-----
-Walong oras matapos makabalik si Hiraya-
"We have foods for three persons, pero para sa isang araw lang ito." Tiningnan ni Hiraya ang nakapatong na mga pagkain sa isang mesa, nasa ilalim noon ang ilang mga bag.
Sa kanan niya ay nakatayo si Ma-ay, napalingon siya kay Ganit at sa mga pagkain.
"Hindi ito sapat babyboy, kung magtatagal tayo sa loob ng dungeon na ito ay kailangan nating makahanap ng stable na food source. Isa pa, ah, anlagkit na ng katawan ko, hulaan mo kung sinong may gawa." Napahagikgik si Ma-ay tapos ay muling sumeryoso ang mukha.
"..." Namumula ang mukha ni Hiraya pero seryoso pa din siyang nakatingin sa mga pagkain. Ilang piraso ng chocolate bar, tatlong plastic bottle ng tubig; ang isa ay kalahati nalang at yung dalawa ay medyo puno pa. Nagkalat ang mga ilang plastic bottle sa lapag at wala na ang mga laman nito. May mga candies at ang pinaka-nakakabusog ay ang nag-iisang cup noodle, kung paano nila lalagyan iyon ng mainit na tubig ay isa pang malaking tanong. Ito lang ang mga pagkaing nahanap nila sa loob ng silid.
"Can we eat those?" Nag-aalangang tanong ni Ma-ay kay Hiraya. Puno ng kaseryosohang napatingin naman si Hiraya kay Ma-ay at sa itinuro nitong mga duwende.
"Maybe.. but you see, paano natin lulutuin yan? Alangan namang kainin natin sila ng buo at hilaw." Napa-pogi pose si Hiraya.
"Oo na pogi kana, in-fairness babyboy ha, nawala na ang mga itim na nakapalibot sa mata mo." Pabirong sabi ni Ma-ay habang sinusundot ang pisnge ni Hiraya.
'Ah yeah. I guess. Mataas na ang vitality ko at nakapagpahinga na ako ng maayos, siguro dahil nabawasan na rin ang stress na nararamdaman ko, uhm.. dahil may 'kasama' na ulit ako.'
Binalikan ni Hiraya ang mga nangyari kanina bago siya makatulog, namula ang mukha niya at naramdaman niyang bumubulong si Ma-ay sa kanyang tainga. Tumayo ang mga balahibo ni Hiraya at tiningnan ang kanyang stamina sa status screen, 152 na ito at patuloy na umaangat dahil wala siyang ginagawa, kanina ay halos maubos ang stamina niya matapos ang isa pang round ng pagtatalik. Puno na muli ang mana niya dahil wala na siyang iba pang mai-identify sa loob ng silid.
Nadiskubre niya din ang ilan pang mga bagay, gaya ng:
[High School Uniform]
-A uniform used by a student.
+1 physical defence
Durability: 4/10
[School Shoes]
-A leather shoes used by a student.
+2 physical defence
+1 Agility
Durability: 5/10
Ang mga gamit niyang mga damit ay kinokonsider ng system na mga item, yun nga lang ay level 2 palang ang kanyang passive skill na equip kaya dalawang item lang na may stats ang pupwede niyang isuot.
Natuklasan iyon ni Hiraya kanina habang ini-explore ang mga algorithm ng system. Kapag hinigpitan niya ang hawak niya sa broad sword ay hindi nagreregister ang bonus stats nito sa stats niya, inisip niyang alisin ang stats sa uniporme niya at palitan iyon ng stats ng broad sword atsaka lamang nadagdag ang stats ng nahuli.
[Passive basic skill: Equip]
-User can equip 2 items at once.
Isa pa sa mga nadiskubre ni Hiraya patungkol sa mga item ay hindi umaangat ang skill exp nito kung hindi niya ginagamit ang item, halimbawa, ang uniporme niyang may +1 physical defence; hindi umaangat ang exp ng equip hanggat hindi na titriger ang depensang taglay ng item. Kaya naman ang naka-equip ngayon kay Hiraya ay ang sapatos niya. Kapag gumagalaw siya gamit ang paa niya ay umaangat din ang exp ng skill na equip.
Dumako naman ang tingin ni Hiraya sa kanyang stamina. May notification si Hiraya kanina na isang babala, patungkol ito sa current status niya na Fatigued - kanina iyon bago siya makatulog sa dibdib ni Ma-ay. Kapag bumaba ang lebel ng stamina sa isang punto ay magkakaroon siya ng mga status, ang pinakamababa ay ang Exhausted, na kung saan ay hindi na halos makagalaw si Hiraya na ang pakiramdam niya ay parang may 1000 kg sa bawat parte ng katawan niya. Bumaba sa 2 digits ang stamina niya dahil sa dalawang beses na magkasunod nilang pagtatalik ni Ma-ay.
Napakaimportante na natuklasan ni Hiraya ang bagay na iyon dahil kung magkataon na nakikipaglaban siya at bumaba sa 2 digits ang stamina niya ay maaring maging dahilan iyon ng kanyang pagkasawi.
Bumalik ang diwa ni Hiraya sa kasalukuyan.
"Hindi pa rin nagigising si Ganit." Napatingin si Hiraya sa babaeng naglalaway habang natutulog, nakakalat ang kamay nito kung saan at nakataas pa ang isang paa sa nakatumbang upuan. Nasilip ni Hiray ang asul nitong tipan.
Pak!
"Come on now, hindi ko kasalanang ganyan matulog ang kapatid mo." Napakamot ng ulo si Hiraya, doon sa kinotongan ni Ma-ay.
"Hehe, so ano na ang plano natin pag nagising na si Ganit... ahm?" Napansin ni Ma-ay na parang may gustong sabihin si Hiraya, o may gusto itong itanong.
Napangiti si Ma-ay, alam niyang nagtataka si Hiraya kung bakit sila magkapatid ni Ganit, bumuntong hininga siya, inayos ang mga sasabihin at sinabi, "Kapatid ko sa ama si Ganit, nagkaroon daw ng kabit si ama at halos magkalapit lang kami ni Ganit ng buwan kung kailan naipanganak. Itinago iyon ni ama kay mam... sa babaeng iyon at nang aminin ni ama na may ibang babae siya naging magulo ang pagsasama nila. Ang sabi pa ni mam.. ng babaeng yon ay iniwan kami ni ama at sumama sa ibang babae, iyon ang pinaniwalaan ko habang tumatanda ako." Habang nagkukwento si Ma-ay ay nakatulala siya.
"Tumira kami sa mga kamag-anak ni mama. Limang taon ako noon ay marami na akong alam na gawin. Magluto, maglinis, maglaba, mag-alaga ng baby, mangolekta ng mga pautang ni tiya Guwana at marami pang iba.
Sa bawat taong nagdaan ay nagbago si mama. Umuuwi si mama na lasing na lasing, papagalitan niya ako, sasaktan, at papalabasin ng bahay dahil nakalimutan kong isara ang bintana. Hik. Araw-araw ay may panibago siyang dahilan para saktan ako. Hik. Hanggang sa biglaan nalang siyang nawala na parang bula. Iniwan na daw niya ako sabi ni tiya Guwana. Nagpatuloy ang buhay ko bilang alila sa bahay ng tiyahin ko. Hik.
Tapos anim na taon ako nung dumating yung araw na nahanap ako ni ama. Binawi niya ako kila tiya Guwana, umabot pa iyon hanggang sa korte at sa huli ay... hik, sumama ako.. hik, kasi ayoko na sa puder nila tiya."
Ilang minutong humihikbi si Ma-ay, hinahagod ni Hiraya ang likod nito at tahimik na pinapakinggan ang bawat hinaing ni Ma-ay. Hindi alam ni Hiraya ang buong kwento dahil puro pagbubugbugan, habulan, pagtatawanan at pagtatalik lang ang naranasan niya kasama si Ma-ay, basta ang alam niya lang ay iniwan siya ng nanay niya.
Ni minsan ay hindi nito nakitang magkasama sila ng kapatid niya... 'Alam kaya ni Ma-ay na isa sa mga protagonist si Ganit? Hmm I should tell her.'.. Napabuntong hininga si Hiraya sa naisip niya.
Kumalma na si Ma-ay at nakangiti niyang tinitigan si Hiraya.
"Sa panibagong bahay ay doon ko nakilala si Ganit, kapatid ko raw siya. Nagtaka ako noon kung bakit dadalawa lang sila at wala ang nanay ni Ganit pero ang sabi ni ama ay wala na ang ina ni Ganit. Parehas kaming walang ina at si ama nalang ang kasama kaya mabilis kaming nagkapalagayan ng loob.
Ilang taon ang lumipas ay natuklasan ko ang totoo. Ayon kay ama ay ampon si Ganit, nakita niya ito sa daan at balak na kupkupin. Inayawan iyon ni mama at iyon ang naging dahilan nang pagtatalo nila hanggang sa nauwi sa hiwalayan. Sanggol pa ako noon."
"Nabuhay ako kasama si ama at Ganit, nag-aral at natuto, nagsanay at sumali sa mga kompetisyon sa larangan ng martial arts. Isang araw ay nagunaw ang mundo namin ni Ganit, nabaril daw si ama sa isang holdapan, nanlaban daw siya kaya siya binaril."
"Sumalangit na si ama... o kung nasaan man siya, malaki ang utang na loob ko sakanya, kaya naman poprotektahan ko ang iniwan niya - si Ganit. Alam ko ang pakiramdam ng walang kakampi, ng walang karamay, na ang akala mo ay ikaw lang ang nahihirapan." Pinunasan ni Ma-ay ang kanyang luha, at muling itinuloy ang kwento.
"Hindi ko nabanggit sayo kahit kailan si Ganit dahil... ayoko namang pati ikaw ay magtuon pa ng pansin sa problema ko. Noong mga panahon na iyon ay ikaw ang nagpapasaya sa akin kaya naisip kong wala akong karapatan para.." Napatigil si Ma-ay nang yakapin siya ni Hiraya.
"Shhh, It's okay now. Tapos na ang mga yon, andito na tayo at magkasama, andito na rin ang kapatid mo. Mapoprotektahan mo na siya at maaalagaan. We just have to cherish what we have now, okay?" Nakangiting tumingin si Hiraya kay Ma-ay, hinalikan niya ito sa noo at hinagod ang buhok.
"Yaaawn! Tsikup tsukup.."
Narinig ni Ma-ay at Hiraya ang paghikab at paglasap ng laway ni Ganit. Napatingin silang dalawa sa direksyon nito. Agad na tumakbo ang dalawa at dalawang magkapatong na kamay ang tumakip sa bibig ni Ganit bago pa man siya sumigaw.
Nahintakutan si Ganit ng mapatingin kay Hiraya, tila nasa-isip nito na hahalayin siya ni Hiraya kaya naman nagpumiglas siya pero napatigil iyon nang makita niya ang mukha ng babaeng nakangiti sakanya, sumenyas ang babae na huwag maingay.
Biglang pumasok sa isipan ni Ganit ang mga ala-ala niya kasama ang babae at ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay.
Ang pagkawala ng babaeng nakangiti sakanya, kung paano siya nahirapang mag-isa, ang mga luha na gabi-gabing pumapatak sa mga mata niya. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang mga halimaw, mga nakakatakot na halimaw, mga taong tumatakbo, sila Borhe at ang traydor na si Pam, ang pagpasok niya sa silid nato at ang pakikipaglaban niya sa isang maliit na berdeng nilalang.
'Ah, ang mga sugat ko! Ha? Asan ang mga sugat ko?' Takang tanong ni Ganit sa sarili nang kapain niya ang kanyang katawan.
Napatingin siyang muli sa babae.
"Ganit, ako to ang ate mo. Si Ma-ay." Bakas sa mukha ni Ma-ay ang galak na nagkamalay na ang kanyang kapatid. Mabilis ang pagtibok ng puso niya at tila kinakabahan siya, gusto niyang yakapin ang kapatid nang mahigpit na mahigpit.
Kumunot ang noo ni Ganit at sumimangot siya, "Ate? Wala akong ate!" Pagalit nitong singhal kay Ma-ay. Tumayo ito at walang abog-abog na naglakad papunta sa direksyon ng pintuan.
Tila tumigil ang mundo ni Ma-ay sa kanyang narinig. Hindi niya namalayang rumaragasa na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ng kanyang kapatid, bakas ang puro nitong galit sa pagtanggi na ate niya si Ma-ay.
Napatanga saglit si Hiraya at nalukot ang nakangiti niyang mukha, napalitan ito ng katakot-takot na ekspresyon. Tumayo siya at pinulot ang broad sword na nakasandal sa sulok. Galit na galit niya itong itinutok sa direksyon ni Ganit.
"Make one more step and I will kill you!"
Napatigil si Ganit. Isang katakot-takot na premonisyon ang naramdaman niya, para bang tinititigan siya ng isang mabagsik na halimaw. Nanginig ang tuhod niya kasunod ng panginginig rin ng buo niyang katawan. Isang hakbang nalang ang layo niya sa pintuan pero pakiramdam niya ay napakalayo niyon at sa oras na humakbang siya ay... lalong nanginig sa takot ang katawan at isipan ni Ganit.
Pinilit niyang tumayo ng tuwid at hinarap ang mabangis na halimaw. Hawak niyon ang isang malapad pero may kaiksiang espada, nakatutok iyon sa direksyon niya. Umangat ang pangingin ni Ganit sa mukha ng halimaw. Pulang-pula ang mga mata nitong nakatitig sakanya na para bang gusto siyang balatan at nakangiti nitong papakinggan kung gaano kalakas ang pag-sigaw niya. Mabilis itong humihinga na parang inaamoy ang takot niya. Nakangiti ang halimaw at sobrang luwang nito na kitang-kita niya ang maputi at matatalas nitong mga pangil.
Napa-upo si Ganit sa lapag at nagsimulang tumakas ang likido sa kanyang pantog.
"Shit! babyboy, stop! What are you doing? You're scaring the hell out of her!" Bago pa maawat ni Ma-ay si Hiraya ay mabilis na hangin nalang ang nahawakan niya at naglaho si Hiraya na parang bula sa paningin niya. Napatanga si Ma-ay habang nanlalaki ang mga mata niya. Nang mapatingin si Ma-ay kung nasaan si Hiraya ay hawak na ni Hiraya sa damit si Ganit. Pinulot ni Hiraya si Ganit at inangat ito papalapit sa mukha niya, naglapit ang mga noo nila at narinig ni Ma-ay ang pag bulong-sigaw ni Hiraya.
"Alam mo ba ang sinasabi mo? Hindi kita niligtas para talikuran lang nang basta-basta ang ate mo! Hindi ko alam ang nangyari sayo pagkatapos mawala ng ate mo pero isa lang ang sasabihin ko sayo! Hindi kagustuhan ng ate mo ang maglaho, ako ang may kasalanan non! I wished I was the one who vanished witout a trace, para hindi sana nangyari ang mga nangyari. Kung may gusto ka mang sisihin ay ako ang sisihin mo! Ha! HAHAHA! I just saved your life, siguro ay patas na ang kabayaran nayon para sa pagkakamali ko. Natupad na ang kahilingan kong bumalik siya at ayokong makitang nasasaktan siya, get it?" Nakatangang nakatitig ang nanlalaking mga mata ni Ganit kay Hiraya. Takot na takot siyang tumango at napalingon kay Ma-ay, umiiyak ito at magkadaop ang dalawang kamay.
Nang mabalik ang tingin ni Ganit kay Hiraya ay nawala na ang nakakatakot nitong awra, tila isang panaginip lang ang naranasan ni Ganit, tanging tamad na tamad na itsura nalang ng lalaki ang nakita niya. Binitawan siya nito at sinabi, "Talk to your sister, hindi ako ang magkukwento sayo ng mga nangyari pero ito ang itaga mo sa kokote mo. Mahal na mahal ka ng ate mo." Binitawan ni Hiraya si Ganit at napaupo ulit ito sa sahig.
"Ma-ay, lalabas muna ako at maghahanap ng pagkain, babalik ako after 3 hours. Pagbalik ko, we'll talk again on what should we do next." Dahan-dahang binuksan ni Hiraya ang pintuan, sumilip sa hallway at dahan-dahan din siyang naglakad palabas.
Nagkatinginan ang magkapatid. Lumakad papalapit si Ma-ay at takot na takot na tumakbo si Ganit papalapit sakanya.
"Ate, takot na takot ako! Sino ang nakakatakot na halimaw nayon at bakit ka niya kilala? Tsaka saan kaba nagpunta, ha? Miss na miss na kita! Huhuhuhu"
Tila nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan, puso at isipan ni Ganit matapos ang kanyang naranasan. Nawala lahat ng inis at tampo niya sa kanyang ate, hinanap ng katawan niya ang comfort na dala ng yakap ng kanyang ate kaya naman nang yakapin niya si Ma-ay ay kusang tuloy-tuloy na nagtanong ang bibig niya.
Niyakap din ni Ma-ay ang kapatid, napatingin siya sa pintuan at napangiti. 'Mag-iingat ka babyboy' Bigkas ni Ma-ay sa sarili.
Makikita sa silid ang isang batang umiiyak na nagsusumbong dahil may nang-away sakanya at ang ate nitong pinapakalma at pinapalubag ang loob ng kanyang nakababatang kapatid.
"Aoow sino away sayo ha? Sino away, turo mo sakin kung sino away at gugulpihin natin. Aoow wag na iyak ang bulilit ko, ooow tahan na, may pagkain dala si ate, gusto mo? Ow ayan wag na iyak, masarap ba ang chocolate?"
-Wakas ng Volume 1: Ang aking Hiling
-Sunod ay ang Volume 2: Paano Mabuhay sa Loob ng Isang Dungeon