

Abalang-abala ang buong production team kaya hindi man lang nila masyadong inisip ang kanyang pagkawala. Pero nang makita nila si Lin Che na biglang bumalik at nakasakay pa sa wheelchair, isa sa kanila ang lumapit at nag-aalalang nagtanong. "Ano'ng nangyari? Nakita ko ang iyong post sa Weibo. Nahospital ka pala?"

Pero simple lang ang sagot ni Lin Che. "Nagkaroon lang ng kaunting car accident. Mabuti na lang at ang aking hita lang ang natamaan at wala ng iba pa."

Nagbigay naman ng kanya-kanyang pang-aliw na mga salita ang mga nandoon at pinaalalahanan siya na magpokus sa pagpapahinga.

"Nakaupo ka pa sa wheelchair. Hindi ka nalang sana muna pumunta dito."

Sumagot naman si Lin Che. "Hindi pwede. Makakapag-film pa naman ako ng iba kong scenes kahit ganito ako o nakaupo lang ako. Kung pwede kong gawin iyon, eh di gagawin ko ang iba kong eksena. Kung hindi naman, baka hindi makaabot sa itinakdang schedule ang production team."

Ngumiti ang assistant director nang marinig ang kanyang sinabi. "Okay, sige. Napaka-propesyonal mo talaga. Kung ganoon, kakausapin ko ang direktor para payagan kang sumali sa filming."

Nagpasalamat naman sa kanya si Lin Che. Nang matapos na siya, may narinig siyang mahinang boses sa kanyang likuran. "May Weibo account ka pala? Paanong hindi tayo parehong naka-follow sa isa't-isa?"

Si Gu Jingyu pala ang nagsalitang iyon. Hindi niya alam kung kailan pa ito nakarating sa likuran niya.

Gulat na tiningnan niya si Gu Jingyu at sumagot. "Naka-follow ako sa'yo. Yun nga lang, hindi ka naka-follow sa'kin."

Napakarami ng mga fans nito. Paano naman siya nito mapapansin?

Tinanong ni Gu Jingyu ang kanyang account. "Ifa-follow kita."

Hindi makapaniwala si Lin che sa sinabi nito. "Talaga?"

Si Gu Jingyu ang tipo ng tao na bihira lang mag-follow ng kahit sino. Nasa dalawampu lang yata ang nasa listahan ng mga pina-follow niya.

Mabilis na ibinigay ni Lin Che ang kanyang account.

Hinanap ito ni Gu Jingyu at walang pag-aatubiling nag-follow sa kanyang Weibo.