"PINAMADALI ko iyan. Alam ko kasing iyan ang sinasabi mong ipapagawa mo pagka-graduate mo at may trabaho kana?" paliwanag sa kanya ng binata. "pasensya kana, alam kong hindi ka papayag kapag sinabi ko sayo. Pero ipinagpaalam ko iyan sa Tita mo, nung umpisa ayaw niya pero napapayag ko rin siya in the end" paliwanag pa ni Dave sa nag-aalangang tinig.
Hindi siya nakapagsalita. Tinitigan lang niya si Dave sa paraang tila ba nananaginip siya at hindi makapaniwala na may isang lalaking katulad nito na wala ng ibang ginawa kundi ibigay ang lahat ng makapagpapasaya sa kanya. Nag-init ang kanyang mga mata, at nang hindi makatiis ay umiiyak nalang niyang niyakap ng mahigpit ang binata dahil sa labis na kaligayahan. Kunsabagay mula naman talaga nang makasama niya si Dave, palaging ang ikaliligaya niya ang ginagawa nito.
"H-Hayaan mo Dave kapag nagkapera ako babayaran kita kahit paunti-unti lang" aniya habang nanatiling nakasubsob sa dibdib ng binata.
Natawa ng mahina doon ang binata. Saka pagkatapos ay nakangiting hinawakan ang kanyang baba para itaas ang kanyang mukha. "Ilang beses ko bang kailangang ulitin sayo na okay lang, walang kapalit ang lahat ng ginagawa ko para sayo."
"K-Kasi nakakahiya na, kung sinasabi mo lang siguro sakin ang totoong dahilan kung bakit sobra ang malasakit mo sakin di sana kahit papaano nababawasan ang guilt na nararamdaman ko?" paliwanag niya sa binatang nakamasid lang sa kanya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Dave bago nagsalita. "Kapag sinabi ko ba ang totoo sayo ngayon, maniniwala ka?" anito sa isang buo at malalim na tinig habang masuyong humahaplos sa kanyang pisngi ang likod ng palad ng binata. Tumango siya. May pakiramdam siyang sa sasabihin ni Dave ay malaki ang magbabago sa buhay niya. "natatakot ako, pero kung patatagalin ko pa ito, parang mas matatakot ako sa pwede kong marinig na sagot galing sayo" nasa tinig ni Dave ang sinabi.
"N-Natatakot?" aniyang pinilit na gawing normal ang tinig pero nabigo siya.
Nakita niyang nagtaas-baba ang dibdib ni Dave. Pagkatapos ay muli siyang niyakap ng mahigpit. Napangiti siya dahil nang mga oras na iyon ay talaga nawi-wirdohan siya rito. Ngunit ang masarap na kilig na sanhi ng ginawa nito ay naroroon parin.
"Mula ng makilala kita, nung unang beses na nagtama ang mga mata natin, alam mo bang noon ako nagsimulang mabuhay para sa ibang tao? Nagsimula akong mabuhay para sayo?" anito. "maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong mahal kita? Mahal na mahal kita?" nang ilayo ni Dave ang sarili sa kanya saka siya tinitigan ng tuwid sa mata.
"A-Anong sinabi mo?" kahit narinig niya ng malinaw ang sinabi ng binata ay iyon parin ang nanulas sa mga labi niya.
Noon ikinulong ng mga kamay ni Dave ang kanyang mukha. "The first time I saw you dito mismo sa lugar na ito, I had this strange feeling na hindi ko naramdaman kahit kanino. Iyong pakiramdam na gusto kitang lapitan pero kinakabahan ako, nahihiya ako sayo" simula ng binata.
"Then nung nakita kita sa canteen naramdaman ko ulit iyon at kung nagkataon mang I had the courage to approach you hindi ko rin siguro masasabi ng maayos kasi I had scorpions in my stomach. The same thing happened nung nakita kita sa quadrangle. Sabihin mo ng ako ang pinakadakilang torpe pero gaya nang nangyari sakin dito kahit nakatalikod ka, natawag mo ang atensyon ko. Plus the fact na for the first time in my entire life talagang na-conscious ako sa itsura ko. Then I came to realized na hindi ka basta babae lang, you're different. At sa kanilang lahat, you're the fairest, my heart's desire" nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ang binata.
"At siguro naawa sa akin ang langit, tinulungan niya ako. And that was when I realized na ang lahat ng nangyayari sa ating dalawa, by chance. Siguro hinayaan ko man iyong ilang chances pero dahil sa intensity ng damdamin ko sayo, pagkakataon ang gumawa ng paraan para magkalapit tayo."
"Hindi ako naniniwala sa magic noon, but the first time our eyes met, nakita ko ang future ko kasama ka. At iyon ang nagtulak sa akin para gawin ang lahat ng paraang alam ko to make you feel the way that I do. Para mahalin mo rin ako,kasi ikaw? Sobrang mahal na mahal kita."
Speechless siyang napatitig lang kay Dave.Sa haba ng paliwanag na narinig niya at dahil sa tuwang nararamdaman niya ay naestatwa siyang nawala sa sarili. Kaya naman hindi niya namalayan ang sumunod na ginawa ng binata. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla. Ang mainit na labi ni Dave ang gumising sa sandaling nakatulog niyang diwa. Noon niya itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata para pakawalan ang sarili pero bago pa man niya nagawa iyon ay itinigil na ng binata ang ginagawa.
"Ano? Tutulala ka parin ba?" amuse na tanong ni Dave.
"B-Bakit ba basta-basta ka nalang nanghahalik?" nang makarecover sa nangyari ay pagalit niyang tanong.
Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave saka nagsalita. "Ang haba nung sinabi ko, narinig mo ba lahat?"
Tumango siya saka napalunok. "N-Narinig ko, nagulat lang ako kasi hindi ko naman expected iyon" pag-amin niya.
Umangat ang dalawang kilay ng binata. "Bakit? Hindi mo ba nararamdaman na ang lahat ng ginagawa ko para sayo, out of love?"
Kahit nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya ay hindi parin niya napigilan ang pag-iinit ng kanyang mga mata. "N-Nararamdaman" totoo iyon, pero dahil nga hindi siya nag-expect sa kabila ng katotohanang may bahagi ng puso niya ang umaasa kaya siya nabigla. "hindi lang kasi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo sasabihin sa akin ang ganoon?"
Matamis ang ngiting hinaplos ni Dave ang kanyang buhok. "Alam mo bang iyang kababaan ng loob mo ang isa sa mga ugali mong gustong-gusto ko? Napakabait mo, ikaw na yata ang babaing may pinakamalaking puso, sobrang naging weakness kita, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin ka ng sobra" parang mainit na kamay na humipo sa puso niya ang sinabing iyon ng binata.
"M-Mahal mo ako?" hindi parin makapaniwala ang tono niya saka nagmamadaling pinahid ang kumawala niyang mga luha.
"Sobra, Audace. Iyong tipong kahit anong bagay yata ang mawala sakin parang hindi ko mararamdaman kasi nandiyan ka, ang totoong nakapagpapasaya sakin" anito. "huwag kang matakot, subukan mo ulit. And I promise to take good care of you, now and forever" ang hinlalaki ni Dave ay dahan-dahang humaplos sa kanyang lowerlip.
Napapikit siya saka makalipas ang ilang sandali ay kusang umangat ang kamay niya saka masuyong humaplos sa mukha ng binata. "S-Subukan? Alam mo ba kung ano ang una kong sinabi sa sarili ko nung makita kita sa parking lot? Kung ikaw ang boyfriend ko, kahit ilang beses siguro akong umiyak okay lang" nakita niyang nangislap ang mga mata ni Dave dahil sa sinabi niyang iyon.
"I-Ibig sabihin?"
Natawa siya. "Dave, ang manhid mo naman. Hindi mo ba pansin na mahal na mahal din kita?" sukat sa inamin niyang iyon ay muli nanaman siyang nakulong sa mga bisig ng binata. Bahagya pa siyang naghabol nang paghinga dahil sa higpit ng yakap na iyon. Pagkatapos kagaya kanina ay hindi rin niya inasahan ang sumunod na nangyari nang mabilis pa sa hangin ay inangkin nito ang awang niyang mga labi. Saglit lang ang halik na iyon pero pakiramdam niya ay para siyang niyanig ng lindol.
"I love you so much Audace, alam mo kung pwede lang pakakasalan na kita? Para may kasiguraduhang kahit bumalik iyong ex mo hindi kana mawawala sakin?" totoong pangamba ang naramdaman niya sa sinabing iyon ng binata.
Matamis ang ngiti niyang hinagod ng tingin ang mukha ng binata. "Ikaw ang mahal ko, mas mahal kita higit kanino man kaya kahit bumalik pa siya alam mong ikaw ang pipiliin ko, my Pretty Boy" aniyang naglalambing na ikinawit ang dalawang braso sa leeg ni Dave.
Ngiting-ngiting pinagdikit ni Dave ang kanilang mga noo saka dinampian ng simpleng halik ang kanyang tungki ng kanyang ilong. "Thank you for coming into my life, you are worth the wait" anito.
Lumapad ang pagkakangiti niya sa sinabing iyon ng binata. "T-Talaga? Kahit mahirap lang ako? Kahit maraming mas higit sakin na pwede kang makuha?" ang overwhelmed naman niyang tanong-sagot.
Masarap na pakiramdam ang inihatid sa kanya ng maiinit na palad ng binata nang saluhin ng mga iyon ang kanyang mukha. Pagkatapos ay naramdaman pa muna niya ang labi ni Dave na humalik sa kanyang noo bago ito nagsalita habang nakatitig na ng tuwid sa kanyang mga mata. "I love you and everything about you. Basta ikaw! Kung ano ka at kasama na doon lahat pati ang mga kahinaan at nakaraan mo. At kung tatanungin mo naman ako kung hanggang kailan? Ang tanong ko naman sayo, alin ba sa dalawa ang gusto mo? Always or forever?"
Napabungisngis siya. "Pwede bang pareho para may assurance na kahit kailan akin ka nalang? Na kahit gaano kaganda at kaseksi ang babaeng umakit sayo hindi ka matutukso kasi lagi mong maiisip na mahal na mahal kita?" kinikilig niyang turan.
Maluwang ang pagkakangiting nagsalita si Dave saka tila nanunuksong hinapit muli ang kanyang baywang. Malakas siyang napasinghap sabay nagyuko ng ulo. At nang mag-angat siyang muli ng paningin ay nakita niyang titig na titig sa kanya si Dave. Ang magaganda nitong mga mata para siyang mapapaso sa titig ng mga iyon. At may palagay pa siyang ang init niyon ay kayang tunawin kahit ang pinakamalaking pag-aalinlangang mayroon siya.
"Sinabi ko na sayo di ba? Mahal kita, ibig sabihin wala na akong planong pakawalan ka. Kaya huwag kang mag-iisip ng kahit ano okay? Kasi kahit sinong seksi at maganda pa, hindi ka nila kayang pantayan dito sa puso ko dahil nag-iisa ka lang" anitong hinawakan pa ang baba niya.
Mabilis ang naging reaksyon ng katawan niya sa ginawing iyon ni Dave. Alam na niya ang susunod na mangyayari, pero bago pa man ang tuluyang paglalapat ng kanilang mga labi ay mabilis niyang iniiwas ang mukha sa binata. "Sino si Randy?" nang maalala ang sinabi sa kanya ni Janna sa canteen ay naisip niyang itanong sa nobyong napuna niyang kunot na kunot ang noo dahil sa kanyang ginawa.
Nalukot ang mukha doon ni Dave. "Ano ba yan bibitinin mo ako dahil lang sa lalaking iyon?" reklamo nito kaya siya malakas na natawa.
"Dali na, sino nga siya? Kasi ang sabi ni Janna gumaganti kalang daw sa kanya kaya mo ako tinubos sa booth?" giit niya bagaman ngiting-ngiti.
Tumango-tango ang binata bago nagsalita. "Siya ang third party nung kami pa ni Janna" paglilinaw ng binata.
"Kaya kayo nagbreak?" hindi niya napigilang mabahiran ng selos ang tinig.
"Oo, pinagsabay niya kasi kami, although sinungaling ako kung hindi ko aaminin sayo ang totoo na pride ko lang talaga ang nasaktan sa ginawa niyang iyon. At hindi totoong tinubos kita sa booth dahil gumaganti ako kay Randy. Kasi ang totoo pinoprotektahan talaga kita, kilala ko kasi siya at gaya nga ng sinasabi nila ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. Sa sitwasyon ko, ang babaero galit sa kapwa babaero. Lalo at ikaw pa ang babaeng pinupuntirya niya noon" anito."o ano? Nasagot na ba ang lahat ng tanong? Kung may tanong ka pa, sa susunod na pwede?" anitong muling hinawakan ang kanyang mukha pero sa pagkakataong iyon ay mas mahigpit. Sa paraang hindi na siya makakatanggi.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang maramdaman ang mainit na halik ni Dave sa kanya. Oo nga at hindi iyon ang kanyang unang halik pero paanong nagawang iparamdam ng masuyong haplos ng mga labi nito na tila ba iyon ang kanyang first kiss? Sa paraang nalito siya at hindi malaman kung paano tutugon dahil bigla ay nawala siya sa tamang huwisyo?
In his arms she's someone new. Dahil ang lahat ng gawin nito gaya nalang ng tila walang kapagurang pagtitig nito sa kanyang mukha ay parang bago sa kanya. At iyon din marahil ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.