Ilang linggo ang matuling lumipas na halos hindi magtagpo ang landas nina Cali at Drake. Nagsimula na kasi ang proyekto kaya't naging labis silang abala ni Matt at mas maraming oras ang iginugol nilang dalawa sa site sa Tagaytay kaysa sa opisina sa Maynila. Si Drake naman ay nabalitaan niyang lumipad pa Australia para sa isang business conference.
Sa totoo lang ay hindi na mainitindihan ni Cali ang sarili. Kapag nariyan si Drake ay daig pa niya ang isang dagang nakakita ng pusa kung makaiwas, ngunit ngayon namang ilang linggo na niya itong hindi nakikita o nakakausap ay parang kaybigat naman ng kanyang kalooban.
"Huy, kainin mo kaya yan kesa laruin noh?" sita ni Matt sa kanya. Kasalukuyan silang nanananghalian at hindi niya namalayang nilalaro lamang niya ng tinidor ang inorder na spaghetti sa halip na kainin.
She sighed. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Is she missing that bastard? Bakit ba parang may kulang ngayong hindi niya ito nakikita?
"Ang lalim naman ng buntong hininga na yan, friend. Miss mo si pogi hano?" Si Matt.
She gave out another sigh and looked at Matt, "I don't know what's happening to me, Matt... it's like, I get so nervous and almost mad when he's around but when he'a not around..."
"You miss him?"
Binitiwan niya ang tinidor at sumandal sa kinauupuan, isang malalim na buntong hininga ang muli niyang ginawa. "Damn it Matt! Am I an idiot? Am I crazy? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Maybe I need to see a pyschologist?"
Matt chuckled. "Hindi mo kailangan ng pyschologist dear. Madali lang ang sagot sa tanong mo. You're still in love with Drake."
Pinandilatan niya si Matt. "Don't be ridiculous! I told you I can never forgive him for-"
"Cali, sarili mo lang ang niloloko mo. You know it. Mahal mo pa rin ang ex-husband mo. Kahit gaano mo pa i-deny, the fact that you are still madly in love with him, doesn't change," litanya ni Matt.
Pansamantalang hindi siya nakasagot sa sinabi ni Matt, pilit kinakapa ang damdamin sa tinuran ng kaibigan.
Oh God! Is she still really in love with him? After all these years? After every pain he had caused her?
"P-pero I swore that I can never forgive him for what he's done, Matt. You know what I lost because of him..." hindi niya maitago ang lungkot sa tinig pagkaisip sa mapait na ala-alang iyon. Their child would've been turning 5 years old by now, kung hindi lamang dahil sa kataksilan ni Drake. Will she ever be able to look past that?
Mataman siyang tinitigan ng kaibigan bago ginagap ang kanyang mga kamay. "Past is past, chica. Hindi mo na maibabalik kung ano man ang nawala at nangyari noon, but you have a whole future ahead of you, kasama ang taong mahal mo, kung matututunan mo lamang magpatawad."
"Granting na totoo ngang mahal ko pa siya, paano kung hindi naman ganoon ang nararamdaman niya sa akin? Takot na akong masaktan ulit Matt... baka hindi ko na makayanan. You were there during those times of my life at alam mong hindi biro ang pinagdaanan ko para marating kung nasaan man ako ngayon."
"I know. But ask yourself, is loving and fighting for him worth the risk? Isa pa, pupusta ako sa iyong mahal ka pa rin ng ex mo."
"Hmp," bahagyang iningusan niya si Matt. "Don't give me false hopes!"
Inikot ni Matt paitaas ang mga mata bago tumawa. "Diyos ko! Manhid ka ba para hindi makita? He is still totally crazy about you! Hindi mo ba nakikita kung gaano kasamang tumingin sa'kin si pogi tuwing makikita ako? Aba eh kung minsan natatakot akong baka bigla na lang akong banatan 'nun eh!"
Napangiti si Cali sa tinuran ni Matt. Siguro nga ay kailangan niyang matutunan ang magpatawad. Siguro ay panahon na para masabi niya kay Drake ang buong katotohanan ng kanyang paglayo. Kung totoong mahal pa rin siya nito, maybe they can start anew?
******
Nang gabing iyon ay halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ng kaibigan, kasabay ng paninimbang ng sariling damdamin.
Mahigpit na niyakap niya ang unan sa dibdib. Just thinking about him - his smile, his face, his scent... everything about the man sends her heart to overdrive. Daig pa niya ang teenager na naka-experience ng first love.
"Oh my gosh..." mahinang usal niya, dinama ng kamay ang tapat ng dibdib, "...I... I really do still love the bastard..." bulong niya sa sarili.
Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog, ngunit alam niyang nakatulog siyang may ngiti sa mga labi matapos mabuo ang isang desisyon sa kanyang isipan.
*******
Kinabukasan ay maagang bumangon si Cali. May sigla siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Hindi siya karaniwang mahilig maglagay ng make-up ngunit exception ang araw na ito.
This is the day that Drake comes back from his trip, at nais niyang puntahan ito sa opisina ng huli upang makausap. She felt butterflies in her stomach just thinking about seeing him again, hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.
She opened her wardrobe and scanned for the perfect outfit. Naka ilang sukat siya ng mga damit bago napagdesisyunang isuot ang isang baby blue chiffon top, long sleeve iyon ngunit see-through ang manggas. Button down ang blusa na mayroong disenyong ruffle sa dibdib. Itinerno niya iyon sa hapit na paldang itim na ang laylayan ay umabot lamang sa itaas ng kanyang tuhod. Sa mga paa ay isang pares ng itim na Christian Louboutin pointed pumps ang kanyang suot na ang takong ay humigit kumulang tatlong pulgada.
She pulled her hair up into a bun, letting a few loose strands frame her face. Nagpahid siya ng manipis na pink lipstick sa labi at matapos makapag spray ng paboritong pabango ay nasisiyahan siyang muling umikot sa harap ng salamin.
She looks perfect! Simple but elegant. Ang magandang hubog ng kanyang katawan ay lalong mapapansin sa suot na damit. Ang manipis na make-up na kanyang ipinahid sa mukha ay lalong nagpatingkad sa kanyang natural na ganda. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago dinampot ang bag at lumabas ng silid.
"Good morning, Ms. Rodriguez," magiliw na bati ng receptionist sa kanya.
"Hi Carla! Is Mr. Lustre already in?" nakangiting tanong niya sa babae.
"Not yet, ma'am. Baka maya maya pa po 'yun. May appointment kayo with him today?"
"Ah...n-no. There was just something important I have to talk to him about. Can I wait for him here?"
"Oh for sure!" nakangiting tugon ni Carla, "coffee? tea?" alok nito.
"Espresso please. Thanks." Tinungo niya ang counch na naroroon at naupo.
Hindi nagtagal ay bumalik si Carla dala ang isang tasa ng espresso, maingat na inilapag iyon ng babae sa lamesita sa kanyang harapan. "Let me know if you need anything else," dugtong ng babae. Isang tango at ngiti ang kanyang naging tugon.
Naiinip na sinulyapan niya ang relo sa bisig. 10:30. Mahigit isang oras na siyang naghihintay ngunit ni anino ni Drake ay wala. Siguro ay napagod ito sa byahe at napagpasyahanang hindi muna pumasok.
May panghihinayang siyang tumayo mula sa kinauupuan at muling pinuntahan si Carla sa reception desk. "I'll just come back tomorrow Carla. Hindi siguro papasok si D-"
Nagulat pa siya ng dagliang napatayo si Carla mula sa kinauupuan nito. "G-good morning ma'am!" halos tarantang bati ng babae sa kung sinomang naroon ngayon sa kanyang likuran.
"Si Drake?" anang isang pamilyar na tinig.
Cali almost froze. Nahiling niyang sana ay nagkakamali siya ng hinala!
She slowly turned around to face the woman behind her and she wasn't wrong!
Standing a few steps away from her was none other than Drake's mom, her ex-mother-in-law, Evelyn Lustre!