Dear Diary,
I never thought that I will be back on writing my memoir again. I was scanning through all my stuff, disposing of everything that reminds me of Heart. Then I saw this, my diary and started to read everything that has happened to me in the past. Hindi ko akalain na ang mga madramang yugto sa buhay ko noon ay tinatawanan ko na lang sa ngayon. Masarap din balikan ang nakaraan. Kung saan nagsimula ang kagaguhan ko at kung papaano ba ako napagbago ng babaeng mahal ko.
Halos lahat ng gamit ko ay nagpapaalala nang masasayang pagsasama namin ni Heart. Nakakapanghinayang naman itapon ko ang mga ito.
GAGO's Lesson 101 no. 81: Let go of the painful memories and cherish the wonderful moments you have with each other. Tanggapin mo man o hindi, naging parte siya ng buhay mo at minsan ka rin lumigaya at sumaya sa piling niya.
Naisipan ko na lang ilagay ang mga ito sa isang kahon at itambak sa closet ko. Itatapon ko na lang ang mga ito kapag handa na ako. Sa ngayon diyan na lang muna ang kayo nakatago sa isang sulok ng bahay ko. Aaminin ko hindi ganoon kadali ang mag move on.
GAGO's Lesson 101 no. 82: Art of letting GO - Just follow the 5 stages of moving on.
1. Denial - We've been a couple for almost a year. Over the course of our relationship, our love for one another grew enormously overtime. Our respect, loyalty and trust developed. We are not afraid to share our intimate feelings and believed that our love for one another was as close as real... My love is real... What went wrong? Why did we break up? Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko kasunod noon ang patuloy na paggawa ng daily routine ko noong kami ay magkasama pa. Isa na rito ang madalas na pag tawag at pagpapadala ng messages kay Heart.
Text message conversation to Heart:
Me: Mownin!
Me: Kumain ka na?
Me: Miss na kita, paramdam ka naman diyan... :(
Me: Sorry na kung may nagawa ako, huwag ka naman ganiyan.
Me: Umuwi ka na beybi, hindi na ko galit.
Walang Heart ang nag-reply sa akin, hindi rin ako sigurado kung nabasa nga niya ang mga messages ko. Sinubukan ko siyang tawagan pero kung hindi sarado ay malamang putol na ang linya ng kaniyang telepono.
Hanggang ngayon ay gulat at hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyaring break up namin. Pakiramdam ko isang prank lang ito at baka bukas makalawa ay babalik ulit kami sa dati. Babalik si Heart, babalik siya sa akin.
2. Anger - I gave her everything. Nagbago ako at tinalikuran ko ang dating ako para sa kaniya. Pero balewala pa rin pala ang lahat ng sakripisyo ko kasi sa huli maiiwan pa rin ako mag isa. Kung tutuusin dapat nagagalit ako kay Heart, dahil iniwan niya ako. Pero mas lamang ang galit ko sa aking sarili. Pakiramdam ko ay kulang pa ang lahat ng sakripisyo at ibinigay ko sa kaniya. Kasi kung naging sapat lang sana ako sa standards niya ay hindi niya sana ako iniwanan. Bakit kasi hindi ako pinanganak na mayaman, gwapo, matangkad, macho, mestiso, matalino, matino at maimpluwensyang tao?
Bahay at trabaho lang ako lagi. Hindi tulad dati na sumasama ako sa mga lakad at kasiyahan ng mga kaibigan ko. I isolate myself not only with my family and friends but to the world. On the other hand, my friends are always there to lend a helping hand. I know that they have good intentions and they only wanted me to get better. But sometimes when we drowned ourselves with so much mix emotions, our judgments can be clouded.
Pagkatapos ko sa trabaho ay diretso agad ako sa bahay. Kinukulong ko sarili ko at nagpapakalulong sa alak. Inom na nga sa club pagkarating ko sa bahay ay pag-inom pa rin ang inaatupag. Siguro nga maituturing na akong alcoholic. Hindi na nakatiis ang mga kaibigan ko at pinuntahan na nila ako sa bahay para sermunan.
"Yujin, wala na si Heart! Tigilan mo na rin ang pagpapabaya sa sarili mo," nag aalalang sinabi ni Alfrend sa akin. Pilit niyang kinukuha ang bote ng alak mula sa'kin habang patuloy ko naman sinasalag ang kaniyang kamay. "Kailan mo ba matatanggap ang lahat?"
"Tumigil na kayo! Kung kaibigan niyo ako dapat inuunawa nyo ang sitwasyon ko at dinadamayan niyo ako!" Garalgal kong sinabi sabay hagis ng bote ng alak na malakas na tumama at nabasag sa pader ng aking bahay. "Hindi niyo kahit kailan maiintindihan ang nararamdaman ko! Hindi niyo pa nararanasan ang magmahal tulad ng pagmamahal ko!" Hindi ko na nakayanan ang sakit sa dibdib, bigla na lang ako nanghina at napaupo sa sahig kasabay ang pagbuhos ng luha ko.
"Yujin, kaibigan mo kami at hindi kami makakapayag na lamunin ka ng kalungkutan dahil sa babaeng 'yan!" Lumuhod at tumabi sa akin si Vincent. Dahan-dahan niyang hinagod ang aking likod. "Tigilan mo na ang pagtawag at pagpapadala ng messages mo kay Heart. Wala na siya, Yujin. Wala na si Heart."
GAGO's Lesson 101 no. 83: It's not over until it's finally over. Huwag ka basta susuko hanggang hindi mo nagagawa ang lahat ng paraan para maayos ang inyong relasyon. Mabigo ka man, okay lang. NO regrets, kasi alam mo sa sarili mo na sinubukan mo ang lahat para maging okay kayo.
3. Bargaining - I don't usualy say sorry. Mataas ang pride ko. Hindi ko ugaling maghabol at manuyo ng tao. Pero sa pagkakataong ito ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maibalik ang babaeng mahal ko. Pilit kong pinakiusapan si Edward at ang kaniyang pamilya para sabihin sa akin kung saan ko matatagpuan si Heart. I tried my best to reason out with them and beg them to give me a chance to prove my worth.
"Pre, matagal na tayong magkaibigan. Tayong dalawa kasama sina Alfred at Vincent ang nagsimula ng club na ito. Isa lang ang hinihiling ko sa'yo, sabihin mo na kung saan ko makikita si Heart," pakiusap ko kay Edward. Halos lumuhod na ako sa harap niya at umiyak sa sobrang pagmamakaawa.
"Pre, hindi lang kita kaibigan. Halos kapatid na turing ko sa inyo. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Kahit tanungin ko pa ang mga magulang niya. Ayaw nila sabihin sa'kin kung ano nangyari at kung nasaan siya. Ito rin kasi ang kagustuhan ni Heart," paliwanag ni Edward. "Kung alam mo lang pati tatay ko ay tinanong ko na rin tungkol diyan. Pero ayaw talaga nila sabihin sa'kin. Alam mo naman ang pamilya namin sobrang dami ng sekreto. Payong kaibigan at kapatid, kalimutan mo na siya. Iba na lang ang hilingin mo sa'kin at pangako tutulungan kita pero huwag lang ang tungkol kay Heart."
Iyon ang huling beses na nakausap ko si Edward tungkol kay Heart. Buong angkan niya ang nagtulong-tulong para pagtakpan at itago sa akin si Heart. Ganoon ba talaga sila ka-tutol sa aming pagsasama? Ganoon ba talaga ako kadali kalimutan? Napakadali para sa kaniya ang magdesisyon na iwanan na lang ako basta. Para saan pa at pinaibig niya ako kung sa huli ay iiwanan din pala niya ako?
GAGO's Lesson 101 no. 84: Nothing is enough for someone who can never love you back.
4. Depression - Okay lang naman kung hindi kami itinadhana, pero sana man lang natikman namin ang isat-isa.
Naalala ko pa noong minsan na nakasama ko siya sa Company team building namin. Nag-camping kami sa laguna. Akala ko pagkakataon ko na kasi kaming dalawa lang ang magkasama sa tent...
"Heart, kailangan talaga may kulambo pa sa loob ng tent?" pagtataka kong tanong habang inaayos ko ang kulambo.
Medyo may kalakihan ang tent namin, kasya lima haggang sampung katao sa loob. Kaya nilagyan namin ng maliit na mesa sa gilid at doon na rin namin inilagay ang ibang stock ng pagkain. Habang sa kabila parte naman ay ang higaan namin ni Heart na nilagyan ko ng kulambo. Hihiga na sana ako sa tabi niya sa loob ng kulambo nang bigla niya akong pinigilan.
"Saan ka pupunta?" nakakunoot noo niyang tanong sa akin habang tinutulak niya ako palabas ng kulambo.
"Diyan sa tabi mo matutulog," mabilis kong sagot bitbit ang aking unan at kumot.
"Diyan ka matulog sa labas ng kulambo," mabilis niyang utos sabay turo sa maliit na espasyo sa labas ng kulambo.
"Bakit sa labas ng kulambo? Bakit hindi diyan sa tabi mo?" pagtataka kong tanong.
"Hay nako Yujin alam ko ang iniisip mo at hindi pwede. Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako gagalawin hanggang hindi pa ako handa?"
"Kailan ka ba magiging handa? Parang ang tagal naman," nakanguso kong sinabi. Sabay humiga na lang ako sa camping bed sa tabi niya pero sa labas ng kulambo.
"Nagrereklamo ka 'ata eh?" mataray niyang tanong na may kasamang pagdadabog. Halos magyanig ang tenga ko sa tinis ng kaniyang boses. Mga babae talaga 'pag nagtataray patinis ng patinis ang tinig daig pa ang ginugupit na yero.
"Hindi naman," mabilis kong sagot na may halong pagtatampo.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. Kinilig ako tyet! Kaya naman mabilis na nawala ang tampo ko sa kaniya. "Ikaw naman huwag ka na magtampo. Patience is a virtue," malambing niyang sinabi sa akin. Yayakap pa sana ako kaso ang bilis niyang nakabalik sa loob ng kulambo at humiga sa camping bed niya.
"Heart, pa-kiss ulit ako, please," pakiusap ko sa kaniya. bahagya kong kinakalabit ang kaniyang tagiliran na may kasamang pagkiliti.
"Hindi ka pwede dito sa loob ng kulambo," mabilis niyang sagot at hawi sa aking kamay.
"Heart, pa-hug na lang ako," paglalambing ko ulit sa kaniya.
"Hindi ka nga pwede dito sa loob ng kulambo, NO touch!" mariin niyang pagtanggi.
"Ay siya, kung hindi ako pwede sa loob ay ilabas mo na lang ang pwet mo sa kulambo at ako na ang bahala!" pagbibiro ko sa kaniya.
Sa yamot niya sa labas ako ng tent pinatulog. Kung mamalasin ka nga naman. Hanggang sa huling sandali hindi man lang ako naka second base sa kaniya. Nakakapanghinayang, nakakadismaya at nakaka-depress talaga!
GAGO's Lesson 101 no. 85: Sometimes getting what you want means losing what you already have.
5. Acceptance - Sa kagustuhan ko na magkaroon ng sariling pamilya at tahimik na buhay ay pinilit kong magbago at magpakatino. Hindi na maibabalik lahat ng porn videos na nabenta ko para lang makabili ng engagement ring. Hindi ko man lang nagawang maipakita sa kaniya at matanong siya ng "Will you marry me" paniguradong "No" rin man ang isasagot niya. Pahiya pa ako. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Siguro nga hindi kami para sa isat-isa.
Life is too short to live in solitude. I did everything I could to save our relationships. There's no time for regrets. Move on and move forward and leave the past behind me. Bakit ko ba sasayangin ang oras at panahon ko sa taong ayaw naman sa akin? Naisipan ko na bumangon, hindi lang sa kama o sa matagal na pagkakahimbing pero bumangon sa kalungkutan at pagkakabaon ko sa pagmamahal na hindi naman kahit kailan masusuklian.
Sinimulan ko nang ayusin ang sarili ko, nag ahit na ako at mukha na akong ermitanyo, naligo na ako at ilang araw ko nang naamoy ang sarili ko, nilinis ko na ang bahay ko at pinamumugaran na ng ipis, langgam at langaw sa dami ng kalat at isa-isa ko na rin tinapon ang mga bote ng alak sa bahay ko. Alam ko matatagalan bago mawala ang addiction ko pero kakayanin ko.
Sinimulan ko na ulit makipag usap sa mga kaibigan ko at humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa kanila, kapalit nito ay inireto nila ako sa kaibigan nilang babae. Sa totoo lang hindi ko alam saan ba nila nakikilala at nakukuha ang mga chicks nila. Pero dahil gusto ko makalimot at maituon ang atensyon ko sa iba kaya pumayag na rin ako na makipag-date sa kaibigan nila.
At the club...
"Sigurado ka na ba na ready ka na ulit makipag-date sa iba?"Nag aalinlangan pa si Vincent na iabot sa akin ang calling card ng babaeng irereto niya.
"Ibibigay mo ba sa akin iyan o hindi?" Halos mapunit na ang card sa paghihilahan naming dalawa. Kanina ko pa inaabot sa kaniya pero ayaw pang bitawan at gusto pa 'atang bawiin sa akin.
"Beverly ang pangalan niya. Strong willed woman, diba ganiyan na ganiyan si Hear--." Bigla napahinto si Alfred ng titigan siya ng masama ni Vincent.
"Pwede ba huwag na huwag niyo na banggitin ang pangalan niya? Ayaw ko na pag uusapan pa natin siya," pakiusap ko. Tumalikod na ako at bumalik sa trabaho at iniwan ko ang dalawang mokong na nagsisisihan at nagsusumbatan.
Pagkatapos ng ilang oras ay nagpahinga muna ako saglit kaya pumunta muna ako sa locker room. Mag aalas onse na ng madaling araw ng maisipan kong tawagan ang nasa calling card.
Beverly, pangalan pa lang intimidating na at tunog maldita. Ilang ring pa lang ng telepono ay sinagot na niya agad ito.
"Hello? Is this Beverly?" Pagbati ko.
"Yeah, who's calling?" mabilis niyang tugon.
"Yujin, ahh eh... I'm friend... I'm the one... I'm yours ano...," nagkabulol-bulol na ako sa kaba. Palibhasa ay hindi na ako sanay makipag usap sa babae sa tagal na rin na wala akong praktis. Hindi na ako sanay mang-chicks! Sinukuan ko na ang english kaya nag tagalog na lang ako bwishet! "Ako iyong kaibigan ni Vincent at Alfred!"
"I see. I will text you my address. pick me up tomorrow, eight o'clock sharp," walang kahirap-hirap na sumang ayon agad siya na makipag-date sa akin. Malamang nasabihan na siya nila Vincent bago pa siya inireto sakin ng mga mokong.
"Ah, okay, sure! I'll wait for further instruction." Deym napaka-pormal tuloy ng reply ko parang pakiramdam ko masyadong bossy ang isang 'to.
GAGO's Lesson 101 no. 86: First impression last. Always make a good impression. Mga babae lagi nilang natatandaan ang unang bagay na makikita nila sa'yo. Hindi naman sa sinasabi kong judger or mapanghusga sila pero parang ganoon na nga. Kung ayaw mo masira ang date mo at masintensyahan ka ng maaga. Dapat maganda ang unang pagtingin nila sa'yo.
Eksaktong Alas otso ng gabi nang nagtungo ako sa address na binigay sa akin ni Beverly sa text. Nag-taxi na ako para siguradong hindi ako maliligaw. 9th floor sa isa building sa Makati. Pagtapat ko sa pinto ng condo unit niya hindi pa ako nakakakatok ay bumukas na agad ito. Mukhang inaabangan niya talaga ang pagdating ko.
"Yujin?" tanong sa akin ng isang may katangkarang babae na may kapayatan ang katawan.
"Yes, I assumed that you are Beverly?" malugod kong sagot sa kaniya.
"Yeah, nice to meet you, Yujin. Come in." I was about to give her a handshake, but she turned her back on me. Suplada lang si ate. "Have a seat," she said and point her hand towards the couch.
Napansin ko na hindi pa pala siya nakabihis at nakasuot pa ito ng bathrobe. "Hindi ka pa ready?" tanog ko sa kaniya.
"Just give me a minute to prepare," sagot niya sa akin at pumunta na siya sa kwarto niya sa tapat ng kinuupuan ko. Hindi niya isinara ang pintuan at kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang lahat ng ginagawa niya sa loob.
"Where do you want to go?" tanong ko sa kaniya. Medyo naiilang akong tumingin sa kaniya. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kaniya, patuloy pa rin siya sa ginagawa niya habang nakalantad ang hubad niyang katawan.
Ilang saglit pa ay lumabas na siya ng kwarto suot ang kulay blue na sleeveless dress.
"How do I look?" tanong niya sa akin sabay ikot niya para ipakita ang kabuuan ng kaniyang damit.
"Okay lang," mabilis kong sagot. "Let's go!" Sabay tayo ko sa kinauupuan ko.
"Wait, hold on! Okay lang?" kunot-noo niyang tanong. "Okay lang? ibig sabihin hindi maganda! Sandali lang magpapalit lang ako ng damit," mabilis niyang sinabi at pagkatapos sya nagmadali siyang bumalik sa loob ng kwarto.
Wala na akong nagawa para pigilan siya kaya napakamot na lang ako ng ulo at napabuntong hininga. Hindi pa ako naghahapunan at gutom na ako. Sana sinabi ko pala na maganda para natapos na. Mas natagalan siya kaysa noong unang beses niya ako pinaghintay. Mukhang hinalughog niya ang buong wardrobe niya para maghanap ng damit na isusuot.
"Yujin, now tell me. How do I look?" Tulad ng dati ay umikot-ikot siya at nag-model sa harap ko. Kulay pink na short-sleeves dress naman ang suot niya mga three inches below the knee ang haba.
Ngayon alam ko na ang isasagot ko kaya mabilis ang sagot ko, "Maganda! Ano? tara na!"
"Wait! Parang napipilitan ka lang eh. Magpapalit lang ulit ako ng damit!"
"Sandali, okay na iyan 'wag ka na magpalit pa at gagabihin tayo ng sobra!" pigil ko sa kaniya. Pero para siyang bingi na walang narinig at bumalik ulit sa kwarto upang magpalit.
Dalawang oras na ang nakalipas at nakailang beses na rin siya pabalik-balik para magpalit ng damit. Nalipasan na ako ng gutom sa sobrang tagal niya sa pag aayos. Kaya naisipan ko ng puntahan siya sa kwarto para kausapin.
"Beverly, gaano ka pa ba katagal mag aayos?"
"Until I'm perfect," mabilis niyang sagot habang titig na titig siya sa salamin at inaayos ang kaniyang sarili. May attitude si girl! Medyo nakakayamot na pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili at pilit na kumalma.
"Imposible naman iyan. Parang sinabi mong huwag na tayong tumuloy." Napabuntong hininga na lang ako sabay upo sa kama.
"Anong sinabi mo? You don't find me beautiful?" Naniningkit pa ang kanyang mga mata at nagngangalit ang kaniyang mga ipin. Parang hindi niya 'ata nagustuhan ang aking sinabi.
"Hindi ka pangit," pagkasabi ko noon lalong nanlisik ang kaniyang mga mata. Oops wrong choice of words na naman ako. "I mean, maganda ka pero hindi ba may kasabihan tayo na nobody is perfect," paliwanag ko.
"Not me. I make sure that I ate the right food, do the proper exercise and have a healthy lifestyle. I just need the perfect dress to match my perfect look!" she said with full of confidence. Napangiwi na lang ako sa sagot niya.
Hanep naman 'tong babaeng 'to! Gandang-ganda sa sarili. Ano ba maganda sa mala-saranggola niyang katawan na nagmukhang hanger na sampayan tuwing sinusuot niya ang kaniyang mga damit. Hindi rin siya kagandahan tulad ng kaniyang inaakala. Talagang matindi lang ang confidence level niya at ang taas ng tingin niya sa kaniyang sarili. Bigla akong nawalan ng gana na ipagpatuloy pa ang date namin kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko...
"Siguro may third eye ka," pilit ang ngiti kong sinasabi sa kaniya habang abala siyang nag aayos nang kaniyang make up.
"Wala naman, paano mo iyan nasabi?" Kunot noo siyang nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka.
"Ikaw lang kasi ang nakakakita at nakaka alam na maganda ka!"
GAGO's Lesson 101 no. 87: Honesty is always the best policy. Truth Hurts. Sa lahat nang ayaw ko iyong nagmamaganda ng wala namang basehan.
Umatras ako ng kaunti at medyo inihanda ko ang aking sarili, parang de jevu ito. Alam ko na ang kasunod, pinikit ko ang aking mga mata, tinatagan ang pisngi para sa isang malupit na hagupit.
"PAK"
"GAGO ka Yujin!"
Shet, ang saket! Napangiwi ako sa sobrang lakas ng hampas. Nagmarka ang kaniyang kamay sa aking mukha.
Sounds music to my ear. Tama gago nga ako, ito ang tunay na ako. I'm back bitches! This time, there's no holding back. No more drama, no feelings and no strings attached. I will never invest my feelings to someone again.
I'm single because it was a choice! Heart made that choice for me!
Mas gugustuhin ko pang maging matandang binata kung mga katulad din lang ni Beverly ang makakatuluyan ko.
From now on, it's just me, myself and Manoy! Buti na lang hindi pa rin nawawala ang loyalty ko kay Jergens!
Heart made me the man I am today. There's no denying it. I'm back, Gago is back and I'm just getting started!
Your Neighborhood GAGO,
Yujin