Zill's PoV
"Bessyy!" Pabulong na sigaw nito habang nananakbong papalapit sakin.
"Hey." Tango kong sagot ay agad na niyakap sya pabalik. Nakaramdam naman ako nang presensya sa likod nya at nakita ko ang dalawang kambal na lalaki
Yumuko sila at tumango ako bilang pag bati. "Kamusta? Zayn and Zeyn"
"We are good" Sabay na sambit nila na ikinatawa nang kaibigan ko.
"Let's go inside." Wika ni Ali at nag lakad papasok sa loob.
"Can we talk?" Sambit ni Zeyn at tumango ako. Hinayaan ko na lang din ang malanding best friend ko at nag punta kami nang living room.
"Nalalapit na ang full moon." Hindi ko inaasahan na ayun agad ang bungad sa akin.
"Ayan din ang sinabi sa amin kanina." Ngunit hindi agad ito sumagot at nakipag titigan pa sa akin.
"Papaano kana?" Nag aalalang sambit nito na ikinabuga ko nang hangin.
"I will make a plan."
"Seriously? Paano kung pumalpak?" Nagugulat na tanong nya sa akin.
"I trust myself, Zeyn. Hindi pwedeng madamay ako o kung sino man ang malalapit sa akin. Sa atin." Wala sa sariling napahilamos ako.
"Ayan ang mahirap sa MATE na iyan. Papahirapan ka muna bago ma completed ang mission mo." Umupo ako nang maayos at tumingin sa mataas na bintana.
"Siguro nga, ito ang naka takda sa akin." Natatawang sambit ko.
"Hindi ka nga mahihirapan sa LABAN. Mahihirapan ka naman sa sarili mong MAHAL" Iiling iling na sambit nya.
"Mamahalin ko pa lang-"
"Tsk! Ang parehong puso nyo ay tumitibok sa isa't isa. Ngunit dahil may lason ang utak nang mahal mo ay itinuturing ka nyang kalaban."
"Dahil iyon naman ang tingin nang iba sa atin. May tiwala rin ako, sa puso nya, hindi sa isip nya. Dahil alam kong sarado iyon. Pero mismong puso nya ay syang makakapag pigil upang hindi matuloy ang masamang panaginip ko noon."
"Maaring mangyari iyon. Kung hindi mo mapagtatagumpayan ang misyon mo sa taong mahal mo bago dumating ang labanan." Seryosong sambit nito. Walang labis at walang kulang. Upang matahimik ako.
Tama sya. Kailangan ay hindi ka pwedeng maging mahina pag dating sa misyon. Dahil kapag mahina ka, talo ka. Pero kapag ginawa mo na ang lahat, ngunit kulang pa rin. Ibig sabihin lang non ay hindi nya talaga tanggap na isang dakilang masama para sa kanya.
Kinabukasan ay sarado lahat ang bintana at pinto. We are a pure blood vampire. Aaminin ko sa sarili ko na hindi pa rin lumalabas ang kapangyarihan ko. Na inaakala nang iba ay isang ordinaryong tao lang ako. Isa na roon sa paningin nang taong mamahalin ko. Kung ganoon ay nagkakamali siya.
"Don't think too much." Wika ni Zeyn upang matauhan ako.
"Hindi ko maiwasan-"
"Think positive bessy."
Inangat ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. " Fine, fine."
Habang nanonood kami nang movie na para bang normal na tao ay may nag bukas nang topic.
"That's unexpected and impossible." Bulyaw ni Zayn upang magulat kaming lahat.
Ipinakita ni Zayn ang kanyang iPad at nakita ko ang isang maputing lalaki, matangos ang ilong, kissable lips at gwapo, same with eyes color and etc. Bakit ko ba kailangan i describe.
"Look with a caption Zill." Malamig na sambit ni zeyn upang matigilan ako sa pag d describe sa kanya.
Caption: I will kill the innocent people if you're not show yourself to me.
Nagulat kaming apat sa pinost nito. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ito ay ang official private account nya.
Ito na yata ang simula nang magiging misyon ko.