Chereads / Minsan Pa / Chapter 37 - Chapter Thirty Seven

Chapter 37 - Chapter Thirty Seven

Kung nabigla man si Evelyn Lustre nang makita siya ay agad nakabawi ang babae. Sandali lamang ang shock na nasalamin sa mukha ng ginang, bago nagbalik ang kaswal at pormal na ekspresyon sa aristokratang mukha nito.

"Ms. Rodriguez, what brought you here?" Malamig pa sa yelo ang tinig ng matandang babae. Hindi nakaligtas sa paningin ni Calista ang tahasang panunuri ng paningin ni Evelyn sa kanyang kabuuan, sinipat siya nito mula ulo hanggang paa.

"I have something to discuss with Drake, Mrs. Lustre," pormal na sagot niya. Ni hindi siya nag abalang batiin ito ng magandang umaga. Bakit ba? Kung noon ay hinayaan niyang alipustahin siya ng matapobreng ginang ay hindi na siya papayag ngayon! After all, she is no longer this woman's daughter-in law.

Tumaas ang isang kilay ni Evelyn, tila hindi nagustuhan ang sinabi niya.

Hindi hinintay ni Cali ang sagot ng babae, binalingan niya si Carla, "Babalik na lang ako, Carla. Thanks."

Taas-noo siyang lumakad at walang pangingiming nilagpasan ang dating biyenan. Natitiyak niyang hindik na nakamasid si Carla sa kanya, after all, sino ba ang hindi ilag kay Evelyn Lustre sa kumpanyang ito? The lady has a reputation of a tigress in the company.

Pasara na ang pintuan ng elevator lulan si Cali ngunit isang kamay ang pumigil niyon, muling bumukas ang pintuan at nabungaran niya roon ang ina ni Drake. Gumilid ang sekretaryang kasama nito upang bigyang daan ang matandang donya.

Walang kibong pumasok ng elevator ang matandang babae, diniinan nito ang buton upang muling magsara ang pintuan. "Meet me at the ground floor," anito sa sekretarya na isang magalang na tango ang naging tugon.

Kung hindi lamang magmumukhang natatakot siya ay mas nais na lamang sanang bumababa ni Cali sa kinalululanan at maghagdan na lamang pababa kaysa makasama si Evelyn Lustre! Knowing this woman, sadyang sinundan siya nito upang kumpronthahin.

"What do you want from my son?" mataray na tanong ng ginang. Nanatiling diretso ang tingin nito na para bang kinakausap lamang ang sarili.

"Hindi ko ho alam ang sinasabi ninyo. Drake got our services and-"

"Oh come on!" bumaling sa kanya si Evelyn, nasa mga mata ang pagkasuklam, "are you going to play stupid again? Diyan ka ba talaga magaling? Ang magkunwaring inosente kahit pa ang totoo ay may mahabang pangil kang itinatago?"

"Hindi ko ho kayo gustong bastusin, so please..."

Evelyn insultingly laughed, "hah! I applaud you Calista! Napaka galing mo talagang artista! But I am warning you... stay away from my son, hindi ko na hahayaan pang muli mong sirain ang buhay niya! My son has lost so many things dahil sa iyo at hindi na ako makaapapayag na -"

Hindi natapos ni Evelyn ang sinasabi nang matapang niyang salubungin ang paningin nito. Hindi na malaman ni Cali kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang salubungin ang galit at makipag banggaan sa isang Evelyn Lustre, ngunit tila nag-init yata ang punong tenga niya sa galit sa sinabi nito!

"What? Your son had lost so many things?" pagak siyang tumawa. This old hag doesn't have any idea what she lost as well! "At paano ako? paano naman ang mga bagay na nawala sa akin?" her voice cracked, kahit limang taon na ang nakalipas, naroon pa rin ang kirot sa kanyang puso sa tuwing makikiraan sa kanyang gunita ang isang anak na sana ay kasama niya ngayon.

"Things you lost?!" nanlalaki ang mata ni Evelyn sa kanya. "Ang kapal naman ng mukha mo na -"

"Hindi ho makapal ang mukha ko at lalong hindi niyo alam kung ano ang mga nangyari sa buhay ko ng dahil sa anak niyo, kaya kung ako sa inyo, I would keep my mouth shut!"

"Aba't!"

Tila nais siyang sampalin nito ngunit mabilis siyang muling nagsalita, "if you dare touch even a strand of my hair, I will make sure that this whole building knows about me and your dear son," aniya. Her heart was pounding with rage ngunit pinilit niyang kalmahin ang sarili.

Nasisiguro niyang sasagot pa sana si Evelyn kung hindi lamang bumukas ang pintuan ng elevator. Nagmamadali siyang umibis, at kahit pa narinig niyang tinawag siya nito ay hindi nagkunwari siyang hindi niya iyon narinig.

******

Matuling lumipas ang araw na iyon at pilit na isinubsob ni Cali ang ulo sa trabaho. Kailangan niyang pagurin ang sarili upang maalis kahit panandalian lamang sa kanyang isip ang mukha ng binata na tila isang tuksong palaging gumuguhit sa kanyang balintataw. Naiinis na siya sa sarili dahil hindi birong disappointment ang naramdaman niya na hindi ito nakita kanina, idagdag pa ang engkwentro niya kanina kay Evelyn Lustre.

Matapang man niyang hinarap ang ina ni Drake kanina ay hindi niya maiwasang mangamba na baka simula pa lamang ito ng kalbaryo niya sa kumpanya. Knowing Evelyn, hindi ito basta makapapayag na hindi makaganti, lalo pa at pride nito ang nasaling niya kanina.

"Have dinner with me, chica" si Matt. Halos ala siyete na ng gabi ng matapos ang huling meeting nila para sa araw na iyon.

"Pagod ako friend, ikaw na lang muna. I just want to take a hot shower and rest."

"Okay, but don't skip meals again ok? Aba ang laki na ng ihinulog ng katawan mo simula ng magsimula ang proyekta ah!" sermon nito.

Cali chuckled at ipinagpatuloy ang pagsamsam sa mga gamit na isinilid niya sa malaking Louis Vuitton bag na dala niya. "Okay lang ako, don't worry too much about me okay?" she smiled and patted Matt on the shoulder bago lumabas ng opisina.

Sa parking lot ay tinungo niya ang sasakyan at ini-unlock iyon. Akma na sana siyang sasakay nang matigilan sa isang tinig.

"I heard you were in Drake's office this morning," it was a statement and not a question.

Cali heavily sighed, kasabay ng pag-ikot ng mga mata paitaas bago lingunin ang pinanggalingan ng tinig. Nahuhulaan na niya kung sino iyon.

God! Give me a break! She silently pleaded. Wala bang katapusan ang mga taong gusto siyang awayin ngayong araw na ito?

"What do you need Aimee?"

"Nasa opisina ka raw ni Drake kanina?" Ang takong ng sapatos ni Aimee ay lumikha ng ingay sa sementadong sahig ng parking lot, tila modelong naglakad ang babae palapit sa kinaroroonan niya.

"So?" she asked, raising an eyebrow.

Aimee sweetly smiled, "hindi pumasok si Drake ngayon..."

"And you came here to tell me that?" Cali asked in an unfriendly tone.

Huminto si Aimee sa kanyang harapan, tila ba sadya itong nang-iinis. "Drake was too tired...", sinabayan iyon ng malanding tawa, "Oh I guess I should have gone easy on him last night, considering he was tired from his flight too," nag-angat ito ng paningin at nakakalokong ngumisi, "you know what I mean, right Cali?"

Cali's jaws clenched. Konti na lamang talaga ay sasabunutan na niya ang babaeng ito!

"What you and Drake does is not my concern, so please, don't waste my time," binalingan niya ang kotse niya at sumakay.

Pinigilan ni Aimee ang pagsara niyon, "Mabuti naman kung wala kang interes Cali...I just want to make it clear that Drake is now mine...hmmm?" tila ahas itong nakangiti sa kanyang harapan ngunit ramdam niya ang kamandag sa likod ng ngiting iyon.

Cali yanked the door from Aimee's hand and slammed it, bago malakas na pinaangil ang makina. "Umiwas ka riyan kung ayaw mong sagasaan kita!" matalim ang tinging ibinigay niya sa babae bago pinaharurot ang sasakyan palabas ng parking lot.

Drake! Sinungaling ka talaga! Suminghot siya at pinahid ang luha. Here she is like an idiot still loving him habang ito pala ay nagpapakasaya sa kandungan ng maharot na babaeng iyon!

"Ang tanga mo talaga Cali! Ang tanga mo!" hiyaw niya sa sarili.

******

Walang tigil na tunog ng doorbell ang gumising kay Cali. Pupungas pungas na diniinan niya ang alarm clock sa kanyang night table, lumiwanag iyon, diplaying the time - 1:30 A.M.

God! Sino ba ang mambubulabog sa kanya ng ganitong oras? Kung hindi lamang alam niyang mahigpit ang security sa building na iyon ay baka matakot na siyang kung sinong masamang loob ang naroon.

Kinuha niya ang silk robe at itinakip iyon sa ibabaw ng manipis na silk lingerie na suot bago lumabas ng silid upang tunguhin ang pintuan.

"Sino 'yan?" she asked. She slightly opened the door to peek, carefully ensuring that the safety chain is secured.

"It's me, sweetheart."

Nawala yata ang lahat ng antok niya sa katawan pagkarinig sa tinig na iyon. She doesn't have to fully see who's at the other side of the door to know who it was. Kahit yata sampung taon pa ang makalipas ay hindi niya malilimutan ang tinig ng binata.

"D-Drake! W-what are you doing here?"

Sumilip rin ang binata sa siwang ng pinto, and Cali backed off instantly sa pagkabigla. Hindi naging sagabal ang pintong nakapagitan sa kanilang dalawa upang halos masamyo niya ang mabangong hininga ng binata ng ilapit nito ang mukha sa kanya.

"G-gabi na Drake. I...I will see you in the office t-tomorrow!" akma niyang isasara ang pinto ngunit pinigilan iyon ng binata.

"Please, Cali..." nasa tinig nito ang pakiusap.

Cali bit her lower lip. Dapat ba niya itong papasukin o hindi?

"B-bukas na lang Drake..."

"Please...sweetheart...."

Cali's heart was racing in her chest. She knows too well that it isn't wise to let him in, but God damn it! She missed him so much it hurts!

Pikit mata niyang inabot ang safety chain ng pinto at binuksan iyon.

"God sweetheart! I missed you!" Hindi nakakilos ang dalaga ng walang paalam siyang ikulong ni Drake sa mga bisig nito.