Chereads / Ang Diary ng GAGO part 2 / Chapter 3 - Journey Entry 2: Rebirth of GAGO part 1

Chapter 3 - Journey Entry 2: Rebirth of GAGO part 1

Dear Diary,

People are starting to worry. I've been drinking and working nonstop. I stop eating, sleeping and even talking to people. They think I'm losing my mind, but the truth is... I think I'm losing myself. Bakit kung kailan mo gusto makalimot saka ayaw mawala ang alala sa isip mo? Kung kailan mo gusto maging manhid saka mo nararamdaman ang lahat ng sakit?

Exactly three weeks, four days, 7 hours, fifty-five minutes and ten seconds. That was the last time I genuinely smile. It's been almost a month since that day. I never thought that the day would come that I have finally made the most important decision in my life. And it's all because of LOVE.

How far would you go for LOVE?

I keep asking that question over and over... I really don't know how far, all I know is that LOVE has no limits, no boundaries and no distance. Sabi nga sa kasabihan na ang Pag-ibig, 'pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Deym! Kinilig ang itlog ko! Ganito na ba talaga ako ka-in love?

"Tol, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" pag aalalang tanong ni Alfred sa akin.

"Oo, Tol, sigurado na ako. Ngayon lang ako naging sigurado sa lahat nang naging desisyon ko sa buhay ko," nakangiting sagot ko. Pero ang totoo, nanlalamig ang buo kong katawan. Halos ma-dehydrate na ako sa dami ng pawis na lumalabas mula sa aking katawan dahil sa magkahalong takot at kaba.

"Alam mo tol, hindi pa huli ang lahat pwede ka pang umatras," seryosong wika ni Vincent habang nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata. Ngayon ko lang nakitang magseryo ang mga ungas kong kaibigan. Puro kalokohan lang kasi kadalasan ang aming mga pinag uusapan.

Nagmistulang mga bangkay ang kanilang itsura dala ng sobrang pagka-putla. Bakit nga ba sila pa ang mas kinakabahan kaysa sa akin? Kahit na mga walanghiya ang mga kaibigan kong ito ay mababakas sa kanila ang sobrang pag aalala. In-fairness, sila ang mga naging kaibigan ko mula pa noon hanggang ngayon at hindi nila ako kahit kailan iniwanan at pinabayaan kahit kadalasan ay napapahamak ako nang dahil sa kanila.

"Mga tol, kalma lang. Siguradong-sigurado na ako sa desisyon ko, wala nang atrasan ito!"

"Panindigan mo iyan ha!" Sarkastikong ngiti ni Alfred sabay dinuro ako sa mukha.

"Hindi madali ang pinili mong buhay, malaking responsibilidad at obligasyon iyan," dagdag ni Vincent.

Sa simula pa lang ay alam ko naman ang papasukin ko. Matagal ko ring pinaghandaan ang araw na ito. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang relasyon namin ni Heart. Hindi ko rin inaakala na dadarating ang araw na magkakaroon ako ng sariling pamilya. Nakakatakot, nakakakaba pero exciting din at nakakatuwa. Dahil sa wakas makukumpleto na rin ang buhay ko.

"Kahit ano pa ang sabihin ninyo, buo na ang desisyon ko. Ngayong gabi ay magpo-propose na ako kay Heart! Nobody can stop me! Over my two to four abs makamandag body!" punong-puno ng kompiyansa kong sinabi sa dalawang kumag.

Pagkatapos nang mahabang kwentuhan at debatehan ay nagpasya na akong magpaalam sa dalawa kong kaibigan. Kailangan ko na ring maghanda para mamayang gabi.

I made a reservation to one of the best fine dining restaurants in Batangas, one week prior to my proposal. I want everything to be perfect. Nagpa-facial pa ako at grooming para poging-pogi ako sa gabing ito. Pari buhok ko pinakulayan at pina-hair treatment ko para naman presentable ako pag harap sa mahal ko. Ultimong kuko ko, pina-manicure at pedicure ko para manilis from head to toe. Mula sapatos hanggang damit na isusuot pati na rin salwal ko ay bagong-bago. Kung hindi ka ba naman mapa "OO" kahit wala pang tanong, ewan ko na lang!

Plano ko sana ay susunduin si Heart sa club pagkatapos ng shift niya sa work at sabay kaming pupunta sa venue, ngunit pinauna niya ako at sinabihan na susunod na lamang siya sa akin. May importante daw siyang trabaho na tatapusin. Knowing Heart, sobrang sipag at dedicted talaga siya sa trabaho. Isa iyan sa mga katangian na nagustuhan ko sa kaniya. Kaya naman tulad ng napag usapan ay nauna na ako magpahatid car lift sa restaurant at naghintay sa table na naka-reserve para sa aming dalawa.

Maganda ang lugar nakatayo sa ibabaw ng dagat, malamig ang simoy ng hangin sa labas, pero ang reservation ko ay sa loob. Mas gusto ko kasi nang tahimik at pribado na pwesto. Maganda ang disenyo sa loob ng restaurant European style, Italian at French cuisine ang nasa menu. Puro mayayaman at social climber ang mga tao na kumakain dito. Dahil regular day naman ngayon ay konti lang ang tao. Magandang pagkakataon na mag-propose kasi halos solo namin ang lugar.

Ilang saglit pa ay nilapitan na ako ng waiter. "Sir, can I get you anything?" magalang na tanong niya.

"Yes, can you please give me a glass of water," mabilis kong sagot.

"Is there anything else I can get you?" tanong ulit niya.

"Ah, make it a glass of wine please," kinakabahan kong sagot. Sa mga sandaling ito, kailangan ko ng pampakalma at pampalakas ng loob.

"Anything else, Sir?" kompirmasyon niya.

"That would be all, for now. I'm still waiting for my date to arrive," paliwanag ko naman.

Deym, sinusumpong ako ng nerbyos. Kung dati ay isa akong "Fire Bender" dahil sa lagi akong in-heat at super hot, ngayon naman ay nararamdaman ko na ang kapangyarihang taglay ng isang "Water Bender." Daig ko ba ang nagbebenta ng ice tubig sa tindi ng pawis at lamig ng aking mga kamay.

Baskil na ako, sa mga hindi nakaka alam kung ano ang baskil ito ay basang kili-kili. Unang level sa kadugyutan. Buti na lang at dumating na si Heart, gusto ko na talaga makaraos sa pagtatapat sa kaniya.

"Yujin, sorry I'm late. Kanina ka pa ba rito?" pag aalalang tanong niya. Habang inaalalayan ko siyang umupo sa upuan sa tapat ko. pa-maginoo epek sayang naman ang porma ko gusto ko mapansin niya iyon kaya tumayo ako at umalalay sa kaniya.

"Ok lang, hindi naman ako masyadong nainip," pilit ang ngiti kong sinabi sa kaniya. Ang totoo ay inip na inip na talaga ako na halos himatayin at atakahin na ako sa nerbyos sa paghihintay sa kaniya.

"Ganoon ba? Teka, sabi mo may sasabihin ka sa akin kaya mo ako niyaya kumain dito. Ano nga pala iyong sasabihin mo?" kunot noo niya tinanong halatang curious siyang malaman kung ano ang sasabihin ko.

Sa sobrang kaba ko ay iba ang nasabi ko. "Mamaya na nating pag usapan iyan mabuti pa ay kumain na muna tayo," malambing kong sinabi sa kaniya.Bukod sa kumakalam na ang sikmura ko ay kailangan ko ng lakas bago magtapat. Pinanghihinaan talaga ako ng loob, hindi ko akalain na hindi pala madali ang mag propose ng kasal.

Sinang-ayunan naman ni Heart at kumain na muna kami ng dinner. Habang naghihintay sa dessert ay naisipan ko na magtapat sa kaniya.

"May sasabihin ako sa iyo," nanlaki ang mga mata namin ng sabay kaming nagsalita.

"May sasabihin ka? May sasabihin din ako!" para kaming nagdu-duet sa kanta na halos sabay ang aming salita.

"Sige na, mauna ka na. Lady's first," sabi ko sa kaniya. Mukhang importante rin kasi ang sasabihin niya. Kaya nagpaubaya na ako sa kaniya.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya nagsalita. "Yujin, tapusin na natin ito," seryoso niyang sinabi.

"Ayaw mo na mag dessert? Sige kukunin ko na ang bill," mabilis kong sagot.

"Hindi ang date na ito ang ibig kong sabihin," paliwanag niya.

"Alam kong pagod ka na, kung gusto mo ihahatid na kita pauwi sa inyo para makapagpahinga," nanginig ang boses kong nagsalita. Kahit alam ko na ang ibig niyang sabihiin ay pilit kong iniiba ang usapan.

"Yujin, alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin. Tapusin na natin ito," inulit niya sa akin.

"Hndi ako bingi Heart, bakit ayaw mo na? May nagawa ba akong mali?" nangingilid ang luha kong tinanong sa kaniya.

"Wala Yujin, walang mali sa iyo," mahina niyang sagot kasabay ang pag tulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.

"Hindi mo na ba ako mahal?" nanginginig ang boses ko habang tinatanong siya.

"Mahal na mahal" mabilis niyang sagot.

"Eh, bakit? May ibang lalaki ka ba? May kapalit na ba ako? Sino siya?" nanggigil kong tanong. Sa puntong ito ay hindi ko na alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Magkahalong sakit, lungkot at galit ang aking nadarama para sa kaniya.

"Mahal mo ba ako, Yujin?"

"Mahal na mahal Heart, kaya nga tayo nandito para..." bago ko pa matapos ang aking sinasabi ay humirit ulit siya.

"If you truly love me, you have to let me go," pakiusap niya.

"No!" mariing kong pagtanggi sa kaniya. "Ayaw ko. Heart, huwag mo gawin sa akin ito. Ayoko na mawala ka sa akin," pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Sorry, Yujin, buo na ang pasya ko na makipag-break sa iyo. Bukas ay lilipad na ako papunta sa ibang bansa para magtrabaho," seryosong sabi niya. Pilit niyang pinopormal ang kaniyang mukha. Pero bakas sa kaniyang mata ang lungkot.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit makikipag hiwalay ka? Kaya ko naman maghintay hanggang makabalik ka," paliwanag ko sa kaniya.

"Yujin, wala na akong balak bumalik," mabilis niyang tugon.

"Sasama ako sa iyo, kahit saan sasama ako, huwag ka lang makipag-break sa akin," pakiusap ko sa kaniya.

"Yujin, huwag mo na gawing kumplikado ang lahat. Marami pang ibang babae diyan at bata ka pa, I'm sure hindi ka mahihirapan na makahanap nang kapalit ko," mariin niyang sinabi. "Please, kalimutan mo na ako tulad ng pagkalimot mo sa mga naging babae mo noon," nangungusap ang kaniyang mga matang sinabi sa akin.

"Bakit Heart? Bakit biglaan mo na lang ako iiwan? Ok naman tayo ah? Hindi ba masaya tayo?" sunod-sunod ang tanong ko sa kaniya habang sunod-sunod din ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. "I deserved an explanation. You owe me that much!" malakas at galit kong sinabi. Bigla kong nahampas ng malakas ang mesa na kumuha ng atensyon ng mga taong nandoon. Nanginginig ang buo kong kalamnan at halos panghinaan ako ng tuhod sa mga pangyayari.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Heart. Naging malamig ang tingin niya sa akin na parang walang kahit anong nararamdaman. Tumigil ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata sa tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan.

"Yujin, kalimutan mo na ako dahil hinding-hindi na magbabago ang desisyon ko!"

"Heart, please," pakiusap ko sa kaniya. Halos lumuhod ako sa harap niya, pero hindi na niya ako pinakinggan pa at tinalikuran na niya ako ang naglakad papalayo sa akin, habang ako naman ay tulalang nakatingin habang unti-unti siya nawawala sa aking paningin.

Halos humagulgol ako sa pag iyak sa sobrang sakit nang aking nadarama. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa para tawagan ang mga kaibigan nang mapansin kong tadtad na pala ng text message at missed call notifications ang telepono ko.

Text Message Conversation:

Vincent: Yow brad! Wazzup? Makakahigop na ba kami ng mainit na sabaw? kailan ang kasal?

Alfred: Woi sumagot ka naman sa tawag kanina pa kami naghihintay ng update mula sa iyo? Pa inom ka naman diyan!

Me: Tapos na tol!

Vincent: Wow! Congrats!

Alfred: Idol inuman na!

Me: Break na kami! :(

Vincent: Huh? Paano nangyari iyon? Teka nasaan ka at pupuntahan ka namin!

Alfred: Hintayin mo kami diyan at sagot ko ang inuman!

Me: Nandito pa rin ako sa restaurant mag iinom mag isa. Ayaw ko na kay Earth!

End of Text Message Conversation:

Dahil ang tagal ng dalawa ay sinimulan ko ng uminom mag isa. Hanggang sa maubos ko na ang buong bote ng wine pero wala pa rin sila. Kaya naman minabuti ko na lang na lumabas sa restaurant para maglakad-lakad at magpahangin. Pakiramdam ko ay naso-suffocate ako at mababaliw ako sa loob ng restaurant kakaisip ng nangyari sa amin ni Heart.

"Wala na talaga, ayaw na niya sa akin," paulit-ulit kong sambit habang nakatitig sa singsing na sana ay ibibigay ko sa kaniya. "Ano pang silbi mo? Wala na si Heart, iniwan na niya ako!" galit na sinabi ko sa singsing na hawak ko.

Sa sobrang galit ko ay naibato ko sa dagat ang singsing sabay sigaw ng... "Ayoko na! Suko na ako! Pagod na ako mag isip kung bakit mo ako iniwan Heart!" at pagkatapos noon ay bigla ko na lang naisipan ang tumalon sa dagat.

Pagkatalon ko sa dagat hindi ko akalain na napakalaim pala nito at ang malala ay hindi ako marunong lumangoy kaya naman mabilis ang paglubog ko sa tubig, bunga na rin nang sobrang kalasingan ay hindi ko na magawang umahon pa. Hanggang sa maramdaman ko na lang na may humihila sa aking mga kamay...

"Gago ka! Magpapakamatay ka ng dahil sa babae?" habol hininga at galit na galit na sinabi Alfred. Mabilis siyang rumisponde sa akin ng makita niya akong tumalon sa dagat.

"Ang daming babae sa mundo hindi lang si Heart! Huwag mo sayangin ang buhay mo Yujin!" sigaw na sermon ni Vincent sa akin na basang-basa dahil napatalon din siya nang makita niya akong nalulunod sa dagat.

"Kung gusto mo bukas na bukas din ay irereto kita sa mga chicks na kakilala ko, pero huwag na huwag mo na ulit tatangkain ang magpakamatay kung hindi ako mismo ang papatay sa iyo!" gigil na wika ni Alfred.

"Kalma lang mga Tol, wala naman ako balak magpakamatay," kalmado kong sinabi sa kanila.

Bigla ako nakaramdam ng malakas na batok mula kay Vincent. "Wala ka palang balak magpakamatay, eh bakit ka tumalon sa dagat?" tiim bagang niyang tanong.

"Kinuha ko kasi ito," mahinahon kong sagot kasabay ang pagbuka ng akin palad para ipakita ang engagement ring ko kay Heart.

"Binuwis mo ang buhay mo nang dahil lang sa singsing? Pambihira!" napapailing na sinabi ni Alfred.

"Hoy mga Tol, hindi basta singsing ito. Hindi ninyo ba alam na binenta ko pa ang mga rare collection ng mga porn videos ko, para lang mabili ko ito? Ang mahal kaya ng mga porn videos na sa ngayon ay sa underground at black market mo na lang makikita, dahil na-raid na halos lahat ng porn sites kung saan ko sila nakuha at na-downoad. Balak kong tubusin lahat ng porn videos ko," paliwanag ko sa kanila. "Iyon na nga lang ang natitirang kaligayahan ko mawawala pa!" dagdag ko pa.

"Hanep! Ibang klase ka talagang GAGO ka!" napapailing na sinabi ni Alfred. Kasunod ang isa pang malakas na batok na kumalog sa utak ko.

"Mga par, eto lagi ninyong tatandaan para sa mga single at tigang na manoy. Sexy magazine is life, hentai is lifer and porn video is lifest!" pagmamalaki ko sa kanila.

"GAGO!" - Alfred/Vincent

"Thank you!" - Yujin

Your Neighborhood GAGO,

Yujin