Chereads / Minsan Pa / Chapter 33 - Chapter Thirty Three

Chapter 33 - Chapter Thirty Three

"...And we want to suggest to add an additional chandelier right at this part, to add an extra dramatic effect...", itinuro ni Matt sa screen ng projector and area ng hotel na tinutukoy. "My partner, Ms. Calista Rodriguez will be presenting the rest of the interior decoration plan."

Cali didn't even notice that it was her cue to get up from her seat and continue the rest of their presentation. Naroon siya at kabilang sa mga taong nakapalibot sa pa-oblong na boardroom table ngunit ang utak niya at tila lumilipad sa kawalan. Ever since the incident in Tagaytay with Drake last week, she wasn't able to function properly, palagi ay puno ng tanong ang kanyang isip.

Matt cleared his throat, "Ms. Rodriguez..." muling tawag nito sa kanya.

But why would Drake still want her? Hindi pa ba ito kuntento sa panloloko nito sa kanya? Hindi pa ba ito kuntentong halos nasira ang buhay niya dahil rito?  She sighed at the thought at patuloy na pinaglaruan ang ballpen na hawak sa kamay. 

"Cali!" Matt gently hissed at her. 

Noon pa lamang niya napansin ang pagtawag ng kaibigan sa kanya.

Isang "oh" ang namutawi sa kanyang mga labi nang mapagtanto ang nangyayari. Disimulado niyang pinaraaanan ng tingin ang mga taong naroroon sa meeting. All of them were looking at her and waiting, nasa mukha ng mga ito ang pagtataka. She promptly got up from her seat and gave them an unsure smile, bago lumakad patungo sa harap nga mga ito upang mag present.

"As my colleague was saying, we really do suggest adding an extra chandelier here," itinuro niya ang bahagi ng gusaling dapat paglagyan niyon. "It will strongly complement the color scheme of the interior. As per the CEO's request...," she paused and glanced at Drake, who was seating at the center of that big desk. Nakapasandal ito sa kinauupuan at matamang nakatitig sa kanya. Mabilis niyang ibinaling ang paningin sa iba ang paningin bago pa mamula ang kanyang mukha. Her damn face seems to be getting red for no reason whenever he stares at her like that.

"...as per the CEO's request, we are changing the concept from Venetian inspired to modern contemporary," pagpapatuloy niya sa sinasabi.  There was some murmuring among the executives but then no one opposed the idea.

Hindi na masiguro ni Cali kung gaano katagal inabot ang presentation niyang dapat sana ay ilang minuto lamang. Gusto niyang dagukan ang sarili dahil hindi naman siya ganito noon! Palagi ay handa siya at confident sa pakikipag meeting sa mga kliyente, ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na pakiramdam niya ay nabobo yata siya at hindi makapag present ng maayos, tumagal tuloy kaysa sa nararapat ang presentation.

Sinasamsam na niya ang mga gamit mula sa kinauupuan nang lapitan siya ni Matt. His face was full of concern.

"Ayos ka lang ba? Ano ba ang nangyayari sa'yo?" Matt asked in almost a whisper.

She heaved a sigh bago nilingon ang kaibigang ilang dangkal lamang ang layo mula sa kanya. Matt was also putting away the documents and laptop he used for the meeting.

"Hindi ko na alam Matt... I mean, I am really confused you know..."

"Ano ba ang nangyari at simula ng bumisita ka sa site last week eh nagkaganyan ka na?"

"Mahabang kwento...siguro saka ko na ikukuwento sa iyo," she paused and gave her friend an apologetic smile. "Pasenysa ka na, that wasn't my best earlier and you know that, right?"

Nakakaunawang ginantihan ni Matt ang kanyang ngiti, kasabay ng pag-abot nito ng kanyang kamay upang ikulong sa mga kamay nito. "I know...and don't worry about it okay darling? I will always be here for you."

"Thank you, Matt. I really owe you-" hindi natapos ni Calista ang sinasabi ng isang malakas na tikhim ang nagmula sa dako ng pintuan ng boardroom. Magkasabay silang napatingin ni Matt sa pinanggalingan ng tinig.

Cali gasped a little when she saw the figure standing near the door. Si Drake. Makulimlim ang mukha nitong nakatingin sa kanilang dalawa.

"I need to see you in my office Ms. Rodriguez..." he paused bago direktang tinitigan si Matt, "...alone," Drake finished the sentence in a cold voice bago tumalikod at lumabas ng silid.

"Oh he's mad." Kumento ni Matt. "Is there something going on with you two?"

"W-what? A-ano ka ba? Syempre wala!" may pagmamadali niyang isinilid sa bag ang mga gamit. In time, maybe she will be able to tell her friend the kind of predicament she is in, ngunit sa ngayon ay mas nais niyang sarilinin muna ito. Isipin pa lamang niya kung paano niyang ipaliliwanag sa kaibigan na may namagitang muli sa kanila ng lalaking isinusumpa niya ay sumasakit na ang ulo niya.  Won't she be the biggest fool of all pag nagkataon?

*******

Tatlong marahang katok sa pinto ang kanyang ginawa at hinintay na may sumagot bago niya iyon itinulak pabukas.

Drake was seating on his executive chair, facing the huge windows behind him, overlooking the metropolis.

"You wanted to see me?"

"What were you doing earlier?" tanong ng lalaki.

"I'm sorry. I'll be prepared for presentations next time. I was just-"

"Hindi iyon ang tinutukoy ko!" ipinihit nito paharap ang upuan. "I mean what were you and that son of a bitch doing earlier? Whispering sweet nothings?" May iritasyon at galit sa tinig ni Drake.

"Don't call him that! Matt is a good guy and-"

Mabilis na tumayo si Drake sa kinauupuan at dinalawang hakbang ang pagitan nila. Napaurong si Cali sa dagliang paglapit ng binata sa kanya. Sa kanyang likod ay naramdaman niya ang malaking book case. She felt like a mouse trapped in a corner by a tiger.

"Didn't I tell you before to end whatever personal connection you have with him?" tanong nito sa naniningkit na mga mata. He slightly bent his head to bring his face closer to hers.

"D-did I say yes to that?" she croaked. She's scared, not because of the anger she is seeing from his face right now but more so because of how her stupid heart and body reacts whenever he is dangerously near her!

Itinaas ni Drake ang magkabilang kamay at idinantay sa magkabilang gilid niya na para bang sadyang ginawa upang ikulong siya. He looked at her menacingly. "Didn't I tell you that whether you like it or not, you will end your relationship with him? Gusto mo ba talagang subukin ang pasensya ko Calista?"

Disimulado siyang sumagap ng hangin at lumunok. God! His breath smells exciting that her mind is becoming more and more cloudy. Para bang wala ng rumerehistro sa lintik na utak niya kundi ang mga halik at haplos nito sa tuwing masasamyo niya ang amoy ng binata! Ni hindi pa nagdarantay man lamang ang kanilang mga balat ngunit wari ay parang napapaso na siya!

She bit her lower lip from frustration and heard Drake gasp.

"Shit! Do you really want me to make love to you right now?" garalgal na tanong nito. He brought his right hand to her cheek and softly caressed it. "Biting your lip is so fucking sexy, sweetheart..."

Cali's chest heaved up and down. Excitement undoubtedly coursed through her body. Para siyang isang hibang na hindi magawang bawiin ang panigngin mula sa mga nangungusap na mga mata ni Drake.

Slowly, Drake inched his face closer to hers and she knew he would end up kissing her in his office if she doesn't move. Ganoon pa man, tila siya isang tangang walang lakas na labanan ang atraksyon sa lalaking ito. All the alarm signals in her brain were blaring, telling her to run away, but her body won't seem to move even an inch. Kapag si Drake na ang kanyang kaharap ay tila nawawala ang matino niyang pag-iisip! 

Attraction? Yes. She has to admit that she is still attracted to her ex-husband. Gaano man niya iyon itanggi sa sarili ay paulit-ulit siyang ipinagkakanulo ng katawan! 

Tila may sariling isip ang mga mata niyang kusang pumikit nang halos mag-abot na ang kanilang mga labi. She could smell his warm, minty-fresh breath on her face and felt something warm course through the pit of her stomach, downwards, tanda ng kasabikan ng sariling katawan sa magaganap.

"Drake I-" bungad ng tinig ng isang babaeng walang warning na pumasok sa opisina.

She instantly flung her eyes open, nasa mukha ang pagkapahiya at pagkagulat. Hinayon niya ng tingin ang pinagmulan ng tinig. Si Drake ay tila hindi alintana kung sino man ang makakita sa kanila sa ganoong tagpo. 

"What's going on here?" Si Aimee. Nasa mukha nito ang pagkagilalas sa naabutan.

Drake slowly stood straight bago inalis ang magkabilang kamay sa pagkakatukod sa bookcase na nasa likuran ni Calista.

"What brings you here at this time? Akala ko ba ay nasa Baguio ka this week?" kaswal na tanong ni Drake sa babae bago lumapit sa executive chair at muling naupo.

"Not my point Drake. What is going on here?" matalim ang tinging itinapon ng babae kay Cali.

"Nothing that would concern you." Matabang na sagot ni Drake kay Aimee.

Tila umiikot yata ang paligid para kay Cali. Paano kung isa sa mga executives ang pumasok sa opisina at naabutan sila sa ganoong tagpo? It would be embarassing! Baka mawala pati credibility ng Perfect Space!

"M-mauuna na ako," ani Cali na hindi inantay ang tugon ng binata. Mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya ng opisina. Kung lumingon siya ay nakita sana niya ang matalim na tinging ibinigay ni Aimee sa kanya.

*******

Calista Rodriguez, you really are an idiot!  she hissed to herself habang naglalakad patungong elevator. 

She frantically pressed the "G" button on the elevator pad. She needs to get away from this place, kung hindi ay baka tuluyan na siyang mabaliw.

"Cali, wait!" 

Nilingon ni Cali ang pinanggalingan ng tinig at hindi siya nagkamali, it was Aimee. Palapit ang babae sa kanya, walking like a model on the catwalk. 

Muling ipinihit ni Cali ang mukha sa elevator sa kanyang harapan kasabay ng muling pagdiin sa elevator pad. She has a feeling na walang magandang sasabihin ang babaeng ito and if she could, she would rather not talk to this woman!

"Calista, sandali..." huminto si Aimee sa kanyang tabi.

"What do you need from me?" she asked without even looking.

"We need to talk."

"Wala akong alam na business ko with you, Aimee..." she said in an unfriendly tone.

"May namamagitan ba sa inyo ni Drake?" tahasang tanong nito, uncaring if someone else hears them.

Halos umaykat ang dugo ni Cali sa ulo sa inis. How dare this woman confront her when not so long ago, she had the audacity to come forward and tell her that she was having an affair with none other than her ex-husband Drake Lustre? Ngayon ay ito ang may lakas ng loob na magtanong kung may namamagitan ba sa kanila?

Hindi napigilan ni Cali ang paglabas ng isang painsultong tawa para sa babae. "Why Aimee? Scared of karma? Natatakot ka bang bumalik sa iyo ang ginawa mo sa akin?" Matapang niyang tanong sa babae.

Aimee looked like she was caught off-guard sa tinuran ni Cali. Nag-iwas ito ng paningin at disimuladong nilinga ang paligid, making sure no one heard what Calista said.

"I'm warning you Cali... leave Drake alone," may pagbabantang ani Aimee.

"Or what?" naghahamong sagot ni Cali.

"W-we are getting married soon! Huwag mo ng guluhin pa kami."

Hindi namalayan ni Cali ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. So you are playing me for a fool again, Drake Lustre!

Sinamantala ni Aimee ang pananahimik niya. "You know you and Drake could never be on the same level Cali. Minsan mo na siyang sinira, this time, you should know better. You and him...you can never be together!"

It took Cali a few seconds bago nakabawi. She raised her head and defiantly glared at Aimee.

"Kung ganoon, kausapin mo ang fiancee mo," she said emphasizing the word fiancee, "siya lang naman ang ipinipilit ang sarili sa akin." The elevator door opened and Cali stepped in. "Oh, and if I were you, mamadaliin ko na ang seremonya ng kasal... paano na lang kung magbago ang isip ni Drake hindi ba? If I were you, I will guard him like a mad dog," she told Aimee in a mocking tone.

Kung nakasusugat lamang ang tinging ibinigay ni Aimee sa kanya ay malamang na natumba na siya! Isang nang-iinis na ngiti ang iniwan niya kay Aimee bago tuluyang nagsara ang pinto ng elevator.

Nang mag-isa na siya ay noon lamang niya napakawalan ang hiningang pinipigil. She was surprised to feel that familiar pain in her heart.

We're getting married.... tila echo ang tinig ni Aimee sa kanyang isipan.

Tumingala siya upang hindi mahulog ang luhang nagbabadya.

Nice try Drake. Manloloko ka pa rin....