Chereads / Minsan Pa / Chapter 42 - Chapter Forty Two

Chapter 42 - Chapter Forty Two

Cali sucked in a breath, she wasn't able to react for a moment. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kanyang pagkatao ng mga sandaling iyon. Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan niyang itatanong sa kanya ni Drake ang tanong na iyon sa pangalawang pagkakataon. Alam ng Diyos kung gaano niya gustong tanggapin ang alok nitong kasal - ang buong puso niya ay nagsusumigaw na nais makasama ang binata habang buhay, ngunit sa isang bahagi ng kanyang pagkatao ay naroroon ang pangamba... paano kung magsimula silang muli ngunit muling mabigo?

"D-Drake..." she looked at him uncertain. Unshed tears were in her eyes. Napakarami niyang nais sabihin sa binata, maraming mga pangyayari ang naganap sa loob ng mga taong hindi sila magkasama. Siguro ay nararapat na ipagtapat muna niya ang lahat dito bago sila muling magsimula?

Drake tenderly hugged her, marahang humaplos ang mga kamay nito sa kanyang likod. "You don't have to give me an answer right now, sweetheart... I know you're scared, but I promise, we will do it better this time..." Inilayo ni Drake ang sarili sa kanyang panandalian at tinitigan siya sa mga mata, "I hope you'll give us another chance, Cali... I still want to spend the rest of my life with you, sweetheart."

She smiled at him tenderly. Iniangat niya ang kamay at masuyong hinaplos ang mukha ni Drake. God! How can she ever refuse him when her whole heart and being still belongs to him?

"I- I just think you and I need to talk first and settle everything between us. I have a lot of things to tell you... about me, about M-Matt..."

Bumuntong hininga si Drake, halatang kumulimlim ang mukha nang marinig ang pangalan ni Matt. "Cali, I told you, ayoko ng pag-usapan pa, please. I don't want to even remotely think of you with that guy, baka makapatay lang ako ng tao..." anito na nagtagis ang mga bagang.

Cali sighed resigned. Siguro ay makakahanap din siya ng tamang pagkakataon para maipaliwanag kay Drake ang lahat, at siguro hindi ngayon ang pagkakataong iyon.

"Don't make me wait too long, hmm?" Malambing na ani Drake sa kanyang tenga.

Cali rested her head on Drake's shoulder. Patuloy sila sa mabining pag indayog sa malamyos na tugtugin. God knows how she wants to shout "yes" here and now bilang tugon sa tanong ng binata, but something is still holding her back. She needs to know the truth between him and Aimee once and for all. She needs to tell him about her platonic relationship with Matt, at higit sa lahat, kailangan nilang magkaroon ng linaw ang mga nangyari sa nakaraan, no matter how painful it is to face those memories again. Sa kanyang palagay ay nararapat lamang na walang anomang sikreto sa kanilang dalawa kung nais nilang muling magsimula.

The couple of days they spent in that island were like a dream. Ang bawat araw ay napuno ng masasayang halakhak, masuyong mga tinginan, matatamis na mga halik... Kung si Calista lamang ang tatanungin ay mas nanaisin pa siguro niyang manatili na lamang silang ganito, malayo sa anumang gulo ng siyudad, malayo sa mga mapanirang mga mata ng mga taong nakapaligid sa kanila. But like all dreams, their paradise on that island needed to come to an end nang isang importanteng tawag ang matanggap ni Drake mula sa kumpanya. Ayon sa binata ay isang emergency board meeting ang biglaang magaganap. Gustuhin mang itanong ni Cali kung ano ang dahilan ay nahinuha niyang hindi iyon gustong pag-usapan ni Drake.

"I'm sorry that our vacation was cut short, sweetheart. Babawi ako sa'yo, promise," anito na pinisil ang kanyang kamay. Lulan na sila ng private jet nito pabalik ng Maynila.

She smiled at him at ginantihan ng pisil ang kamay nito. "No need to say sorry, Drake. I've had the time of my life in that island."

"I'm glad you loved it. Gusto mo bang doon na lang natin ganapin ang kasa-" his voice trailed off. He boyishly smiled and scratched the back of his head, "oo nga pala, hindi ka pa pala pumapayag na muling pakasal sa akin."

Cali chuckled before clearing her throat. She looked out the window and gently sighed. Pagdating na pagdating nila ng Maynila ay kailangan niyang kausapin si Matt upang pareho silang makapag paliwanag kay Drake. Napag desisyunan din niyang aminin kay Drake ang nangyari limang taon na ang nakararaan. Muling sumingit ang sakit na iyon sa kanyang puso, may palagay siyang gaano man katagal na panahon ang lumipas ay hindi niya tuluyang mawawala ang sakit na dulot ng pagkawala ng sana ay panganay nila.

Muli niyang nilingon ang binata sa kanyang tabi. He's now busy checking emails on his laptop. She sighed once again and smiled to herself. Once she's taken care of all loose ends, she will say yes to him. She will be Mrs. Calista Lustre once again.

********

"Drake" bulalas ng nasa kabilang linya. Bahagyang inilayo ni Drake ang telepono sa kanyang tenga nang matinis na tinig ng ina ang sumalubong sa kanyang pandinig hustong paglapag pa lamang ng eroplano sa private runway na pag-aari ng mga Lustre.

"Ma," he acknowledged. Hindi pa nagsisimula ang usapan ay halos alam na ni Drake ang ililitanya ng ina. Ilang araw na niyang sadyang hindi sinasagot ang mga tawag nito, magbuhat ng lumapag sila sa isla.

"Where have you been?! You never answer any of my calls and even your damn secretary says she doesn't where you are!"

"Nagbakasyon lang Ma," he casually answered as he grabbed the small bag he tucked in the overhead compartment of the plane. Sinenyasan niya si Cali na mauna ng bumaba.

"You better get here tonight Drake! I'll expect you at 7:00!" Mariing ani Evelyn. Nai-imagine na ni Drake ang galit sa mukha nito. But then, he just doesn't care. Hindi na siya bata na kailangang bantayan ng ina.

"Don't be late. We have important guests and-"

"Guests?" Putol niya sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Nagpatuloy siya sa paglakad pababa ng eroplano. He couldn't help but smile when he saw Cali waiting for him. Her hair is getting blown by the wind, so does her skirt that she keeps trying to keep from going up.

Damn it! Why is she so damn gorgeous that he couldn't help wanting to ravage her every single time he sees her?

Tumikhim ang nasa kabilang linya, tila may pag-aalangang saguting ang tanong niya. "Just be here by seven." Yuon lamang at nawala na ito.

"Everything ok?" Tanong ni Cali sa kanya nang makalapit siya rito.

Masaya niyang inakbayan ang dalaga bago dinampian ng halik sa noo, "Of course. Nothing to worry about sweetheart."

********

Pabagsak na humiga si Drake sa kama bago sinulyapan ang relo sa bisig. Ala singko y media ng hapon. He can rest a bit bago puntahan ang mansyon ng mga Lustre. He smiled to himself when he remembered the few days they spent on that island. That must be the happiest days in his life in the past 5 years. God knows how he endured the lonely days and nights longing for the woman he loves. Hindi na nga niya alam kung paano niyang nagawang ipagpatuloy ang buhay nang iwan siya ng asawa. Sa kabila ng naiwang pait sa kanyang puso sa kaisipang minsan siyang tinalikuran ng kabiyak para sa iba, none of those seem to matter now that she is back in his arms. He will make sure to treat her better this time, to give her all his time... to love her better so that she won't have any reason to leave him again.

Napangiti siya ng maalala ang ningning sa mga mata ni Cali nang muli niya itong ayaing pakasal. Alam niya, hindi man sabihin ng dalaga, na siya pa rin ang nakadambana sa puso nito. Marami mang mga tanong sa kanyang isipan ang nais sana niyang isatinig ay tila siya naduduwag sa tuwing maiisip ang maaring sagot sa mga iyon. Why did she have to leave him back then? Ano ang nakita nito sa iba para ipagpalit siya? He's scared to hear the reasons behind it all kaya't sa maraming pagkakataon na nais iyong buksan ni Cali ay siya na mismo ang umiiwas. Yes, he might be coward dahil hanggang ngayon ay hindi niya alam kung makakayang tanggapin ng pagkalalaki niya kung maririnig niya ang mga dahilan na magmumula mismo sa mga labi ng katipan.

Isang buntong hininga ang kanyang ginawa bago ipinikit ang mga mata. Who cares about the reasons? Mas mabuti nang ibaon ang nakaraan sa limot dahil ang mahalaga ay ang ngayon. He won't ever let her go this time... Sa pagkakataong ito ay muli nilang dudugtungan at itutuloy ang naudlot nilang pag-ibig at pangako sa isa't isa.

********

Pumaparada pa lamang si Drake sa malaking driveway ng mansyon ay napansin na niya ang dalawang mamahaling sasakyan na naroroon. Ang isa sa mga iyon ay nakilala niyang pag-aari ni Aimee.

Sinalubong siya ng mayordomang si Manang Belen nang makababa siya sa sasakyan.

"Naku hijo kanina ka pa hinihintay ni senyora. Bakit ngayon ka lang?" Nasa tinig ng ginang ang pag-aalala.

He glanced at his watch. 7:30. Gaano ba kaimportante ang gabing ito at parang ang lahat ay may pag-aalala?

"It's fine manang," he smiled at the old lady. "I'm actually tired and would've preferred to rest kung hindi lamang mapilit si Mama," humakbang siya patungong mansyon. Kung lumingon lamang siya ay nakita sana niya ang lungkot at pag-aalalang gumuhit sa mukha ni manang Belen.

"Hijo! You're finally here!" Evelyn exclaimed. Taliwas sa inaasahan ni Drake ay maaliwalas ang aura ng ina, malaki ang ngiti nito sa mga labi.

Tahimik na sinuyod ni Drake ng paningin ang mga taong naroroon sa malaking sala ng mansyon. Hindi na siya nabiglang naroon si Aimee ngunit kanyang ipinagtakang naroon din ang mga magulang nitong sina Don Alejandro at Donya Ramona.

"Drake!" Aimee smiled at him sweetly. "Kanina ka pa namin inaantay, we're already getting hungry," anito na tumayo at lumapit sa kanya. Malambing nitong ipinulupot ang kamay sa kanyang bisig. He wanted to pull away but he didn't want to embarass her in front of her parents.

Tumikhim si Don Alejandro bago nagsalita, "it's been a long time hijo."

"Yes, it's been a long time tito Alejandro. What's the occassion?"

Tumayo si Evelyn mula sa kinauupuang sofa, "let's have dinner first hijo. Kanina pa kami naghihintay sa iyo and I'm afraid we've made our guests hungry," nakangiting anang ina na sinabayan ng mahinang tawa.

"Oo nga naman, Drake. Gutom na nga rin talaga ako," si Aimee, sinabayan nito ng paglabi ang tinuran. "I also brought carbonara. You know that's my specialty right?" Malambing na wika ng babae bago siya hinila patungong hapag.

He doesn't have a good feeling about this dinner, ganoon pa man ay nagpatiubaya siya nang kayagin ni Aimee.

Sa hapag ay hindi maipagkakailang bumalot ang nakaiilang na katahimikan sa lahat. Si Don Alejandro ang unang bumasag ng katahimikan.

"Drake, hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman na matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, hijo..." tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Ikatutuwa sana namin kung tuluyan tayong magiging isang pamilya."

Nabitin sa ere ang akma sanang pagsubo ni Drake ng pagkain. Ibinaba niya ang tinidor sa sariling plato at tinitigan ang matandang Don na kaharap.

"Ano ho ang ibig niyong sabihin tito Alejandro?"

"Ah hijo, there's no need to be surprised. Doon din naman ang tuloy niyo ni Aimee hindi ba?" si Evelyn. Tila balewala rito ang sinasabi. "Your tito Alejandro and I had already agreed on a wedding date and-"

Hindi natapos ng ina ang sinasabi ng pabalyang tumayo siya mula sa kinauupuan. Ang lahat ay napatingin sa kanya. He could already see contempt in Alejandro's eyes.

"I don't wish to be rude, mama, tito, tita..." he said in an apologetic tone. "I cannot marry Aimee," pinal na saad niya.

"B-but Drake..." ani Aimee na mahigpit siyang hinawakan sa kanang braso. "I t-thought that you and I-"

"I love someone else," said he in a voice full of conviction. Nakita niya kung paanong halos namutla ang mama niya sa kanyang sinabi, her eyes turned huge, as if trying to send him a warning.

"I'm sorry," aniya sa mga kaharap bago tumalikod at sa malalaking hakbang ay nais lisanin ang lugar na iyon. He's had enough of this bullshit! Hindi siya nagawang diktahan ng ina noon, mas lalong hindi siya makapapayag na diktahan siya nito ngayon!