The next few days were like heaven for Cali. Sa loob ng nakalipas na limang taon ay parang ngayon lamang siya muling nagkabuhay. Pakiramdam niya ay muling nadugtungan ang naunsyami nilang love story noon. Napagdesisyunan na rin niyang ibaon sa limot ang sakit na dulot ng nakaraan. Tama si Matt, she doesn't want to lose the chance to be happy again dahil lamang sa nagpatali siya sa anino ng kahapon.
Drake insisted that she resign from the project, ipagpaubaya na lamang raw niya iyon kay Matt at sa Perfect Space team. Hindi man niya gusto ay naisip niyang mas makabubuting pagbigyan na muna ito habang hindi pa nalilinawan ng binata ang uganayan nila ni Matt. She tried countless times to explain it to him but each time, he shuts off the conversation, palagi ay kumukulimlim ang mukha nito ang nagbabago ang mood kapag sinubukan niyang kausapin tungkol kay Matt.
"Sigurado ka bang mag re-resign ka sa project na ito chica? Aba eh malaki laki na ang natrabaho mo rito ah," si Matt. Nagkita sila sa isang café hindi kalayuan sa opisina ng Perfect Space.
She sighed bago humigop ng kape, "I have no choice for now. But anyway, I'm not resigning from the company, friend. Dito lang sa project para hindi na mag-alala si Drake."
"Asus! Ayun oh eh di umamin ka rin! Mahal mo pa no?" kinikilig na tanong ni Matt.
She gently nodded her head. "Sobra. I just realized na hindi kayang talunin ng sakit at pagkamuhi ang pagmamahal ko...Ang gaga ko no?" she smiled at nilaro-laro ng daliri ang labi ng mug.
Matt gave her a gentle, re-assuring smile. Inabot nito ang kaliwang kamay niyang nakapatong sa lamesa at pinisil iyon. "Hindi ka gaga dahil nagmahal ka. I'm happy for you friend, sana happy ending na kayo this time."
She smiled back at her friend, "Salamat."
"Teka nga pala, eh bakit ba kasi hindi mo pa inaamin kay pogi na hindi tayo talo no?" pairap na tanong ng kaibigan bago humigop ng sariling kape.
"Well I tried! But each time, he won't let me talk kapag ikaw na ang babanggitin ko. I just never found the right opportunity yet I guess."
"Gusto mo ba ako na mag explain?"
Mariin siyang umiling. Alam niyang mainit ang ulo ni Drake kay Matt kahit hindi nito sabihin sa kanya, hindi niya gustong ma misinterpret ng binata kung pupuntahan itong personal ng kaibigan, isa pa, sa tingin niya ay mas nararapat lamang na sa kanya manggaling ang totoo.
"Ako na, hahanap lang ako ng tamang tyempo, ok?"
Nagkibit balikat si Matt, "if you say so..." muli itong humigop ng kape bago nagpatuloy, "so ano'ng balak niya sa iyo? Magpapakasal ba kayo ulit?"
Natigilan si Cali. Ano nga ba ang balak ni Drake? Saan nga ba papunta ang relasyon nila? Kasal? Sure she would love to be Mrs. Calista Lustre again, but Drake never touched the subject, bagaman nabanggit nito na magsimula silang muli, wala na itong iba pang nasabi sa kung ano ang balak nito para sa hinaharap.
Pinilit niyang ngumiti, ayaw niyang ipaalam sa kaibigan na hanggang ngayon ay may pangamba pa rin siya lalo at ayon kay Aimee ay nakatakdang magpakasal ang dalawa. Drake denied it but somehow the though was still hanging on her head.
"We're taking things easy you know. Bahala na..."
"That's okay. Ang mahalaga, masaya ka,"
Isang ngiti at tango lamang ang itinugon ni Cali kay Matt.
*******
Nang hapong iyon ay nagulat pa siya nang datnan si Drake sa harap ng condo unit niya. Nakasandig ito sa dingsing malapit sa pinto. He was wearing faded blue jeans, pull-up leather boots, and plain V-neck white shirt. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa pantalon at magkakrus ang mga binti.
Cali couldn't help admiring the male beauty that he is. Tila ito isang modelo na naghihintay kuhanan ng litratista para sa isang magazine. Mula noon, hanggang ngayon, Drake never fails to make her heart go wild. Madalas ay hindi siya makapaniwalang siya ang piniling mahalin nito.
Mahal? Sigurado ka bang pag-ibig at hindi tawag lamang ng laman ang nararamdaman para sa iyo ni Drake? That little voice in her head nagged. Marahan niyang ipinilig ang ulo bago masiglang nilapitan ang binata.
"What are you doing here?" Salubong niya rito. She was smiling brightly.
Hinapit siya ng binata mula sa baywang palapit sa sariling katawan nito at dinampian ng halik sa tungkil ng kanyang ilong. "Waiting for you, silly."
Malutong siyang tumawa. Gosh! She really can't hide her happiness and excitement whenever he's around. "Alam ko. I mean, at this time? At saka bakit ang rugged yata ng pormahan natin ngayon?" Nakangising sinipat niya ito ng tingin.
"You don't like it?"
"No. You look good. Medyo hindi lang ako sanay na makita kang naka maong at t-shirt. Ang Drake na kilala ko, Mr. suit and tie,"
Drake brought his lips closer to her ears and whispered, "I am taking you somewhere. Go and pack your bags," matamis ang ngiti nito nang tumingin sa kanyang mukha.
"Ha? Saan? I still have a few things to do at Perfect Space bago-"
Agad na ihinarang ng binata ang hintuturo sa kanyang mga labi, "no buts! Now go in and pack your bags," pinakawalan nito ang kanyang baywang at mahina siyang tinapik sa pwetan.
"P-pero..."
Inakbayan siya nito at iginiya palapit sa pintuan ng unit niya. "Go!" Natatawang anito.
*******
"Saan ba talaga ang punta natin?" Muling tanong ni Cali. Tinatahak nila ang kahabaan ng expressway.
Drake briefly glanced at her with a smile on his lips, "it's a surprise," kinindatan pa siya nito.
"Naku ha! Mamaya niyan kung saan mo ko dalhin at kung ano gawin mo sa akin ha!" Natatawang biro niya.
"Gawin? Kung sa gagawin lang, marami akong planong gawin sa'yo sweetheart," pilyong tugon nito.
"Ah ganon!" She pinched him gently on the side na ikina halakhak ng binata.
Habang abala sa pagmamaneho si Drake ay pinagsawa niya ang mga matang titigan ito. She still couldn't believe that he's back in her life. Ang buong akala niya ay tuluyan nang namatay ang pag-ibig niya rito nang mawala ito sa kanyang buhay, but looking at him right now, nasisiguro niya sa sariling hindi pala nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya para rito.
She couldn't help reaching out for his face, marahan niyang pinaraanan iyon ng kanyang kamay. Drake caught her hand and brought it to his lips, gently kissing it while he glanced at her. He mouthed the words 'I love you', na ikina ngiti ni Cali.
Hindi nagtagal ay ipinasok ni Drake ang sasakyan sa isang compound na napapaligiran ng mataas na bakod.
"What's this place?" Iginala niya ang mga mata. Maluwag ang lugar at sa hindi kalayuan ay isang hindi kalakihang eroplano ang kanyang namataan.
"This is our private hangar, sweetheart."
"Wow. I didn't know you had a private hangar?"
"We acquire this just a couple of years ago." Pinatay ni Drake ang makina ng sasakyan. "Let's go," malapad ang ngiti nito.
Napasunod na lamang si Cali sa pagbaba mula sa sasakyan. Sa totoo lang ay naexcite din siya sa sorpresa ni Drake. Where exactly are they goin? Honestly, she could care less even if it's to the ends of the earth as long as she's with him.
Isang unipormadong lalaki ang sumalubong sa kanila. "Good afternoon sir," magalang na bati nito kay Drake.
"Magandang hapon din. Is everything ready?"
"Yes sir. Naghahantay na ho sa inyo si Capt. Manabat," sagot ng lalaki.
"Good. We'll be there." Nakangiting tugon ni Drake bago umikot sa likod ng kotse upang kuhanin ang maleta nila.
"Let's go?" Untag nito sa kanya. He put his arms around her at masiglang naglakad palapit sa kinaroroonan ng private jet.
"Good afternoon, sir, ma'am," nakangiting salubong sa kanila ng isang unipormadong babae pag akyat nila ng eroplano. "My name's Jenna and I will be your attendant for this flight. This way to your seats please."
Iginala ni Cali ang paningin sa loob ng sasakyang iyon and she couldn't help but be impressed. The private jet is luxurious. Maluluwag ang tila puro pang first class na mga upuan. Sa isang bahagi niyon ay mayroon pang isang maliit na bar.
"Impressed?" Tudyo ni Drake bago umupo sa upuang katapat ng kinauupuan niya.
"Hmp! Yabang!" She replied, inirapan niya ito,pretending to be irritated.
*******
Ilang oras ang naging paglipad nila sa himpapawid bago nag anunsyo ang piloto ng kanilang paglapag. She could see the pristine ocean water underneath them and the crystal white sands, ganoon din ang nagtataasang mga puno ng niyog na nagsilbing palamuti sa isla.
"Suprise!" Drake cheerfully exclaimed while looking at her. "Welcome to my private island!"
"Y-your private island?" Napatangang pag-uulit ni Cali sa sinabi ni Drake. Hindi niya alam kung bakit nagugulat pa siya samantalang alam naman niya ang kayamanan ng mga Lustre.
"Yep! In a few moment, we're gonna touch down at Isla Calista."
"I-Isla C-Calista?" Gulat na tanong niya. She's feeling like an idiot na inuulit lamang ang mga sinasabi ng binata!
"Surprised?" He charmingly winked at her.
Walang nasabi si Cali. Of all the surprises that Drake had pulled off over the years na magkasama sila, ito na siguro ang pinaka nakaka-overwhelm. Ibinaling niyang muli ang paningin sa labas ng bintana. Palapit na sila sa islang iyon. She could already see the medium-sized vacation house directly in front of the beach, ganoon din ang ilang cabana sa harap. She inhaled. Her heart is overflowing with happiness that she got teary eyed. Sino ba ang mag-aakalang ganito kaganda ang second chances?