Chereads / How Can I Trust You? / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Zill's PoV


Ang buhok kong brown ay unti unti nagiging kulay asul at ramdam ko rin ang pag iba nang kulay nang mata ko. Gusto kong mag wala ngunit wala akong lakas at kaunti na lang ay mahuhulog na ako sa punong kinauupuan ko.

Naramdaman kong wala na ang malakas na hangin at bumalik na ulit sa normal ang mga lupa at naging tuwid na ulit ang daan.

Nakita ko sa kanya ang pag gulat nang makita ako. Ngunit nang muntikan pa ako mahulog ay nagawa kong ipalutang ang sarili ko. At unti unting bumabalik ang lakas ko dahil sa enerhiyang nilalabas ko.

"My queen." Wika nito na ikina tigil ko at tumingin sa kanya na para bang humahanga sa ganda ko. Alam ko na iyon psh.


Iyong tingin na iyon ay naalala ko mag mula nang maka apak ako sa mansyon nila. Ang kumikinang na mata nya ay ganoon rin iyon ngayon. Akala ko ay pag papanggap lamang nya iyon ngunit ako ay nagka mali.


Gusto ko siyang yakapin at sabihing tama na ang mga ginagawa nya sa akin. Ngunit ang mala demonyong nasa katawan nya ang kumo kontrol sa kanya. Kaya hindi ko malalaman ang aking gagawin.


Gusto nang lumabas nang luha ko ngunit pilit ko pa rin pinapatatag ang sarili ko upang wag lang nya ako kitaan nang mahina. Malamang ay matutuwa ang demonyong nasa katawan nya kapag naging mahina ako.


Lumipas ang mga ilang araw ay nilayo na muna nila ako sa anak nila dahil sa kapangyarihang inilabas ko at wala pa sa kontrol ay maaaring ikapahamak ko kapag hindi ko pa ito kayang kontrolin.


"What happened sweetie?" Sabi nang Reyna at unti unti ko siyang nilingon. Gulat sa mga mata nila na nag iba ang kulay nang aking buhok ngunit bumalik na rin sa abo ang aking mata.


"Kino kontrol siya nang alaga nya sa loob. I know that your Son is not a bad vampire. Kailangan ko lang mapa amo ang kanyang kapangyarihan na nasa loob nya upang hindi na nya ako masaktan muli." Sagot ko.


Lumipas ang mga araw at oras na ako'y nag eensayo nang aking kapangyarihan at nagiging asul ang aking mga mata kapag may inilalabas akong enerhiya sa katawan ko. At nakaka takbo na rin ako nang mabilis ngunit hindi pa nagiging kulay pula ang aking mata.


"You need to go back now to my danger brother." Sagot ni Lind habang naka ngisi ito at naka cross ang braso nito.


"I know." Ngiting sambit ko sa kanya.



"Be sure you're not going to die." Tatawa tawang sambit nito at lumayas na sa harap ko.


Tumingala ako at ramdam ko ang hindi magandang panahon ngayon. Kaya naman pumasok na ako sa portal at hindi na nakapag paalam pa.


Using my speed ability ay naka rating na ka agad ako ngunit sa hindi ko inaasahan ay sakal agad ang inabot ko at tumilapon ako sa kung saan.


Agad akong tumayo nang tumawa na naman ito nang pagka lakas lakas. "HAHAHAHAA I WILL KILL YOU!!" May hawak na itong dagger at mabilis itong humarap sa akin at lumapit.


Kamunti muntikan pang tumarak ito sa dibdib ko ngunit agad ko itong napigilan. Ngunit sadyang malakas sya ay isang galaw na lang ay tutusok na ito sa dibdib ko. Pumikit ako nang makaramdam nang enerhiya sa katawan ko at pagka mulat ko ay tumalsik na ito ngunit agad ding naalerto.