Chereads / Minsan Pa / Chapter 31 - Chapter Thirty One

Chapter 31 - Chapter Thirty One

"Luckily, she didn't suffer a broken ankle," the doctor said as he was looking at the X-ray film, "we still need to put a temporary cast though."

"Doc, I don't mean to rush, pero maaari ho kayang paki sabi sa nurse kung pwedeng pakibilis yung cast? Uuwi pa ho kasi kami ng Maynila at medyo lumalalim na ho ang gabi," si Cali.

"Naku hija, I would strongly suggest you don't drive back to Manila tonight," pinaglipat-lipat ng matandang doctor ang tingin sa kanilang dalawa ni Drake.

"H-ha? Bakit ho?"

"There is a a thunderstorm coming tonight. Anyway, I will instruct the nurse to put a cast on you. Bibigyan din kita ng reseta for pain." Iyon lamang at iniwan na sila ng doctor.

"I-I need to get home tonight..." she whispered to herself na nakaabot sa pandinig ni Drake.

"Cali, mag a-alas dose na ng gabi, kung masama ang panahon mamaya, baka abutan tayo sa daan. I think the doctor is right, it might be best to spend the night here -"

"No!" hindik na tanggi ni Cali. Her voice went up an octave without her realizing it.

"Be reasonable, will you?"

She gave out an exasperated sigh. She feels defeated. Nakikita niya ang sense sa sinasabi ni Drake but then she just couldn't imagine herself spending the night with him! Ni hindi na nga niya alam kung paano siya nakatagal kasama ito maghapon!

"Fine! But let's stay in different hotels, ok?" tila batang ani Cali.

Drake chuckled. "Natatakot ka ba sa akin?"

"Hindi sa ganoon!"

"So anong problema?"

"W-what would my b-boyfriend say when he finds out I spent the night together with another man?" pagsisinungaling niya.

Iglap na kumilmlim ang mukha ni Drake sa sinabi niya. "Sa ganitong sitwasyon mo, inuuna mo pang isipin ang lalaking 'yon?" nahimigan niya ang tila galit sa tinig nito.

"H-he is my boyfriend and I need to be faithful in every-"

"Ha!" malakas na pumalatak si Drake, na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Faithful? Really?" he smirked.

Cali's brows came together in a frown. "What are you trying to imply?"

Tiim-bagang siyang tinitigan nito na tila may nais sabihin. His chest heaved, tanda ng malalim na paghinga. "Forget it."

Takang napatitig siya kay Drake. Ano ba ang ibig ipakahulugan nito sa sinabi? Bakit ba tila naroon ang hinanakit sa tinig nito? Nagkabaliktad na ba ang mundo? Ito pa ba ngayon ang may karapatang maghinanakit sa kanya?

Nais pa sana niyang magtanong sa binata ngunit minabuti na lamang niyang manahimik.

********

The doctor wasn't wrong when he said there was a thunderstorm coming. Ilang minuto pa lamang matapos nilang makaalis ng ospital ay bumuhos na ang napakalakas na ulan na sinamahan pa ng malakas na kulog at nagtatalimang kidlat. Halos hindi mahawi ng wiper ng sasakyan ang tubig sa windshield upang malinaw na makita nila ang daan.

"This storm doesn't look like it's gonna end soon," kumento ni Drake habang pilit inaaninag ang daan kung mayroon bang hotel o motel na madadaanan.

Bagaman hindi niya nais na magpalipas ng magdamag kasama ang binata ay naidalangin ni Cali na sana ay mayroon na silang madaanang maaaring masilungan, hindi niya maiwasang hindi matakot sa lakas ng buhos ng ulan at matatalim na kidlat. Isa pa, kapag ganitong dis-oras na ng gabi ay malimit na naglalakihang bumabyaheng truck ang makakasalubong sa daan - mga byaherong galing ng iba't ibang parte ng Luzon upang maghatid ng mga paninda. Dahil sa wala halos makita sa lakas ng ulan ay nangamba siyang maaari silang maaksidente.

Hindi nagtagal ay tila dininig ng Diyos ang kanilang panalangin dahil isang karatulang maliwanag ang kanilang namataan.

Ikinanan ni Drake ang kotse patungo sa motel na itinuturo ng karatulang iyon. Hindi kalayuan ay tumambad sa kanila ang isang maliit at may kalumaan ng motel. Star Motel - iyong ang pangalang nakabandera sa harap ng maliit na gusali.

Pinatay ng binata ang makina ng sasakyan at saglit na may dinukwang sa likod upang abutin.

Walang kibong isinuklob ni Drake sa kanyang ulo ang jacket nitong kinuha mula sa likod ng sasakyan.

"Wala tayong payong kaya ito na lang muna," anito. Bago pa makapagsalita si Cali ay walang alintanang bumaba ang binata at sinalubong ang malakas na ulan. Umikot ito sa passenger seat, at muli ay pinangko siya.

Cali couldn't help looking at Drake's face. Tumutulo sa basa ang buhok nito, his eyes were squinting a bit dahil sa tubig na naglalandas sa buong mukha nito.

Napalunok si Cali. Damn it! Why does he look so freakin' sexy?! Basang basa na ang suot nitong polo na humakab sa matitipunong dibdib nito. She could literally feel his broad, strong chest against her body, ganoon din ang matitigas na mga braso nitong nakasapo sa kanyang bigat.

Ah shit! Cali ano ba ang mga iniisip mo?! Saway niya sa sarili.

Ibinaba lamang siya ng binata nang makapasok sila sa loob ng motel. Isang matandang babae ang naroon sa desk.

"Magandang gabi po," magalang na bati ni Drake. He ran his fingers to comb back his dripping wet hair. "Dalawang kwarto po, please."

"Magandang gabi naman, hijo. Aba'y bakit dis-oras kayo ng gabi?" pinaglipat ng ginang ang tingin sa kanilang dalawa. "Nagtaanan ba kayo?"

Naubo si Cali sa tinuran ng matandang babae. "Naku hindi po!" Nahuli niya sa gilid ng paningin ang pagngiti ni Drake sa narinig na tanong ng matanda.

"Dalawang kwarto po please," pag uulit ni Drake.

Saglit na binuklat ng matandang babae ang asul na librong nasa harapan nito at tila may hinanap, "Naku hijo, iisa na lamang ang naiiwang silid sa gabing ito."

"H-ho?! H-hindi ho pwedeng iisa lang. Hindi ho kami pwedeng magsama sa isang silid!" gilalas na ani Cali na sinamahan ng bahagyang panlalaki ng mga mata.

Inayos ng matanda ang salaming suot bago tumugon. "Kung napaaga sana kayo hija eh di sana may naabutan pa kayo. Maraming mga nag check-in dahil sa masamang panahon."

Cali is beginning to panic inside. Hindi ito maaari!

"T-there must be something. Pakiusap naman po..."

"Pasensya na hija, wala na talagang iba. Swerte pa nga at may isang naiwang silid, siguro ay inilaan talaga ng Diyos para sa inyo."

"We'll take it," simpleng sagot ng binata. Binunot nito ang wallet mula sa pantalon upang magbayad.

Maang siyang napatitig kay Drake. She wanted to argue with him but she didn't want to do it in front of the old woman who seemed to be curious about them.

Nang tumalikod ang ginang upang abutin ang susing nakasabit ay bahagay siyang lumapit kay Drake at bumulong, "nasisiraan ka na ba? let's just go and look for -"

"Cali I'm tired. It's already almost two in the morning. Sa lakas ng ulan, baka maaksidente pa tayo bago makahanap ng susunod ng motel," paliwanag nitong tila nahahapo.

Gusto pa sanang magprotesta ng dalaga ngunit alam niyang tama si Drake. Isang buntong hininga na lamang ang kanyang nagawa.

********

Maliit lamang ang silid. Mayroong lumang kamang pandalawahan ang naroroon. Bukod sa isang maliit na upuan sa gilid at isang lumang TV ay wala ng iba pang kagamitang naroroon. Sa isang gilid ay isang pintuan na nahulaan niyang marahil ay patungong banyo. She sighed heavily. Ano ba naman itong nasuungan niya? Of all the days na maaaring sumama ng ganito ang panahon, why does it have to be today when she is with Drake? If there's any consolation, kahit luma ang silid at mga kagamitan ay mukha naman malinis.

Maingat siyang inilapag ni Drake sa kama.

"Take off your clothes," utos nito.

Muntikan ng lumabas ang mata ni Calista mula sa sockets nito sa narinig niya. "Ano'ng sabi mo?!"

"Sweetheart, if you hadn't noticed, both of us are soaked. Kapag hindi mo hinubad 'yang basang damit mo, tiyak na pulmonya ang aabutin mo," paliwanag nito na tila isang bata ang kausap.

"K-kahit na! I would rather die than take off my clothes, you perv!" naitakip pa niya ang dalawang braso sa dibdib na tila ba sasalakayin siya nito.

"There's no need to be concerned, sweetheart at hindi mo rin kailangang mahiya... Not so long ago, everything that you're hiding underneath there, I saw it all," he paused as if to reminisce. "No, in fact not just saw, I tasted every little part of that -"

"Bastos! You bastard!"

Nakakalokong ngumisi si Drake bago muling nagsalita, "take it off on your own or I will."

Hindi malaman ni Cali kung threat or excitement ang nadetect niya sa tinig nito.

"I knew it was a mistake to agree to this plan!"

Tumawa si Drake na tila naaaliw. "I'll just go down to get some snacks, pagbalik ko at hindi mo pa inalis 'yang mga basang damit mo, ako mismo ang maghuhubad sa'yo," the corner of his lips curled upwards into a naughty smile, "actually, that will be more exciting." Iyon lamang at lumakad na ito upang lumabas ng silid.

"Arghh! Damn you!" ihinagis niya ang isang unang sa inis.