Chereads / Minsan Pa / Chapter 43 - Chapter Forty Three

Chapter 43 - Chapter Forty Three

"Drake!" Habol ng ina sa kanya. Hindi iyon pinansin ni Drake. "Drake stop! Please!"

He abruptly stopped and turned around to face his mother. "You're wasting your breath mama!"

Nagmamadali siyang nilapitan ni Evelyn at sa pagkabigla ni Drake ay isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya.

"Bastard!" Evelyn hissed in a low but dangerous tone. "Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo sa pamilya natin!"

"What am I to you ma? Am I just a business asset?!"

Hinawakan siya ng ina sa magkabilang bisig na tila na siya tatakbo. "Listen to me Drake. Our company will be in jeopardy if you don't go through this marriage!"

Mariing isinuklay ni Drake ang mga daliri sa buhok patalikod dala ng pinaghalong inis at galit.He looked up at pinuno ng hangin ang dibdib. Matinding pagpipigil ng galit ang ginagawa niya ngayon dahil ayaw niyang bastusin ang ina.

"I'm not doing this Ma. I'm sorry." Muli siyang tumalikod at ipinagpatuloy ang pagtungo sa kotseng nakaparada.

"Drake!" Muling hiyaw ni Evelyn. He didn't stop this time. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at paharurot iyon palayo.

"Fuck!" He exclaimed exasperated, nahampas niya ng kamay ang manibela. Kailan ba titigil ang ina sa pagmamanipula ng buhay niya? Kailan ba nito maiintindihan na hindi nito kayang turuan ang puso niya? Na isang babae lamang ang kanyang mahal?

********

"What?! He asked you to marry him again?" Kinikilig na tili ni Matt.

Pigil ang ngiting tumango si Cali.

"So? Did you accept?!"

She shook her head. "Hindi pa..."

"After spending a few days with him on that island, hindi ka pa pumayag?!" Iniikot ng kaibigan ang mata paitaas. Inilapag nito ang plato ng carbonara sa kanyang harapan.

"I just think it's better to make everything clear between us bago kami muling sumubok sa kasal, that's all," inikot niya ng tinidor ang pasta sa kanyang harap.

"Oh ayun naman pala! Eh kelan mo balak sabihin na hindi tayo talo noh?" natatawang ani Matt bago sumubo ng pagkain.

"Tonight. We're meeting tonight," she smiled. Maisip pa lamang niyang muli niyang makikita si Drake ay parang lumulukso na ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Magbuhat ng bumalik sila mula sa isla ay ilang araw silang hindi nagkita nito, hindi sa parehas nilang ayaw kundi dahil naging abala si Drake sa kumpanya. According to Drake, it's been one meeting after the other at mayroon daw itong importanteng kailangang tapusin. Mabigat man sa kalooban ni Cali ay naging kuntento na lamang siya sa pakikipag usap sa binata sa telepono nitong mga nakaraang araw.

"Hmm... landi mo!" Biro ni Matt na sinabayan ng malakas na halakhak.

"Loka!" Tumatawang sagot niya sa kaibigan.

After the brief catch up with Matt ay dumeretso muna siya sa grocery upang mamili ng iluluto mamayang panghapunan. She wanted to surprise Drake and cook him dinner, she even picked out a good bottle of red wine to pair with the fillet Mignon she wanted to prepare.

Inilapag ni Cali ang bags ng grocery sa ibabaw ng dining table at isa isang inilabas ang ipinamili, pagkatapos ay isinuot ang apron at itinali ang lagpas balikat niyang buhok. She clasped her hands together and smiled like a child bago may siglang sinimulan ang paghahanda ng mga iluluto.

Kasalukuyan niyang isinasalang sa oven ang lasagna ng tumunog ang doorbell. She glanced at the clock on the wall - 5:30. Oh no! Napaaga ang dating ni Drake! Hindi pa naman siya tapos magluto! Ang sabi nito sa kanya kanina ay bago mag alas syete ito darating.

Inabot niya ang kitchen towel at pinunasan ang kamay bago tinungo ang pinto upang buksan.

"You said before sev-" napalis ang ngiti sa labi ni Cali nang mabungaran ang panauhin. It wasn't Drake but Aimee!

"Hello Cali," matabang na bati ng babae. "Can we please talk?"

Napaangat ang isang kilay ni Cali sa kausap. Aimee is being surprisingly civil, almost pleasant na kanyang ipinagtaka. This woman was always aggressive and unpleasant to her ever since, di yata't ngayon ay nag 'please' pa ito?

"What do you need?"

"May I come in?"

"I don't think I have any business with you, Aimee. I'm busy so please-" akma niyang isasara ang pinto but Aimee hands stopped her.

"Please, Cali... Hindi ako nagpunta rito para makipag away. I... I just want to talk." Aimee's voice was almost pleading.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ni Cali bago niluwagan ang bukas ng pintuan, signaling the woman to get in.

"Have a seat," Cali said in a cold voice bago umupo sa katapat na leather settee.

Aimee cleared her throat and looked at her. Taliwas sa tinging karaniwang ibinibigay nito sa kanya na palagi ay naroon ang galit at pagkamuhi, sa pagkakataong ito ay tila malamlam ang mga mata ng babae, na para bang hindi sigurado sa gagawin. Halos ikagulat ni Cali ang nakikitang reaksyon ng babae sa kanyang harapan. Aimee has always been poised and confident, ngunit ngayon ay tila hindi nito alam kung paano siyang kakausapin.

"I...I came here to ask you a favor Cali," Aimee started.

Calista chuckled without humour. "Favor?"

"Please leave Drake, Cali." Tahasang ani Aimee.

Napabuga ng hangin si Calista kasabay ng pag-ikot ng mga mata paitaas. She should've known that Aimee won't be up for any good. Dapat talaga ay hindi niya ito pinatuloy sa kanyang pamamahay.

"If that's all you have to say, makakaalis ka na." Tumayo si Cali, hudyat na pinuputol na niya ang pag-uusap na iyon.

"Listen to me first Cali!"

"Ayoko nang makinig pa sa mga kahibangan mo! Makakaalis ka na!"

"Do you still love Drake? Mahal mo pa ba siya?!" Tumaas ang boses ng babae na napatayo sa kinauupuan.

"And what if I do?" Taas noong sagot ni Cali.

"Then you better listen well to what I'm about to say."

She shook her head in frustration. Walang magandang kapupuntahan ang pag uusap na ito at hindi niya nais pakinggan ang kung ano pang sasabihin ni Aimee!

"If you love Drake, huwag mong hayaang mawala sa kanya ang lahat Cali... If you love him, do this sacrifice for him."

Nagsalubong ang mga kilay niya, "what do you mean?"

"The board will oust Drake as the CEO if you continue your relationship with him."

"Ano ang kinalaman ng personal na buhay ni Drake sa kumpanya?!" she's getting more and more frustrated over Aimee's lame excuses na tila nais na niya itong sampalin ano mang oras!

Aimee laughed na para bang kalokohan ang sinabi niya. "You really don't have any idea how corporate world and conglomerate companies work, Calista," iiling iling na anito.

"Kung ano man ang problema sa kumpanya, I'm sure Drake knows what he's doing," she retorted in a firm voice, "kung yan lang ang sasabihin mo, makakaalis ka na."

"So walang kwenta sa'yo kahit pa matunaw ang buong kumpanya ng mga Lustre? Kahit mawala kay Drake ang lahat para lang maipilit mo ang sarili mo sa kanya?" nakakainsultong ani Aimee.

"Ipilit ang sarili ko sa kanya? Kung mayroon mang namimilit ng sarili rito, ikaw yun!"

"Yes! Because I and my family will benefit Drake and the Lustre's!" humakbang palapit sa kanya si Aimee bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Not only will Drake lose his CEO position kapag ipinagpatuloy mo ang katigasan ng ulo mo... the company will collapse because my father will pull out all his shares from the company kapag hindi niya ako pinakasalan."

Saglit na natigilan si Cali. Her whole body felt cold, bago sinalakay ng galit ang buo niyang pagkatao!

"You evil witch!" buong pagkasuklam na aniya sa kaharap. Kung naksusunog lamang ang apoy na ibinubuga ng kanyang mga mata ay natupok na ang babae!

"...there's also another reason why you should back off, Cali..." may dinukot ito mula sa bitbit na bag at marahang iniabot sa kanya.

Cali clenched her jaws. Ano na naman kayang kalokohan ang binabalak ng babaeng ito? Labag man sa kanyang kalooban ay inabot niya ang papel na hawak nito. She unfolded the paper and started reading.

Cali's hands started to shake as the words written on that piece of paper started to register in her head.

12 weeks...

Single fetus...

Tila nanlamig ang buong katawan ni Cali. Halos nahuhulaan na niya ang ibig sabihin ni Aimee sa pagpapakita nito ng papel na iyon sa kanya, but her mind still refused to believe it.

"A-ano'ng ibig s-sabihin nito?" Tila may nakabalalak sa kanyang lalamunan at halos hindi lumabas ang tinig mula sa kanyang lalamunan.

"I'm expecting Cali... at si... si Drake ang ama..."

Pagak siyang tumawa, pilit iniiwas ang paningin sa babaeng kaharap upang hindi nito makita ang agad na pag-iinit ng kanyang mga mata.

"And you expect me to believe that?"

"Alam kong hindi ka tanga Cali. Do you think na walang nagyayari sa amin ni Drake? Do you think we ended our relationship since Hong Kong 5 years ago?"

No. No. No! This isn't happening! Drake loves her and they will be together again. Hindi ito magagawa ni Drake sa kanya...

"I'm not gonna lie and tell you na walang nangyari sa amin ni Aimee in the past years..." she remembered Drake told her once. Mas nag igting ang pag-iinit ng kanyang mga mata, kung hindi niya pipigilan ay magmumukha siyang kawawa at katawa-tawa sa harapan ng babaeng ito kapag tuluyan siyang napaiyak.

Cali slumped back on her seat, nasa kamay pa rin niya ang papel na iniabot ni Aimee.

Aimee knelt down in front of her at marahang ginagap ang kanyang nanlalamig na mga kamay. Tila namanhid na yata si Calista dahil kahit na gusto niyang iwaksi ang kamay ng babae ay hindi niya nagawa.

"I'm begging you Cali... please..." may luhang nahulog mula sa mga mata ni Aimee, "please... huwag mong agawan ng ama ang anak ko..."

*******

Ilang minuto nang nakaalis si Aimee ay nanatili lamang si Cali sa kinauupuan, parang ayaw kumilos ng kanyang katawan. Ang tangi lamang niyang nararamdaman sa mga oras na iyon ay ang tila libo libong patalim na tumarak sa kanyang puso.

Why does she have to go through this once again? Hindi pa ba sapat ang isang beses na kamatayan ng kanyang puso? Must she die all over again like this?

Tila isang dam na kumawala ang kanyang tinitimping mga luha. She pounded her chest with her hand, umaasang sa pamamagitan niyon ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman.

The memories of her time with Drake flashed before her eyes. Kasinungalingan lamang ba ang lahat ng mga pinagsaluhan nila? Were the laughters they shared all a sham?

Ilang sandali pa niyang hinayaan ang sariling lumuha, ilabas ang lahat ng bigat at sakit na kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon, pagkatapos ay tumayo at iniayos ang sarili.

She knows what she has to do. She's never liked Aimee and she can never forgive how the woman ruined her marriage 5 years ago, ngunit hindi rin niya kayang magbulag bulagan sa katotohanan. Pinahid niya ang mga luhang malaya pa ring naglalandas sa kanyang mga pisngi bago huminga ng malalim. Gulong gulo ang isip niya at tila ikamamatay na yata niya ang mga natuklasan. Ganoon pa man, kailangan niyang maging matibay, kailangan niyang harapin ang katotohanan.

Isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. Tumayo siya at muling isinuot ang hinubad na apron.

Let me love you one last time tonight, Drake, before I let you go...