Chereads / Minsan Pa / Chapter 45 - Chapter Forty Five

Chapter 45 - Chapter Forty Five

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa desisyon mo anak?"

Saglit na itinigil ni Cali ang paglalagay ng mga damit sa maleta at nilingon ang ina. Malungkot siyang ngumiti, "ito ho ang pinaka mabuting gawin Inang."

"Bakit kaya hindi mo kinausap si Drake? Alam kong mahal niyo ang isa't isa simula't sapul..."

Cali softly shook her head. "Tama na ho ang dalawang beses na masaktan, Inang. Baka hindi ko na ho kayanin kung may kasunod pa," binahiran niya ng bahagyang tawa ang tinuran kahit pa ang totoo ay wasak na wasak pa rin ang kanyang puso. Hindi niya gustong ipakita sa ina na naghihirap pa rin ang kalooban niya.

Isang linggo na ang nakalilipas magbuhat ng magpasya siyang tapusin ang lahat sa kanila ni Drake. Wala siyang ibang alam na pupuntahan kaya't sa mga magulang siya nagtuloy. Her parents had relocated to a neighboring town kaya't alam niyang hindi siya matutunton doon ni Drake kung sakali mang hanapin siya nito.

Her decision to leave him tore her apart, at hindi niya alam kung kaya pa ba niyang muling buuin ang sarili sa pagkakataong ito. It might have been a mistake to open her heart and love him again for the second time, ganoon pa man ay wala siyang pinagsisisihan. Babaunin niya ang lahat ng mga magagandang ala-alang kanilang pinagsaluhan hanggang sa kanyang pagtanda. Being able to love him again, and feel his love too, was worth all the pain. Siguro ay sadyang hindi lamang silang nakatadhanang dalawa. Alam niyang habambuhay niyang mamahalin si Drake, at siguro nga ay wala ng iba pang lalaking makapapalit dito sa kanyang puso. Siguro ay ito ang guhit ng kanyang kapalaran. Kung mayroon man siguro siyang pinanghihinayangan ay ang pagkakataong lumipas na hindi niya naipagtapat dito ang katotohanan, at hindi niya nasabi rito na pinatatawad niya ito sa kung ano mang sakit na naidulot nito sa kanya... na minsan isang panahon ay muntik na silang maging isang buong pamilya...

And now, Drake is about to start a family of his own... kasama ang iba...

Kinagat niya ang pang ibabang labi upang pigilin ang muling pag-iyak. Sa tuwing maiisip niyang ibang babae ang makakasama nito sa pagpikit sa gabi at sa pag gising sa umaga, he heart is being torn into a million pieces. Kinakain ng matinding panibugho ang bawat himaymay ng kanyang katawan. But then, ano ba ang kanyang magagawa? Mahirap labanan ang itinadhana, at marahil, si Drake at si Aimee talaga ang para sa isa't isa.

Hindi namalayan ni Cali na nilapitan siya ng ina at niyakap mula sa kanyang likuran. "Anak, iiyak mo lang... mababawasan ng luha ang sakit diyan sa puso mo... iiyak mo lang anak..."

Sukat sa narinig na iyon ay hindi na napigilan pa ni Cali ang pag-iyak. He shoulders shook as she slumped on the bed. Humarap siya sa ina at mahigpit na niyakap ang babae.

"Ang sakit sakit Inang... ang sakit sakit..."

Marahang hinimas ng matandang babae ang kanyang likod, "alam ko anak... alam ko... pero malakas kang babae, kayang kaya mo ito... andito lang kami ng tatang mo..."

Hindi na nakasagot si Cali at sa halip ay patuloy na napahagulgol sa ina.

********

Pinagmasdan ni Cali ang papalubog na araw mula sa dalampasigan, kayganda ng liwanag niyon na tumatama sa tubig, tila mga mumunting brilyanteng sumasayaw sa bawat alon. She filled her lungs with air, pinipilit payapain ang isip at damdamin. Bukas na ang lipad niya pabalik ng London. She decided to accept a job offer there - 2 years contract. Umaasa siyang sa panahong iyon ay mapaghilom niya ang sugatang puso.

She walked slowly, letting the tiny waves tickle her feet. This place gives her a sense of peace, siguro ay dahil sa malaking bahagi ng kanyang kabataan ang ginugol niya sa lugar na ito. San Joaquin is the town next to San Antonio, and even though this place wasn't exactly her hometown, wala ito halos ipinagkaiba sa San Antonio.

Itinuon niya ang paningin sa buhangin; her feet were making footprints along the shore that the waves erases quickly. She sighed. Hindi ba at parang ganito lamang din siya sa buhay ni Drake? She came and left a mark for a moment that will soon be erased. She bitterly smiled to herself. Sana ay ganoon lamang din niya kadaling kalimutan at burahin ang binata sa kanyang puso.

I love you, Cali.... His voice seemed to echo in her ears. Parang kahapon lamang ng walang gatol nitong ipinahahayag sa kanya ang pag-ibig. She looked up to the sky and closed her eyes. Hindi na siya iiyak. Tapos na siya sa pag-iyak. Gaano man kahirap ay kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na si Aimee ang magiging babae sa buhay nito at hindi siya.

"Care to share your thoughts?" isang baritonong tinig ang nagpahinto sa kanyang paglakad. Is she imagining things? Why was she hearing that voice all of a sudden?

You're just imagining things Cali! Her mind screamed. There is no way what she heard was real. Ipinilig niyang bahagya ang ulo as if trying to wake up from a trance. Ngunit hindi siguro guni-guni ang naramdaman niyang mabining yabag na tila papalapit sa kanyang kinatatayuan.

"Are you running away again?"

Cali froze. She's sure that's his voice! Hindi siya maaaring magkamali!

She slowly turned ang gasped. Nakatayo hindi kalayuan sa kanya ang lalaking walang sawang gumagambala sa kanyang isipan, ang nag-iisang may kakayanang magpa somersault sa kanyang puso. The man who was always in her dreams...in her mind...in her heart.

Everything around her seemed to be moving in slow motion as she watched Drake make his way towards her. Nakasuot ito ng button down polo shirt, exposing a little bit of his broad, masculine chest, at gaya niya ay nakayapak din ito. Daig pa ni Cali ang natuklaw ng ahas dahil ni gatiting ay hindi niya nagawang tuminag mula sa kinatatayuan. If this is a dream, she doesn't want to wake up. Ang makita itong muli sa kanyang harapan ay isang magandang panaginip na mamatamisin niyang matulog na lamang habambuhay.

Drake stopped a few inches away from her, his eyes were smoldered on hers that she felt she's going to melt anytime.

"Coward." He stated, may lungkot na saglit nakiraan sa mga mata nito.

"A-anong g-ginagawa mo dito?" she finally said. As if being pulled by an unseen force, hindi niya magawang maialis ang paningin sa gwapong mukha ng kaharap.

"Why are you running away again, sweetheart?"

"D-don't call me that!" sagot ni Cali sa tinig na pilit hinaluan ng galit. She couldn't let him see through what she really feels. Nakatakda na siyang umalis at nakatakda na itong ikasal kay Aimee, there's really nothing left to say between them.

Itinaas ni Drake ang kamay nito at marahang hinawi mula sa kanyang mukha ang ilang buhok niyang tumabing doon dala ng hangin. Tinabig ni Cali ang kamay nito. The last thing she wants is to feel his touch against her, dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili at mawala siya sa matinong pah-iisip. Baka gustuhin niyang agawan ng ama ang isang inosenteng bata.

"Stop it now Cali... we need to talk."

"There's nothing to talk about Drake! Bumalik ka na sa mapapangasawa mo!" She turned around to leave but Drake quickly grabbed her arm and pulled her close to him, trapping her in his arms. Ang sariling katawan niya ay bumangga sa matitipunong dibdib ng binata.

Napatingala siya sa binata, sinalubong ang mga mata nitong nakapako sa kanyang mukha. She had to restrain herself from touching that beautiful face and from pressing herself closer to him.

"I think we have a lot to talk about sweetheart..."

"W-wala na tayong dapat pag usapan! I already told you that I...I-I love somebody else!" She only wished those words came out as convincing as she wanted. Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakatapos nito ngunit tila bakal ang mga bisig nitong nakapaikot sa kanya.

"Sino? Si Matt?"

"Yes! Matt and I are gonna start over and-" Hindi niya natapos ang sinasabi nang walang babalang ibaba ni Drake ang mga labi sa kanya at gawaran siya ng isang halik. Saglit lamang ang halik na iyon ngunit nagdala iyon ng bolta-boltaheng kuryente sa kanyang buong katawan.

Her eyes were still closed from that kiss when she heard drake gave out a soft laugh, na para bang naaaliw ito sa kanya. Marahas siyang nagmulat ng mga mata upang makita lamang ang mukha ni Drake na kay lapit pa rin sa kanya, his eyes twinkling with amusement.

God! She looked like a real idiot wanting for more!

Napapahiyang iniiwas niya ang mga mata at muling sinubukang makaalpas mula sa yakap nito.

"Go back to Aimee!" She yelled at him. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya napigil ang pagpiyok ng tinig dala ng nakaambang pag iyak. "Your c-child needs you..." halos hindi niya mabanggit ang huling katagang binitawan ng hindi tuluyang bumibigay ang mga luha.

Kinabig siyang muli ni Drake sa dibdib nito, trying to calm her down. "Ssshhh... listen to me sweetheart... there's no child and there's no other woman in my life but you..." said he as he tenderly kissed the top of her head.

"W-what?" Napatingala siya rito. Her eyes searched his for the truth behind those words she just heard. Tanging sinseridad lamang ang nasalamin niya sa mga iyon.

Her head spun, napakapit siya sa braso ni Drake. "A-are you saying that it was all a lie?"

Drake nodded. "And she almost succeeded with her plan. Mabuti na lamang at natuklasan ko ang lihim na itinatago niya bago mahuli ang lahat."

"I... I can't believe that I believed her..." nag-unahan ang kanyang mga luha. "Drake... I..." hindi niya malaman kung ano ang idurgtong niyang kataga. She felt like the biggest idiot in the world!

"Hush sweetheart," alo sa kanya ng binata. "It's all over now, Aimee won't be able to disturb us anymore."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"