Chereads / Minsan Pa / Chapter 34 - Chapter Thirty Four

Chapter 34 - Chapter Thirty Four

Malakas na buntong hininga ang ginawa ni Drake bago tinungo ang lamesitang kinapapatungan ng whisky sa isang sulok ng kanyang opisina, bahagya niyang niluwagan ang suot na necktie bago nagsalin ng inumin sa kopita. Inisang lagok niya iyon. He normally doesn't drink this early in the morning but it seems like he needed a sip today, paano ay hindi niya maiwaksi sa isipan ang eksena sa pagitan nina Cali at Matt kanina.

Humigpit ang tangan niya sa baso. Damn it! He wanted to strangle Matt's neck! Hindi niya alam kung bakit tila nagbabalik yata siya sa pagka teenager sa nararamdaman niyang ito, daig pa niya ang isang binatilyong nagseselos!

Padaskol niyang naibaba ang baso sa marmol na console table na iyon. He is pissed off that Cali doesn't seem to budge to his demand na tapusin ang anomang kaugnayan nito kay Matthew Esteban, kahit pa pinaniwala niya itong may nangyari sa kanilang dalawa sa Tagaytay a week ago. Para siyang isang paslit na napangiti ng maalala ang kaganapang iyon.

*******

Tagaytay, one week ago...

He went straight up to their room after grabbing a few snacks from the small reception downstairs. Bukod sa sandwich at chips ay wala ng iba pang pagkaing ini-ooffer ang motel, sinamahan niya iyon ng ilang boteng beer. He is not really a beer type of guy but he feels so tired and wants to unwind.

Pagbukas niya ng pinto ng silid ay inabutan niya si Calistang nakatalukbong ng kumot sa kama, nakita pa niya ang bahagyang pagkislot nito sa gulat ng maramdamang pumasok siya ng silid. Nais niyang matawa, masahol pa yata sa multo ang pinagtataguan ng dalaga.

He sat on the bed, inilapag ang dalang snacks na nakasupot. "Eat something. Hindi pa tayo nakapag hapunan man lamang."

"I-I'm good."

Naiiling siyang tumayo at tinungo ang maliit na cabinet sa isang gilid kung saan nakapatong ang isang lumang coffee maker. Binuksan niya ang mga drawer niyon, umaasang mayroong pambukas ng beer na makikita. His eyes lit up when he found what he was looking for.

"Cali, para naman akong kriminal sa inaakto mo," binuksan niya ang bote ng beer na hawak at tinungga iyon. "It's not like we're complete strangers. Kumain ka na, wala akong gagawin sa iyong masama."

"Ayoko ngang kuma-" Nanalaki ang mata nito nang walang paalam niyang hilahin ang kumot na pinagtataguan nito. Dahil sa biglaan ang pagkakahila niya ay naalis ang pagkakatabing hanggang sa gawing dibdib nito. Her lacy bra was exposed to his eyes.

Galit na nilabnot ni Cali mula sa kanyang ang kumot at hinila hanggang sa leeg nito. "Manyakis ka talaga Drake!"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at sa halip ay iniabot dito ang sandwich. "Eat," he commanded.

"You really don't take no for an answer, don't you? Hindi ka pa rin nagbabago."

He smirked. "You still know me all too well, Sweetheart."

Kung nakasusugat lamang siguro ang tinging ipinukol nito sa kanya ay hindi na siya magtataka kung duguan na siya. Ganoon pa man ay tumalima ito at nagsimulang kagatin ang hawak na sandwich.

Bukod sa tunog na nagmumula sa lumang aircon sa silid ay walang ibang ingay na namayani sa pagitan ng dalawa. Si Calista ang unang bumasag niyon makalipas ang ilang sandali.

"C-can I also have a beer?"

Takang tinitigan niya ito. "You don't drink."

Tila nahahapong tinignan siya nito. "Lahat na lang ba ay kailangan natin pagtalunan, Drake? Can you just please give me a freakin' beer?"

"All right." He said resigned. He opened another bottle and handed it to her. He watched her carefully as she chugged down the liquid like it was water. Marami nga sigurong nabago ang limang taon sa pagitan nila; 5 years ago, Cali couldn't even stomach the taste of beer.

"Kailan ka pa naging lasengga?"

Sa kanyang pagkabigla ay bumunghalit ng tawa si Cali sa halip na mairita sa sinabi niya.

"Lasengga talaga? Old fashioned ka lang, Mr. Lustre."

"You never drank before..."

"Well... I've learnt a lot of things ever since we - " Cali stopped mid-sentence, as if realizing that it wasn't a good topic for a conversation. "I like this beer," pag-iiba nito ng usapan.

A bottle turned into two, then three... Isang beses pa ulit siyang bumaba upang kumuha ng ilang bote dahil tila nagustuhan ni Calista ang pag-inom ng gabing iyon. She loosened up a bit, marahil ay dahil sa espiritu ng alak na alam niyang unti-unti ng nakakaapekto sa dalaga.

For the first time since they met again, ngayon lamang niya ito nakausap ng walang pakikipag angilan. Sa unang pagkakataon simula ng mawala ito sa buhay niya, ay muli niyang nasilayan ang ngiti nito, ang malutong na halakhak. If only he could freeze this moment for eternity, he would.

"...and then you know what? Halos na nose bleed talaga ako sa mga Briton! Siguro mga ilang buwan din yun bago ko naintindihan accent nila!" Masayang kwento nito na sinundan ng tawa at muling lagok ng beer.

Naiiling siyang umisod palapit sa dalaga at marahang pinunasan ang gilid ng labi nitong nabasa mula sa pagkakainom.

"Drake..." anas nitong namumungay ang mga mata sa kanya.

"I think that's enough, sweetheart. You're drunk already..." Akma niyang aabutin ang hawak nitong bote ngunit iniiwas iyon ng babae.

Umalis sa pagkakaupo si Calista at lumuhod sa kama, inching closer to him. Ang kumot na tumatakip sa katawan nito ay nahulog, exposing her body to him na tanging isang pares ng underwear ang tumatakip.

Ipinantay ng babae ang mukha sa kanyang mukha bago nagsalita. "Bakit Drake? Bakit?" Her right hand caressed his cheek.

Puno ng tanong ang mga matang tinitigan niya ang magandang mukha nito. "What do you mean, sweetheart?" He caught her hand and brought it to his lips, gently kissing it.

"God damn it why do I still miss you?!" Bulalas ni Cali na halatang lasing na.

Saglit siyang natigilan sa sinabi ng dalaga.

So this is how you truly feel, sweetheart. Parang isang batang nakalutang yata sa mga ulap ang puso niya sa sandaling iyon.

Daglian niya itong kinabig palapit sa kanya sa isang mahigpit na yakap. God! This must be heaven! He must be going crazy right now dahil para siyang isang desyertong noon lamang muli nakatikim ng patak ng ulan.

"Oh sweetheart!" he exclaimed, giving her neck a wet kiss. He would've gone ahead and made love to her right there and then kung hindi lamang niya naramdamang tila nawalan yata ng malay si Cali sa kanyang mga bisig.

Marahan niyang inilayo ang babae sa kanyang sarili. He was right, she fell asleep.

He lovingly kissed her forehead before tucking her back in bed. Marahan siyang nahiga sa tabi nito at muli itong niyakap. "I've missed you so too, sweetheart..." he whispered to her ears bago siya iginupo ng antok.

*******

"How's the hotel preparations going?"

Saglit na napatigil si Drake mula sa pagkain at tinapunan ng tingin ang ina. It was a Sunday, and like the other Sundays, he visited his mom Evelyn, for brunch.

"It's going good," he answered briefly. Hiniwa niya ang isang piraso ng bacon at isinubo.

"I heard some interesting news from Aimee..." sadyang ibinitin ng ina ang sinasabi. Halos nahuhulaan na ni Drake kung anong balita ang ihinatid ni Aimee sa ina.

"oh really?" painsonteng sagot niya.

"Is it true that your ex-wife is working with you on this project?" tila may asido ang dila ni Evelyn nang mabanggit ang salitang "ex-wife".

Tumango tango si Drake. "Yes, we hired their interior design company."

"Fire her," maikling utos ng ina.

Kalmadong inilapag ni Drake ang baso ng juice na iniinom at pinunasan ng napkin ang bibig bago sumagot. "I can't do that."

"Bakit hindi? If you are worried about the contract termination fee, you have my consent to just pay that fee off and-"

"It's not about the fee, mama."

Evelyn impatiently put down her fork, lumikha iyon ng ingay sa plato. "What is it about then?"

Muling dinampot ni Drake ang baso at uminom. "They are actually good, and I am a professional mama. I won't let any personal issues get in the way of work."

Mapanuring tingin ang ibinigay ng ina sa kanya, na para bang winawari kung nagsasabi siya ng totoo.

Bumuntong hininga ang matandang babae. "Hindi pa rin maganda kung malalaman ng mga tao na dati kang may relasyon sa babaeng iyon."

He chuckled. "It's all in the past mama at wala akong pakialam sa kung ano mang sabihin ng mga tao."

"Baka nakakalimutan mo na ang ginawa sa iyo ng babaeng 'yon?!"

"Ma, let's not talk about it please."

"Aba! Huwag na huwag mong kalilimutan ang panloloko ng babaeng 'yon sa iyo! She made you into a fool Drake!"

Nagtagis ang kanyang mga bagang sa sinabi ng matandang babae. Anim na taon na nga marahil ang nakaraan ngunit ang sakit na dulot ng pangyayaring iyon ay hindi basta basta maiaalis sa kanyang isipan at pagkatao.

"That bitch made you into a-"

Malakas na hinampas ni Drake ang lamesa. "I said I don't want to talk about it!" Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan at tinalikuran ang ina.

"Drake! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Drake!"

Malinaw sa pandinig niya ang pahabol na tawag ng ina ngunit hindi niya iyon pinansin. Dumeretso siya sa sasakyan niya at ini-start iyon.

"Fuck!" he slammed his hand on the steering wheel. Halos mag-igting ang mga bagang niya kasabay ng pagragasa ng mga ala-ala ng nakaraan...